Friday, November 18, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 10

CHAPTER 10
(SAMIRA ALMIREZ POV)





"Tulungan niyo ako... please..." Basang-basa na ako ng ulan, at pinipilit kong kumawala sa lalaking dinala ako dito sa madilim na eskinita. Kasama kaya siya sa gang kanina? Anong gagawin niya saakin?




"Wag kang maingay Sam... baka marinig nila tayo." Bulong niya.




"E... Eli?" Nakayakap siya saakin mula sa likod, at pasilip-silip dun sa mga lalaking nagbubugbugan. "Anong ginagawa mo dito."




"Sinundan kita... dahil alam kong delikado na kapag ganitong oras." Tapos bigla siyang napapikit, at napaupo kami pareho. Nanginginig siya, at nagi-guilty tuloy ako.




"Bakit ka pa sumunod? Ang taas-taas pa ng lagnat mo." Nanahimik lang siya sandali...




"Anong gagawin mo kapag hindi kita sinundan? Papahamak mo sarili?" May point siya dun. I felt safer kasi ngayong nandito siya.



"Sino ba yung mga yun? Binubugbog nila yung mga kawawang lalaki... humingi tayo ng tulong Eli."




"Gang war yan... wala tayong magagawa sa mga yan. Kapag nahuli nila tayo na nakita natin sila, baka tayo naman ang pagdiskitahan nila." At tumitig siya saakin. "Kung hindi lang ako nanghihina, kaya sana kitang ipagtanggol ngayon eh." Tapos umiwas ulit siya ng tingin.




Medyo lumakas ang kabog ng dibdib ko. Parang napapadalas na yata 'to eh. "Pero paano ka? Hinang-hina ka na nga!"




"Just keep your mouth shut, Sam." Tapos ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko habang yakap pa rin niya ako. "Just trust me..." Malamig pa dahil mas lumalakas ang ihip ng hangin. At ramdam na ramdam ko na nanginginig siya sa lamig. "Pag-alis nila, saka na rin tayo makakaalis."






*     *     *




Half an hour na kaming nagtatago at nakababad sa ulan. Nung pagsilipulit  ni Eli, wala na yung gang at yung tatlong taong nabugbog kanina. Tumayo na kami pareho, pero mahigpit pa rin ang kapit niya saakin. "Tara Sam, dalian natin..." Tapos parang na-out-of-balance siya kaya napayakap ako ulit sa kanya.




"Sige Eli... kumapit ka lang saakin." Tapos dali-dali kaming umalis para umuwi na. Lalo ngang lumakas yung ulan, at habang akay ko si Eli, nararamdaman kong sobrang pagod na siya. Sorry Eli, I did this to you.




Pagdating namin sa bahay, bumagsak agad sa sofa si Eli... umuubo siya at namumutla nang sobra... "Eli... basa ka naman na, ang mabuti pa mag-shower ka sa maiinit na tubig!" Pinilit ko siyang itayo papunta sa kwarto niya at para makaligo siya sandali sa mainit na tubig.




May lakas pa naman siya para maligo mag-isa... sayang! Joke lang! This is a no laughing matter! Baka lalo lang tumaas ang lagnat niya!




Paglabas niya, naka-white t-shirt lang siya at pajama. Kumuha ako agad ng tuwalya para patuyuin ang buhok niya. "Ako na Sam."




"Okay lang Eli! Dapat matuyo agad yang buhok mo para makapagpahinga ka agad."




Hindi siya makatingin saakin, parang nahihiya pa yata! Eh ako nga ang dapat mahiya  sa problemang binigay ko! "Hindi ka pa nga nakakapagpatuyo sa sarili mo eh."




"Wag mo akong isipin! Ikaw ang may sakit!" Pinupunasan ko pa rin yung basa niyang buhok, kaso hinila niya yung tuwalya at hinawakan ang kamay ko.




"Kapag ikaw naman ang nagka-sakit, anong gagawin ko? Wag mong subukang pag-alalahin ako!"




.


.




(O.O)




.


.




"Ha?"




.


.







Ang puso ko... mas lalong nanikip... parang sasabog na yata...




"Sige na Sam... kaya ko na 'to... magpatuyo ka na din"




Umiwas na lang ako ng tingin. Parang nag-iinit kasi ang mukha ko. "Okay... sige... maliligo na ako." Tapos tinalikuran ko na lang siya. "Ichi-check na lang kita mamaya." At tuluyan na akong lumabas ng kwarto niya.




