CHAPTER 47
(SAMIRA ALMIREZ POV)
Dahil sa lumalalang mga atake na hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapaliwanag ni Eli, pati sa school hatid-sundo na niya ako. Pero actually, parang hindi lang talaga yun ang dahilan.
Kailangan ko pa bang sabihin kung ano yun? Binabantayan lang naman din niya ako kay Kian. Pero ano naman kayang magagawa ng boyfriend ko noh kung pagpasok ko sa loob, magkikita at magkikita pa rin talaga kami ni Kian.
Nasa study area ako habang hinihintay si Byron. Hindi siya pumasok sa first subject namin kanina. As usual, lantungan with Sheena na naman yun.
“Hey!” Biglang may tumapik na lang sa likod ko. Si Kian.
“Ah… hi.” After nung nangyari, hindi naiwasan na maging awkward. At dahil hindi na nga ako kumportable na ganun na pala ang nararamdaman niya saakin, kaya pinili kong umiwas.
“Magi-end na itong sem, wala ka pa ring balak kausapin ako?”
“Nag-uusap na tayo ha.”
“You’re not hanging out with me anymore.”
“Dahil ayokong lumala ang sitwasyon.” Natahimik kami bigla pareho. Aish! Ayoko ng ganito kahirap na sitwasyon! Gusto ko na lang umalis!
“Usap-usapan pa rin nung mga nakasama natin nung shoot yung tungkol sa inyo ni Eli.”
“I don’t care.” Bakit ko iisipin yun sinasabi ng iba?
Na kesho step-aunt ako at pamangkin ko siya! Na kesho nakatira kami sa iisang bahay na kaming dalawa lang. Na kesho ganito at ganyan! Eh kung yung Kuya ko nga at Mama ni Eli, payag sa relasyon naming dalawa, tapos sila pa mambabatikos ngayon!
“Sam… why can’t you choose me.”
“Simple lang naman ang sagot eh, because you’re not him.” Napayuko siya bigla. Ang harsh ba ng pagkakasabi ko? Pero kung hindi ko yun sasabihin ng direcho, mas masasaktan naman siya diba? “Kian, kaibigan kita at malapit ako sayo. But if you still insist about what you feel, I'm sorry. Hindi ko kayang suklian ang nararamdaman. Let’s save our friendship, so please, try to forget about me.”
Hindi niya ako sinagot. Silence means yes… tama ba? But looking at Kian’s expression, I don’t think it’s a yes.
Matatanggap ko naman sana na gusto niya ako, pero wag lang ipilit ang sarili niya saakin. At higit sa lahat, wag niyang ipamukha saakin na ang lalaking mahal ko ay hindi nararapat saakin.
Kaya nga kung hindi ito maayos, mas pipiliin ko na lang na layuan siya para wala nang gulo.
Aalis na sana ako kaso pinigilan niya ang kamay ko. Tinulak ko naman siya palayo! Baka kasi kung saan na naman mapunta yun! Kaso napalakas yata ang tulak ko at bigla na lang siya natumba.
“Kian! I’m… I’m sorry.” Siya naman kasi eh! Kaso nung pagtulong ko sa kanya na itayo siya… “Ang init mo ha. May sakit ka?”
“Hindi. Wala ‘to.”
“Uminom ka na ba ng gamot? Kaya pala maputla ka ngayon. Siguro dapat magpunta ka muna ng clinic.”
“You just rejected me tapos ngayon you act like you care? Wag na Sam! Wag na!” Sinigawan niya ako sabay walk-out.
So does this mean na kahit yung friendship, hindi ko masasalba?
I sighed in disappointment.
Pero kung sa ganito mauuwi ang lahat, then I really have no choice but to accept it. Mas mabuti na rin siguro ‘to para makaiwas sa gulo.
@(ᵕ.ᵕ)@
Natapos ang klase at nagmamadali na akong pumunta sa may gate. Malamang kasi nandun na yung si Eli. Ang dami pa namang angal nun kung ma-late lang ako ng ilang minuto! Kabisado na kasi niya ng oras ng uwian ko.
Kaso pagdating ko naman dun, kinakausap naman siya ng ibang mga schoolmates ko. Ay naku ang lalanding haliparot ng mga ‘to! Kaka-imbey!
“Oy! Anjan ka na pala.” Lumapit na ako sa kanya tapos nagmake-face lang ako dun sa mga babae.
