Thursday, November 17, 2011

Sister Complex : Chapter 13 Part 2

Save the Friendship
(Cecily Gonzaga POV)


Smiley He just made me hate him, and hate myself as well. Sana nga hindi ko na lang siya kinausap, sana nga hindi ko na lang siya minamahal noon pa. I knew this would really happen, na mandidiri siya saakin. Na hindi na namin maibabalik yung relationship namin noon. Smiley


One week na lang at magbabakasyon na. Wala na kaming masyadong ginagawa dahil tapos na yung fourth quarter exams. Wala ring kaming klase ngayon, kaya nakatambay lang and section namin kung saan-saan. Smiley


Nagpunta ako sa CR para maghugas ng kamay. At nung magpupunas na ako nang kamay, ubos na pala yung tissue sa lagayan. Wala naman akong dalang panyo kaya ipupunas ko na lang ang basang kamay ko sa palda ko. Smiley


“Heto oh.” Nagulat ako nang may mag-abot saakin ng panyo. Si Gwynne, at iniaabot niya saakin yung panyong ibinigay ko sa kanya. Yung panyong si Asher yung nagbigay. Smiley


“Are you giving it back to me?” Smiley Sabi ko. Ibinabalik na niya yung panyo na sign of friendship namin. Pero hindi siya nagsalita, at sa halip, kinuha niya ang kamay ko at pinunasan ito. Naisip ko, nangyari na saamin ito nung nasa mall kami.


Smiley “Can we talk?Naupo kami sa study area, at walang tao sa paligid. Kabe-break lang nila ni Asher kahapon, so siguro yun ang gusto niyang pag-usapan namin ngayon.


“How are you?” Ako na ang unang bumasag ng silence. “I know you broke up with Ash yesterday. I saw the two of you. I’m sorry.”


“It’s not your fault. It’s my decision.” Tinanong ko kung bakit. Okay naman ang relasyon nila, kaya bakit? “I had to let him go because he’s not happy anymore.” Smiley


“Not happy? Gwynne sobrang mahal ka ni Ash! Why are you telling that! Why are you doing that to him.” Smiley


“Hindi ako lumapit sayo para pag-usapan natin si Ash.” Natahimik ako, ano bang gusto niyang sabihin. “Yung saamin ni Ash, let’s just leave it like that. I already made up my mind about the two of us. We’re done.” Smiley


Tapos tumingin siya saakin. “I came to you because gusto kong magkaayos tayo.”


Kung ganun, gusto niya kaming magkaayos. “Even before nagustuhan ko si Asher, mas nauna kong na-feel yung eagerness na maging magkaibigan tayo.” Smiley


I listened to her. Smiley “Sorry kung hindi kita agad nakausap nung nakabalik ka na. I admit that I felt betrayed not because you love Asher, but because you kept it a secret to me.” Teary-eyed siya habang nagpapaliwanag. “Natakot ako, sobra. Natakot ako dahil pwedeng mas piliin ka ni Asher over me. And for that I’m sorry because I’ve been a selfish girl.”


Napabuntong-hininga ako at naiiyak na din ako. Smiley “Pinapili ko si Ash between sayo at saakin, but actually, I forced him to just choose me. It was so wrong, at yung kamalian ko, unti-unti kong pinagsisihan dahil nagkalabuan kami. Pero mas masakit, napalayo ka saaming dalawa.”


She used the handkerchief, then she used it again to also wipe the tears from my face. “Sorry Cecily. Sorry I did that. And I feel so guilty, and I realize na kung hindi ko siya pakakawalan, baka hindi ko maisalba yung friendship nating lahat. I’m sorry Cecily… I’m so sorry…” Smiley


Niyakap ko siya, at niyakap niya rin ako. Smiley “Sorry! Ako rin dapat mag-sorry. Sorry tinago ko yung totoo kong feelings ko. Sorry na nagselos ako sayo. Pero sorry dahil hindi rin ako nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin ka noon, kahit alam kong may kasalanan na ako. Sorry.” And we just cried but it was relieving. “You’re still my bestfriend, right?”


