Monday, December 5, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 17

CHAPTER 17
(SAMIRA ALMIREZ POV)





Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami agad ng magaling na si Sunmi. Heto na naman tayo!




"Magkasama kayo?"




"Pareho kaming hindi pumasok." At naupo agad si Eli sa sofa. Pagod na pagod!




"Where did you go?" Tumabi siya kay Eli, hindi na ako pinansin. "Sa mall? You went to mall without me?"




"Nasa kwarto ka kanina eh. Natutulog ka pa yata nun."




Then she gave me that secret glare again. Tusukin ko mata nito eh! "It's alright oppa. You seem so tired na din. Bakit hindi ka muna pumasok sa kwarto mo at magpahinga." NO ELI!!! Wag mo akong iwan sa kanya!




"Sinabi mo pa! Oh, tulungan mo na lang si Sam na mag-ayos nitong mga pinamili naming groceries ha."




"Sure!" Tapos tumabi siya saakin at kunyari kinuha rin ang mga bitbit ko. "Rest well oppa!"





And Eli went up to his room, kaya kami na lang ang naiwan dito sa baba. Nauna na akong pumunta sa kitchen at ipinatong na yung mga pinamili ko sa lamesa.




Lumapit siya saakin, tahimik lang, at yung aura niya, nakakapangilabot!




"Need my help with this?" Ipinatong na din niya yung plastic at nakatayo lang siya sa gilid ko.




"Don't worry Sunmi, alam ko namang ayaw mo talagang tumulong eh. You can just leave me."




Hindi ko na lang talaga siya papansinin para wala nang gulo! Kapag pumatol na naman kasi ako sa bipolar na 'to, magkakagulo na naman.




"Didn't I warned you before? Sana tinuloy mo na lang yung stay mo dun sa kaibigan mo. Sana hindi ka na nagpakita pa dito!"




Whatever Sunmi! Talk to yourself! Bahala ka sa buhay mo.




"I still got one week here... and do you know what it means? Your hell starts this DAY!"




My hell? As if I still care! Simula nung dumating siya, impyerno na kaya! Tinalikuran ko lang siya at inilagay ko yung attention ko sa pag-aayos ng canned goods na pinamili namin ni Eli.




Kaso lumapit siya saakin, at napapikit na lang ako dahil ang akala ko sasaktan niya ako eh. But I didn't expect her move, hinawi niya lahat ang mga de-lata kaya nagsihulugan at gumulong ito sa sahig.




Hindi pa siya tapos, yung isa pang plastic bag na puno ng mga pagkaing pinamili namin, ikinalat niya sa sahig.




"DAMN YOU! I HATE YOU! WHY WON'T YOU JUST DISAPPEAR!"




"SUNMI!" Pinigilan ko na siya sa paghawak sa braso niya. "Sutil ka ha!" Sasampalin ko sana ulit siya, kaso nung pataas pa lang yung kamay ko, sobrang takot agad yung reaction niya.




Nakapikit lang siya, at naka-froze lang ang katawan niya so instead na masampal ko siya, naawa tuloy ako.




"Do it! Natatakot ka? DO IT!"




I just shove her away. What's with that scared reaction anyway? Tapos bigla niya akong hahamunin ulit! "You get lost Sunmi at kapag hindi ka pa tumigil, papatulan na talaga kita!"




"You're just scared dummy! Ni hindi mo nga matuloy!" Tapos sinipa niya yung ibang grocery items saka siya padabog na umakyat sa taas ng kwarto.




Napakagat-labi na lang ako sa pagtitimpi ko. Pinulot ko isa-isa yung mga kinalat niya at sa isip-isip ko lang, sayang! Bakit ba hindi ko tinuloy yung sampal na yun eh! Nakow Sunmi! Kung hindi lang ako naawa sayo kanina! GRRRR!




After nun, ni hindi na siya sumabay saamin mag-hapunan kaya itong kuya Eli naman, pinagdalhan siya sa kwarto! Wag mo na lang silang pansinin Sam!




*     *     *


Saturday na naman, at ang boring dito sa bahay ni Eli! Sina Sunmi at Eli busy sa paglalaro ng ps3, samantalang ako, busy sa pagkukuskos ng lababo! Mukha na lang kaya nila ang kuskusin ko at ginawa na talaga nila akong muchacha nila! After kong magkpaka-katulong...




"HELLOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!"




Nagulat na lang kami nang may tatlong boses kaming narinig na pumasok bigla.




"We're here!!!"




Waine! Argel! Badessa? Shocks!!! Nandito ang kampon ko! Magkaka-riot yata ha!




(A/N: Plug ko lang dito... gusto niyo ba ng totoong Riot? Riot Love Game, basahin niyo din!)



 m(◣◢)m





"Uy Byron, kung ano man yang binabalak niyo nina Waine at Argel, wag mo nang ituloy ha." Nakakaramdam kasi ako na kaya sila nandito para maghiganti na kay Sunmi. Pagtutulungan nila 'to panigurado!


"Chika-chika lang beb! Later na yung Boogie Wonderland!"


Boogie Wonderland! Bugbog ang ibig sabihin nun! Baliw na talaga 'tong si Byron! Buti na lang kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan ng badessang ito! Kapag narinig kasi yun ni Eli, baka siya gulpihin nun.


"Eli-byu! Imishuuu~" Yayakapin niya sana si Eli, kaso si Sunmi na ang humarang.




"Who are you?"




"Aba beb... itis na ba ang kyawting rumi-Rita Magdalena sayo? (Sam... ito na ba ang pangit na umaaway sayo?)"




"Huh? Eli oppa, haneun geol-kka? (Who is this idiot?) What is he talking about?"




"Ha... pffft... kaibigan siya ni Sam, si Byron." At sila Eli at Sunmi lang din ang nagkakaintindihan!




"Witchikels ko knowssung ang sinasabi niya, pero queber lang!  Luz clarita naman ang Chuck Norris na 'to! (I don't know what is she talking about, but I don't care! Magiging talunan naman ang pangit na 'to mamaya!)"




"Pffft... Ah oo nga pala, Byron, siya naman si Sunmi." Pinigilan ko na lang yung tawa ko kay Byron...




"Eori-seo-geun dong-seong-ae-ja! (Stupid gay!)"




"Babaitang chippanggarutay ang fezlak! (Babaeng ang sagwa ng mukha!)"




"Teka... ano bang pinagsasabi niyo?"




"Yung sinasabi ni Sunmi, si Eli lang ang nakakaintindi! Tapos yung sinasabi naman ni Byron, si Sam lang ang nakakaalam."




"Paano naman kami? Translate niyo nga Eli... Sam?"




"Hah?" I wonder kung ano nga yung pinagsasabi ni Sunmi at mukhang ayaw ding i-translate ni Eli. At feeling ko nababasa na din nila sa mukha ko na ayaw kong i-translate yung pinagsasabi ni Byron.




"Nice meeting you, Byron."




"Hehe... nice meeting you din Sunmi." And there's a funny look on their faces, at hindi ko ma-explain, pero parang nag-aaway sila sa mga tingin lang nila.




"Um... anyway, bakit nga pala kayo nandito?"




"Dumalaw lang!"




"At tsaka, namiss namin si Sam eh! GROUP HUG NGA!!!"




Niyakap ako bigla nina Waine at Argel,at naiingit naman itong si Byron kaya nakiyakap din.Pero actually chumachansing lang siya kina Waine.




"Galak na galak hah!" Tinitigan kami ng masama ni Eli, at wala lang ding reaction si Sunmi sa closeness namin.




"Oh wag kang ma-OP Sunmi ha, ganito talaga kami ka-close!"




Wow! Nagsalita nang matino si Byron para lang talaga maintindihan namin lahat yung pinagsasabi niya.




"Really... go ahead tuloy niyo lang! Hindi naman ako naiingit eh."




Wow! Nagsalita din ng matino si Sunmi para lang talaga ipaalam saamin na wala siyang pakelam sa sinabi ni Byron! Ang gulo na ha!




"Ano bang magandang gawin ngayong nandito tayong lahat! Laro kaya tayo!" Para maiba na ang usapan at malipat na ang attention nila.





"Anong game? Shogu-shoguan ulit?" Makapagbiro itong si Waine, ang wagas! Kaso nung pagkasabi niya nun, pinandilatan na naman siya ni Eli! Naalala siguro ni Eli yung kalokohan namin noon sa kanya.




"Knowssung niyo na yung shogu-shoguan? Tinuro na ni bebs sa inyo?"




