Wednesday, February 22, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 38


CHAPTER 38
(SAMIRA ALMIREZ POV)


Tatlong tent ang itinayo ng mga boys. At eto na naman kami sa tent arrangement namin. “Ako na lang ulit ang maga-arrange!” Ang pakelamera talaga ng batang ‘to! Nakakaubos ng pasensya at ganda!



“An-dwae! (No!) This time ako na.” Yan Eli! Tama yan! Baka magkagulo na naman kapag si Sunmi ang makikialam. Nakahinga naman kaming lahat ng malalim nang hindi na si Sunmi ang magngunguna. “Kasama ko si Sam sa tent, tapos bahala na kayo sa buhay nyo.”



“Uwaaahhh! At bakit!!! Ayoko nga!!!” Timongoloid na ‘to! Balak pa yata akong gawaan ng masama! “Ako na! Ako na ngang bahala mag-arrange.”



“Ang KJ mo, alam mo yun?”



“Ang manyak mo, alam mo rin ba yun?”



“Ppal-li gyeol-jeong-hara!!! (Decide quickly!)



“Naninigaw naman agad! Ano daw yun?”



“Bilisan mo daw!”



Si Sunmi dun malapit sa falls! Okay ba yun? Pag sinabi ko, ang daming magbubunyi, panigurado! Pero dahil mabait ako, “All the boys, dun sa pinakamalaking tent.”



“Paano ako, beb?”



“Bakit, boy ka naman ha? Don’t tell me bakla ka pa rin?”



“Oh sige nga, as if namang papayag yang tatlong yan na makasama aketch noh!” Aba? Bakit may aketch na? Hala! Pinatulan na talaga ni Byron ang away nila!



“Oo nga. Baka mamaya makalimutan ni Byron na lalaki na pala siya.”



“At bigla ulit siyang mahumaling saamin, sige kayo.”



“Wait, kami na nga lang ni kuya ang magsasama sa isang tent. Ang dami niyong angal! Wala namang problema saakin yun eh.”



“Hay thank you Raffy. So yung kambal dun sa isang tent. Kaya naman si Sheena, ako at si Sunmi ang magkasama sa isa pang tent.”



“Ayoko! That’s masikip! Gusto ko tayong dalawa lang Unnie.”



“Hoy lamang-lupa, kung gusto mo ng maluwag, dun ka malapit sa falls matulog. K?” Aba naman? Nabasa ba ni Sheena ang iniisip ko kanina?



“Hey babaeng kapre, you go sleep near that falls if you want.”



“Hay naku, eto na naman tayo! Mag-aaway na naman ba kayo ha?”



“Shut up! Walang nanghihingi ng side-comment mo.”



“Raffy, sa isang tent na lang tayo.”



“Yun naman pala! Gusto niya lang din makasama si Byron sa isang tent.”



“Ah ganun? Hoy Byron, dun ka matulog sa tent nina Sunmi at Sam ha.”



“Hoy-hoy hindi naman pwede yan!!! Lalaki yang si Byron ha!!! Bakit mo itatabi sa girlfriend ko at sa kapatid ko ha!”



“Ano namang ibig mong sabihin? Na gagalawin ko ang bestfriend ko at si Sunmi?”



“Byron ang ibig lang sabihin ni Idol, lalaki ka pa rin at babae naman sila.”



“Hoy! Nagsasabi-sabi kang lalaki si Byron ngayon pero natatakot naman kayong makasama siya sa isang tent.”



“Ikaw naman kasershhsbfbgkklgnfh!!!”



“Aba’t namarnghhddyieehaqhiewqwheiyps!!!”



“Hoy ikaw na tonghkkhdiddhirnfkpoisdftemnbxztkl!!!”



Hindi ko na talaga maintindihan yung mga pinag-aawayan ngayon ng mga kasama ko. “TEKA NGA NAGKAKAGULO NA TAYO EH!!!” Pero walang nakinig saakin kahit nagsisisigaw na ako. Sa asar ko, nag-walkout na lang ako sa harapan nila.



