Tuesday, March 20, 2012

My Nephew-in-Law : Special Chapter 8

Death of a Loved One
(SAMIRA ALMIREZ POV)




“Patay na siya… patay na siya!!! Hindi Rinoa!!!”



“Gumawa kayo ng paraan!!!”



“Pasensya na kayo Sir pero alam niyo naman pong one-of-a-kind ang mga models ng security camera ng company namin eh. Hindi na kami magkakagawa ng kaparehong-kapareho ng security camera niyo na ‘to.”



Hindi ko maipinta yung itsura ni Eli at nung dalawa niyang kaibigan. “No!!! Please!!! Hindi ka pwedeng mamatay!!! Wag mo akong iiwan!!! Rinoa!!!”



“Wala na tayong magagawa kundi palitan na siya ng bago!!!”



“Oh hindi!!! Rinoa!!!” Hagulgol ever!!! Ano ba ‘tong tatlong ‘to!



“Pasensya na po talaga.” Hindi ko na rin maipinta ang itsura ni manong! Nawi-weirduhan na siya malamang sa trip ng tatlong timongoloid!!! Nakakasakit sila sa anit!!! Juskopo!



“Teka, paano yan? Magpakabit na lang talaga tayo ng bago.”



“Uwaaaaaaahhhhh!!!” Hindi nila ako pinapakinggan habang hawak pa nila ang lasog-lasog na katawan, este parte ni Rinoa. “Rinoa!!!”



“Talaga bang okay lang yang mga kaibigan mo?”



“Obvious naman na hindi, diba kuya? Pabayaan na nga nating maglamay sila jan, ako na lang po ang kausapin niyo. Tara na po doon sa gate at nang makabitan niyo na ng bagong main security cam itong bahay.”



Pinabayaan na lang namin yung tatlo habang nanlulumo pa sila sa pagkamatay, este pagkasira ni Rinoa.



Hindi daw namin sila masisisi dahil ever since na maitayo ang bahay na ito ni Eli, si Rinoa na ang nagsilbing taga-bantay niya. Kung ituring na nga nila si Rinoa, parang tao na!



Kaso sa pagkakabit namin ni manong, napukaw pa attention namin dun sa tatlo. Si Argel may hawak na box, si Waine may hawak na pala at Eli ay may hawak na bato at permanent marker. Teka, anong gagawin nung tatlo!!!



“Kuya manong, teka lang ha. Nabubuang na yata talaga yung tatlo, lalapitan ko lang.”



“Sige! Yung mga sinabi mong attributes ng bago niyong camera, ise-set ko na agad.”



“Opo kuya! Basta tandaan niyo yung name ha! Wag niyong kakalimutan.”



“Yes maam. Sige po puntahan niyo na sila.”



Buti na lang hindi natatakot si kuya manong saamin dahil sa kakaibang trip nina Eli. Paglapit ko sa kanila, “Uy ano yan?”



“Bibigyan namin ng magandang libing si Rinoa dahil sa mabuti niyang paninilbihan sa bahay ni Idol.” Jusmio!!! So yung box na hawak ni Argel ay ang kabaong na pinaglagakan ng mga labi ni Rinoa!



Naghukay naman si Waine dun sa may may gilid ng bakuran… Ayayayay!!! Yun naman ang paglilibingan ni Rinoa! Nakakalurqui na talaga!!! “Idol!!! Ready na ang lahat!!!”



Pagkasabi ni Waine nun, lumapit na si Eli na kanina ay nakaupo sa may di-kalayuan at may isinusulat dun sa bato. I have a feeling na tombstone na yung ginagawa ng timongoloid kong boyfriend.



Paglapit niya, aalis n asana ako para hindi na ako mahawa sa sayd nila kaso hinawakan ako ni Eli. “Saan ka pupunta! Makiramay ka naman! Libing ito ni Rinoa!”



Gusto kong tumawa eh, kaso ang seryoso ng mga mukha nila! Wala rin akong nagawa kundi mag-stay at sakyan itong paglalamay nila.



