Wednesday, November 9, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 6

CHAPTER 6
(ELEAZER PASCUAL POV)





Dumagundong ang puso ko nun ha. Tama bang yakapin niya ako nang mahigpit? Lalaki din naman ako!





"Eli ayoko na!!! Bahala ka isasama kita!!!"





Nakakahiya. Ano ba 'tong iniisip ko? "Bitawan mo nga ako! Pumasok ka dun sa kwarto!"





"AYOKO! Ako muna ang bitawan mo! Dahil kung hindi..." Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin at halos masakal ako sa pagpulupot niya sa leeg ko. "Promise, isasama kita!"





Wala na akong nagawa. Kesa ma-suffocate ako. "Joke lang."



Hindi ko na rin kasi napigilan ang sarili ko. Parang umaakyat ang dugo sa mukha ko. "Walang multo, okay! Bumitaw ka na nga." Kunyari na lang nginitian ko siya para makapang-asar lang, "Sinong duwag ngayon? Quits na tayo! Magluto ka na ng dinner!"





Pero arghhh! Nauulol ka na ba Eli? Parang may lumalala kang sakit niyan eh! Teka! Baka si Sam ang may sakit! Nahawa lang ako! Tapos nararamdaman ko na ang mga symptoms ng kabaliwan. Grrrr...





*     *     *




"Idol... kanina ka pa tulala dyan." Magka-group kasi kaming tatlo nina Waine at Argel para sa isang project ngayong first grading. "Si Sam ba iniisip mo?"





I sighed. "Oo... Ha? Hindi ah!" Ano ba yan! Kumag naman kasi 'to! Nadulas tuloy ako! "Bakit iisipin ng gwapong tulad ko ang pangit na tulad nun?"





"Si Sam, pangit? Weh? Hindi nga!"





Oo na! Maganda na siya! Eh pero pangit pa rin siya! "Pero Idol, okay lang na maramdaman mo yan. Pareho kayong teenager! Nag-iinit ang mga katawan niyo! Diba tama ako Waine!"






"Aprub!"





"Nag-iinit ang mga katawan?" Nag-isip ako sandali. Talaga bang nag-aadvice ang mga 'to. Teka... "LOL! Ay! LUL pala! Mga iniisip niyo puro kamanyakan na naman eh!"





"Idol, tama naman si Argel! Binata ka, dalaga siya. Tapos kayong dalawa lang sa bahay." Tapos tinignan niya ako nang masama. "Ni minsan ba, hindi mo naisip na sunggaban siya sa gabi?" Saka sila nagtawanan sila.





Pero pinagbabatukan ko sila. "Wag niyo nga akong itulad sa inyong mga manyak!" Changgala yan! Sa gwapo kong ito, mag-iisip ako ng ganun sa babae. "Gwapong gentleman ako noh!"





"Wow Idol! Lakas mo!" Sabay nilang sinabi. Tapos biglang naging seryoso ulit sila. "Pero Idol, si Sam yung tipong pwede eh... pwede mong maging girlfriend. Astig kaya yun!"





"Oo nga! Kaya nga na-inlab kami agad ni Waine sa kanya dahil kakaiba siya eh. Walang ganun babae dito sa school." Ano daw inlab? "Kaso binasag niya kami eh. Tapos pinagbawalan mo pa kami."





"Ewan ko sa inyo! Wala namang matinong sagot sa mga adik na tulad niyo eh!" At tsaka, bakit ba ganito ang pinag-uusapan namin. Tingin ba nila trip ko si Sam. "At tsaka wala akong gusto sa babaeng yun!"





Pinagtawanan lang nila ako, kaya lalo akong nabadtrip. "Mga t@rant@d0!" At sabay bangas sa mga bunbunan nila.







>=(





Sabado na ulit at pag-gising ko, wala na si Sam sa kwarto niya. Himala yatang maaga siyang nagising.  Pagpunta ko sa kitchen, wala din siya doon. Wala siya sa buong bahay. Takte! Baka hindi pa siya nagluluto ng breakfast ko!