Pero pagkasarado ko sa pintuan... (O_O)




"Ano bang nangyayari saakin?"  Ba... bakit ako nagkakaganito?






^(◐.◐)^





Naligo na ako at nagpatuyo na rin sa sarili ko. Pagkatapos nun, dinalaw ko na ulit si Eli sa kwarto niya. Natutulog na siya kaso medyo basa pa rin ang buhok niya. Ang tigas ng ulo!!! Pero kesa naman sa gisingin ko pa siya, pinabayaan ko na lang din siyang magpahinga.



Alam ko na din pala kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko... kasi nga natakot ako sa nakita kong bugbugan kanina. Yun nga yun... yun siguro yun!








(ELEAZER PASCUAL POV)




Ang sarap ng naging tulog ko ah. Hindi na masyadong masakit ang ulo ko, at paghawak ko sa noo ko, may nakalagay pang cooler patch. Effective nga, hindi ko na nararamdaman yung init sa mukha at katawan ko.



Kaso pagbangon ko, "Sheeeeesssshhhh...? Sam?" Natutulog siya sa sahig dito sa kwarto ko!!! Muntikan ko pa siyang maapakan!!! "Potek na yan!" Bakit dito siya natutulog... "Sam?"



Kaso ang himbing ng tulog niya eh. Naglatag kasi siya ng kumot at dun na nahiga sa sahig. Adik din 'tong babaeng 'to! Hindi kaya nanakit ang likod niya? "Sam...?" Tinitigan ko siya dahil ang pangit niya habang natutulog... joke!!! Pwedeng mag-joke?



Natawa ako pero hindi ko nilakasan, tapos kinuha ko yung camera ko para picturan siya.




*click... click... click...* 




Saving 36 images... ganun karami ang kuha ko? Teka... bakit ko nga ba siya pinipicturan?




*delete... delete... delete...*




Joke lang... Wala akong ni-delete... Sayang eh... at tsaka tinamad ako, okay?



"Hoy Sam! Gising ka na"



"Hmmmm..."



Tulog mantika talaga 'to! Ang hirap gisingin! Kapag nga siguro hinalikan ko siya, hindi pa rin magigising eh... hmmm. Pwera na lang kung maalab na halik yung gagawin ko. Magising kaya siya?




*dugdug*




Parang bumabalik yung lagnat ko? Nag-iinit na naman yung mukha ko eh... Ang manyakis ko pa  pakinggan! Syempre hindi ko gagawin yun! Gentleman ako noh! Putragis yan! Makaalis na nga! Natutulog lang siya eh kung anu-ano nang iniisip ko.



"E... Eli? Gising ka na?" Nakayuko siya, parang si Sadako! Mukhang enggot lang!



Nakatayo na nga ako diba? "Hindi Sam... nananaginip ka lang."



"Ah... okay." Tapos nahiga ulit siya, at nagtalukbong pa.



"Seriously?" Talaga bang nananaginip pa rin siya? Hindi ko alam na nagsleept-talk pala siya! Nakaisip tuloy ako ng kalokohan. "Hey, sweetie... gumising ka na... or else I will kiss you." Kalokohan? Parang kamanyakan?



"Okay... go ahead hubby ko."



Potek na yan! Nananaginip nga! Ito ang hirap kapag kumakausap ka ng nagsleep-talk eh. "You want me to kiss you? Now? For real?" Isang maling sagot lang Sam, tototohanin kita.



Tapos natahimik na siya... bakit hindi ka sumagot!!!!!! "Sweetie? Honey? Are you still there?" Potek... wala na! Natulog na ulit siya! "Argh!!!" Makababa na nga talaga!



Nahahawa na din talaga ako sa kamanyakan nina Argel at Waine eh. Pero sayang talaga!




(ύ.ὺ)


(SAMIRA ALMIREZ POV)



6:30 AM pa lang!!! Ang aga pa... kaso...




"Eli?"




Nagising ako kanina na wala na siya sa kama, at pagbaba ko, nandito siya at nakaupo lang sa sofa nila. "Yow! Gising ka na pala."




Then I reached for his cheeks. "Medyo bumaba na ang lagnat mo. Pero wag ka na munang pumasok ngayon ha, baka mabinat ka pa."




