Monday, February 20, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 37

CHAPTER 37
(SAMIRA ALMIREZ POV)



“SUNMI???”



“Na-neun dasi!!! (I’m back again) Tapos napatingin siya sa mga gamit namin. “Omo! Where are the two of you going? Hyuga-reul tteo-naneun ga? (Going on a vacation?)




“Ano daw Eli?” Ito namang si Sunmi, alam nang hindi ako nakakaintindi ng Korean eh. Baka mamaya minumura na niya ako.




“Uri-ga kaemping-ka-e it-sseumnida. (We’re going on a camping.)




“What? Now? Sasama ako! Magpapalit lang ako ng shorts and sneakers! Gi-daryeo! (Wait for me) Dali-dali namang pumasok sa loob ng bahay si Sunmi at iniwan yung dalawa niyang maleta.




“Teka, teka, anong ginagawa ni Sunmi dito?”




“Malay ko!!!”




“At sasama siya? Kararating niya lang from Korea.”




“Eh ano? Iiwanan natin siya dito?”




“Paano ‘tong mga gamit niya? Itong mga maleta niya”




“No choice. Dadalhin natin. Nanjan naman mga gamit niya eh.”




Maya-maya pa, dumating na yung inupahang van nina Waine. Kasama na sina Sheena, Raffy at si Beb na nasa loob ng sasakyan. Bumaba sina Argel at Waine para tulungan si Eli sa paglalagay nung mga gamit namin dun sa likod ng van.




“Ayiiiehhh!!! Dalian niyo! Excited na kami!!!”




“Eh kung tumutulong ka kasi dito magbuhat noh!”




“Kaya niyo na yan! Bakit pa kailangan tumulong ni Byron.”




“Edi ikaw ang tumulong saamin kung ayaw mong si Byron ang tutulong.”




“Eh teka nga, bakit may de-hialng maleta dito idol? Sam sayo ba ‘to? Camping tayo diba?”




“Hindi saakin yan.”




“Uwaaaahhh!!! Kay Eli yan?”




“Hoy! Hindi rin saakin yang mga yan!”




“Eh kanino yan?” Nagkatinginan lang kami ni Eli kasi hindi namin alam yung isasagot namin. Apaka-bilis naman kasi ng mga pangyayari! Kagulat-gulat pa kamo!




“Saakin yan, bakit?”




Napalingon kaming lahat sa boses galing sa loob ng bahay. At laking panic nina Byron, Waine at Argel nang makita nila si…




“SUNMI!!!”




“I know, I know, I’m such a beauty! But well I’m back!” Bruhilda pa rin ‘to kahit kelan!




“Kelan pa siya dumating?”




“Kanina.”




“Bakit siya nandito?”




“Christmas vacation.”




“Sasama siya saatin?”




“Isn’t it obvious?”




“Teka naman Sunmi, hindi ikaw ang tinatanong namin. Kanina ka pa sumasagot.”




“Pakelam mo, eh sa gusto kong sumagot. Oppa oh, inaaway ako ni Waine.” Ayayayayay!!! Sumasakit ang ulo ko! At ano pa nga bang aasahan mo kay Eli! Syempre naman kampi yan kay Sunmi!




“Hay naku! Umalis na nga lang tayo!”




“Yeah right! Saka na ako magku-kwento sainyo!”




“As if namang gusto naming pakinggan ang kwento mo.”




“Oppa oh, si Waine!”




“Waine!!!” Halatang imbey na imbey pa rin talaga sila kay Sunmi eh. Sasakay na sana kami sa sasakyan nang patigilin ulit kami ni Sunmi!




“Jam-kkan gi-daryeo! (Wait a sec!) Who are these two girls?” Napatingin si Sunmi kina Sheena at Raffy na nananahimik sa kinauupuan nila. Magkatabi silang tatlo na pinagigitnaan si Byron.




“Um… Sunmi, siya nga pala si Raffy. Twin sister ni Byron. At si Sheena naman, girlfriend ni Byron.”




“Jeongmal!!! (Really?) Tanong ni Sunmi with matching panlalaki ng mata. “Badessa you’re a boy now? Why didn’t you choose me?”




“Ehehe, Sunmi naman.” Yung tingin naman ni Sheena, pwede nang pumatay! Kakatakot lang hah!




Tinignan lang din ni Sunmi si Sheena from head-to-toe eh kaso hinawi siya ni Argel para tumabi naman kay Raffy. “Tara na! maya na yang paliwanagan.”





“And bakit naman ikaw umupo jan?”




“Kasi po Sunmi, si Argel at Raffy ay in a relationship naman.” Opo. Naging sila na po nung last Christmas ball sa school nina Eli. Nung Christmas ball na hindi namin dinaluhan ni Eli dahil hindi daw siya mahilig sa ganun! Kung sa bagay, pati rin naman ako. Pero yun nga, sila Argel at Raffy na. Obvious naman sa dalawa na type nila talaga ang isa’t isa eh. Ahaha!




