Wednesday, November 9, 2011

Sister Complex : Chapter 11 Part 1

Chapter 11
Attempted Love
(Hadwin Alvarez POV)


Napakawalang kwenta kong lalaki! Smiley Hindi ko man lang nasamahan sa kalungkutan ang babaeng sinasabi kong mahal ko. Kaya siguro ilang buwan na ang nakakalipas pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako sinasagot ni Ces. Ano bang kulang saakin? Lahat naman ng gusto niya pinipilit kong gawin.


Matalino, mabait, maunawain, palabiro at syempre gwapo. Ako naman lahat yun ha, pwera lang yung matalino. Tapos napabuntong-hininga ako. “Papasok kaya si Ces ngayon?” Smiley


“Papasok daw siya, kuya.” Smiley Katext ni Gwynne ang boyfriend niya. Hay naku, buti pa si Ash, patorpe-torpe lang pero yan, nakuha na agad ang kapatid ko! Samantalang ako, mukhang wala pa ring nangyayari sa lahat ng hirap ko. “Wag ka nang malungkot okay? Sabi ni ‘Ney, okay na daw si Cecily.”


Pagdating namin sa school, hinintay namin sina Asher sa parking area. Tapos maya-maya lang dumating na sila. “Good morning!” Smiley Ang bati saamin ni Ces. Mabuti naman at okay na nga siya. “Gwynne! May dala akong baon para satin mamaya!” Tapos nag-ngitian sila at nagyakapan, buti pa sila! “Good morning Had!”


Smiley “Ces, kamusta na mga sugat mo?” tanong ko.


“Okay naman. Malayo sa bituka! Hindi pa sira ang beauty ko.” At nagsimula na kaming maglakad. Sina Asher at Gwynne nasa likuran lang namin, may sarili silang mundo. Tapos si Silly, nakayuko lang habnag naglalakad. Okay na nga ba talaga siya? Smiley


“Ces…” Tinanong niya ako kung bakit, pero tinext ko na lang sa kanya yung sasabihin ko. Nareceive naman niya agad at sinabi kong, “Wag kang ma-ingay ha. Hintayin kita mamaya.” Smiley


Smiley Naghiwalay lang kaming apat nang mahatid nanamin sila Gwynne at Ces sa room nila. Tapos umalis na kami agad nina Asher papunta sa room namin. Nag-start yung class pero kabado ako, papayag kaya si Cecily mamaya?


Parang ang bagal ng oras, pero nung mag-uwian na sinabi ko kay Asher na samahan niya si Gwynne pauwi dahil wala kasi yung sasakyan namin. “Paano si Silly?” Smiley


“Okay lang ba Ash, kung ako na maghatid sa kanya pauwi?” tinitigan ko lang siya, pero dumating sina Ces at siya na ang may sabing, “Oo nga Ash, ihatid mo na si Gwynne. May kailangan pa kasi akong puntahan eh. Smiley Kung papayag lang si Hadwin samahan ako.”




Smiley “Ha? Oo! Oo naman! Ako na din maghahatid sa’yo pauwi.” Ngumiti ako sa kanya. Naks! Good sign!


Tinignan naman ni Gwynne si Asher. Halatang hindi pa sana papayag si Ash, pero wala naman siyang nagawa. Nung umalis sila, natahimik kami bigla ni Ces. “Sa field tayo?”


“Tara.” Tapos naglakad kami papuntang field at naupo kami sa damuhan. Medyo palubog na ang araw, pero maliwanag pa rin. “Anong gusto mong sabihin?” Smiley


“Okay ka na ba? Yung totoo Ces.” Smiley


Nakangiti siya kanina pero nabura ang ngiti niya. “Yung totoo? I lost the try-out tapos may premyo pa akong mga sugat. My heart ached and I can’t tell you why. Pero okay Had… Okay ako.” Smiley


“You’re okay but you’re not happy.” Medyo teary-eyed siya. “Your heart ached, but I want to know why.” Tinitigan ko siya. Smiley “Why Cecily? Do you already like someone?”


Yumuko lang siya. “Kaya ba hindi mo ako kayang sagutin hanggang ngayon dahil may mahal ka nang iba?” Tapos naiiyak ako. Nakakahiya pa naman sa lalaki ang umiiyak, pero hindi ko mapigilan eh. “Kilala ko ba Ces?”  Ang totoo, tingin ko alam ko na kung sino. Smiley


Smiley “Wag mo nang itanong, please.” Nang mapatingin siya saakin, iniwas ko yung mukha ko para hindi niya makitang may luha na ang mga mata ko. “Are you crying?”