Kanya-kanya pa silang message nung malibing na si Rinoa at pagkatapos nilang magsalita, nag-iiwan pa sila ng bulaklak. Naloka ako nung turn na ni Eli kasi madamdamin masyado ang iniwan niyang mensahe!



“Rinoa… nung dumating ka sa bahay at buhay ko, isa ka sa mga kumumpleto sa pagkatao ko. First year pa lang ako pero sinusubaybayan mo na ako. Hindi-hindi kita makaklimutan Rinoa. *hikbi* You are gone, but rest assure that you will never be forgotten. Paalam na Rinoa and may rest in peace, my loves.” Nosebleed! Pero my loves daw? Oh wag mong sabihing magseselos ka pa Sam!



“Oh ikaw na Sam.



“Sabihin mo na yung last words mo para sa kanya.”



“Ah hindi wag na… alam na ni Rinoa yun!”



“Konting malasakit man lang Sam! Parang wala kayong pinagsamahan ni Rinoa ha!”



“Oh heto na nga!!!” After this, papatingin ko talaga sa psychiatrist ‘tong tatlong ‘to! “Ah… Rinoa… ikaw ang unang sumalubong saakin nung dumating ako dito. Naalala ko pa ang una mong sinabi saakin noon, ‘Are you a guest?’ Yun ang sabi mo!” Natural naman dahil nandun siya sa front gate eh! “Kahit na matagal kong nakabisado yung Q-G-7-1-3-S-J-1-F-V-5 na password mo, at kahit na hindi mo ako pinapapasok gamit ang face-recognition… okay lang! Okay na okay lang talaga! Pero Rinoa…”



Nadadala na yata akong emosyon ko kasi bigla akong nakaramdam ng lungkot. “Gusto kong magpasalamat sayo dahil pinararamdam mo na parang totoong tao ka na nagco-comfort saakin.” Ano ba yan!!! Bakit naiiyak na ako??? “Mabait ka lang kasi palagi, lagi mo akong binabati. Lagi mo akong wini-welcome home… kaya Rinoa… mamimiss kita…” At yan na!!! nahawa na ako sa iyakan! “Mamimiss talaga kita Rinoa!!! Uwaaahhhh!!! Rinoa!!!”



“Tama na yan, Sam.” Sabi ni Eli habang kino-comfort ako. Napatingin ako sa tombstone na hawak niya at ipinatong na yun sa libingan ni Rinoa. At ito po ang epitaph na isinulat mismo ni Eli para kay Rinoa.



To the world you may have just been somebody,
But to us, your presence is a gift to our world.
You have touched our lives,
And  you’re exceptional and one of a kind.
We shall always remember you,
Rinoa, The Security Camera.



Ang bongga shet!!! Pag ako namatay, gusto ko ganyan din kabongga ang epitaph sa tombstone ko!



(╥﹏╥)



 “Ah, ma’am at sir! Tapos na po yung installation ng bago niyong security camera.” Ako lang yung lumapit kay manong. Iniwan ko na yung tatlo para makapagmuni-muni sila at saka hindi ko na carry ang mga pangyayari.



“Kuya salamat ha. Ito pong bayad sa serbisyo niyo.” Buti na nga lang at kahit gabi na, nagpaabala pa si kuya. Kung sabagay, trabaho naman nila yun.



“Salamat dito ha. Wag na kayong mag-alala dahil mas hi-tech at mas bagong model itong camera na naka-install sa inyo. Basahin mo na lang yung iba pang features sa booklet na binigay ko. At kung may problema ulit, tawag lang po kayo sa company namin.”



“Opo. Salamat po ulit!”



“Oo sige. At saka condolence na din! Pakisabi dun sa tatlo.”



“Ah… hehehe… sige po!” Condolence daw? Talagang sinakyan na ni kuya ang trip nung tatlong pasaway!



Mga  ilang minuto din ang ibinigay ko sa kanila bago ako lumapit. “Siguro naman sakto na ang thirty minutes. Masaya na si Rinoa sa kinalalagyan niya. At isa pa, ipapakilala ko na kayo sa bagong security camera ng bahay! Mas hi-tech at mas magugustuhan niyo!”