“Ano yun? Sino yung mga yun? Bakit mo kinakausap?”
“Aba malay ko sa mga yun. At saka hindi ko sila kinakausap noh. Sila lang salita ng salita.” Sabay hablot niya sa dala kong maliit na canvas at umakbay pa. “Tara na nga!”
Magseselos pa sana ako kaso napangiti na lang ako dahil sa pag-akbay niya! Ayiiehh!!! Panigurado kasing inggit na sila dahil ang gwapong nilalang ni Eli! Hwahaha! At boyfriend ko pa!!!
“Teka… mag-merienda muna tayo. Hindi ako nakakain kanina eh.”
“Sige, basta ba sagot mo.” Kapal din ng mukha nitong lalaking ‘to!
“Ikaw ‘tong mapera, ikaw pa magpapalibre!”
“Eh sino bang nag-aya? Diba ikaw.”
“Oo na nga sige na! Sa ministop lang tayo kakain.”
“Ang cheap naman.”
“Wag ka ng umangal.” Tatawid na sana kami kaso may napansin ako bigla. May isang bata kasi na nakaabang lang din sa may gate ng school namin. “Eli, kanina pa ba yang batang yan?”
“Oo, bakit?”
“Wala lang… para kasing pamilyar.” Tinitigan ko siyang maigi kaya napatingin din siya saakin. Maya-maya… “Ah!!! Ikaw nga bata!!!”
“Ate…?”
“Naaalala mo pa ako?”
“Wah!!! Ate!!!” Napatakbo siya bigla papunta saakin at niyakap niya ako.
Ang mukha naman ni Eli, syempre nagtataka! “Kamusta ka na ha?”
“Okay naman ako Ate!”
“Hoy… sino ba yang batang yan?” Nakakunot na yung noo ni Eli habang nakatingin ng masama dun sa bata. “Hoy bata bumitaw ka nga! Kung makayakap ka sa girlfriend ko ha! Bitaw!!!” At hinablot ni Eli yung kwelyo nung bata. Tama bang magselos sa ganyang edad?
“Ate, boyfriend mo yang manong na yan?”
“Anong sabi mo? Manong? Gusto mong bigwasan kita jan?”
“Ate oh!”
“Oy Eli, grabe ka ha! Pati sa bata pumapatol!”
“Eh sino ba yang kulugong yan at kung makakapit sayo, parang tuko!”
“Ikaw mukhang butiki!”
“Aba’t…”
“Oy tama na nga!!!” Grabe ‘tong si Eli! Pikon sa bata! “Eli, siya yung batang tinulungan ko noon.”
“Ha? Kelan ka pa tumulong sa mga pulubi?”
“Hindi ako pulubi! Manong!”
“Hampas-lupa! Kumag! Mongoloid! Supot!” Binatukan ko na si Eli! Kakahiyang kasama! Grabe pumatol sa bata!
“Ayan buti nga!”
“Siya yung batang tinulungan ko noon kaya ako na… na ano… um…” Kaya ako nabugbog. Itutuloy ko ba?
“KAYA KA NABUGBOG! Yun ba yun ha?” Ayan, siya na ang tumuloy. “So ikaw palang bata ka ang may dahilan kung bakit nasaktan ‘tong si Sam noon!” Sabay aabutin niya sana ng pingot yung bata kaso nagtago ito sa likod ko at para silang napa-patintero habang nasa gitna nila ako.
“Hoy tama na nga yan!!!” Pinigilan ko yung bata at yung isip-bata dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao! Ay ano ba yan! Nakakahiya talaga! “Ah bata, ano nga bang pangalan mo?”
“Kyle po!” Sigaw niya habang umiiwas pa rin na mahablot siya ni Eli.
“Bakit ka nga pala nandito at nag-aabang sa gate ng school namin?”
“Inaantay ko po ang kuya ko.”
“HULI KA!!!” At nahuli na nga siya ni Eli at pinalupot niya yung braso niya sa leeg ni Kyle para makutusan niya yung bunbunan. “Loko ka ha!”
“Waaaaaahhhh!!! Aray!!! Ate tulong!!!”
Hay naku ang kulit naman talaga nitong si Eli!!! Hindi pa rin natigil!
