Chapter 13
Alone
(Cecily Gonzaga POV)
Almost two weeks din akong hindi pumasok. Na-expel si Aicelle noong board meeting kaya medyo nakahinga na ako nang malalim. Noong araw naman pwede na akong pumasok ulit, I felt really alone. The last two weeks kasi, hindi na ako pinapansin ni Asher. Nung hinatid na niya ako sa school, ni hindi kami nag-uusap on our way.
Pagpasok ko sa class namin, sinalubong ako ng mga classmates ko. Wala namang nagbago, except na hindi kami nagpapansinan ni Gwynne. Magkatabi kami pero tahimik lang. Hindi ko naman siya kayang kausapin dahil baka galit siya saakin. Sinaktan ko ang kuya niya, at tinago ko sa kanya na mahal ko si Asher at nagseselos ako sa kanya.
Nang mag-lunch na, wala akong kasabay. Naiiyak akong mag-isa habang kumakain, dahil namimiss ko si Gwynne. Nung nakasalubong ko naman si Hadwin, nginitian niya ako pero hindi ko naman siya kayang kausapin dahil sa kasalanan ko sa kanya.
Mag-isa na nga lang ako. Wala nang Asher, Gwynne at Hadwin na pwede kong lapitan. Nang mag-uwian na, mag-isa akong umuwi. Alam ko na naman ang way pauwi, at alam kong mas pipiliin ni Asher na ihatid si Gwynne.
Pag-uwi ko sa bahay, nagkulong ako agad sa kwarto. Ilang oras lang, narinig ko nang dumating ang motor ni Asher. Hindi na niya ginagawa yung pangungulit niya saakin simula nung nalaman niya yung feelings ko. Minsan iniisip ko kung aakyat kaya siya ulit sa terrace ng kwarto para makita niya ako? Pero hindi, maghihintay lang ako sa wala.
Lumagpas na ang valentines at umabot na ang isang buwan, but nothing happened. He’s cold to me, at mukhang hindi na maibabalik yung dating kami.
Tapos sumilip ako sa labas ng bahay namin mula sa kwarto, si Gwynne kasi nandito ngayon. Nasa gazebo sila ni Asher, nag-uusap na magkahawak ang kamay.
Bumalik ako sa kama ko at pinalo muli ang dibdib ko. Nahihirapan akong humingi sa pagpigil ng luha ko. Pero alam kong mas mahihirapan ako kung iiyak lang ako ulit. Kasi alam kong wala nang Asher na magpapatahan saakin.
Wala na yung Asher na aasarin ako, at patatawanin ako at the same time. Wala nang Asher, pero bakit hindi pa rin siya mawala sa isip ko?
(Gwynne Alvarez POV)
“Mabuti na rin siguro yun.” I felt guilty. Ang selfish ko to keep Asher away with Cecily. But I didn’t mean it. Actually, after nang pag-uusap namin ni Asher tungkol kay Cecily, he told me that he would stay away from Cecily for the mean time. At mukhang hindi na nga sila nagpapansinan simula noon.
“Hindi pa rin kasi kami nag-uusap sa loob ng classroom ever since pumasok na siya ulit.” I don’t hate Cecily because she thinks na karibal niya ako pagdating kay Ash. But what makes me sad is that she kept it a secret. That she loves Asher for a long time already.
Then I held Asher’s hand, but I didn’t feel him. Parang ako lang yung nakawak sa kanya, hindi tulad nung dati na mahigpit niya kung hawakan ang kamay ko. “Masaya ka pa rin ba Ash?”
I just asked him the question na matagal ko nang gustong itanong. Simula din kasi noon, naging malamig na si Ash. I never see his real smile again. And I know it’s my fault why he’s feeling this way. “I’m sorry I made you choose.”
“Stop it Gwynne. Pag-uusapan nanaman ba natin ito?” Medyo madalas na kaming hindi nagkakaintindihan, parang habang tumatagal, lumalabo lang yung relationship namin. “Ano pa bang gusto mo, sinabi ko nang mahal kita diba?”
“Yes… but it feels like you don’t love me the way you loved me before.”
“Wala kang dapat patunayan! Kasalanan ko Ash kung bakit ka ganyan ngayon! Hindi na kayo katulad nung dati ni Cecily. At lalong hindi na din tayo katulad nung dati. It doesn’t feel good kasi ako ang dahilan kung bakit hindi ka na masaya ngayon.”