Hinila ko sila para ipakilala na ang panibagong taga-bantay ng bahay ni Eli. Sabay-sabay silang tumingala at parang nag-slowmo pa nung tumingin sa kanila yung bagong camera.



“Wooooooooowww!!!” Nakanganga na silang tatlo! Kitam mo mga ‘to! Ang dali nga makamove-on!






“Nalove at first sight yata ako sa bago niyong camera Idol!”



“Mas astig nga ang dating!”



“Si… sino siya Sam?”



“Ahem… ipinakikilala ko sainyo ang SJ13+2 camera. Meron siyang high resolution image sensor, weather proof design na mas ideal para dito sa gate at… jannskkdufjmalspoelajsnjdkdlf…” Mano-nosebleed lang tayong lahat kapag tinuloy ko pa so pinakita ko sa kanila yung booklet. Sila na bahalang magbasa ng lahat ng pwedeng gawin ng bagong camera. “Pero ang sabi ni manong, ang pinakamaganda sa mga feature nito ay hindi ito basta-basta nasisira. Kahit batuhin niyo pa!!!”



“Woooooooowwww!!! Astig talaga mga pare!!!”



Tapos sinubukan ko silang akbayan lahat kahit nakatingkayad na ako. “At ako na rin pala ang namili ng pangalan at sigurado ko namang magugustuhan niyong lahat!”



“Talaga? Anong pangalan niya Sam?”



Ngumiti ako at hinarap sila. Ang tagal kong pinag-isipan ang ipapangalan sa kanya. “Eli, Waine and Argel. Ang SJ13+2 ay pinangalanan kong si… *drum roll please* SQUALL!”



*insert awkward silence here*



“Squall?” – (O..O)



“Oo!!! Yung kapartner ni Rinoa yun diba! Ahahahahahaha!” At hinarap ko si Squall at kinausap siya. “Hi Squall!!!”



“Good evening.” Ang laki ng boses niya! Lalaking-lalaki! Na-imagine ko talaga yung itsura ni Squall, crush ko din yun eh! Ang gwapo!!! Ayiiieehhhh!!!



“SAM NAMAN!!! Bakit naman lalaki pinili mo?”



“Sana man lang pumili ka ng boses babae!”



“Oo nga! Pwede namang sinunod mo kay Yuna ng FF X or si Tifa ng FF VII o kaya si Lightning ng FF XIII!!!” Yun ang mga crush ni Eli dun sa nilalaro nila.



“Eh ang lagay ba, ipagpapalit niyo agad si Rinoa sa ibang babaeng characters ng Final Fantasy! Mga lalaki talaga! Ganyan ba talaga kayo kabilis magmove-on! At least kung lalaki at si Squall pa, masaya si Rinoa dahil pinalitan siya ng kalabteam niya!” Mga walang puso! At saka mas okay nga boses lalaki ang security diba? Mas matatakot yung mga magtatangkang pumasok! “Ang dami niyong angal, may palamay-lamay pa kayong nalalaman kanina! Dali na nga at i-save na natin ang mga pagmumukha natin para sa face-recognition program.”



“Sinong may sabing NATIN ha?” Pagmumukha NATIN! Kasama AKO! pero sinungitan lang ako bigla ng ultimate timongoloid of the year. “Dahil sa ginawa mo, magre-rely ka pa rin sa password.”



“Lugi naman!!! Kelan ba ako makakatikim ng face-recognition opening.”



“Wag ka nang umangal!”



Unang ni-save yung mukha ni Eli, sunod yung kay Waine, then yung kay Argel at susunod pa sana ako kaso mukhang desidido si Eli na patuloy akong mag-tyaga sa password.



Pero hindi pa pala doon natatapos ang kalbaryo ko! “Bakit may bagong password!!! Alam mo bang ke-hirap kabisaduhin ang Q-G-7-1-3-S-J-1-F-V-5 tapos papalitan mo lang ulit?”



“Dagdag sa parusa mo yun!”