“Hoy Sam! Paano na tutulugan namin?”



“Bahala kayong mag-isip! Hindi niyo naman ako pinapakinggan! Walang matutulog sa tent!” Tapos naupo ako sa batuhan at nakatingin lang sila saakin.



This camping is supposed to be a chance for us to bond! Celebration for Christmas at sa nalalapit na New Year! Pero ano? Nag-aaway lang kaming lahat! Parang for the first time, lahat kami hindi magkasundo!



Dahil ba ito sa biglaang pagsingit ni SUNMI? Ayoko namang manisi, okay? Hindi lang naman siya ang dapat na sisihin sa problema ngayon kundi ang mga ugali namin mismo.



“Bugal, tara na nga dito!” Nakatingin lang ako sa kanya at hindi naman dahil sa nagpapa-VIP ako ha. Naasar din kasi ako sa tukmol na ‘to eh.



Kaya naman niya kaming i-lead ngayon, lahat naman kami makikinig sa kanya. (And to think na mas bata siya saamin ha!) Pero dahil nga nanjan ang favorite niyang si Sunmi, syempre pagbibigyan niya ang kapatid niya sa mga kamalditahan nito kahit nagkakagulo na. (And to think ulit na si Sunmi ang pinakabunso saaming lahat ngayon).



“Halika na rito.” Tapos hinila niya ang kamay ko para lumapit ulit sa kanila. “Game! Makinig na lahat kay Sam ha! Siya na magdi-decide. Ang umangal, kukutusan ko!”



“When you say kukutusan mo, kasama ba si Sunmi jan?”



“Naneun pohamdoe-neunga, oppa? (I’m also included, oppa?)



“Geu-rae! Suga eopsseot-kki ttae-mune jeokjji ansseum-nida. (Yes! So be quite.)



“Gwaenchan-sseumnida. (O… okay.) Biglang napayuko si Sunmi. Ano man yung sinabi ni Eli, buti naman at pinaamo niya na rin kahit papano ang kapatid niya.



“Sige na Sam. Paano na yung magiging pwesto?”



“Haizzz… para walang gulo at para fair, magbunutan na lang tayo.” Yun na lang kasi ang naiisip kong suggestion eh. “At least yun walang makakapalag o makakaangal diba?”



ͼ(ݓ_ݓ)ͽ




*Bunot, bunot, bunot, bunot, bunot, bunot, bunot, at last bunot* Walo kami eh.



Kabado na kaming lahat, pero may usapan kami na wala nang atrasan ‘to. “Sinong nakakuha ng tent number 1?”



Itinaas nina Raffy, Sheena at Sunmi ang mga kamay nila. Nagtinginan silang tatlo tapos inirapan lang sila ni Sunmi. Kita mo naman ang pagkakataon! Okay na sana lahat eh, kaso nag-iisa na lang akong babae ngayon.



“Sinong naman nakakakuha ng tent number 2?”



Tapos itinaas na ni Byron, Argel at Eli ang mga kamay nila. Which means…



“Waine tayong dalawa sa number three…”



“Joke lang! Number three nakuha ko!”



“Hah?”



“Tent number three yung akin Waine!!! DIBA!!!” Pinandidilatan pa ng mga mata ni Eli si Waine. Tapos nagtutulakan sila ng parang ewan.



“Ha… a… o… oo nga… tent number two yung saakin.”



“Saan? Patingin nga?”



Pinakita naman nila saakin yung mga hawak nilang papel. #2 nga yung kay Waine at #3 naman kay Eli. Alam kong nagsisinungaling ‘tong dalawang ‘to kaso hindi ko naman sila nahuli. Daig pa mga snatcher sa sobrang bilis ng mga kamay nila! Argh!



