Friday, November 18, 2011

Sister Complex : Chapter 13 Part 3

My Real First Love
(Cecily Gonzaga POV)


Mag-isa nanaman akong umuwi ngayon. Pero hindi na ako kinakabahan maligaw ulit dahil sa madalas kong pag-iisa ngayon, nakabisado ko na ang directions. At isa pa, medyo happy ako ngayon dahil bati na kami ni Gwynne. Pero hanggang ngayon, iniisip ko pa rin yung sinabi saakin ni Asher kahapon, “Siguro nga nandidiri na ako sayo.”  Bakit Ash? Bakit? Smiley


Tapos natigil ako sa paglalakad ko, at napalo ko ang noo ko. Sh*t! Lumagpas nanaman nga yata ako! Sa sobrang dami ng iniisip ko, at mixed emotions na nararamdaman ko, hindi napansin na nakarating nanaman ako sa familiar na lugar na ito. “Teka, nasa Arcilla Village nanaman ako. Dito ulit sa playground.” Smiley


Tumalikod ako para bumalik sa talagang way ko pauwi. At isa pa, naaalala ko pa naman kung saan yung terminal ng tricycle sa labas ng village na ‘to. Kaso bigla akong natigil sa kinatatayuan ko. Sa dinami-dami naman ng taong makikita ko ngayon, bakit siya ulit?


“Tignan mo nga naman! Akalain mo makikita kita dito.”  Smiley


Si Aicelle, ngayong ko na lang ulit siya nakita nung na-expel siya sa school after nung bugbugan incident sa pagitan namin. Puro mga lalaki ang kasama niya, halatang mga wasted ang buhay. “Guys, naalala niyo ba yung kinukwento ko sa inyo. Yung babaeng dahilan kung bakit ako napatalsik sa school namin? Siya yun oh. Favor naman, gusto ko talagang gantihan nang sobra-sobra ang b*tch na yan eh.” Smiley


Natakot ako at tatakbo na sana ako palayo, kaso humarang na yung limang lalaki kasama ni bakulaw. “Lumayo kayo saakin! Kung hindi sisigaw ako!”


Smiley “Wala namang tao eh. Tara sama ka saamin, may alam akong bakanteng bahay dito. Walang makakakita saatin dun.” Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa takot pero hinawakan na ng dalawa sa kanila braso ko. Nagsisisigaw ako pero nagtatawanan sila. Walang tao, walang nakakarinig saakin. Natatakot na ako sa pwede nilang gawin kaya umiyak ako. 


Tapos biglang lumapit si Aicelle at sinampal-sampal ako. At sabi niya sa mga kasama niya, “Sige dalhin niyo na yan dun, pagpasa-pasahan niyo yan ha.” Smiley


“Ayoko! Please!” Nagpupumiglas ako at sumisigaw. Smiley Tulungan niyo ako! Papa! Asher! Hadwin! Tulungan niyo ako!


Habang nagdadasal na ako sa isipan ko, biglang may dumating nga para tulungan ako. Smiley Nag-iisa lang siya pero nagawa niyang patumbahin yung limang lalaki nang hindi man lang siya nagagantihan. Tumingin siya saakin, “Okay ka lang?”


Wala akong naisagot. Tapos nilapitan nung lalaki si Aicelle at sinampal niya ito. Smiley “Hindi ako pumapatol sa babae, ngayon lang!


Nagtayuan na yung ibang lalaki. Smiley “Pare, yan yung anak nung General…”


“Kilala niyo naman pala ako eh! Kapag sinaktan niyo siya ulit, lalo ka na…” Ang tinutukoy niya ay si Aicelle. “Sisiguraduhin kong makukulong kayo habang buhay!” 


Smiley “Tara na!” Sigaw nang isa. “Sorry po… sorry…” Nag-sorry sila saakin at tumakbo na paalis.


Nilapitan ako ng lalaki at tinulungan niya ako tumayo. “Hindi ka na nila gagalawin pa, maniwala ka saakin.”


Pagkasabi niya nun, naiyak ako at napayakap ako sa kanya. “Bartender… thank you…you saved me again.” Smiley


Smiley Nagawa ko siyang yakapin dahil kilala ko siya. Siya na naman. Si Merrick. Tapos dinala niya ako sa clubhouse para pakalmahin ako. Naupo ako tumigil na din sa pag-iyak. Bumili siya ng dalawang inumin at lumapit saakin.


“Heto oh.” Ibinigay niya saakin ang isang malamig na bote ng juice. “Idampi mo yan sa pisngi mo. Sinampal ka nung babae kanina diba? Ilagay mo yan para hindi mamaga.” Sinunod ko yung sinabi niya. Pagkatapos binuksan niya yung isa pang bote ng juice. “Heto naman yung inumin mo.”


“Paano ka?” Smiley


“Pag hindi na malamig yung nasa pisngi mo, yan lang yung saakin.” Nginitian niya ako at tumabi siya saakin. “Naalala mo naman ako diba.”


Nilagok ko yung juice at nakahinga ako ng malalim. Pagkatapos, “Bartender! Merrick, diba?”


Natawa siya. “Bartender talaga!” Smiley Nalungkot siya at tinitigan ako.


“Ikaw yung nasa birthday ni Gwynne diba?”


Smiley “Okay… Yung restaurant nga namin yung nag-cater sa birthday ng friend mo. Nagkataon lang na napagtripan kong tumulong at nagbartender noon. Pero bukod doon, magkakilala na tayo noon pa Cecily. Silly?”


