Thursday, January 26, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 32



CHAPTER 32
(SAMIRA ALMIREZ POV)



“Oh malungkot ka na naman. Third day pa lang ng klase nakasimangot ka na.”




Nginitian ko lang si Kian. Gusto ko siyang sabihan ng problema pero kapag ginawa ko yun, masasabi ko din na may secret relationship ako with my nephew-in-law. “Wala ‘to Kian. Kunyari lang bida ako sa isang kwentong pang-drama.”




“Parang hindi bagay.” At kinurot niya ang pisngi ko. Ang dali nga naman kasing makapalagayan ng loob itong si Kian. “Pang-comedy ka eh.”




“Hoy! Ang buhay ko hindi palaging masaya ha!”




“Sige pang-romance!”





“Romance ka jan!” Romance! Wala nang romantic sa lovelife ko ngayon! L.Q. kami ni Eli… at ang masaklap pa, hindi ko pa rin alam kung anong dahilan kung bakit masyado siyang attach ngayon kay Raffy.




Nung naisip ko yun… bigla na lang tumulo ang luha ko.




“Oh bakit ka umiiyak!” Bigla tuloy nagkadarapa si Kian. “Uy baka sabihin nung iba pinaiyak kita.”




“Sabi naman sayo pang-drama ako eh.”




Gusto ko pa sanang gawing joke itong pag-iyak ko, kaso ang sikip na ng dibdib ko eh. Gusto kong magselos at magalit sa ginagawa ni Eli, pero hindi ko alam kung anong dahilan para ikagalit ko.




“Wag ka nang umiyak. Ano ba kasing problema ha? Sabihin mo na.”




“Sam…?” Tapos napalingon kami sa taong tumawag sa pangalan ko, si Byron! “Bakit ka umiiyak?” At napatingin siya kay Kian. “Loko ka hah! Bakit mo pinapaiyak si Sam!”




At nagulat ako sa ginawa ni badessa dahil kinuwelyuhan niya si Kian at sinuntok sa pisngi.




“Anong ginawa mo sa bestfriend ko hah.”




“Pare teka lang…”




“Wag mo akong mapare-pare, gagu ka!”




“BYRON!!! Tama na!!!” At niyakap ko si Byron para pigilan siya! Tama ba kasi itong eksenang ito? Nakikipagsuntukan siya para saakin. “Si Kian yan! Hindi niya ako pinapaiyak.” Tapos nagulat si Byron at napatingin siya sa taong sinuntok niya.




“Hi Byron! Nice to meet you hah!” Napilitan pang ngumiti si Kian.




“Eh ano yang luha sa mukha mo?”




“Isa ka sa may kasalanan! Namimiss kasi kita!” Uwaaaahhhh!!! Ayan tuloy, lalo akong naluha! Pero natatawa ako sa ginawa ni Byron!




Nang magkalinawan na ang lahat, naipakilala ko na sina Byron at Kian sa isa’t isa. At ito namang si Byron, nasabihan na niya ako ng tungkol sa kanila ni Sheena. “So yun… kami na nga after that party.”




“Bakit mo tinago saakin?”




“Kasi nga nahihiya ako!” Hindi pa rin nawawala yung landi sa boses ni Byron, pero at least nagta-tagalog nga siya. “Napagdaanan ko na ito noon, kasama pa kita remember? Kaso nung dumating naman yung si Sheena, ayan naguguluhan na naman ako!”




“So far… ano namang nang nangyari sa pagitan niyo?”




“Ayun… nagde-date nga kami…”




“Oh sinong lalaki sainyo?”




“Syempre pinipilit kong maging ako! Si Sheena hindi naman talaga siya tomboy eh. Ang landi kaya niya. Mas babae pa nga siya manamit compared to you!”




“Nilalait mo ba ako?”




“Ang sinasabi ko lang mas malandi pa siya sayo! Babae siya okay, astigin lang kaya napagkakamalang tomboy!” Tapos ang seryoso ng mukha niya. “And the truth is, I’m starting to really like her… although like ko naman na talaga siya! But this time like ko siya as a girl!”




“Oh kalma lang bades… I mean Byron! Konting hinga lang sa pagpapaliwanag!”