“Ang sama mo talaga!” Isinulat niya sa palad ko yung bagong password at tinitigan ko pa lang, nahilo na ako agad! “I hate you!!! Ano ‘to!!! Sinong matinong tao ang mag-iisip ng ganitong password!!! Napaka-random nito!”





“Bakit? Sinong matinong tao ang mag-iisip ng password na madaling i-hack?”



“Kahit na! Sana pala nung naglalamay kayo kanina ni-save ko na yung mukha ko para dun sa face-recognition!”



“Ayus lang, madali lang yun burahin noh.”



“Ah… excuse me lang mga Idol. Mukhang hiindi na yata matutuloy ang dinner natin ngayon ha.”



“Oo nga. Away kayo ng away jan. Anong oras na din wala pang naluluto si Sam.”



“Mauuna na lang kami ha! Sa bahay na lang kami kakain.”



“Panigurado kasi, mukhang sa instant noodles mauuwi ang hapunan niyo.” At iniwan nga kami nung dalawa porket hindi na natuloy yung dinner!



٩(●_•)۶



“Eli naman… sige na please Junanax. I-save mo na rin ang mukha ko para sa face-recognition.” Syempre, wala namang hindi nadadaan sa tamang lambing diba? Paniguradong hindi niya ako mahihindian!



“HINDI.” Oh hindi!!!



“Eh ang hirap kabisaduhin nito eh!”



Bigla akong hinarap ni Eli. Nakaupo kasi kami sa sofa ngayon at kumakain nga ng instant noodles. “Hindi mo naman kailangang kabisaduhin eh. Sasabihin ko sayo ang secret jan ha…” At inilapit niya nag mukha niya para bulungan ako. “Tandaan mo lang na mahal kita.”



“Ha? Anong kunek?”



“Basta mahal kita Sam.”



Anak ng pinagpatong-patong na butete naman! Ano ang kinalaman ng pagmamahal saakin ni Eli sa bagong password ng bahay! Sige nga isipin niyo! Heto ang bagong password:



W-V-5-S-3-A-O-7-I-7-3 is equals to ‘Mahal daw ako ni Eli’…?



Eh? Cannot be diba? Sige nga!



*buuuuggggshhhhhhhh*



“Aray!!!” nabulunan tuloy siya ng di-oras. “Bakit nananapok ka!”



“Adik ka naman kasi eh! Ayokong kabisaduhin ‘to!”



“Sabi nang hindi mo kakabisaduhin eh! Tatandaan mo lang!”



“Na ano? Na mahal mo ako?”



“Oo!!!”



“Eh asan nga ang pagmamahal sa PASSWORD na ‘to!!!” Konti na lang mag-eevolve na ako! Yung pinakamatinding evolution na naiisip niyo! Ito nay un! Konti na lang talaga!



“Halika nga rito!” Tapos sabay akbay saakin at ipinamukha ang kamay ko na sinulatan niya kanina nung password. “Ang bobo naman kasi! Hindi na lang alamin!”



“Sabihin mo na lang kasi hindi yung dinadaan mo ako sa riddles!”



“Oh heto na nga! Ang init ng ulo! Aish!!! Oh yan tignan mong maigi yan ha!” So ginawa ko naman! Nakatitig talaga ako dun sa random letters and numbers na nakasulat sa palad ko.



“Tapos?”



“Tapos…” Magkalapit na magkalapit na ang mga mukha namin pero dun kami naka-focus sa palad at password ha. “Tapos… I kiss mo muna ako sa pisngi.”



*buuugssssshhhh!!!*



Sinapok ko lang naman siya ulit. “Mapagsamantala ka talaga!”



“Gagawin mo o hindi mo malalaman ang lihim jan sa password?”



“Psh!” ~chu! “Oh yan! Na-kiss na kita!”



“Yown!” Halatang na-eenjoy niya ang panggu-good time niya saakin ha! Pasalamat siya mahal ko siya eh! “Okay… ganito… i-kiss mo naman ako sa lips.”



*buugggsshhh!!!*



*paaaaaaaakkkkkk*



*blaaaaaaagaaaagggg*



*toooooooooooooootttttttt*



“Aray!!! Nakakailan ka na ha!!!” Sapok, sampal, hambalos at nakabibinging sigaw lang naman ang ginawa ko.



