Showing posts with label Sister Complex. Show all posts
Showing posts with label Sister Complex. Show all posts

Saturday, November 26, 2011

Sister Complex : Finale

Girlfriend Complex
(Cecily Gonzaga POV)



“Ash! Gising na!” Nananaginip nanaman siguro ‘to. Smiley May pasabi-sabi pa siyang ‘Are you having fun?’ Parang timang! “Hoy Ash!!! Gising!!!” At sa wakas, after 5 minutes na pagyugyog ko sa tulog-mantikang si Asher, nagising din.



“Anong…? Nasan na?” sabi ni Asher. Smiley Gising na pero pikit pa yung mata niya kaya ako na nagdilat sa kanya. Haha, ang cute!



Smiley “Anong nasaan na? Umaga na, male-late na tayo!” Ayan, nung sinabi ko yun, napadilat nga ng sobrang laki si Asher, kaso mukhang na-bad trip yata.




“Konti na lang eh!!!” And OA ng pagkakasabi niya. “Eto na lang oh!!! Magki-kiss na tayo!!!” Yuck, ang pervert! Mga lalaki talaga, kung anu-ano napapanaginipan. “Lagot ka sa’ken!” Patay! Smiley

Friday, November 25, 2011

Sister Complex : Chapter 15 Part 3

I’m Going Crazy
(Asher Carillo POV)


“Sinagot na niya ako Ash…” Nakangiting sinabi saakin ni Merrick. Lalo akong nanghina. Naiiyak ako, pero… Smiley



Smiley “Sabi niya, hindi niya ako kayang mahalin.” Ipinakita niya yung singsing na niregalo niya kay Silly. “She can’t even accept my sign of love.”

Thursday, November 24, 2011

Sister Complex : Chapter 15 Part 2

First Love, True Love
(Cecily Gonzaga POV)



Smiley “Naalala niyo yung wedding play noon. Yung ako yung bride… tapos si Merrick yung groom?”


Wednesday, November 23, 2011

Sister Complex : Chapter 15 Part 1

Chapter 15
Ready to Love?
(Asher Carillo POV)



“Nakakaasar! Hindi talaga ako makatulog!” Tulog na ang lahat, pero gumugulo pa rin sa isip ko na hindi ko naibigay yung gift ko kay Silly. Smiley Tapos bumangon ako at dahan-dahang bumaba.

Tuesday, November 22, 2011

Sister Complex : Chapter 14 Part 4

Stranger than Before
(Cecily Gonzaga POV)


“Happy Birthday Cecily!” Ang bilis ng araw! Birthday ko na pala. Smiley


Smiley  May handaan ngayon sa bahay, at konti lang ang invited. This is what I wanted, a simple birthday celebration. Mga close friends at ilang kapit-bahay ko lang ang invited.


“Happy birthday Ces!” Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko at paglingon ko, si Hadwin na pala.


“Had!!!” We hugged, pero siya na ang unang bumitaw. Smiley


“Oh, wag masyadong close Ces, baka maalala ko bigla feelings ko para sa’yo.”

Monday, November 21, 2011

Sister Complex : Chapter 14 Part 3

Strange
(Cecily Gonzaga POV)


Asher is acting really strange these past few days. Minsan irritable, hindi makausap nang matino at palagi lang siyang nakasimangot. Well, hindi na lang ako nagpapaapekto, dahil I made a promise to myself. And that is forgetting about my feelings for him. Smiley


“Sige Silly, bukas na lang ulit!” Smiley


Smiley “Bye!” Umalis na si Merrick. Madalas na ang pagdalaw niya sa bahay, that’s because he’s courting me. Actually, I’m quite happy, at medyo kinikilig din ako. At dahil sa right timing na pagdating niya sa buhay ko ngayon, I felt na hindi na ganun kasakit mag-move on sa unrequited feelings ko. Smiley


“Grabe… sobrang saya mo talaga noh.” Tinignan ko si Asher, kaming dalawa nanaman kasi ang naiwan dito sa bahay.


“Ano nanaman bang problema mo”


“Wala!” Smiley Pumasok siya ng bahay namin, at padabog pa. I don’t want to think na kaya siya nagkakaganyan dahil nagseselos siya kay Merrick. Ayoko nang umasa! Anyway, sumunod na rin ako sa loob, and there I found him lying on our sofa.

Sunday, November 20, 2011

Sister Complex : Chapter 14 Part 2

Support Him?
(Asher Carillo POV)


Simula noong araw na yun, palagi nang dumadalaw si Rickyboy.  “Last year pa pala kayo nakauwi, bakit ngayon mo lang pala naisip na dumalaw?” Smiley


“Busy sa school… at sa work sa restaurant.” Sumagot si Merrick nang hindi tumitingin saakin dahil busy siya sa pagbabasa ng manga ni Silly. Magkatabi silang nakaupo, samantalang nakaupo naman ako sa sahig nila.