"Okay." Wow! Ang daling kausap ha!




Naalala ko tuloy yung napanaginipan ko! Meron daw akong hubby, at kaboses pa nga ni Eli eh. Tapos gusto daw niya akong halikan! Ayiieeehhh!!! Sayang hindi lang natuloy! Epal din yung panaginip ko na yun eh! "Ah! Ipagluluto kita ng sopas... ang mabuti pa, matulog ka na lang ulit Eli."




"Oh...okay." Tapos nahiga siya sa sofa at pumikit-pikit. Grabe din talaga 'to pag may sakit! Ang bait na, masunurin pa, ang dali pang kausapin!




Pero may something fishy eh... hindi siya makatingin saakin straightly kapag kinakausap ko. May ginawa kayang kalokohan 'to kahit nanghihina siya? Hmmm...




Mabilis ko din natapos yung pagkain namin, at dahil sa caring ako, pinag-serve ko pa talaga siya. Dinala ko na yung pagkain niya sa living room. "Mainit yan ha, gutso mo hipan ko?"




"Wag ka ngang pa-sweet jan! Nakakapanindig balahibo ka eh!"




"Alam mo, feeling ko gumagaling ka na nga... bumabalik na naman kasi yang pagkasungit mo eh." Ah oo nga pala, kahit na alam kong ayaw niya ng ka-sweetan, kailangan ko pa ring sabihin 'to... "Thank you nga pala kagabi ha."




"Ha?" Kunyari pa 'to!




"Kahit na sobrang sama na ng pakiramdam mo, sinundan mo pa rin ako. Buti nga hindi lumala yung sakit mo eh."




"May bayad yung pagligtas ko sayo noh!"




"Tsss!!! Sige na lang! Sa tuwing gumagawa ka ng mabuti, ayaw mo pang i-admit! Alam ko naman na kaya mo ako sinundan dahil... ayaw mo akong mapahamak. Napapamahal ka na sa auntie mo, aminin mo na."




"Sira-ulo ka ba? Ang corny mo, alam mo yun?"




"Bakit Eli... hindi mo pa rin ba ako gusto hanggang ngayon?" Malulungkot ako kung sasabihin niyang hanggang ngayon, sasabihin niyang hindi pa rin kami close.




Parang nabulunan siya sa sinabi ko. Ano bang kagulat-gulat dun? Tapos napatigil siya sa pag-kain niya para ipakita saakin yung seryoso at gwapo niyang mukha. "Bakit Sam... ngayon ba, may gusto ka na saakin? In love ka na saakin?"




"Ha?" Anak ng pinagpatong-patong na tinapa!!! Out-of-nowhere, biglang ganun ang tanong! Pero bakit hindi ko agad masagot? Pwedeng oo o hindi lang naman diba... or maybe? "Ang... ang corny mo Eli! Ang lakas mong maka-change topic!!!"




Tapos tinawanan niya lang ako. "Auntie Sam! You're in love with me! Incest!"




Napatayo ako bigla. Medyo naaasar akong sinabi niya yun! Pero mas nasasaktan ako, at hindi ko alam kung bakit! Ayoko ng joke na yun! Ayoko dahil sa kanya nanggaling! "Ah ganun ha!!! Wag ka lang ding ma-iinlove saakin at magiging sunud-sunuran ka saakin!"




"Sinong tinakot mo, ako?"




Ang... ang yabang!!! Nakow!!! Maghunos-dili ka Sam! Baka makalimutan mong may sakit pa ang mokong na 'to! "I will never fall in love with you!!!"




Pagkasabi ko nun, biglang nagbago yung reaction niya. From teasing... to a very serious mode. "Never? We'll see Sam... we'll see." Tapos saka siya nag-smirk.




Teka... ano bang nangyayari kasi? Dapat nagte-thank you ako ha! Paano ba kami napunta sa topic na 'to? Me... mai-inlove sa kanya? Jusme!!! Ano naman yun? Eli... ano ba talagang tumatakbo jan sa utak mo?




(►.◄)



End of Chapter 10









2 comments:

  1. weh? maniwala! sabi mo lang yan.. haha

    ano kayang ggawin ni eli?

    ReplyDelete
  2. Nagkainlaban na yung dalawa. hahaha!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^