“What I’m trying to say is…”




Pareho naming hindi mabanggit yung kasunod ng IS na yun… at salamat kay Kian na kanina pa kami pinakikinggan…




“Is that Byron is actually a guy na pwedeng mainlove sa girl.”




“Thank you Papa Kian.”




“Byron!!! Ayan ka na naman sa kaka-PAPA mo hah!” Akala ko ba kay Sheena na siya!




“Nasanay lang ako beb! Syempre nagsisimula pa lang akong magbago ulit! Konting consideration naman!” At natawa kaming tatlo. “Oh sige pareng Kian na lang.”




“Sure pareng Byron.”




Gusto ko sanang tumawa… “Ilabas mo na yang tawa na yan.”




“Natatawa ako pero hindi ako tatawa.” Dahil ang totoo, natouch pa ako sa ginawa ni Byron!




Nabawasan yung bigat na dinadala ko ngayong nalaman ko na ang totoo tungkol sa bestfriend ko. “Susuportahan kita jan sa pagbabalik lalaki mo beb!” At syempre hindi ko rin kakalimutan… “At susuportahan din kita jan kay Sheena.”




“Ayiiiiehhh, salamat beb!” At nag-hug kami ng sobrang higpit!




“Ay beb, hindi lang ikaw ang may sekretong dapat sabihin.” At binulungan ko siya tungkol sa sekretong matagal ko nang tinatago.




“HUWAAAAT!!!”






≧◔◡◔≦






Nakakagaan sa loob na sa wakas nasabi ko na rin kay Byron ang sekreto ko! Ang sekretong kami na ni Eli. Pauwi na ako nang makasalubong ko naman si Waine sa daan. “Waine?”




“Sam!” At nagulat siya nang makita niya ako. “Ang aga mo umuwi ha.”




“Wala yung prof ko nung last subject eh… ikaw bakit nandito ka?”




“Huh? Ah… hinihintay ka. Tara sabay na tayong maglakad.”




“Wait lang, may dadaanan pa ako dun sa grocery store. Hintayin mo na lang ako jan, mabilis lang ito.”




At tumakbo na ako papunta dun sa store. Wala na kasi akong stock ng alam niyo na... pag may dalaw. Malapit na kasi yun, mabuti nang handa!




Pagkakuha ko nun, nagbayad na ako agad sa cashier. Kailangan kong magmadali dahil nga naghihintay si Waine, ang kaso meron naman akong hindi inaasahang nakita!




Sina Eli at Raffy, magkasama! Nagtago ako sa may tabi at patago ko silang sinundan. Hindi naman nila kasama si Argel, so anong ginagawa nilang dalawa dito?




Bumibili sila ng inumin at kahit na malayo, alam ko kung anong pinag-uusapan nila. “Heto, mas malamig ‘to!”




“Mukha namang hindi.”




Tapos idinikit ni Raffy yung bote sa mukha ni Eli. “Oh mas malamig, diba?”




“Oo nga noh. Sige kumuha ka ng tatlo. Dalawa saakin.” At nag-ngitian pa silang dalawa!




May kung anong sumaksak sa puso ko. Hindi ako makahinga at napatakip ako ng bibig ko kasi parang gusto kong umiyak habang sumisigaw.




“Hindi pa ba natin sasabihin sa iba? Sa Auntie mo? Kay Sam?”




“Wag na. Hindi na yun kailangan pang malaman ni Sam. Wala siyang kinalaman satin.”




“Pero Eli…”




“Basta ang mahalaga ikaw!”




Ayoko nang marinig pa yung susunod na sasabihin ni Eli. Kung ano man yun, parang alam ko na nga! Kahit ano pang pilit kong pagsisinungaling sa sarili ko, nakita ko na yung totoo!




Tumakbo na ako paalis, at nung binalikan ko na si Waine.




“Oh tara na…” At pagtingin niya saakin, “Sam?”




“Waine…” Hindi ko naitago sa harap niya ang lumuluha kong mga mata.




“Bakit ka umiiyak?” Nilapitan niya ako at hindi niya alam ang gagawin.




“Ayoko munang umuwi. Pumunta muna tayo kung saan”




“Pero…” At napatingin siya sa lugar na pinuntahan ko kanina. Nagbago bigla ang reaksyon niya kaya nilingon ko ulit ito, pero ang nakita ko lang ulit, si Eli kasama si Raffy.