“Mworago!!! (What did you said?) Tanong na naman ni Sunmi na mas malaki na ang mga mata. “Well, well! Ang dami ko palang namiss nung nawala ulit ako ng ilang buwan.”




“Actually, alam mo bang si Eli at Sam na?” Uwaaahhh!!! Bakit naman biglang sinabi yun ni Waine? Ohowno!!! Alam naman nating may brother-complex itong babaitang ‘to kay Eli!




“Actually, alam ko na. Matagal nang sinabi saakin ni oppa. Bleh!”




“Huwaaat???” Napatingin ako kay Eli. “Kelan mo sinabi?” Hindi lang ako sinagot ni Eli, parang pati siya biglang naii-stress sa pagdating ni Sunmi! Bakit ang gulu-gulo naman kasi!!!




“Anyway, everybody out of the car! Ako ang magsasabi ng sitting arrangement natin sa sasakyan!”




“AT BAKIT???”




“Because I said so, diba oppa?”




Napatingin kaming lahat kay Eli, tapos kay Sunmi, tapos kay Eli ulit, tapos kay Sunmi ulit… tapos ayaw na naming silang tignan! Potek na magkapatid ‘to! Bakit kailangan may sitting arrangement? At bakit si Sunmi ang magdedecide ha? Nakow Sunmi!!! Nakakakunsume!!!







❀◕    ◕❀


(SUNMI’S POV)


I begged appa and eomma that I want to spend Christmas here with Eli oppa and Sam unnie. Ang celebration kasi ng Christmas sa Korea is not that special compare sa celebration dito sa Philippines. Saka na ako uuwi kapag New Year na so I’ll spend one week here with them.




Kaso pagdating ko, may plan na pala sila na camping so of course, sasama ako. I’m not pagod naman sa naging byahe ko, ‘coz nasa first class seat naman ako nung nandun ako sa plane.




“Everybody, out of the car now!” I ordered them again. So sumunod naman sila. “And you manong driver, wag kang makisali ‘coz permanent seat mo na yan.” Yung driver kasi, bumaba pa. Eh obvious naman na driver nga siya diba! “Eotteon babo-ya! (What an idiot) Aish!”




“Oh… so ano nang balak mo?”




I just had a very naughty and evil plan! Euhahaha! We’ll, I’m already done making Sam’s lovelife miserable before! Boto naman na ako sa kanya for my oppa. “Oppa and unnie, mauna na kayong pumili ng pwesto niyo!”




So as expected, nauna si oppa dun sa upuan sa likod ng driver’s seat sa may tabi ng bintana at hinila niya si Sam para magkatabi sila. Good! So here’s my lovely plot. Kumapit ako sa braso ni Byron and, “Byron, since you’re not gay anymore, I’ll call you oppa na! Upo ka na dun!”




Wala siyang nagawa kundi umupo dun sa seat na tinuro ko sa likuran lang nila Eli oppa. And you should also see his girlfriend’s face, so epic! Anyway, this makes me happy so tumabi na ako kay Byron.




“Anong ibig sabihin nito? Kayo magtatabi?”




“Have problem with that?” Ehehehe! This is fun! “Hmm… anyway, maluwag pa naman so… Argel, I’ll let you sit here at my other side.”




“At bakit?” Oh, and Raffy’s face? No longer angelic! Hwahaha!




“Can’t you just follow me? I thought you’re excited? Sumunod na kayo parahindi na tayo magtagal!” Wala ring nagawa si Argel kundi tumabi saakin. Nginitian ko siya at ngumiti rin siya saakin ng pilit.




“Alright, I’ll sit here.”




“No Ate Raffy! Ayoko ng masikip!”




“This is a four seater!!!”




“Shut up! Ayoko ng masikip, Ex-babyloves!” Nagulat bigla sila sa sinabi ko. Next time ko na lang ie-explain kung anong ibig sabihin nun. “Ate Sheena and Ate Raffy, sa harap kayo sa tabi ng driver.”




“ANO???”




“Saan niyo gusto? Sa gulong?” Nakikipaghamunan sila ng tingin pero sa huli, padabog silang dalawa na naupo na sa harap nung van. Ahahaha! People are just so freakishly cute kapag naasar! “Sarado mo na yung pinto Argel. We’re ready to go! Yey!”




“O-oy!!! Wait!!! Nakalimutan mo na ba ako? Saan ba ako uupo?”




“Wag ka na lang sumama.” - ^^




“ANO?” – (ό_ὸ)




“Hoy Sunmi, tumatagal na tayo ha.”