Smiley “Busy sa restaurant? Bakit ngayon palagi ka nang nandito?”


“Bakasyon na Ash! At tsaka, bonding time na namin ni Silly! At tsaka bakit ba panay ang tanong mo?” Smiley


“Ang ingay niyo. Hindi ko maintindihan yung binabasa ko.”


“Uy! Ang sungit ni bebe!” At tinusok ni Merrick ang ilong ni Silly. Smiley Nginitian lang siya nito. Napapadalas na niyang ginagawa yun, at napapadalas na din akong nao-OP kapag kasama nila ako. Nakakairita!

Saturday, November 19, 2011

Sister Complex : Chapter 14 Part 1

Chapter 14
Who’s that Guy?
(Asher Carillo POV)


“Anong oras na! Hindi pa siya umuuwi?”


Smiley “Wag nang mag-panic! Nagtext na siya!” Nakareceive ng text si Tito Al mula kay Silly. “Malapit na daw siya.” Tapos pareho kaming nakahinga nang malalim. Maya-maya lang, nakarinig kami ng tunog ng sasakyan. Bumaba si Silly sa white Pajero at may sumunod na lalaki sa kanya.


Sino yun? Tanong ko sa sarili ko. Smiley Bakit may kasama siyang lalaki? “Papa.” Ngumiti siya sa papa niya, samantalang umiwas siya ng tingin saakin. Galit pa rin siya, at tama lang naman yun dahil sa sinabi ko sa kanya kahapon.

Friday, November 18, 2011

Sister Complex : Cecily & Asher

This is just drawing version of the characters Cecily and Asher from the story Sister Complex


Photobucket


Please do not edit or take out its logo.
Do not hotlink!
If you want to share it, ask permission or give proper credit.

Sister Complex : Chapter 13 Part 3

My Real First Love
(Cecily Gonzaga POV)


Mag-isa nanaman akong umuwi ngayon. Pero hindi na ako kinakabahan maligaw ulit dahil sa madalas kong pag-iisa ngayon, nakabisado ko na ang directions. At isa pa, medyo happy ako ngayon dahil bati na kami ni Gwynne. Pero hanggang ngayon, iniisip ko pa rin yung sinabi saakin ni Asher kahapon, “Siguro nga nandidiri na ako sayo.”  Bakit Ash? Bakit? Smiley


Tapos natigil ako sa paglalakad ko, at napalo ko ang noo ko. Sh*t! Lumagpas nanaman nga yata ako! Sa sobrang dami ng iniisip ko, at mixed emotions na nararamdaman ko, hindi napansin na nakarating nanaman ako sa familiar na lugar na ito. “Teka, nasa Arcilla Village nanaman ako. Dito ulit sa playground.” Smiley


Tumalikod ako para bumalik sa talagang way ko pauwi. At isa pa, naaalala ko pa naman kung saan yung terminal ng tricycle sa labas ng village na ‘to. Kaso bigla akong natigil sa kinatatayuan ko. Sa dinami-dami naman ng taong makikita ko ngayon, bakit siya ulit?


“Tignan mo nga naman! Akalain mo makikita kita dito.”  Smiley

Thursday, November 17, 2011

Sister Complex : Chapter 13 Part 2

Save the Friendship
(Cecily Gonzaga POV)


Smiley He just made me hate him, and hate myself as well. Sana nga hindi ko na lang siya kinausap, sana nga hindi ko na lang siya minamahal noon pa. I knew this would really happen, na mandidiri siya saakin. Na hindi na namin maibabalik yung relationship namin noon. Smiley


One week na lang at magbabakasyon na. Wala na kaming masyadong ginagawa dahil tapos na yung fourth quarter exams. Wala ring kaming klase ngayon, kaya nakatambay lang and section namin kung saan-saan. Smiley


Nagpunta ako sa CR para maghugas ng kamay. At nung magpupunas na ako nang kamay, ubos na pala yung tissue sa lagayan. Wala naman akong dalang panyo kaya ipupunas ko na lang ang basang kamay ko sa palda ko. Smiley


“Heto oh.” Nagulat ako nang may mag-abot saakin ng panyo. Si Gwynne, at iniaabot niya saakin yung panyong ibinigay ko sa kanya. Yung panyong si Asher yung nagbigay. Smiley


“Are you giving it back to me?” Smiley Sabi ko. Ibinabalik na niya yung panyo na sign of friendship namin. Pero hindi siya nagsalita, at sa halip, kinuha niya ang kamay ko at pinunasan ito. Naisip ko, nangyari na saamin ito nung nasa mall kami.


Smiley “Can we talk?Naupo kami sa study area, at walang tao sa paligid. Kabe-break lang nila ni Asher kahapon, so siguro yun ang gusto niyang pag-usapan namin ngayon.