Wait… so ibig bang sabihin nito…



“Sa iisang tent lang tayo Sammy.” – v(◕‿◕)v



Ako – (_)



I just shook my head at napatingin ako sa mga kasama namin. Buti na lang war pa rin sila sa isa’t isa, at hindi nila magagawang manukso ngayon. At may mang-asar lang talaga, sasakalin ko.



Kanya-kanya na kami ng ayos ng gamit sa loob ng mga tent namin tapos tahimik na rin yung iba. Pagpasok ko sa tent number three, pumasok na rin sa loob si Eli.



“Subukan mo lang akong gapangin Eli, sisigaw ako.”



“Kapal naman ng mukha mo. Baka ikaw mang-gapang saakin.”



Pareho lang kaming nag-pout habang inaayos yung mga gamit namin dito sa loob ng tent. “Eli, nag-aalala ako dun sa mga yun. Ngayon ko lang sila nakitang nag-away ng ganito.”



“Maaayos din yan, believe me.”



“Paano?”



“Anong paano? Five days tayo dito noh! Maraming pwedeng mangyari.”



“Si Sunmi naman kasi may pakana nito eh. Kaya nag-away sina Sheena at Byron, pati na rin sina Raffy at Argel kasi pinagselos niya.”



“Eh bakit ba yung lovelife nila pino-problema mo. Syotain mo na lang kaya sina Argel at Byron?”



“Pwede ba?”



“Sapak gusto mo?”



“Kaya mo?”



“Pag nanlalaki ka.” Tapos hinawakan niya yung kamay ko. “Ano ka ba! Normal lang sa relasyon ang selos at away. Bayaan mo na silang ayusin nila ang mga problema nila. Kung hindi nila kayang magtiwala sa isa’t isa, kasalanan nila yun. Kakulangan nila yun.”



“Bakit ikaw? Nagseselos ka kay Kian?”



“Bakit nasama yung pampam na yun? May tiwala ako sayo pero sa kanya wala. Yun lang yun! Ibang usapan dapat yun, okay?”



Ayiiiehh! Kitams niyo! Saan pa kayo sa boyfriend ko diba! Nakapagheart-to-heart talk pa kami sa lagay na ‘to! “Pero Eli, hindi pa rin ako matatahimik na ganito sila. Gawa tayo ng plano.”



“Ano ba yan! Ang pakelamera! Hindi ka naman madaan sa mabuting usapan eh.”



“Eh sige na! Tulungan mo ako! Gusto ko happy tayo!”



“Happy naman tayo! Bayaan mo na yung iba!”



“Parang hindi ka naman kaibigan! Sige na! I order you as your master!”



“Ayoko pa rin! Hindi yun kasama sa pagiging katulong ko ha!”



“Sige na please, please, please.” Konting pilit pa Sam! “Please Eli!”



“Ampowta naman oh! Fine!!! Pero sa isang kundisyon.”



“Ano yun?”



“Wag kang maghaharang ng kung ano sa pagitan natin kapag matutulog na tayo ha. Ayoko ng pampasikip sa gitna!”



“Ikaw talaga, manyak ka rin eh noh!”



“Eh di bahala ka sa buhay mo. Gumawa ka ng plano mag-isa mo!”



“Wait, wait, teka!!! Sige na nga!” Makapam-blackmail din ‘to! Pero sige… dahil naman sa malaki ang tiwala ko kay Eli, papayag na din talaga ako.



At simple lang naman ang dapat gawin kapag ni-violate niya ang human rights ko, sisigaw ako tapos kakasuhan ko siya ng sexual harassment pagbalik namin sa Manila. Yun, tama yun! Kaya subukan lang talaga ni Eli na manyakin ako sa loob ng tent namin. Makikita niya!




@(ᵕ.ᵕ)@





“Sinong gusto ng inihaw na bangus?” Dinnertime na. Nag-ihaw talaga ako ng bangus na binaon ko para sa unang gabi namin dito sa campground. “Kayo Argel, Waine? Byron?”