*buuuugggggggssssshhhh!*
“Eli naman ang likot-likot! Tumigil ka na ha!” Parang bata ‘tong kausap ko! Ang hirap paliwanagan! Aish! “Mag-behave ka jan!” Sa wakas at natigil din!
“Salamat ate!”
“Kanina ka pa ba naghihintay dito sa kuya mo? Nag-merienda ka na ba?” Hindi siya sumagot kung nakakain na ba siya. Nahihiya siguro.
“Kakain kasi kami nitong timongoloid na kasama ko jan lang sa may ministop. Habang hinihintay mo yung kuya mo, sumama ka na lang saamin at doon mo na lang siya hintayin. Wala kasing upuan dito sa labas, baka pagod ka na rin.” Isa pa, mukha kasing kagagaling lang ng school nitong si Kyle. Parang dumirecho lang talaga dito para sunduin yung kuya niya. Nakakaawa itsura niya, pawis na pawis tas parang pagod.
* * *
Kasama nga namin siya dito sa ministop. Naka-pwesto kami dun sa mga upuan na nakaharap sa salamin para kitang-kita namin yung gate ng school. Baka daw kasi lumabas na yung kuya niya.
Nilibre ko siya ng pagkain at pinabayaan ko naman si Eli bilang parusa sa pagiging isip-bata niya kanina. Nagmumukmok nga siya sa tabi ngayon eh.
“By the way, alam mo na ba name ko?”
“Opo. Kanina ko pa nga naririnig na sinasabi nung manong na kasama niyo. Ate Sam!”
“Pfffttt…” Ang wagas nung bata! Hindi man lang natatakot na tawaging manong si Eli!
“Ilayo-layo mo na saakin yang batang yan at malilintikan na talaga saakin yan!”
“Eh kasi naman Ate, bakit pumapatol ka sa mga manong?”
“Ano ka ba Kyle. Kapag tinatawag mong manong ang boyfriend ko, eh di manang na rin ako.” Oh yan ha! Baka sabihin ni Eli, hindi ko siya pinagtanggol.
“At saka hindi pa yata ako kilala ng tukmolitos na yan eh! Nakikita mo ‘tong kamao ko ha? Kamao ‘to na kinatatakutan ng lahat ng gang dito sa lugar natin.”
“Ga… gang member po kayo?”
“Gang leader!”
Biglang namutla tuloy yung bata. Dahil kaya yun sa na-trauma na din siya sa mga naranasan niya about sa mga gang noon? Siniko ko na lang si Eli para itigil na yung pagyayabang-slash-pananakot niya kay Kyle.
“Heto na nga ang pera Eli. Bumili ka na rin ng pam-merienda mo.”
“Ano ako, walang pera?”
“Ililibre ka na nga eh.” Ma-change topic lang!
“Kung ililibre mo ako, ikaw bumili ng pagkain ko.” Tapos tinulak niya ako. “Dali! Kuhaan mo rin ako juice ha.”
“Wag mong aawayin yang si Kyle ha!”
“Hayaan mo Ate, magsusumbong ako.”
“Dudugo naman nguso mo, gusto mo?”
Hay jusmio! Pabayaan mo na nga lang Sam. Kapag tinopak talaga si Eli, wala ring makakapigil eh. I don’t think naman na sasaktan niya talaga yung bata noh. Wala sa tipo niya yun.
٩(-_- ̃)۶
(ELEAZER PASCUAL POV)
May kakaiba sa Kyle na ‘to. “Anong grade ka na ba supot?”
“Grade six. At hindi na ako supot! Tuli na ako ha!”
“Eh bakit mo inaabangan ang kuya mo dun sa gate? Mas nauna ka pa saaking naghihintay kanina. Hindi mo ba kayang umuwi mag-isa?”
“Marunong na akong umuwi ng mag-isa ha! Yung kuya ko lang ang binabantayan ko.”
“Bakit? Si Budoy ba ang kuya mo at kailangan pang bantayan?”
“Baka lang kasi gumawa na naman ng gulo yun eh…” Tapos natahimik siya bigla. “Ah… kuya Eli…” Naks! Maka-kuya akala mo kapatid ko. Sabi na nga ba eh, pang-asar lang yung tawag niyang MANONG kanina kapag nakaharap kay Sam. Parang nagpapa-astig siya ng dating. Hindi kaya crush ng batang ‘to si Sam? “Talaga bang leader ka ng gang?”