"Anong shogu-shoguan yun oppa?"




"Wah! Hindi maka-relate! Ahahahaha!" At kung makapang-api naman 'tong si Argel kay Sunmi, ang wagas din! Yan tuloy, nabatukan siya ni Eli. Nakasimangot lang si Sunmi dahil nafi-feel niya yatang pinagtutulungan siya. Nakaka-out-of-place naman talaga kasi ang closeness namin eh.




"Hide-and-seek lang yun Sunmi, only in gay version."




"Oh... boring!"




"Yun boring? Baka ikaw! Ahahahaha!" Inaasar din ni Waine si Sunmi, at to the rescue agad si Eli sa pangko-kotong sa kanya. "Joke lang... hahaha! Peace tayo!" But it doesn't really sound like a joke! Mga mokong na talaga 'to.







٩(‿‿∩)۶





Naisip ko, buti nga sayo Sunmi! Pati kasi sina Waine at Argel, pinatikim na niya ng kamalditahan niya. Yan, bumabalik na sa kanya lahat ng kaartihang ginawa niya. But at the back of my mind, parang naaawa ulit ako sa kanya. Ewan basta! "Uy ikaw badessa! Ikaw na mag-isip ng game! Magaling ka dun eh."




"Hmmm... ay ito! May talong kayo?"




"Talong? Meron, kabibili lang namin. Bakit?"




"Ayan para kyut! Jisang TALONG, jisang tanong!!!" Nagwala ang bruha kakatawa. Isang talong isang tanong? Ano na namang pauso yan!




"Parang truth or consequence ba yan?"




"BONGGA! Eli-byu talaga Eli!!! But may twister using talong!!! Ganitechiwa ang mechanical operation!"




Ipapaliwanag ko na para hindi kayo mag nose-bleed kay Byron. Isang talong, isang tanong... pagpapasahan ng mga players ang talong habang nakikinig sa isang kanta. Syempre ang kanta, gay song na naman! At the end of the song, kung sino ang nakakuha ng talong, sasagutin niya yung tanong ng isang player. Kapag hindi niya sinagot, ang consequence ay magre-reveal siya ng isang secret!




"Game Chiu na!" Game ang lahat, pati si Sunmi sasali din daw. At nagsimula nang pagpasahan ang kawawang talong habang kumakanta na si Byron. "Bubukesh ang floweret, jojosok ang reynabelz, shochurva ang chacha, pa jempot jempot fah, boom tiyaya, boom tiyaya vush chenes!"




Lahat kami hindi makapag-concentrate kay Byron! Takteng version yan, ang lakas makakabag! Anyway, napunta kay Waine yung talong... at ang nagprisintang magtanong, si Byron ulit. "Wainey dear! Itis ang question, who is your first love?"




"Ano ba yan! Parang slum book lang ha..." Tapos nag-isip kunyari si Waine at huminga pa ng malaim. "Si Sam!"




"AKO???"




"SIYA!!! WHY NOT ME, WAINEY DEAR?"




"Ulul ka ba Waine?" At ano namang klaseng reaction yan Eli! Hindi ba pwedeng ako talaga ang first love ni Waine!




"Bolero ka talaga Waine!"




"Hindi nga! Totoo yun! Kung wala lang pumigil saakin nun..." Tapos parang tumingin siya kay Eli, ewan ko lang. "Sana niligawan na kita eh." Psssh! Abot batok naman ang ngiti ko! Sa gwapo nitong si Waine, crush pala ako nito! Ahahaha! Kaso sino yung pumigil sa kanya?




"Ay ako din Sam, first love kita!" Adik din 'tong si Argel! Biglang ganun din! Uy kilig! Hahaha!




"HINDI KATANGGAP-TANGGAP! Ang charot ni Wainey dear! Jisa ka fah Papa Arji! Saakin kayey dapat inlababo noh! Dahil jan, reveal a secret!!!"




Wala namang palag si Waine dahil kapag hindi daw sumunod, ili-leptolelang daw ni Byron! Ahahaha!!!




"Oo na..." Ano kayang secret yung iri-reveal niya? "Sa dami ng naging syota ni Argel, wala pa siyang first kiss!"