“Hindi na Sam, hindi pa rin ako nagugutom.”





“Busog na ako sa kinain ko kanina.”





“Ako din.” At nagpahinga na sila agad.





“Sheena, Raffy? Kayo?”





“Matutulog na ako.”





“Hindi pa rin ako nagugutom Sam. Matutulog na lang kami ni Sheena ha.”





“Eli? Sunmi?”





“SURE!!!” Buti pa ‘tong dalawang ‘to! Walang problema. Mga maldito at maldita talaga!





Lahat na sila nasa loob na ng tent nila, kaming tatlo na lang kumakain nitong inihaw ko. Sayang naman kasi ‘tong bangus na ‘to kung hindi makakain ngayon eh. Buti na lang, daig pa ni Eli ang patay-gutom kapag kumakain.





Tahimik lang din naming inubos yung bangus. Maya-maya lang din, sumunod na si Sunmi na magpahinga kaya naiwan na lang kami ni Eli dito sa labas sa malapit na bonfire.





“Kita mo na. Hindi ka pa ba nag-aalala sa mga yan. Wala na silang pansinan oh. Hindi pa sumabay sa kainan.”





“Nagtatampo ka naman sa mga yun.”





“Aren't we suppose to be celebrating? Masaya dapat ‘tong camping na ‘to Eli!”





“Okay na nga diba! Tutulungan na kitang mag-plano. Basta ba magkayakap pa tayo mamayang gabi eh. Pagkasabi niya nun, binatukan ko siya ng bonggang-bongga. “Aray naman!!! Anong bang gusto mo, pati tayo mag-away ha?”






“Eh kasi ang manyak-manyak mo! Magtigil ka na nga!”





“Ang arte mo! Parang joke lang eh! Okay ganito… makinig kang mabuti sa plano natin bukas para sa kanila.” At ibinulong na nga ni Eli ang brilliant plan niya.





“Okay ganito rshhfnfkkdaslgrio… tapos jan ndkfkkgierhankx… edi mag-hghgkopodldnnjjken… kaya kdmdllfpwjuwbrh… at yun opsjsnakakdju. Kuha mo?”





“Ahh!!! Edi makkdlgpeijsnajjabcl! Galing mo Eli!!!” Uwaaahhh!!! Naintindihan niyo ba? Secret lang namin ni Eli yan, wala munang pwedeng makaalam.





DAY 2!!!





“Ohmaygawd ang sakit ng katawan ko.” Nakalukot pa rin ako sa pagkakahiga ko dun sa tent.





“Eh tama ba namang sumiksik ka jan sa gilid! Akala naman kasi re-rapin siya eh!”





“Pakelam mo ba!” Usapan nga kasi walang ihaharang sa gitna namin diba. Iniisip ko pa lang na magkakatabi kami ni Eli sa pagtulog, kinakilabutan na ako. Kaya ang ginawa ko kagabi, siniksik ko na talaga yung sarili ko sa pinakagilid kahit na amoy na amoy ko yung sangsang nung damuhan.





“Tara na sa labas. Gising na yung iba.” Pero bago kami umalis. “Game na ba tayo?”





“Oo game na!” Paglabas namin, hindi na kami nagpansinan at nagdirecho na si Eli papunta kina Waine at Argel na naliligo na sa water falls. Nandun din si Byron na nagpipilit mangisda. May dinala kasi siyang fishing rod. Good luck talaga sa pangingisda niya ha! Nahawi na yata nung dalawa yung mga aquatic creatures eh.





Samantala, magkasama naman sina Sheena at Raffy, “Morning Sam!”





“What’s good in the morning? Hmfp.”





“Oh anong problema mo Sam?”





“Wala… wala. Tara, swimming na lang din tayo dun sa falls!”