Then she smiled at me, “We will always be!” Tapos niyakap niya ulit ako nang mahigpit. “But I should still give this back to you.” Ang tinutukoy niya ay yung panyo. “Asher gave this to you, right? Ikaw ang talagang owner nito.” Smiley


“Pero Gwynne…” Sasabihin ko sanang hindi pwede dahil sign ng friendship namin yun kaso ang sabi niya. “You can give me a dozen of hanky in return! But we don’t really need a sign of friendship. Just the fact na mag-bestfriend tayo, na okay na tayo, it’s all that matters.” Smiley


We cried together, and now we’re laughing together. I’m so happy we’re able to save our friendship. Na napatunayan kong sobrang mahal ako ni Gwynne, at ganun din ang pagmamahal ko sa kanya bilang magkaibigan. “Gwynne, about Ash… I’ll help you…”


“Cecily, I let him go for my own reason. We’re not happy anymore, we’re just too afraid to admit it. So don’t feel bad about it okay? After all I believe naman na kung kami talaga, edi kami. But if not, then I’m glad we made the right choice.” Smiley



(Asher Carillo POV)


Wala na kaming ginawa buong araw, ang buong araw ding tahimik lang ako. Si Hadwin naman nakikipagdaldalan sa iba naming barkada. Medyo tahimik pa nga yun simula nang maghiwalay sila ni Silly. Lumapit siya saakin at inaaya akong tumambay daw kami sa field. “Ayoko... kayo na lang.” Sa isip ko naman, alam na kaya niyang nag-break na kami ni Gwynne?


Tapos nag-alisan na sila ng mga kaibigan ko. Naiwan ako sa loob ng classroom, at wala na ding ibang tao sa loob ng classroom naming dahil tumambay na din sila kung saan-saan.


Smiley Nagulat ako nang may bumukas sa pinto, si Hadwin ulit. Bakit kaya siya bumalik? “Ayaw mo talagang sumama?”


“Hindi na.” Siguro alam niyang may gumugulo sa isip ko. Lumapit siya saakin. At umupo sa upuan sa may harapan ko.


“Si Gwynne ba iniisip mo?” Napatingin ako sa kanya. “Alam ko na Ash! Umuwi siya kahapon na umiiyak.” Tapos napahawak siya sa batok niya. Smiley “Dapat binanatan na kita ngayon eh, kaso sabi niya, siya daw yung nakipag-break kaya nakaligtas ka ngayon.”


“Hindi Had... Nakipag-break saakin si Gwynne dahil hindi ko na siya napapasaya.” Tumayo ako at tinuro ang pisngi ko. “Suntukin mo nga ako. Parang kailangan ko talaga yun eh.”


Smiley Natawa muna siya at pumikit naman ako. Tapos bigla ko siyang narinig na tumayo at sa isang iglap, natumba ako sa pagsuntok niya saakin. Smiley “Aray…” Hinawakan ko ang pisngi ko, sakit nun ha. Tapos nginitian ko siya at tumayo ako. Pero pagtayo ko, sinuntok niya ako ulit sa kabila kong pisngi. “Teka… para saan naman yung pangalawang suntok?” Smiley


“Trip ko lang Ash.” Natawa siya, kumag na ‘to. “Paano naman kasi, yung dalawang babaeng mahalaga para saakin, sa’yo may gusto.” Smiley


“Ah…” Ganun naman pala. Sige palalampasin ko ‘tong pangalawa niyang suntok. “Oo nga deserve ko nga yun. Nasaktan ko din kasi kahapon si Silly eh.” Tumayo na ako, at pagkasabi ko sa kanya nun, natigilan siya at sinuntok nanaman ulit ako. Potek! Smiley


Smiley “Ayos ha!” Natumba nanaman ako. “Nakakatatlo ka na!” Tapos tinulungan na niya akong tumayo. “Isang suntok mo pa, gagantihan na talaga kita.”