“Kasi naman eh!!! Ano na nga ibig sabihin nung password!!!”



“Ang kulit naman kasi!!! Mahal nga kita!!!”



“Uulitin ko yung special effects kanina!!! Dadagdagan ko pa!!!”



“Pfffftttt…” Tapos tinawanan niya ako na parang bata. Sira-ulo talaga ‘to! Kapag tinotopak walang makakapigil sa kanya. Seryoso na nga kasi ako! “Oh heto na nga! Sasabihin ko na.”



Lumapit ulit siya para tabihan ako at kinuha yung kamay ko. Nakatitig kaming dalawa dun sa palad ko at ilang sandali pa, dahan-dahan niyang binaligtad ang kamay ko.



Para sa mga nagbabasa, ibaligtad niyo lang ang ulo niyo at saka niyo basahin ang password.


W-V-5-S-3-A-O-7-I-7-3


Mahirap pa rin bang intindihin? Babasahin niyo na nga lang ito na binaligtad  version na:



Napatingin ako bigla kay Eli. Tapos napangiti ako. Sumunod na dun yung kilig. “I think that deserves a kiss.” Ang taba talaga ng utak ng Idol natin!



“Yeah, I think so too!”



~chu! At naganap lang naman ulit ang maksaysayang soul kiss!



Anyway, ang special chapter na ito ay para nga pala ulit kay Rinoa.






So let's give her a moment of silence here...




























































Ayan! Okay na!






I know masaya na si Rinoa kung nasaan man siya ngayon! Bukod pa doon, si Squall naman ang pumalit sa kanya eh!






Paalam na Rinoa!

(◡_◡✿)

End of Special Chapter 8




9 comments:

  1. nakakaloka ka aegyo!!! kala ko kung sinong patay... kainis ka!! hahahahha.. tuwang tuwa ako sa chapter na to... hihihi.. good morning!! lagi na lang soul kiss? inggit ako.. hahhahaah... ikaw na talga ang the best idol ever eli.. ikaw na talaga! haba ng hair mo sam, kainis ka, alagaan mo mabuti si idol!! love love love for you both..

    ReplyDelete
  2. love love love.. we'll miss you rinoa, thank you sa pag-aalaga at pagsama sa aming mahal na idol!

    ReplyDelete
  3. :) may you rest in peace RINOA!! Mamimiss kita.. SOUL KISS EVER!!! :)

    ReplyDelete
  4. natkot nmn aq dun s title! c rinoa pla!!!!!!!
    rest in peace!!!!!!!


    ayun, peo natawa aq dun s tatlo!!! mga alamat n tlga sina eli, waine at argel! ndamay pa si sam at nhwa na! ahhhahahahahhahahhahhahhaa!!!

    ayiiiiiiiiiiie. at kinlig aq dun s password!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  5. baliw na pg llamay un ha :))

    ReplyDelete
  6. c rinoa pla ung nmtay!!!!!!!! ikw nmn ate aegyo, tinakot mu p aq! peo ntwa aq sc n 2!!! hahhhahahaahhahahha!!! c squall!!!!! grabe, baliw n tlga aq d2!!!!!!!!!!!! puro aq twa!!!!!

    at knilig p aq s eli-loves-sam na password! ang tba ng utak ni idol!!!! hhahahaaahhahahha!!! soul kiss!!!! kilig!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  7. Laughtrip nmn to hahaha xD sila Eli, Argel, at Waine. xD
    RIP Rinoa.

    ReplyDelete
  8. hwaaaaaa!!!!
    grabeng special chapter 2!
    kakaloka!
    nasiraan ako kina eli at mga kaibigan niya! hahahahaha!!!

    rip rinoa! pumalit naman daw si squall! mahilig ka ba sa final fantasy miss aegyo? ang kulit talaga! natatawa ako sa update na to!

    ReplyDelete
  9. woahh quravenq paq luluksa nkaka iyak ..:'(

    tahaha lauqhtrip

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^