“Oops! Just kidding, oppa. Ahahaha.” Tapos tinitigan ko ng masama si Waine. “Dun ka sa likod! Bantayan mo yung mga gamit! And take special care of my bags dahil kapag may nabasag sa mga gamit ko…” Nilapit ko yung mukha ko para bulungan siya, “I’ll kill you.”




I smiled sweetly and sat comfortably with Byron and Argel on my both sides. Now we’re off to go dun sa campsite na sinasabi nilang pupuntahan daw namin. This is will be a one hell of a Christmas camping celebration! Hihihihi! Ang saya talagang makipag-BONDing sa kanila! Euhahaha!







(SAMIRA ALMIREZ POV)




Maingay kami nung umpisa. Parinig ng parinig sina Sheena at Raffy samantalang deadma lang si Sunmi sa kanila.




Halata rin sa mga mukha nina Byron at Argel na natatakot na sila sa mga girlfriend nila dahil nga pumayag lang sila at walang nagawa sa kagustuhan ni Sunmi. Si Waine naman, wala akong balita sa kanya dun sa likod. Kawawa naman siya!




After siguro ng isang oras, tahimik na kaming lahat. Nakatulog na si Sunmi at nakapatong ang ulo niya kay Argel samantalang nakakapit siya sa braso ni Byron.




Saka ko na binulungan si Eli. “Uy! Wala ka bang planong pigilan yan si Sunmi ha? Nagseselos na yung mga girlfriend dun sa harap oh! Grabe na sayad sa utak niyang si Sunmi eh.”




“Sheeesh! Wala ka ring magagawa sa plano niyang batang yan. Pabayaan mo na lang.” Tapos sinukbit niya yung isang earphone niya kaya narinig ko yung pinakikinggan niya sa mp3 niya.




“Ano bang meron dun kina Argel at Sunmi dati? May history ba sila?” Tinignan lang ako ni Eli tapos tinaas niya yung dalawa niyang kilay… which means YES! “Huwaaat???”




“Wag ka na ngang maingay, matulog ka na lang sa byahe.” At pinilit niyang ipatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Eh sa hindi ako inaantok! Gusto kong makinig sa kwento na yun! “Kapag nakialam ka, sige ka. Ikaw ang pagti-tripan ni Sunmi!”




Ay kung makapanakot!!! Okay sige, nakakatakot nga baka maging target ako ni Sunmi! Uwaaahhh!




Pero sa pagkakakilala ko jan kay Sunmi, kahit na sandali pa lang naman talaga kami nagkakilala, may mga dahilan yang mga evil actions niya.





Paniguradong pinagseselos niya lang sina Sheena at Raffy katulad ng ginawa niya saakin noon with Eli. Tignan na nga lang natin yung mangyayari, at good luck dun sa dalawang gerlprend! Ay good luck na rin pala kay Waine! Siya ang main target ngayon eh.




٩(××,




Nakarating na kami dun sa entrance nung pagka-campingan namin. May ilang minutes pa kami lalakarin para makarating dun sa mismong campground. Hindi na kasi pwedeng ipasok yung sasakyan dahil bundok na yun. “Sunduin niyo po ulit kami after five days hah.”




“Okay sige. Ingat kayo ha!”




Kausap naman ni Eli yung campmaster. Samantalang kanya-kanya na kami ng bitbit ng backpack at ng iba’t iba naming gamit.




“Unnie! Do you have insect repellant?” Minsan kahit maldita itong si Sunmi, hindi mo pa rin maiaalis na mas bata pa rin talaga siya! Kaya siguro ayaw na lang siya patulan nina Raffy at Sheena.




Anyway, after pala ng sitting arrangement scene namin dun sa van, sinusuyo na nina Byron at Argel ang mga girlfriend nila. Ahahaha… wawa naman yung dalawa!




“Heto oh.” At tinulungan kong magpahid si Sunmi nung lotion. Sayang naman kasi yung mala-porselana niyang kutis kung pagpi-pyestahan lang ng mga lamok diba? “Sunmi, mag-behave ka naman. Bakit ba parang pinagseselos mo sina Sheena at Raffy? Bad yun, wag kang mang-api ng relasyon.”




“Sinong gusto mong apihin ko? Yung relasyon niyo?” Ito na nga bang sinasabi ni Eli! “Ayaw na kitang awayin Unnie, nakakasawa na mukha mo eh. At dahil natutuwa ako kina Ate Raffy at Sheena, wala kang magagawa.” Tapos nag-smirk siya saakin, ay nako! Wala nang pag-asa ang kutong-lupa na ‘to! “Waine!!! Come!!!” Tapos nalipat na yung attention niya kay Waine!




“Kung makatawag ka saakin akala mo aso mo ako ha!”




