Friday, February 24, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 39

CHAPTER 39
(ELEAZER PASCUAL POV)



“Ano ba yan pare, hanggang ngayon ba hindi ka pa rin nakakaget-over kay Sunmi?”



“Ungas! Puppy love nga lang yung noon! Bakit niyo ba laging pina-aalala yung tungkol saamin? Kay Raffy na nga ako mga pare, mahirap bang intindihin yun?”



“Oh speaking of Raffy, palapit na sila ni tib…o?”



Anak ng pusanggala! Nakisalo na rin sina Raffy at Sheena sa pagsu-swimming pero pareho silang naka-bikini. “Whatcha lookin’ at, boys?”



“Bakit babae ka na naman ngayon Sheena?” Nasanay lang kasi akong asarin ‘tong babaeng ‘to natitibo-tibo noon eh. Pero alam ko namang babae na talaga siya.



Tapos napatingin ako sa itsura ni Byron nung makita niyang naka-bikini nga ang gerlprend niyang si Sheena. “Hoy bakit naka-ganyan ka?”



“Bakit masama?”



“Magpalit ka nga ng t-shirt dun? Wala ka naman sa beach eh!”



“Nasa beach o wala, ganito ako mag-swimming.”



At dahil nga nangako ako kay Sammy na tutulungan ko ngang pagbatiin yung mga kaibigan namin na pinag-away ng magaling kong step-sister, heto, gagawa na ako ng da-moves!



“Wag kang magpalit Sheena, bagay kaya sayo.” Tapos nag-smirk ako at napatingin lang silang lahat saakin. Ulitin ko lang ha, plano lang ‘to!!! Wala sa tipo ko ang makipag-flirt sa babae!



“Anong sabi mo Eli-byu?”



Lumapit ako kay Sheena tapos inakbayan siya. “Sexy naman ‘tong kaibigan namin eh, wag ka nang umepal Byron.”



“Oy-oy, ikaw Raffy. Bakit naka-bikini ka rin?” Napatingin din ako kay Raffy na inaaway na din ng tukmol na si Argel. So kailangan ko ring i-save si Raffy noh kaya inakbayan ko rin siya. Ang gwapo ko kasi, hwahaha!!!



“Anong bang problema niyong mga boyfriend kayo! Dapat nga matuwa kayo ang gaganda ng girlfriend niyo eh. Diba?” Tinignan ko sila Sheena at Raffy tapos binigyan ko sila ng tag-iisang kindat.



Ako – v(◣‿-)v --> Iba talaga pag gwapo noh?



Sheena – (//) --> Kinikilig yan, panigurado.



Raffy – (\\)--> Isa pa ‘to, crush ako nito eh.



Byron – (.)--> Manununtok na yan oh!



Argel – (.) --> Baka makalimutan niyang Idol niya ako.



Waine – ¬) --> Mukhang timang lang, hindi naman siya kasali eh.



“Na-ui ireon!!! (Oh my gosh!) What’s the meaning of that oppa!!!” Yown! Sakto! Nadala na din ni Sam si Sunmi! “Unnie, oppa is flirting with those… eotteoke!!! (What the!) Bakit sila naka-bikini!!! What’s the meaning of this?”



Naka-akbay pa rin ako kina Sheena at Raffy, nakatingin lang rin saamin si Sam habang nagwawala si Sunmi. “Hay naku Sunmi, tara na maligo na lang tayo!” At hinablot niya agad ang kapatid ko bago pa yung umangal.



“Teka… LQ din ba kayo ni Sam, Idol?” Napatingin silang lahat saakin nang tanungin yun ni Waine.



“Magkaaway din kayo? Kaya pala masungit siya kaninang umaga eh.”



“Bakit kayo nag-away Eli?”



“Malay ko sa babaeng yan! Ang arte-arte!”



“Hoy ikaw kalalaki mong tao! Ikaw ang maarte jan!!!”



“Bakit sino bang nanguna? Diba ikaw!”



“Ang kapal talaga ng mukha mo!!! Ikaw ang nauna! Bwiset ka!!!”



“Uy teka lang… bakit ba kayo nag-aaway?”



“Yah unnie? What’s the problem ba? What happened last night?”



“Wala!!!”



“Ano ba! Hindi magandang nag-aaway kayo ng ganyan.”



“Bakit sina Byron at Sheena, at Argel at Raffy lang ba ang pwedeng mag-away dito?” Pagkasabi ni Sam nun, nagkatinginan yung nga yung mga badoodles na couple.


(ノಠ益ಠ)ノ

(WAINE MENDEZ POV)



Ano bang nangyayari sa mga ‘to? Kaya mahirap sa relasyon eh, hindi lang magkasundo, away na agad! Kulang na lang bugbugan. Buti pa ako walang kaaway… “Hey doggie, kuhaan mo nga ako ng tubig.” Except pala dito sa dagang kapatid ni Idol.