Napapikit ako at pipigilan pa sana ako ni Waine, pero nauna na akong naglakad. Sinundan naman nya ako at halata ang awa sa boses niya.




Nasa club house lang kami ng village, at dun ako humagulgol ng pag-iyak. Ilang beses na akong umiyak sa araw na ‘to, pero hindi pa rin natutuyo ang luha ko. At hindi ko akalaing may mas isasakit pa itong nararamdaman ko.




“Hindi ko maintindihan Sam, bakit ka ba umiiyak?”




“Hindi ko pwedeng sabihin sayo Waine!” Kasi hindi naman niya alam na kami ni Eli!




“Si Eli kanina…”




“Waine…” Ayoko! Ayokong marinig ang sasabihin niya! “Pwede bang wag ka na lang munang magsalita ngayon.” Pinipilit kong magsalita ng maayos kahit na panay na ang hikbi ko.




Hindi na ako makahinga… ang sikip-sikip na ng dibdib ko. At nung akala kong hihimatayin na ako sa sobrang sakit, saka ako niyakap nang mahigpit ni Waine. “Sam…” Kahit hindi niya maintindihan ang pinoproblema ko… “Sige, umiyak ka lang. Nandito lang ako, Sam.”




Ngayong panahong sobra akong nasasaktan, nakaramdam ako ng comfort sa boses at yakap ni Waine. Ano na lang kaya ang mangyayari saakin kung wala ang isang kaibigan na tulad niya?






/╯﹏╰\






After three hours, natuyo din ang mga mata ko. Wala na yata akong maiiyak pa, pero sa tuwing maaalala ko yung sakit na hindi ko pwedeng ilabas, kusa na lang ulit tumutulo ang luha ko.




“Sam, ayokong nakikita kang ganyan.” At pilit namang pinupunasan ni Waine ang mga mata at pisngi ko. “Hindi ko alam kung paano ka patatahanin eh.”




“Okay lang Waine… hindi mo kailangan gawin yun?”




“Mabubugbog ko yung nagpaiyak sayo eh.” Natawa ako nun, pero hindi dahil nakakatuwa ang sinabi niya. Dahil kapag ba nalaman ni Waine na si Eli ang dahilan, magawa pa kaya niya yun.




“Kapag ba ikaw nakikita mo ang mahal mo na may kasamang iba, anong ginagawa mo?”




Napayuko siya bigla. “Magiging masaya kung masaya naman yung mahal ko na yun.”




“Anong gagawin mo sa sakit?”




“Ilalabas ko din… sa ibang bagay.” Tapos hinawakan niya ang kamay ko. “Bakit Sam? May mahal ka na ba at sinaktan ka niya? Sino yun?”




Napailing na lang ako. “Wala… wala.”




Anong gagawin ko pag nagkita kami ulit ni Eli mamaya? Sasabihin ko ba sa kanya yung nakita ko? Na nakita ko sila ni Raffy? Na alam kong pinag-uusapan nila ako, at si Eli parang walang pakelam saakin!




“Tara na nga Waine, umuwi na tayo.”




“Okay ka na ba?”




“Hindi pa… pero kailangan na nating umuwi.” Tumayo ako at sumunod naman na din si Waine. Nasa likod ko lang yung nag-aalalang kamay niya, at alam kong gusto niya lang akong alalayan. At masakit man pero, hindi ako pwedeng matulungan ngayon ni Waine.




Habang naglalakad, pinipilit ko nang huminga nang malalim para hindi na ako umiyak pa. Ayokong umuwi ng ganito kaya nag-isip ako ng paraan para malipat naman ang attention ko sa ibang bagay.




“Waine, ano nga pala yung gusto mong sabihin saakin nung birthday mo pero hindi mo natuloy?”




“Hah? Yun ba?” At hinawakan pa niya ang batok niya habang nag-iisip. “Wag na. Ayokong dagdagan ang problema mo.”




“Sige na Waine, gusto kong malaman.”




“I…” Sa ganun siya natigil noon… pero this time wala nang pipigil pa sa sasabihin niya. “I’m leaving… after graduation.”




“Ha?” Nasa harap na kami halos ng bahay ni Eli pero napatigil na ako sa paglalakad at hinarap si Waine. “Bakit?”