Uy! Pero may pagkain naman na palang nakahanda! Naupo ako sa mesa. "Nasaan kaya yun?" May nakadikit naman palang sticky-note dun sa gilid ng plato.






At pagbasa ko:
"Eli, maaga akong umalis. Pero may breakfast ka na ha.
May meeting kasi ako with my group members sa Edinham.
Hindi na ako makakauwi for lunch, mag-instant noodles ka na lang.
Babawi ako sa'yo mamayang dinner. ^-^

Lovelots,
Auntie Sam




Lovelots Auntie Sam! Tinapon ko yung note. Kadiring babae! Nakakaasar! Nakakabwiset! Nakakasira ng araw! Nakakabadtrip! Nakakawalan ng gana!





Hindi ako sanay na nauuna siyang umalis saakin eh! Ni hindi man lang nagpaalam ng personal! At dahil sa kanya, wala akong masarap na lunch ngayon! Five minutes lang naman ang layo ng university niya dito! Humanda ka saakin Sam!




m(ὸ.ό)m





3:00 na ng hapon at sinadya kong kalatin ang bahay para pagdating niya, maglinis siya ng walang humpay. Yan ang parusa sa mga nagpapabad trip saakin.





Narinig ko nang nag-open yung gate, at si Sam na nga yun. Kaso nagulat ako sa bumugad saakin. "Sam? Kelan ka pa nagbasurera?"










(SAMIRA ALMIREZ POV)





Nakakatawa masyado yung reaction ni Eli nung makita niya akong maraming bitbit. Kaso grabe naman ang lait niya saakin sa mga dala ko. "Hindi ito basura! Iri-recycle ko 'tong mga 'to. Naubusan na kasi ako ng pera para pambili ng gamit sa project ko eh."





Salubong pa rin ang kilay niya. Tapos napatingin ako sa loob ng bahay. "Uwaaaahhhhhh!!!" Sabay takip sa bibig ko. "Kelan pa naging basurahan ang bahay mo?"





Napakamot siya ng ulo, parang hindi niya alam ang gagawin niya. "Dagdag kalat pa yang dala mo. Ligpitin mo muna itong bahay ko."





"Ayos ha! Ako ba nagkalat? At tsaka hindi pwede! Gagawin ko pa 'tong project ko. Maglalagari at magpupokpok pa nga ako eh." May mga dala kasi akong plywood at mga kahoy.





"Kanina basurera, ngayon karpintera ka na?"





"Sira! Kailangan kong gumawa ng canvas for painting! Ang dami ko ngang kailangan gawin eh."





"Nabibili naman yun ha!"





"Wala na nga akong pera! Naubos ko nung nag-grocery ako ng pagkain natin!"





Natahimik siya at nag-isip sandali. Tapos biglang bumanat ulit siya. "Linisin mo muna itong bahay."





"Ha? Ayoko nga!"





"Babayaran kita." Ginamitan niya ako ng killer smile niya. Kaso walang effect eh. Ganito nga siguro dahil iniisip ko yung project ko.





"Ayaw sabi!"





"Ayokong makalat ang bahay ko!!!" Niyugyog niya ako at itinulak. Ayaw niyang makalat ang bahay niya, bakit siya nagkalat? "Sige na, may premyo ka saakin."





"Premyo?" Nag-isip ako sandali. Ay baka tulungan niya akong mag-lagari at gumawa ng canvas! "Sige na nga! Pero siguraduhin mo lang na may premyo talaga ah!" 





Inabot ako hanggang alas-kwatro kalilinis ng magulong bahay ni Eli. Ano kayang pumasok sa utak ng lalaking yun at parang nagwala siya sa buong bahay niya. After kong maglinis, naupo na ako sa sofa. Lumapit naman siya at naupo sa isa pang upuan.