“And how do you feel?” Naiyak ako dahil nasasaktan ko si Cecily, at nasasaktan ko din si Asher. “I know na naguguluhan ka na Ash. Sinasabi mong mahal mo ako, but you’re not really sure anymore. Ash, I think it’s best for us to give each other time to think this over again. Tumayo ako pero hinawakan niya ang kamay ko.
“No Ash.” Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “Don’t do this to yourself and to her. You also need this, we both need this.” It’s hard because this means I’m letting him go, and I’m not sure kung makukuha ko pa ba siya pabalik.
“I know you’ll realize it sooner or later, na masasabing mong tama ang nangyari saatin ngayon araw na ito.” I smiled at him, and I gave him a kiss. That could be our last kiss, I’m not sure. But one thing’s for sure, and that I need to let him go now.
(Asher Carillo POV)
Tuluyan na akong iniwan ni Gwynne. At tuluyan na siyang nakipaghiwalay saakin. Akala ko okay na kami. Akala ko ngayong iniiwasan ko si Silly, magiging okay kami. Tapos biglang lumabas si Silly, nakatingin siya saakin. Mukhang nakita niyang nag-away kami.
“What happened to her? Bakit siya umiiyak?” After a long time na hindi kami nag-usap, lumapit siya saakin at tinanong ang tanong na yun. I ignored her, dahil sobrang gulo ng utak ko, at lalo lang itong gugulo kapag nakasama ko siya. “Asher…”
“Pwedeng wag muna ngayon.” Lumapit siya saakin at hahawakan niya sana ang braso ko, pero hindi ko alam kung bakit iniwasan ko yun. “Ano ba, lumayo ka muna saakin Cecily!”
“Cecily?” Tapos bigla siyang natawa, and I know it was a fake one. “Hanggang ngayon ba, galit ka saakin? Na hindi ko sinabi sayo… na hindi ko sinabing maha…”
Pinutol ko na agad yung sasabihin niya. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako makapaniwala na all this time, higit pa pala sa magkapatid at magkaibigan ang turing niya saakin. “Break na kami ni Gwynne, okay? Masaya ka na, alam mo na?” Tinalikuran ko siya, dahil hindi ko siya matignan sa mata.
“Masaya? You think I’m happy na break na kayo? Na gustong kong maghiwalay kayo? Bakit Ash? Iniisip mo bang gustong kong paghiwalayin kayo ni Gwynne para makuha kita!”
“Oo!!!” Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun, pero nasabi ko naman sa kanya na ayokong munang makipag-usap dahil magulo ang isip ko. Pero nasabi ko na, hindi ko na alam kung paano babawiin. “At… at kung hindi dahil sayo, hindi kami nagkalabuan at naghiwalay ngayon!”
Naiyak siya sa harap ko pero napagsalitaan ko parin siya nang masama. “Wag kang iiyak sa harap ko ngayon Cecily!” Napahawak ako sa ulo ko. “Sana pinigilan mo! O kaya sana tinago mo na lang! Hindi na kita matignan ngayon, ni hindi kita makausap nang maayos ngayong alam ko na yung totoo mong nararamdaman!”
“I didn’t mean to hurt you, and I have no plans of telling you either! Pero lumabas na eh! Anong gagawin ko! Alam niyo na! Alam mo na!” Humihikbi siya, hindi na siya makapagsalita nang maayos. “Tinago ko Ash… dahil alam kong mangyayari ito! Alam kong… mandidiri ka saakin… dahil mahal kita!”
Nasakatan ko na siya, at hindi ko alam kung paano pa puputulin ang usapang ito. Ayoko nang magtagal pa dahil natatakot akong baka mas marami lang akong masasamang masabi na pagsisisihan ko rin sa bandang huli.
Aalis na sana ako, pero hinawakan niya ang braso. “Ash… sorry… please naman oh! Sabihin mong magiging okay tayo.”
Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kamay niya. At sa mga bibig ko lumabas ang mga salitang hindi ko sinasadya. “Siguro nga nandidiri na ako sayo.” I left her, feeling so mean and damn stupid.
End Of Chapter 13 Part 1
Oh my god Asher!!! Masakit yan!!! Tagos sa puso!!! Naiintindihan ko... pero... masakit eh!!! Ano ba!!!! Huhuuhuhu
ReplyDelete