“Doggie mo mukha mo! Mukha kang shih-tzu!”



“And you’re an askal!” Pa-slang pa!



“Aspin na yun!”



“See, tanggap mong doggie ka nga!” Ampowtek naman!!! “Now give me water! Cold water, please!”



“Nasa bundok tayo, walang malamig!” Tapos inabot ko sa kanya yung isang bote ng tubig. Sayang kasi wala kaming dalang gallon. Yun sana yung ipapatungga ko sa kanya. “Alam mo ikaw, kasalanan mo ‘to ha! Nung umepal ka sa bakasyon namin, saka nag-away-away mga tropa ko.”



“Whatever, talk to my hand!”



“Minsan na lang maging masaya ang kuya mo, ginulo mo pa! Ikaw din may dahilan kung bakit nag-away sina Sam at Idol eh.”



“Geu-geon nae jal-mosi anim-nida! (That’s not my fault!)



“Liar! Kasalanan mo yun panigurado!”



“Mul-lon a-nida! (Of course not!) I’m done with unnie!!!”



“Kasalanan mo yun! Kasalanan mo yun! Kasalanan mo yun!”



“Yah!!! I’ll show you, pagbabatiin ko yung dalawa!!!”



“Weh!!! Eh ang alam mo lang gawin, ang awayin ang mga tao! Ang galing mo nga nung pinag-away mo sina Byron at Argel sa mga girlfriend nila. Dakilang kontrabida ka kasi! Kaya walang magkagusto sayo!” Pagkasabi ko nun, tinapon niya sa mukha ko yung tubig sa bote. “Epal mo alam mo yun! Kung hindi ka lang babae at kung hindi ka lang kapatid ni Idol, kanina pa kita sinapak eh!”



Tapos sinipa naman niya ako this time. “Aray!!! Kanina ka pa ha!!! Ang pangit-pangit mo!!!” And this time itinaas niya yung kamay niya kaya akala ko sasampalin niya ako… kaso… bigla siyang…



“You’re pangit!!! Naneun dang-sini jeongmal ssireo!!!” Saka siya tumakbo papasok sa tent nila… nang umiiyak.



“Amp naman oh!!!” Hindi ako nagpapaiyak ng babae ha, ngayon lang. Siya naman kasi eh, bakit kailangan ganun kasama ang ugali niya… “I hate you na naman? Pakershet talaga!”



Kaya lalo akong nabu-bwiset kay Sunmi eh. Kasi lagi niya akong sinasabihan ng ganun…




=FLASHBACK=


“Step-sister ko nga pala, si Sunmi.”



“Hi Sunmi! Ako nga pala si Waine.” Ang swerte talaga ni Idol! Bakit ang ganda ng kapatid niya… ay for the second thought, malas pala si Idol. Dahil kapatid niya, hindi na siyang pwedeng magkagusto sa kanya! Hwahaha!



“Naneun dang-sini jeongmal ssireo!!!”



“Ha…? Ano daw yun Idol?”



“A… eh… hindi ka niya gusto Waine.”



“Uwaaah! Bakit naman!!!” Napasimangot na lang ako sa kanya, lalo pa dahil ang sama ng tingin niya saakin.



“Hello Idol!!! Wow sino yang kasama niyo?”



“Kapatid ko nga pala si Sunmi. Galing siya ng Korea.”



“Oppa, naneun geureul jjo-ahago itsseum-nida.”



“Ano daw yun Idol?”



“Ahehehe, Sunmi, this is Argel.” Tapos binulungan niya si Argel at narinig ko naman yung sinabi niya. “Gusto ka daw niya Gel!”



“Woah! Talaga? Hi Sunmi! Or should I call you my babyloves? Do you like it?” Ano namang pauso yun Argel? Babyloves? Korni!!!



“Hehe! You’re so funny! Naneun ireo-ke ma-riya! (I like that!) Babyloves!” Don’t tell me nagustuhan niya yun! Pambihira naman oh! And there goes my pers kras! Napunta lang kay kulugong Argel!



“Gusto niya si Argel kesa saakin?”



“Hindi… ayaw niya lang talaga sayo.” Awts lang ha!!! Awts lang talaga!!!
Anyway hindi rin naman nagtagal yung moment na yun. Parang ngang laru-laro lang yun kasi bata pa sila pareho nun. At isa pa, madali lang ding pinag-sawaan ni Sunmi ang pagmumukha ni Argel. Siguro mga one hour lang silang naglaro tapos inaway-away na rin ni Sunmi si mokong…



Eh teka, bakit may nalalaman pa tayong flashback dito! Korni-korni naman!!!

=END OF FLASHBACK=




Natapos na ang boring naming second day dito sa campground. Lahat magkakagalit! Ang mahirap pa jan, gusto kong makipagbonding kina Sam, ayaw pumayag nila Idol. Boys VS Girls daw eh.