“Oo. Mukha ba akong nagbibiro?”
“Taga-saan po kayo?”
“South.”
“Ka… kayo po yung Idol?” - (O.O)
Bigla akong natawa. “Kilala mo naman pala ako totoy eh.” Napayuko naman siya bigla. Sinilip ko si Sam, nandun pa nakapila sa cashier kaya medyo mahaba pa ang masinsinang usapan namin nitong si Kyle. Tamang-tama! “Nung araw na tinulungan ka ni Sam kaya siya nabugbog nun, nakwento niya saakin na kaya ka ginulo nun ng mga taga-West ay dahil may atraso yung kuya mo sa kanila. Yung kuya ba na tinutukoy mo noon ay yung kuya na inaantay mo ngayon?”
Tumango lang siya bilang sagot. “Kung ganun, gang member kuya mo.”
“Dati! Ang alam ko… wala na ang grupo nila.”
“Ano bang pangalan ng kuya mo?” Tinignan niya ako na parang nagdadalawang-isip siya kung sasagot ba siya o hindi. “Taga-North ba, Kyle?”
“Ah… hi… hindi po…”
“Psh! Hindi ka marunong magsinungaling bata!” Bigla kong itinaas yung kwintas niya at humawak dun sa pendant. “Kanina ko pa napansin na suot mo ‘to. Pendant ito na simbolo na pagiging member ng North Gang. Kinuha mo ‘to sa kuya mo ng walang paalam noh?”
“Pero matagal nang wala yung gang na yun diba? Ang alam ko nga, kayong mga taga-South ang nagpabagsak sa kanila.”
“Bakit na sayo ‘to ngayon?”
“Kasi ayoko nang alalahanin pa ng kuya ko ang grupong yun.”
“Eh anong alam mo sa North Gang ngayon?”
“Wala po.”
“Sigurado ka?”
“Wala akong alam.”
“Kaya ba binabantayan mo kuya mo?”
Bigla siyang nagbuntong-hininga. May hindi sinasabi saakin itong si Kyle.
“Hindi ko sasaktan ang kuya mo, Kyle. Pero sa oras na may gawin siyang masama, baka mapilitan akong gumawa ng aksyon tungkol dun. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. Kaaway ng grupo namin ang grupo nila…” At mas hininaan ko ang boses ko para kaming dalawa lang ang magkarinigan. “Meron akong sasabihing sekreto sayo Kyle at gusto kong saating dalawa lang ito. Alam mo ba na may mga balita na balak kaming gawaan ng masama ng North Gang? Kumikilos sila ulit. Balak nilang gumanti saakin at natatakot ako na baka idamay nila ang girlfriend ko, si Sam. Ngayong alam kong may kuneksyon ka sa grupong yun, matutulungan mo kaming pigilan ang masasama nilang plano. Gusto mo bang masaktan ulit ang taong nagligtas sa buhay mo noon?”
“Ang totoo po… wala talagang sinasabi saakin ang kuya ko tungkol doon. Pero nung mga nakaraang buwan pa, parang yun nga… parang nakikipagkita ulit siya sa mga kasamahan niya. Hindi na nga lang siya nagku-kwento saakin. Pag tinatanong ko siya tungkol doon, hindi rin niya ako sinasagot ng direcho.”
Nasa magandang part na sana kami kaso bigla nang dumating si Sam dala na ang pagkain ko. “Wow, ilang minuto lang akong nawala, magkasundo na kayo! Naks naman bati na sila!”
“Anong magkasundo? Binabantaan ko lang ang totoy supot na ‘to noh.”
“Hindi ako makikipagbati sa mga manong na tulad mo noh!”
Nagtinginan na lang kami ni Kyle. Makakasundo ko rin naman pala talaga ang batang ‘to. Kumain na kami at magkausap lang sila Sam at Kyle. Halatang walang muwang talaga si Sam sa mga nangyayari ngayon pero mabuti na rin yun dahil ayoko siyang mag-alala.
Maya-maya, may tumawag sa cellphone ni Kyle, ang kuya niya. “Hello, kuya. Opo… oo… um… naghihintay ako…” Tapos napatingin siya kay Sam at pati na rin saakin. Hindi maganda kutob ko sa usapan nila. “Pero… kuya naman hindi sila… opo. Opo kuya… sige uuwi na ako. Bye.”