Nagtawanan kami at binatukan naman ni Argel si Waine. Ahahahaha! "G@G* KA WAINE HAH! BAKIT TUNGKOL SAAKIN YUNG SECRET MO!"




"Secret naman yun ha! Walang pikon!"




"Oh awat na muna! Game na ulit!" Ahahaha!!! Ang gulo talaga kasama ng mga 'to! Na-miss ko talaga sila. Anyway, nagpatuloy ulit kami.




"Mudra, pudra, gestong kez tinapay. Sister, brother, gestong kez kafey. Lahat ng gestong kez ay kemer kemerlu. Ang magkakawiz ay pipingutin kez!" Guess what, pinilit talaga ni Argel na mapunta sa kanya yung talong!




"Tingena ka Waine! Lintek lang ang walang ganti! Wala nang tanong! Magri-reveal na ako agad ng secret!" Uy si Waine... kinabahan bigla... ahahaha! "Ang first girlfriend ni Waine ay hindi babae, bakla!!!" ANOOOO~




Nag-twinkle bigla yung mata ni Byron. Isa ba itong chance para sa kanya? "Wainey dear! Are you just like me?"




"PAKINGSHET KA ARGEL! Hindi seryoso yun! Pinerahan ko lang at pinagbigyan ko na din dahil nagtangka na akong rapin nun!"




Ang dami naming tawa! Ahahahaha!!! Matatanggal na yata panga ko! Dalawang secret pa lang ang nari-reveal, ang sakit na ng tyan ko. Anyway, maniwala tayong lahat kay Waine. HINDI TALAGA SIYA KA-FEDERATION. Broken-hearted pa rin si Byron sa kanya.




Balik game ulit tayo. "Heaven Luffa in fairness. In in infairness. Okray heartness, flowing ang dugesh. Chuging, alive, umales na u dian!"




At napunta yung talong kay Eli. Kanina pa 'to nag-eenjoy kakatawa eh. Nung time na niya para sa tanong ni Argel... bigla ang saklap ng itsura niya. Kinabahan yata! "Idol... walang auntie, walang step-sister! Sinong mas pipiliin mo? Si Sunmi o si Sam?"




Si Eli - (ಠ_ಠ)




Si Sunmi - (☢_☢)




Ako - ≧⁰.⁰≦




Bakit kinabahan ako bigla sa pwede niyang sagutin! Piliin niya si Sunmi, mas close naman sila eh... kaso... paano ako? "I'm not answering that question... secret na lang din." Mahirap bang sagutin Eli? Ano naman kayang secret ang iri-reveal niya?  "I'm already in love with someone."




Lahat kami - ?(◑.◐)?




Pinili niyang wag sagutin yung tanong... kaso ang ni-reveal naman niyang secret... may mahal na siyang iba? Wala nang iba pang reaction, wala na ding nagtanong kung sino yun... sino nga kaya yun? Parang may biglang kumirot ang puso ko. Hindi ako makahinga.




Kumanta na lang ulit si Byron... pero hindi na ganun ka-saya yung boses niya. "Valer Kuberch, kahit jutay. Ang julamantrax donchi, ay anek-anek. Nyongkamas at nutring, Nyogarilyas at kipay, nyitaw, nyotaw, jutani. Kundol, jutola, jupo't, jolabastrax at mega join-join pa - Jobanox, nyustasa. Nyubuyax at luyax, and around the keme ay fulnes ng linga!"




At napunta kay Sunmi yung talong. Hindi niya rin sinagot yung tanong ni Byron, so magri-reveal din siya ng secret... ano kayang sasabihin niya? Ngayong alam niyang in love na sa iba ang step-brother niya, maglalakas-loob na kaya siyang umamin na mahal niya si Eli?




"I'm actually abused by my real father... that's why my mother divorced him... then she married Eli oppa's father."




ABUSED? SI SUNMI ABUSED NOON? Ang daming secrets! Una puro kalokohan, pero yung iba, super serious na secret!!! Kaya ba ganyan ang ugali ni Sunmi?




(DISCLAIMER: Hindi ko po original ang mga gay version songs na ginamit sa storyang ito. Yung iba, nakuha ko sa GMA show na Bubble Gang (like Shogu-shoguan), at yung iba, tinuro saakin ng mga kaibigan kong badessa. Credit goes to those who made it.)


٩(๏̯͡๏)۶



End of Chapter 17









No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^