Kinagabihan, natutulog na ang lahat pero hindi pa rina ko madalaw ng antok. Bwiset kasing Argel, naghihilik! Dagdag mo pa si Byron na nangangatngat ng ngipin! Apaka-ingay! Ang sarap itapon dun sa falls eh.



Nagpasya na akong lumabas kaso nagulat naman ako nang may Makita akong hindi kanais-nais! “Woah!!!”



“Kyaaah!!!”



“Anong ginagawa mo dito?” Weh gaya-gaya ng tanong! “Hindi ako makatulog eh!!!” Ano yun! Gaya-gaya rin ng sagot! Weirdo nito ah!



“Bakit hindi ka pa inaantok?” Nauna akong naupo dun malapit sa bonfire namin na medyo mahina na ulit yung apoy.



“Am I really that bad?” Sumunod din si Sunmi sa pag-upo malapit sa bonfire pero hindi siya tumabi saakin. Asa naman diba?



“Yung totoo? Ang sama-sama mo. Daig mo monster sa sama ng ugali mo. Pasalamat ka nga maganda ka eh, tapon lang natin ugali mo.”



“What did you said? Naega ye-ppeujyo? (I’m pretty?)



“Ha? Kelan ko sinabing maganda ka?”



“You said, ‘Pasalamat ka nga maganda ka eh, tapon lang natin ugali mo.’ I can’t be wrong!”



“Weh… hindi ko sinabi yun. Naghahallucinate ka yata!” Powtek… sinabi ko nga yun! Lintek na bibig yan! Kelangan madulas?



“Hey wait… how come you can understand me? When did you learn how to speak Hangul?”



“Ha? Ah… eh…” Kelan nga ba? “Kasi may nililigawan akong babae na Korean. Last month lang yun kaya ako nag-aaral ng Hangul.”



“May nakapagsabi na ba sayo na ang pangit ng accent mo?”



“May nakapagsabi na ba sayo na ang pangit talaga ng ugali mo?”



“Meron, ikaw. Pero sabi mo naman maganda ako kaya okay lang.”



Anak ng pinagpatong-patong na kulangot sa pader naman! Bakit ba hindi marunong magpatalo sa sagutan ‘tong babaeng ‘to! Ang galing mamilosopo, ang arte-arte, ang sama ng ugali!



“Hay naku! Matutulog na nga ako! Wala kang kwentang kausap!”



“Anong tingin mo sa sarili mo, mas may sense?” Argh!



“For once nga magpatalo ka naman!” Sinigawan ko siya at nakabusangot na mukha ko! Masa-salvage ko ang babaeng ‘to eh.



Pero imbes na matakot na siya dahil talagang malapit ko na siyang dagukan, natawa pa siya na nakatingin sa mukha ko. Ay baliw! Malala na talaga! 



m( ◭_◭ )m



“Anong nakakatawa? Ikaw suntukan na lang oh! Bahala nang mabugbog ako ni Idol, masaktan lang kita.”



Bigla siyang napatigil sa pagtawa niya. “Alright, go ahead. I’m used of getting punched, kicked and bullied. Go ahead.” Ngayon ang seryoso na ng mukha niya kaya napakalma ako bigla.



“Ikaw bullied?” Wala siyang sinagot sa tinanong ko, at mukhang wala siyang balak i-share. “Okay joke lang naman yun eh. Hindi naman ako pumapatol sa babae kahit half-monster pa yun katulad mo.” This time, hindi pa rin siya sumagot. Dapat kapag inasar siya, may kasunod na pang-aasar din! Mas brutal pa nga yung sa kanya eh.



“Hey… so would you help me?” Ha? Biglang may ganung dialogue?



“Help you…?”



“Pagbatiin natin si oppa and unnie.”



“Ah, na-guilty ka! Ikaw nga dahilan ng pag-aaway nila noh!”



“Ba-bo! (Fool!) How many times do I have to tell na hindi ko sila pinag-away! I admit ako ang dahilan kung bakit kaaway ngayon nina Argel at Byron ang mga girlfriends nila but I swear wala akong ginawa kina Sam at oppa!” Maniniwala ba ako o hindi? “I like Sam unnie, as in L-I-K-E, like HER for my oppa! Get it?” Okay maniwala ka na Waine. Baka makatikim ka na talaga ng bangas eh.



“Edi okay! Sige na, hindi na ikaw ang may kasalanan.”



“Finally! Thank God! So tulungan mo akong pagbatiin sila.”



“Ayoko pa rin.”



“Wae!!! (Why you!!!) Do you really want to die?”