"Ang sarap ng buhay natin ha. Ikaw magkakalat, ako maglilinis?" Tapos syempre hindi ko kinalimutan yung premyong sinabi niya. "Ang premyo ko tulungan mo akong gumawa ng canvas ha."





"Asa-ness!" Nag-make face pa siya na pang-asar. "Ako pagagawain mo ng ganun? Swerte mo!"





Napatayo ako. "Hoy Eleazer! Sobrang pagod na ako! May hinahabol pa akong deadline! Tulungan mo ako! Wag kang maduga!"





Bigla siyang natawa. Ano kayang nakakatawa? Na naghi-hysterical ako? Tapos may dinukot siya sa bulsa niya. "Oh yan! Pera pambili mo ng mga gamit." Inabutan niya ako ng two thousand. "Hindi mo naman sinabi na allowance mo pala yung ginamit mo pambili ng mga pagkain. Utang na loob ko pa tuloy."





Nahiya naman ako. "Hindi naman ako naniningil eh. Bayad ko din yun sa pagtira ko dito."





"Wag ka nang inarte! Kunin mo na yan. Yang perang yan, budget talaga para sa pagkain. At tsaka, ayoko yang mga dala mong kalat!"





Hindi lang masyadong pinahahalata ni Eli, pero sobrang sweet naman talaga siya eh. Masungit nga lang. Nahuli ko na naman ang kiliti niya eh, kaya lulubus-lubusin ko na. "Sige... pero samahan mo akong mamili ng canvas ngayon." 






"Al-al mo!" Sungit, pero sige lang. Tingan natin kung matiis mo ako.





"Sige... ako na lang mag-isa. Pero hindi ko masisiguradong makakauwi ako ng maaga para magluto ng dinner mo. Tutal sanay ka naman sa instant noodles, yun na lang din ang kainin mo mamaya."




Pagkasabi ko nun, napatayo siya. "Samira Almirez!" Tapos nagbuntong-hininga siya. Nanalo na naman kasi ako! Ahahahaha!






≧◔◡◔≦

(ELEAZER PASCUAL POV)





Walang akong nagawa kundi samahan si Sam na bumili ng mga gamit niya. Pagdating namin sa bookstore, pinabayaan na ako ng hinayupak na babae. "Magtingin-tingin ka lang dito. Baka mapagod ka kakasunod saakin eh." As if namang gusto ko siyang sundan.





Naiwan ako sa book section at sinisilip ko siya dun sa kabilang section. Hindi sa tinititigan ko siya at inaalam yung mga kailangan niya, pero puro oil at cotton painting canvas nga ang tinitignan niya. Mabigat yung mga yun, kaya pala niya ako isinama. Pabubuhatin niya siguro ako mamaya. Amp!





"Gosh... he's so cute."





"Oo nga. Teka nakita ko na siya eh. Taga South Grisham yan..."





"Si... Si Eleazer Pascual yan mga sis! Ang gwapo!!! Kunin niyo yung number!"





Biglang nanindig yung balahibo ko nung parang napansin ko na talagang may mga sumusunod na babae saakin mula pa kanina.



Ako nga pinag-uusapan ng mga 'to dahil nakikita ko sila sa peripheral vision ko. Ang lalagkit ng tingin nila, nakakapangilabot. "Nasaan na ba si Sam?" Nawala tuloy siya sa pangin ko!





"Excuse me, mag-isa ka lang?" Lumapit na yung mga babae, pero hindi ko sila pinansin. "Diba taga-South Grisham ka? Nag-aaral kami sa kalapit lang na school."




"Eleazer Pascual name mo diba?"





"Ha? Oo..." Stalker ba 'tong mga 'to? Nakakatakot!





Tinignan ko lang sila nang masama para layuan nila ako. Kaso sa gwapo kong ito, inakala pa nilang nagpapa-cute ako. Kinilig pa ang mga potek!