“Hindi na Sam… wala pa kami sa mood magswimming eh.” War pa rin talaga sila sa mga jowa nila.





“Annyeong-hasim-nikka!!!” Bigla na lang din sumulpot si Sunmi na nakaswimsuit na! Apaka-sexy namang bata nito! Kumikintab pa siya pag nasisinagan ng araw! “Ako na lang Sam Unnie! Maligo tayo!!!”





“Nang nakaganyan ka lang?”





“Wae geurae-sseulkka? (And why?) It’s only oppa, Waine, ex-babyloves and Byron oppa!” Tapos nagmake-face siya sa harap nina Sheena. Halatang nang-aasar! “Hindi ko kasalanan kung mabibighani saakin ang mga yun noh.”





“Weh ang kapal! Magbibighani your face!”





“Don’t worry Sheena, hindi naman pumapatol sa neneng ang kuya ko. And I know hindi rin siya papatulan ni Argel.”





“Just so you know, I was Argel’s first girlfriend. Kaya nga Ex-babyloves eh. And about Byron, you just wait and see kung hindi niya ako papatulan.”





“Aba naman!!!”





“Wooopsss teka!!! Girls!!!” Ayokong makasaksi ng cat-fight sa umagang ito! “Sheena, Raffy, mamaya na kayo magluto. Maligo na tayo dun, okay?” Tapos kay Sunmi naman ako tumingin. “At ikaw naman ineng, kapag naligo ka ng nakaganyan, sige ka baka ma-irritate ang beautiful skin mo. Best asset mo pa naman yan. Magpalit ka ng t-shirt dun at shorts.” Nang-uuto lang!





“OMG! Is that so, unnie? Alright, I’ll go change! Hintayin mo ako ha!” Pagpasok na pagpasok ni Sunmi pabalik sa tent nila, saka ko na kinausap sina Sheena at Raffy nang mahina lang ang boses.



“Paano mo natitiis yung chanak na yun! Argh!”



“Believe me, masahol pa yung pinaggagawa saakin ni Sunmi noon. But anyway, sige na magpalit na kayo ng swimsuit niyo para sabay-sabay tayong maligo.”



“Ha? Si Sunmi nga pinagpalit mo ng t-shirt tapos kami papayagan mong ma-irritate ang skin namin?”



“Naniwala naman kayo sa sinabi ko? Inuto ko lang yung bata noh. At tsaka mas sensitive ang balat nun kaya mas mabuti na talagang wag siyang mag-swimsuit.” Parang ayaw pa rin nila kaya heto na ang da-moves na pinagusapan namin ni Eli kagabi. “Okay, hahayaan niyo bang landiin talaga nun ni Sunmi ang mga boyfriend niyo? Sige kayo!” Napatingin sila saakin tapos maya-maya lang, hinubad na nila yung suot nilang damit at nakapang-swimming na pala sila sa loob.



“WOW! Napaka-sexy nyo mga teh! Luluwa ang mga mata ng mga yun! Magdamit na lang kaya kayo ulit?” Inggit ako sa mga katawan nila eh. Napangiti naman sila sa sinabi ko. “Sige go na! Mauna na kayong maligo at hihintayin ko pa yung timangoloid na si Sunmi.”





ヽ(´ー`)人(´∇`)人(`Д´)ノ

End of Chapter 38

1 comment:

  1. mei commnt aq d2 pti n din dun s pf! ehehhhheheh!!!

    PASTE!!!wooowwwww meron agad chapter 38!!! magcommnt aqq d2 tas dun s blog mu ate! nkita q ung bgo mung story!!!!!! ang gwapo nung bida! hahahaah, nde mkgetover ehh....!!!!

    nkkbliw ung chapter! eh ksi nmn akksiopdlmnchxkisuyahjsndkk!!!!!! hahahahhhhahahaha, pinilit q p daw tlga bshin un eh! ayiii at mgksam s isang tent c eli at sam!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^