“Oh ano daw sabi ng kuya mo? Bakit daw hindi pa siya lumalabas ng Edinham?”
“Pinauuna na lang niya akong umuwi.” Hindi siya makatingin saakin. “Uuwi na ako Ate Sam ha. Babye!”
“Teka Kyle…” Pero nagmadali na agad itong tumakbo palabas at hindi na lumingon saamin. “Ano bang problema nung batang yun. Umalis na lang agad. Hindi pa naubos ‘tong pagkain niya.”
Kung kuya niya ang kausap niya kanina sa cellphone, malamang na nakita niya kami na kasama namin ang kapatid niya kaya pinagmamadali niya itong umalis na.
Lumabas na kami ng ministop at lumingon-lingon ako sa buong paligid. Baka kasi nasa tabi-tabi lang yung kuya ni Kyle at mamukaan ko dahil kung taga-North siya, malamang na nakasama siya nung panahong pinabagsak namin ang grupo nila. “Oh sinong hinahanap?”
“Ah wala naman… ang mabuti pa, umuwi na lang rin tayo.”
“Ano pa nga ba! Tara!”
Naglalakad na kami pauwi pero ni-text ko na sina Waine at Argel tungkol sa bagong lead na nakuha ko.
“Naaalala niyo yung batang dahilan kung bakit nabugbog si Sam noon?Imbestigahan niyo siya. Mukhang taga-North Allester Elementary School siya dahil sa uniform niya at ang pangalan niya ay KYLE. Meron siyang kuya, member ng North Gang. Alamin niyo kung sino yun. Pumapasok rin siya sa university na pinapasukan ni Sam. Ipakalat niyo rin sa ibang members para mas mabilis nating malaman.”
◤(¬ ▂ ¬)◥
Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15
Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21
Chapter 22 | Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27
Chapter 28 | Chapter 29 | Chapter 30 | Chapter 31 | Chapter 32 | Chapter 33
Chapter 34 | Chapter 35 | Chapter 36 | Chapter 37 | Chapter 38 | Chapter 39
Chapter 40 | Chapter 41 | Chapter 42 | Chapter 43 | Chapter 44 | Chapter 45.1
Chapter 45.2 | Chapter 46 | Chapter 47 | Chapter 48 | Chapter 49 | Chapter 50
EPILOGUE | EPILOGUE 2 | Secret Letter by Eli | Samira's Dream | Sunmi's Past
Planning a Confession | Identity Crisis | Babyloves? | Four Nights of... Love?
Chapter 40 | Chapter 41 | Chapter 42 | Chapter 43 | Chapter 44 | Chapter 45.1
Chapter 45.2 | Chapter 46 | Chapter 47 | Chapter 48 | Chapter 49 | Chapter 50
EPILOGUE | EPILOGUE 2 | Secret Letter by Eli | Samira's Dream | Sunmi's Past
Planning a Confession | Identity Crisis | Babyloves? | Four Nights of... Love?
aww :| SAM mag ingat ka . malapit na sila sayo .
ReplyDeleteELI wag mo hayaan na masaktan si sam. pabagsakin niyo ulit ang mga tga north . :|
ang tagal kong hinintay to. waaaaa.
as expected!! kian talaga... pag si sam napahamak na naman... sasapakin kita!!! you're the man elibyu.. ikaw ba talaga... ang sarap mong maging boyfriend/body guard.. ayiiiieeee, kyle tama yan, feed information kay idol ok?! go idol.. ikaw na talaga ang napakabait na leader ng north! ikaw na talaga super idol!!! iloveyou talaga... super!!!
ReplyDeleteFIRST!!!
ReplyDeletewow nahuhulaan ko na ang mangyayari...hehehehe
ReplyDeletesi kyle-kian ang magkaptid!!!! grbe, kinkbhn n aq s mngyyri!
ReplyDeletemukhng maaksyong katpusan ang ibbgay mo ate aegyo!
sna nmn wlang mngyring msama kei sam.
nttkot aq!
kpatid nung c kian c kyle! naku mpptay tlga kta kian!
ReplyDeletegrabe. nakakatawa, ang isip-bata ni eli. pati sa gradeschool napatol.
ReplyDeletepero si kyle, kapatid yun si kian. tamang hinala lang.
exciting na. ilang chapters na lang.
amoy gulo talaga ang katapusan.