“Bakit mo siya sinaktan?” Smiley


“Si Silly? Kahapon kasi nung umalis na si Gwynne, nilapitan niya ako. Sinabihan ko naman siyang wag na muna kaming mag-usap, pero namilit pa rin.” Nakikinig siya saakin, iniisip ko tuloy na kapag sinabi ko sa kanya yung nasabi ko kay Silly kahapon, baka  suntukin niya ako ulit. Smiley Kaya lumayo ako ng konti sa kanya, “Tapos nasabi ko na nandidiri ako sa kanya… pero hindi ko sinasadya yun. Nagsisisi talaga ako Had.”


Napaupo siya sa upuan, buti naman. “G@g* ka pala eh! Bakit mo sinabi yun!” Smiley


“Ang tagal din naming hindi nagkapag-usap, tapos biglang ganun agad ang usapan namin? Ang gulo ng utak ko nun, Had!” Talagang tanga nga ako! “Sige Had, pasuntok nga ulit.”


Smiley Hindi siya nagdalawang-isip at sinuntok niya ako. Nang matumba ulit ako, tinakpan ko na ang mukha ko hindi dahil sa sakit pero dahil naiiyak na ako sa gulong nangyayari ngayon sa buhay ko. Smiley


“Does it feel better?” Smiley


Nag-english si kumag, natawa tuloy ako. “Pero seryoso Had, ano sa tingin mong dapat kong gawin? Ikaw? Paano ka nakamove-on kay Silly?”


“Actually hindi pa. Hindi pa din ako nakakamove-on eh. Iba ang tama saakin ni Cecily. Pero dahil nangako akong pakakawalan ko siya, ginawa ko.” Smiley


“Bakit mo ginawa yun?”


Smiley “Kasi mahal ko nga siya.” Medyo cheesy ang usapan namin, pero dahil nga kaming dalawa lang naman ang nandito sa classroom, at tropa naman kami, nakakapag-labas talaga kami ng sama ng loob. “Eh ikaw, paano mo nagawang pakawalan si Gwynne? Dahil din ba mahal mo siya?” 


“Syempre mahal ko siya!” 


“Eh si Cecily?” Smiley


Natigilan ako. “Napa-isip ka noh. Magulo nga utak mo Ash. Paano mo nasabing nandidiri kay Cecily gayung alam ko namang masaya ka talaga na gusto ka niya.”


“Ha?” Smiley Ano bang sinasabi ng kumag na ‘to.


“Akala ko matalino ka Ash, slow ka din eh.” Tumayo siya at naglakad paalis. Pero bago siya tuluyang umalis, “Magulo ba? Utak mo magulo eh. Pero Ash, kapag hindi mo sinigurado yang nararamdaman mo, pwedeng mauwi lang sa wala ang lahat.” Smiley


Smiley “Ano ba Had! Nagiging makata ka na eh. Sabihin mo na ng direcho!”


“Eh diba kaya kayo nagkalabuan dahil kay Cecily? Ngayon, isipin mo kung sino ang talagang mahal mo! Yung mas mahal mo Ash?”


Ang ibig bang sabihin ni Hadwin nab aka kaya ako naguguluhan ngayon dahil pwedeng gusto ko rin talaga si Silly. “Pero hindi pwede eh!”


“Bahala ka nga sa buhay mo! In-denial ka masyado! Isang sagot lang naman Ash, si Gwynne o si Cecily? Smiley At wag mong sasabihin saakin na kapatid mo lang si Cecily dahil total bullsh*t yun! Hindi ka magkakaganyan kung talagang si Gwynne ang mahal mo.” 


Tuluyan nang umalis Hadwin, at akalain mo yun, may makukuha pala akong matinong advice sa kumag na yun. Smiley Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin masisiguro yun hangga’t hindi kami nagkakabati ni Silly. Gusto kong malaman kung yun din nga ba ang dahilan kaya ako naguguluhan ngayon. Wala lang ba talaga o mahal ko talaga siya? Smiley


End of Chapter 13 Part 2

1 comment:

  1. Si Gwynne at Hadwin... tunay na magkadugo't magkapatid. Papaano ba naman, sobrang bait at understanding nila at inuuna ang friendship. Sabagay mas mahalaga talaga ang friendship kesa love... para saakin ha? Ayos talaga yung mga sinabi ni Hadwin!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^