“Ha? Teka! Paano mo nalaman…?” Smiley Stalker ko ba siya? Ang weird paano niya nalaman yun!


“I was eight nung pumunta kami ng America ng family ko because of our family business. Pero bago kami nagpunta doon, nakatira muna kami sa Aranilla Village sa Santa Victoria Street.” Smiley


Doon din ako nakatira ha! Sino ba ang lalaking ito? Smiley


Smiley “May kapit-bahay ako dun na dalawang bata. Isang lalaki na kasing edad ko, Asher ang pangalan. At isang five years old na batang babae na Cecily ang pangalan. We used to play together but I’m particulary close to that girl.”


Nanlaki ang mga mata ko. Smiley Pagkatapos niyang sabihin yun, biglang may nag-flashback sa isip ko. Isang batang lalaki, bukod kay Ash, na kasama ko nga noong bata pa ako. Lalo lang naging malinaw ang lahat nang biglang kantahin ni Merrick ang isang familiar na nursery rhyme.


“There’s a silly little girl named Silly! A pretty baby girl like a lily. I listen when she’s silly, she tells me that she’s girly…” Bago pa niya ituloy, nagtinginan kami at sabay naming binanggit ang huling linya... Smiley


“She’s my/I’m you silly baby girl named Silly.” Then he smiled at me. Smiley “See! You remember now!”


“Oh my God!” Smiley Napatakip ako ng bibig ko! Yes I remember him now! He’s that boy! Merrick was that boy! And after all this time, ngayon ko lang na-realize na it wasn’t Asher who gave me that nickname, it was him! “Merrick!”


Lalo pa akong nagulat nang bigla niyang gawin niya weakpoint ko. “Silly!” He poked my nose. “Yeah it’s me! Merrick!” Smiley


Smiley We hugged each other tightly. It was actually Merrick who started the things that I learned to love until now. Yung nickname na Silly, yung pagtusok sa ilong ko at yung pagtrato saakin like I’m his baby girl, lahat yun si Merrick. Lahat yun, na akala kong si Asher ang gumawa, si Merrick pala. “I remember you now! Sorry nakalimutan ko, pero naalala ko na ngayon!” Smiley


“I’m glad! Na-miss kita! Akala ko hindi mo na maaalala!” Tapos niyakap niya ako ulit, and I can’t describe what I’m feeling right now. Smiley “Oo nga pala! There’s one more thing!” Nagtaka ako kung ano yun. Kinuha niya yung wallet niya sa bag niya. May inilabas siyang picture, a familiar photo. “Do you also remember this?” Smiley


“Of course!” Kinuha ko yung picture. “I was that bride and you are my groom. And Asher…” Natigil ako at tinitigan ulit yung picture. “Wait nasaan si Asher?” pero ang mas magulo ngayon, “And did we really kissed at this photo?” Smiley


Medyo nahiya siya at natawa na lang. “Kuha yan mommy ko. That’s my only photo na kasama kita. And what’s funny is that… yun nga… we kissed… there.” Smiley


“No Merrick.” Napatayo ako. Medyo malabo pa rin saakin yung wedding play scene na yun. Smiley “Asher! Si Asher yung ka-kiss ko nun! We also have a photo! A different version! He’s the one who kissed me!”


Nakatingin lang siya, Smiley “Yeah… I didn’t know na may picture din pala yung scene yun. But you’re right he kissed you…” I was relieved, Asher kissed me. “He kissed you right after I kissed you.”


“What?” Smiley


“Kaya ka nga umiyak nun diba. Smiley Kasi sabi mo ako lang dapat ang nag-kiss sayo noon.”


Napaupo lang ulit ako. So ano ba talagang nangyayari? Na lahat ng inaakala kong mga ginawa ni Asher, si Merrick lahat! Even my first kiss? Smiley Si Merrick din? Then could it be possible that Asher isn’t the one. Na pwedeng kayak o nagustuhan ang lalaking iyon, dahil iniisip kong siya si Merrick. Na si Merrick ang talagang first love ko at hindi si Asher.


“Silly?”


“Merrick, can you tell me what I feel for you before?” Smiley


Napayuko siya, but I know na hindi siya magsisinungaling. “We’re pretty close to each other. And would always tell me that you like me and you’re gonna marry me.”


“I like you?” Smiley


“Yeah… you liked me.” Tapos napatingin siya sa malayo. Smiley “And I hope na maalala mo na rin yun.”


He took my hand, and the only thing that I can hear is the loud beating of my heart. I can’t believe it… I really can’t. Smiley


End of Chapter 13 Part 3




4 comments:

  1. buyi, gusto ko ang update na 'to! hahaha. inyourface asher! now win her back bwahaha!

    ReplyDelete
  2. yvi ikaw ba yan??? ahahahaha!!!

    ikaw nga yan dahil sa tawag mo saakin!!!

    ahahahaha!!!

    ReplyDelete
  3. sabi ko naman sayo silent reader mo ako! everyday ako nagche-check ng updates sa blog mo, hahaha!

    nagmamahal,
    tagasubaybay

    ReplyDelete
  4. OMG sandali lang! Pati ako naguguluhan!!! Hahahahaha. Ano ba talaga? OMG! OMG! Hahahaha~ alam mo ba Unnie pumasok sa isip ko dun sa chapter na kinuwento ni Asher na naglaro sila ng kasal-kasalan nun na si Merrick yung lalaking naging groom ni Silly? XD wala lang nakakatuwa lang! XD

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^