Tuesday, November 15, 2011

Sister Complex : Chapter 13 Part 1

Chapter 13
Alone
(Cecily Gonzaga POV)


Almost two weeks din akong hindi pumasok. Na-expel si Aicelle noong board meeting kaya medyo nakahinga na ako nang malalim. Noong araw naman pwede na akong pumasok ulit, I felt really alone. The last two weeks kasi, hindi na ako pinapansin ni Asher. Nung hinatid na niya ako sa school, ni hindi kami nag-uusap on our way. Smiley


Smiley Pagpasok ko sa class namin, sinalubong ako ng mga classmates ko. Wala namang nagbago, except na hindi kami nagpapansinan ni Gwynne. Magkatabi kami pero tahimik lang. Hindi ko naman siya kayang kausapin dahil baka galit siya saakin. Sinaktan ko ang kuya niya, at tinago ko sa kanya na mahal ko si Asher at nagseselos ako sa kanya. Smiley


Nang mag-lunch na, wala akong kasabay. Naiiyak akong mag-isa habang kumakain, dahil namimiss ko si Gwynne.  Smiley Nung nakasalubong ko naman si Hadwin, nginitian niya ako pero hindi ko naman siya kayang kausapin dahil sa kasalanan ko sa kanya.


Mag-isa na nga lang ako. Wala nang Asher, Gwynne at Hadwin na pwede kong lapitan. Nang mag-uwian na, mag-isa akong umuwi. Alam ko na naman ang way pauwi, at alam kong mas pipiliin ni Asher na ihatid si Gwynne. Smiley

Sister Complex : Gwynne

This is just a drawing version of the character Gwynne from the story "Sister Complex"

Photobucket


Please do not edit or take out its logo.
Do not hotlink!
If you want to share it, ask permission or give proper credit.

Monday, November 14, 2011

Sister Complex : Chapter 12 Part 3

Letting You Go 2
(Cecily Gonzaga POV)


Nagising ako at nakita ko si mama Percy sa tabi ko. Teka, tanghali na ba? Smiley “Si… si papa?”


Smiley Babangon sana ako pero pinigilan niya ako. “Nagpunta si papa mo sa school niyo. Ngayon na malalaman kung ie-expel na ba yung Aicelle na yun.”




Tapos hinawakan niya ang mukha ko. “Sorry Silly, wala ako doon nung nangyari yun. Naipagtanggol sana kita.”


“Wag kang mag-sorry Ma, wala kang kasalanan.” Tapos biglang may pumasok sa kwarto, inaasahan kong si Ash yun, pero nakita ko si Hadwin. Smiley


“Anong ginagawa mo dito?” Smiley


“Silly, binabantayan ka ng boyfriend mo kahapon pa. Hindi na nga siya pumasok ngayon para…”

Sunday, November 13, 2011

Sister Complex : Chapter 12 Part 2

Letting You Go
(Hadwin  Alvarez POV)


Pababa na ako at agad ko namang nakita si Ces. Hindi pa niya kayang tumakbo nang mabilis dahil sa mga sugat niya sa katawan, kaya naabutan ko siya agad. “Ces!”


Smiley Parang hindi niya narinig na sinagaw ko ang pangalan niya. Patuloy lang siya at hindi man lang lumingon. Pero kailangan naming mag-usap, kaya pinigilan ko siya sa paghawak sa braso niya. “Ces, let’s talk.”


“Let go of me.” Saka siya tumingin saakin, at lumuluha siya. “Let me go now.”


Ayoko! Ayokong intindihin ang sinasabi niya, pero ayaw kong magkunyaring hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. “Alam mo na… alam mo na kung sino siya. And you promised me that once you knew, you’d let me go.” Smiley

Patuloy lang siya sa pag-iyak niya. “I don’t care. I’m not breaking up with you.” Smiley

Saturday, November 12, 2011

Sister Complex : Chapter 12 Part 1

Chapter 12
The Truth Hurts
(Asher Carillo POV)


Napatakbo kami ni Gwynne mula sa library nang malaman namin ang napakasamang balita. Dumating kami sa infirmary at naabutan si Hadwin na pawis pa galing sa laro niya sa basketball. Pero nakatayo siya at hindi mapakali at nung makita niya kami, napahawak siya sa noo niya at naiiyak. “Ash… si… si Cecily.” Smiley Napaupo siya at nanlulumo.


Tumakbo ako sa loob at lumapit sa isang kama. Nakita ko si Silly na nakahiga, magulo ang buhok niya, ang dami niyang kalmot sa mukha at pasa sa katawan. May bahid ng dugo ang uniform niya, at wala siyang malay. “Miss, ano pong… ano pong…” Smiley Tinatanong ko yung head nurse na tumingin at gumamot sa kanya pero hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin dahil naiiyak na  ako. 


Smiley “Marami siyang pasa pero hindi naman malalalim ang mga sugat niya. Maya-maya rin magigising na siya. But you should call her parents para masundo na siya.”


“Nasa trabaho pa po sila pareho. Ako na lang po ang maghahatid sa kanya.” Smiley