"Ako nga pala si Payieee!" -  (≧◡≦)





"Ako si Jiyeon! Number one fan mo!" -  乂⍲‿⍲乂





"Richelle naman ang name ko! Pwedeng makuha number mo?" -   (♥♥)





"Ha?" - ಥ_ಥ 



Nakakatakot? Para pa silang naglalaway sa paningin ko! Paano kaya sila nasama sa kwento ng buhay ko? I smell something fishy... Ah tama! Ganun kasi ako ka-gwapo at kasikat! Kilala ako ng lahat! "Sorry, busy ako."





Iniwasan ko na lang sila, kaso sumunod pa rin eh. Bakit ba ganito na kawa-wild ang mga babae ngayon. I-karate chop ko kaya 'tong mga 'to. Kaso baka makasuhan ako, isipin pa nila pumapatol ako sa babae. "Eleazer you're so pogi talaga..." Sabay-sabay nilang sinabi!





Tapos na-corner nila ako sa tabi. Nakayapos na yung Payieee saakin. Nakapulupot naman yung mga galamay nung Richelle at Jiyeon sa katawan ko. Hinimas nila ako. Pakingshet na mga manyak na babae! Magaganda sana eh, kaso mga wild!





"Ang bango mo! Shet! Free ka ba ngayon? Sama ka na saamin." Tapos pinag-agawan na nila ako! Ano ako laruan? Sisigaw ba ako ng gang-rape?





Pero buti na lang at nakawala ako sa mga hayok na 'to. Dinalian ko ang paglakad ko at nung makita ko na si Sam, nilapitan ko siya agad. Pinakita ko sa mga mapang-harass na mga babaeng yun na may kasama ako. "Sammy, hindi ka pa ba tapos?" Inakbayan ko siya at parang ewan lang ang reaction niya.




"Sammy?" Napaisip siya sandali kaya hinimas ko ang buhok niya. Maki-ride ka na lang please. "Heto... may mga napili na ako." Pero confused pa rin ang mukha niya.




"Ganun? Bigla kang nawawala sa paningin ko eh." Nginitian ko siya tapos kinurot ang pisngi niya. "Tara bili din tayo ng brushes at pintura mo para sa project mo."




Nakaakbay pa rin ako sa kanya habang naglalakad kami papunta dun sa mga paints at brushes. Nilingon ko sandali yung mga babae at natawa ako dahil effective ang ginawa ko.





"Ano ba yan... may girlfriend na si Eleazer?"




"Sayang! Bagay pa naman kami."





"Tara na nga mga sis! Broken-hearted na ako." At nagsiaalisan na sila. Salamat mahabaging langit!





"Hahahahahaha!" Napalakas ang tawa ko. Mga fans ko ang mamanyak!




"Anong problema mo Eli?" Nakatayo lang kasi siya habang nakaakbay pa rin ako sa kanya. Sobrang magkalapit ang mga mukha namin, at nginitian ko siya dahil nailigtas niya ako sa mga babaeng yun. "Kalalaking tao mo, ang landi mo."




"Ha?" Tama ba yung narinig ko? "Ako malandi?"





Tinanggal niya ang kamay ko sa balikat niya. "Aakbay-akbay ka pa. Ano namang trip yan?" Tinawanan niya ako at nauna ulit siyang maglakad. "Naa-adik ka na naman Eli?"




Ako adik? Bwiset na Sam yan! Don't tell me hindi man lang siya kinilig kahit konti! Hindi ba niya alam kung gaano karami ang babaeng nagkakandarapa na akbayan ko, titigan at ngitian ko ng ganun! Tapo sasabihan niya lang akong malandi!





"Kunyari pa! Hindi na lang amining kinikilig siya."



Pero inirapan niya lang ako. "Asa much Eli" At tinawanan niya ako ulit!





Anak ng pucha! Hindi ba talaga siya kinilig? Amp! Sana pala dun na lang ako sa tatlong pasaway kanina... but for the second thought, sige wag na lang! Amp ulit!




ͼ(ݓ_ݓ)ͽ



End of Chapter 6




>>>CHAPTER 7 HERE





2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^