“No… Dahil ba gusto kita pero halatang may mahal kang iba, kailangan ko nang umiiyak?” Medyo suminghot ako at pinunasan ko ang mga mata ko. “Pawis lang ‘to.”


“Sorry Had…” Smiley tapos naiyak na din siya. Tinakpan niya yung mga mata niya ng panyo niya.


“Pero mahal kita eh. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng babaeng pinaiyak ko at naghahabol saakin, napunta ako sa’yo.” Hinarap ko siya, and this time wala na akong paki kung makita nyang umiiyak ako. Smiley “Bakit hindi mo subukan? Kahit isang buwan. Kahit isang lingo. O kahit isang araw lang oh! Subukan mo lang Ces, hindi kita sasaktan.”


Hindi pa rin tumigil sa pag-iyak niya si Cecily. Mahal niya ba talaga yun. “Kapag sinabi mo saakin kung sino yung gusto mo, pakakawalan kita.”


“Ayoko…” Smiley


“Pwes! Kapag hindi mo sinabi, girlfriend kita sa ayaw mo man o sa hindi. Smiley At hangga’t hindi mo sinasabi saakin, hindi pakakawalan.” 


“Hindi mo pwedeng gawin yun Had.” Smiley



“Anong gusto mong gawin ko?” Nagtuluy-tuloy ang luha ko, at parang nawawala na ang boses ko. “Akala mo ba hindi ko alam kung kailan ka nalulungkot. Alam ko Ces! At mas lalo lang nadadagdagan ang sakit ko, dahil alam kong nasasaktan ka.” Smiley


Tumayo ako at nagpunas ng mukha at mata ko. “Subukan mong maging tayo, malay mo, makalimutan mo siya kapag ako na kasama mo.” Then I lend my hand to her, but she’s still crying. Hindi ko na hinintay na ibigay niya pa saakin ang kamay niya, kaya hinila ko siya patayo at niyakap siya.


“Please stop crying Ces.” Smiley Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya. “Lalo mo lang ipinamumukha saakin na hindi mo ako kayang mahalin eh. Na ayaw mong subukan.”


“Had…” Smiley Humihikbi siyang nag-salita. “Bakit ba ang bait mo saakin? Sorry hindi kita mahal. Sorry hindi ko kayang sabihin kung sino talaga ang mahal ko.”


Lalo lang sumikip ang dibdib ko, kaya hinigpitan ko lalo ang yakap ko sa kanya. Ang sakit eh, rebound na lang ang hinihingi ko, ang hirap-hirap pa. Smiley


“Pero sige Had… I’ll be your girlfriend.”


Smiley Tapos tumigil ang ikot ng mundo ko. Parang kaming dalawa na lang ang tao. Please God, sana naman hindi mali ang narinig ko. Smiley


“Help me forget him.” Tapos tumingin siya saakin. “But if you don’t and if you can’t, then you should let me go. At sasabihin ko kung sino siya.”


“What if I can make you happy?” Smiley


“If you can make me happy more than he does, I’ll forget him. And I’ll stay with you.”


Smiley Naiyak ako ulit sa mga narinig ko. Niyakap ko siya, and I felt na niyakap niya rin ako. So it’s official. After noong one week na palugit ko noon, at ilang buwan na paghihintay ko sa kanya, she’s finally my girlfriend. Smiley


We were holding hands as we went out from the school. Ngayon kung napapansin niyong panay na ang English ko ngayon, it’s because I want to be smart for her. Nagtino ako dahil sa kanya, at magtitino din ako sa pag-aaral dahil alam kong yun din ang gusto niya. Smiley


Smiley Noong hinatid ko na siya sa bahay nila, sakto lang din ang pagdating ni Asher galing sa paghatid niya sa kapatid ko. Maaga ding umuwi si Tita Percy. Lahat sila kumpleto, at lahat sila nagulat nang makita nilang magkahawak kami ng kamay ni Ces. 


“Tito Al, Tita Percy, Asher… kami na po ni Cecily.” Ces looked at me and she smiled. “Sinagot na po niya ako kanina.” Smiley Tapos lalo kong hingpitan ang hawak ko sa kamay niya.




End Of Chapter 11 Part 1


1 comment:

  1. This is it! My most awaited moment between Silly and Had... emegesh~ napapa-English na din ako! Hahahahaha. Bahala na, hindi ko alam kung anong mangyayari XD

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^