“Lumapit ka naman, so yeah! Good doggie!” Tapos ni-pat pa niya yung ulo ni Waine.




“Oy Waine, maghunus-dili ka! Wag kang manununtok hah.”




Si Waine naman, halatang nagpipigil na lang. “Bakit na naman ba?”




“I’ll give you the honor para dalhin ang mga gamit ko!”




“Gusto mong balibag kong mga gamit mo?”




“Gusto mong ikaw ang mabalibag ko? Kunin mo na mga gamit ko at ingatan mo ha! Now shoo!!! GA! (Go Away!) Napailing na lang ako sa asta ni Sunmi.




Kung silang dalawa ni Argel ay may past, ano naman kaya ang deal nitong si Waine sa kanya. Napapansin ko noon na mas madalas mag-away sina Waine at Sunmi compared sa pakikipag-away niya kay Argel. Bakit nga kaya? Hmmm…





Anyway, nang matapos na ang pag-uusap nina Eli at nung camp master, lumapit na siya saamin at may hawak na siyang mapa.




“Sabi saakin may tatlo campgrounds dito. Yung pinaka-malapit na lalakarin natin, ordinary lang yung view. Yung pangalawang madadaanan natin, ayos naman kaso may nauna nang grupo ang nag-occupy nung space... Yung pangatlo, yung nasa halos tuktok, yun yung ni-refer nila saakin. Halos one hour natin yung lalakarin pero sulit naman daw yung place. May malapit pang falls dun.”




“Uwaaaahhh! Dun na tayo sa pangatlo!” Majority naman kami na yun ang nagustuhan kaya yun na ang pinili namin.




Nagsimula na kaming maglakad bitbit ang mga nagbibigatan naming gamit at ano nga bang aasahan mo kapag magkakasama ang barkada. Syempre puro angal, tapos asaran, tapos chismisan, tapos aangal ulit, tapos mag-aasaran ulit… sa huli ay mananahimik dahil naubos na ang mga sasabihin… o dahil na rin sa pagod na kami.




Lupaypay kami pagdating sa campground na tinutukoy ni Eli. Paano ba naman, bundok daw ba akyatin mo! Buti na nga lang may trails kaming sinundan kaya napadali yung pagha-hike namin at hindi pa kami naligaw!




“Waaahhhh!!! Naneun muri piryo-hamnida! Naneun mogi malla! (I need water! I'm thirsty!)




Dahil pareho kaming pagod, hindi na halos namin pinansin si Sunmi sa mga ka-alienan niya. Biruin mo siya, pinagbitbit lang namin ng isang basket na puro chichirya, pagod na pagod na!




“I-eot-sseumnida. (Have this.) Teka… hindi si Eli yung nagsalita ng Hangul ha! Si Waine?




“Chaga-un mul, je-bal! (Cold water, please!)




“Walang malamig na tubig!!!” Naintindihan niya rin yung sinabi na yun ni Sunmi? “Masi-myeon-seo! (Drink that!)




“Argh!!!” Tapos ininom na lang ni Sunmi yugn tubig na binigay ni Waine.




“Teka Eli, kelan pa natutong magsalita ng Hangul si Waine?"




“Malay ko sa kumag na yan.”




“Shee, itong water oh.”




“Don’t talk to me! Hindi pa tayo bati!”




“Raffy, itong tubig oh.”




“Iabot mo dun sa ex-babyloves mo!”




“Sam, itong tubig oh…” Joke lang! walang ganyang offer saakin si Eli! Napakamanhid niya! Hindi niya naisip na nauuhaw din ako. Kahit hindi na lang bilang boyfriend eh, kahit bilang alipin ko na lang diba? Sana man lang naka-isip itong hinayupak na ‘to na bigyan ako ng tubig!




Anyway, saakin na lang binigay nina Byron at Argel ang tubig na hindi tinanggap nina Sheena at Raffy. Mukhang mahaba-habang usapan ang magaganap sa pagitan ng magsing-irog na mga ‘to.




After na naming makapagpahinga lahat, balik trabaho na kami ulit. Inayos na ng mga boys yung mga tent… at kasama si Byron nun ha! Samantalang kami, inasikaso namin yung mga pwedeng asikasuhin katulad na lang ng paghahanda ng kakainin namin at pag-iipon ng mga sticks para sa bonfire!




This is it na talaga! Nafi-feel ko na yung camping experience!!!





≧❂◡❂≦

End of Chapter 37


(A/N: Dapat may part 2 pa 'to kaso ginawa ko na lang CHAPTER 38 yun. Hayaan niyo bibilisan ko na lang ang kasunod nito. I-enjoy niyo muna ang pagbabasa ng 37. Ahahaha!)



>>>CHAPTER 38 HERE





1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^