“Alam mo eto lang yan, kung hindi ikaw ang dahilan ng pag-aaway nila, wala kang karapatang manghimasok! Pero yung gulong ginawa mo kina Sheena at Raffy, yun yung dapat mong inaayos! Sunmi naman, hindi ka na bata! Hindi ka na dapat umaasta ng ganyan! Tatanong-tanong ka kanina kung masama ka ba, eh yun yung pinapakita mo.”



“That was just for fun!”



“Eh hindi nga masaya! Ikaw ba masaya ngayon ha? Walang nag-eenjoy sa camping na ‘to, alam mo ba yun?” Nakanang speech yun ha! “Okay ganito, kapag pinagbati mo sina Argel at Raffy, pati na rin sina Byron at Sheena, tutulungan kitang pagbatiin si Idol at ang peyborit mong unnie.” Parang nag-iisip siya ngayon, 50-50 chance na papayag. “Dalian mong mag-decide Sunmi! Going once… going twice…”



“Alright, alright I’m in! I’ll fix them tomorrow.”



“Ano sila may sira?”



“I mean I’ll fix their problem tomorrow.”



“You mean THE problem that YOU did. Sige, ayusin mo yan bukas na bukas din. Pag hindi mo sila pinagbati, hindi rin kita tutulungan.” Saka na ako tumayo. “Oh matulog ka na dahil matutulog na din ako. Maaga pa tatrabahuin mo bukas para pagbatiin ang mga relasyong sinira mo.”



Inirapan niya ako tas may pahabol pang batok. Gaganti sana ako kaso nagmadali na siyang pumasok sa loob ng tent nila. Nung ako na lang maiwan na mag-isa.



“Hoy mga Idol, alam kong nakasilip kayo jan.” At tama nga hinala ko, pinapanood nila kami ni Sunmi.



“Ang galing mo Waine! Tama ngang kinun-chaba ka namin! Biruin mo yun, napalapit talaga sayo si Sunmi.” Ehehe, opo… kasama ako sa plano ng alien couple na ‘to.



“Oh ayos na… si Sunmi na magpa-plano kung paano niya pagbabatiin yung apat.”



“Powtek! Galing ko talaga noh! Galing ng plano ko.”



“Isa ka talagang Idol! Sige na, balik na kayo sa love nest niyo!”



“LUL!”



“Baliw!” Tinulak ako ni Idol tapos hinampas naman ako ni Sam. Bakit ba lahat ng kakilala ko ang hilig manakit? Kawawa talaga ako sa kwentong ‘to eh!



*     *     *

(SAMIRA ALMIREZ POV)


DAY 3!!!



Umagang-umaga, nag-morning call si Sunmi. “Ano ba naman! Magkapatid nga kayo. Ang aga niyo magising!” Bukod pa dun, sakit ulit ng katawan ko. Alam na kung bakit!



“Dali na tumayo ka na jan! May gagawin na si Sunmi.” Tapos nauna na siyang lumabas. Galit-galitan pa rin kami ngayon ni Eli so dapat pareho kaming wala sa mood.



“Good morning oppa!”



“Morning lang! Walang good!”



Narinig kong sinabi niya yun paglabas ko which means ready na namang makipagbakbakan saakin ‘tong si Eli. “Talagang walang good lalo na kung ikaw ang kasama sa loob ng tent.”



“Wag ka ngang umepal, kinakausap ka ba jan?”



“Ikaw ang epal, sayo ba ako nakikipag-usap?” Bumi-best actor at actress kami ng Junanax! Hwahahaha!!!



“Ano ba yan, ang aga-aga nag-aaway na naman ang mga idol! Tsk!” Isa pa yan si Waine, best supporting actor! “Bakit mo ba kami ginising ha?”



Inirapan lang siya ni Sunmi, pero may something talaga sa mga tinginan nitong dalawang ‘to! Although magka-kunchaba naman sila na ‘pagbatiin-kami-ni-Eli-kunyari!’.



“Ano na namang gusto mo ha?”



“Napaka-aga pa! Hay naku, inaantok pa ako!”



At mukhang lahat galit dahil ginising nga kami ni Sunmi. Nung tinignan ko yung itsura niya, medyo naawa tuloy ako sa kanya.



“I… um…” Go Sunmi! You can do that. “I want to apologize for what I did.” Nakayuko niya lang sinabi. Kami namang tatlo nina Eli at Waine, patagong napangiti. “And… ah… I prepared breakfast for all of us.”



This time, nagtinginan na kaming lahat. Kitang-kita sa mga reaction nina Sheena, Raffy, Byron at Argel ang pagkagulat. At kunyari nagulat na lang din kami para hindi halata! Ehehehe. “So… um…”



Don’t worry Sunmi, I’ll help you na this time. “Okay tara na! Kainin na natin yung breakfast na hinanda ni Sunmi.”



“Wala namang lason yan noh?” Tapos siniko ni Eli si Waine. Panirang mongoloid din ‘to eh!


≧❀‿❀≦

End of Chapter 39

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^