“It’s my parents. Gusto na nilang doon na ako mag-aral sa States.”




“Sina Eli at Argel, alam na ba nila?”




“Hindi pa. Kasi alam kong magagalit sila. Plano kasi namin nung bata pa kami na hanggang college, sama-sama dapat.” At ito ang nakakabilib sa mga lalaki dahil kahit sobrang nalulungkot sila, hindi sila umiiyak. “Kaso hindi na mangyayari yun eh. At ako unang bumuwag ng usapan namin.”




“Waine…”




“Ayokong umalis, Sam.” Nang mapatitig na ako sa mga mata ni Waine, saka ko lang napansin yung luhang namumuo sa mga mata niya. “Ayaw ko kayong iwan.” At saka na tuluyang pumatak ang luha sa isang mata niya.




“Ayaw rin naming malayo sayo.”




Tulad ng ginawa niya saakin kanina nung ako yung sobrang nasasaktan, niyakap ko din siya. At naramdaman ko yung mas mahigpit niyang yakap. “Mahal na mahal ka namin Waine.”




Isa na sa malalapit kong kaibigan si Waine at kung aalis siya at iiwan na kami, talaga namang masasaktan ako. “Mahal na mahal kita.”




At pagkasabi ko nun, narinig ko yung boses ng pag-iyak ni Waine na kanina pa niya pinipigilan. “Kaya wag kang mag-alala, tutulungan kitang sabihin kina Eli.”




“Anong sasabihin saakin?”




Napatingin kami bigla ni Waine at nakatayo na sa harap namin si Eli. “Idol…?”




“Tangna ka Waine!!!” At lumapit si Eli para paghiwalayin kami.




“Teka lang Eli!!!”




“Idol sandali lang magpapaliwanag ako…” Pero hindi na nakapagsalita pa si Waine dahil sinuntok na siya ni Eli nang maraming beses.




“Lumaban ka, gagu ka!”




Pagkasabi ni Eli nun, gumanti na rin si Waine sa pagsuntok. Nakakatama na siya, pero mas lamang pa rin si Eli dahil ilang beses niyang napapabagsak si Waine.




“Tama na yan!” At dahil naaawa na ako dahil wala namang kasalanan si Waine, tinulak ko palayo si Eli at lumapit sa kanya. “Tama na Eli! Magpapaliwanag kami!”




“Umalis ka jan!” Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko at hinawi niya lang ako. “Walang hiya ka Waine! Ganito pala ginagawa mo!”




“Gagu ka Eli!!! Ano bang problema mo hah?”




“OMG! Anong nangyayari!” So nandito rin pala si Raffy, pero hindi ko na siya pinansin dahil ang mas mahalaga, maawat ko sina Eli at Waine!




Kaso hindi ko sila malapitan dahil sinasabihan ako ni Waine na wag lumapit dahil baka masaktan pa ako. Mabuti na lang at may dumating…




“MGA PARE!!!” Si Argel? Nandito rin siya! Hindi na siya nagtanong pa at tumulong na agad sa pag-awat. At nung mahawakan niya ang nagwawalang si Eli… “Tama na Idol!”




“Bitawan mo ako Argel!”




Saka ako nakalapit kay Waine na puro dugo at pasa na! Naghahabol pa siya ng hininga. “Okay ka lang Waine… puro sugat ka na.”




“Okay lang ako, Sam.” Kahit hindi naman talaga!




Lalo pa yatang nagalit si Eli kaya sumugod siya ulit, pero this time hindi ko na hinayaang saktan pa niya ang kaibigan niya.




Pagsugod niya, pinigilan ko yun ng dalawa kong kamay, at ngayon ko lang talaga naramdaman kung gaano kasakit ang suntok niya.




“Ahhhhhhhhhh!” Napaluhod ako habang hawak ang kaliwa kong kamay. Nanginginig ito at sobrang sakit! “Ahhhh…” Napabulong na lang ako dahil nawawalan na ako ng boses at naiiyak pa ako.




“SAM!!!”




Pang-tragedy yata ang kwentonf ito eh...


( ό   )

End of Chapter 32









1 comment:

  1. naiiyk p rin aq ate kpg binbsa q! T.T

    bkit mu to ginwa saamin eli! tlgang ksama aqng nsktan eh...

    -anew_beh

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^