Chapter 14
Who’s that Guy?
(Asher Carillo POV)
“Anong oras na! Hindi pa siya umuuwi?”
“Wag nang mag-panic! Nagtext na siya!” Nakareceive ng text si Tito Al mula kay Silly. “Malapit na daw siya.” Tapos pareho kaming nakahinga nang malalim. Maya-maya lang, nakarinig kami ng tunog ng sasakyan. Bumaba si Silly sa white Pajero at may sumunod na lalaki sa kanya.
Sino yun? Tanong ko sa sarili ko. Bakit may kasama siyang lalaki? “Papa.” Ngumiti siya sa papa niya, samantalang umiwas siya ng tingin saakin. Galit pa rin siya, at tama lang naman yun dahil sa sinabi ko sa kanya kahapon.
“Sino yan?” Tanong ni Tito Al sa teenager at medyo matandang lalaki na nag-drive ng sasakyan.
“Albert!” bati nung matandang lalaki! “Ako ‘to!” naka-uniform siya ng pang-General. Teka ano ba ‘to? Role play?
“Nope Tito. General Rommy Evangelista na po.” Ngumiti yung lalaki kay Tito Al. Ano daw sabi niya? Tito? General?
“Teka? Ikaw na yan Merrick!” Tumango yung Merrick at nagyakapan sila. Sh*t! Hindi ako makarelate! Kamag-anak ba nila yun? At tsaka bakit kasam nila si Silly?
“Ash!” Teka, tinawag ba niya ako. “Don’t tell me nakalimutan mo na din ako! Nakatira kami dati doon oh!” tinuro niya yung katapat na bahay namin. “Hay naku! Pareho kayo ni Silly! Ako ‘to Asher! Si Merrick! Rickyboy? Naalala mo?”
“Rickyboy?” Naalala ko na! Siya nga yung kaibigan namin noon, pero nagpunta sila sa America. Siya yung groom ni Silly sa picture na meron ako. “Rickyboy!”
“Sira-ulo!” Hindi ako dugyutin nung bata ako ha. “Sipunin ka naman!” Nagtawanan kaming dalawa. Tapos nag-aya si Tito Al na sa loob na kami mag-usap. Pero nagulat ako nang umakbay si Merrick kay Silly, putek! Close ba sila noon? Oo, close nga sila. At ngayon, sobrang close nila.
Nagkwentuhan sila Tito Al at Tito Rommy sa labas. Napaihaw tuloy ng liempo dahil dito sila magdi-dinner nina Merrick. Kami naman, nandito sa living room. Nasabi na saakin ni Merrick kung paano nila nakasama si Silly ngayon. Nandoon din pala siya at nagbartender nung birthday ni Gwynne.
Si Silly naman, umakyat lang sandali sa kwarto niya para magpalit. “Ash, kamusta naman. May dini-date ka na ba ngayon.” Tanong niya saakin.
“Aww… sorry.”
Natawa siya at sinuntok ang braso ko. Alam ko naman, dahil masyadong liberated ang mga tao dun. “Wala akong naging girlfriend dun Ash. Sa Pilipina pa rin ako noh!”
“Owws?” Tapos natigil ang usapan namin nang bumaba na si Silly. Naka-dress siya. Pambahay ba niya yun? Bakit ayos na ayos naman siya ngayon?
Nginitian siya ni Silly at naupo ito sa sofa. Lumipat naman ng pwesto si Merrick para tabihan si Silly. “Balita ko, magka-away daw kayo ni Silly ha.”
Hindi lang nag-react si Silly, pero tama si Merrick. Naisip ko rin na chance na ‘to para magkaayos na kami. “Kung patatawarin ba ako ni Silly eh. Hindi ko naman sinasadya yung mga nasabi at nagawa ko.” Tinitigan ko siya at tumingin din siya saakin.
“Oh sige na! Hug na!” Itinaas ni Merrick ang dalawang kamay ni Silly at ipinatong sa balikat ko. Tapos nag-hug na kami. Nag-ngitian kami pero nafi-feel ko pa rin yung awkwardness. “Sige, alam ko namang marami pa kayong mahabang usapan niyan kaya kayo na bahalang mag-ayos ha.”
Tapos natahimik kami ulit. Nakaupo ako sa ibang upuan, at sina Silly at Merrick ang magkatabi. Tapos biglang inakbayan ulit ni Merrick si Silly, habit ba niya yun? “Oh ikaw naman Silly, nagka-boyfriend ka ba nung wala ako?”
“Ha? Oo… si Hadwin. Friend ni Ash… kilala mo siya diba? Dun sa birthday ni Gwynne. Pero sandali lang naging kami. Sandali lang talaga.”
“So ngayon free ka?” Tapos nginitian ako ni Merrick at tinaasan ng kilay. Parang may gusto siyang sabihin, at parang alam ko na. “Liligawan kita ha!”
“Bilis naman!!!” Napatayo ako napatingin silang dalawa saakin. Wala akong pakelam kahit hindi pa talaga kami okay ni Silly, kaya hinila ko siya patayo sa kinauupuan niya at pinalipat sa upuan ko. Ako naman ang pumalit sa kinauupuan ni Silly.
“Aba! Protective masyado ha! Ano ka, kuya?” Hihilain niya sana pabalik si Silly pero humarang ako. Napakunot naman si Merrick at kakaiba ang tingin saakin ni Silly. “Uy, selos!”
“Okay! Nawala lang ako ng ilang taon, sobrang dikit na kayo.” Bakit ang daming naaalala ni Merrick na nakalimutan ko na. “Dati-rati lang, si Asher ang pinagtutulungan natin, Silly.”
Natawa si Silly, naalala na niya. Napaisip ako, sh*t! Parang may ganun nga akong memory. Na ang magkakampi palagi, silang dalawa. “Third wheel!” Inasar pa ako ni Merrick. “Joke lang Ash ha.”
Tinawanan ko na lang kesa tuluyan akong mabwiset. I don’t like this feeling. Na may ibang lalaking ka-close si Silly. Na ako yung third wheel sa buhay niya. Buti na lang tinawag na kami nila Tito Al, magdinner.
After naming kumain, nagpaalam na din sina Merrick at papa niya. Pero bago sila umalis, nagsabi muna si Merrick na palagi siyang dadalaw, total magbabakasyon na daw. He hugged and kissed Silly’s cheeks at yun umalis na sila.
“Sayang, hind sila naabutan ni Percy.”
Wala nang pumansin kay Tito Al at pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Si Silly naman dumirecho sa kwarto niya at nagpasya akong sundan siya para tuluyan nang ayusin ang gusot saaming dalawa. “Silly, pwedeng pumasok?” Sabi ko habang kumakatok. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na ako. Dumirecho kami sa terrace ng kwarto niya.
“Ah… oo nga.” Tanga ko! Yun pa una kong sinabi! Birthday ni Gwynne… “Anyway Ash, hindi mo kailangan magpanggap.”
“Magpanggap? Hindi ako nagkukunyari.” Huminga ako ng malalim. “Silly, what I said about yesterday…”
“I know Ash. I can’t blame you. Wag mo nang ulitin please.”
“I didn’t mean that! Okay? Hindi ko sinasadya, tanga lang ako nung nasabi ko yun.” Maiyak-iyak siya ulit. “Kasalanan ko rin that you felt that way. Na hindi ko napansin yung feelings mo for me. If I made you fall for me, I’m sorry.”
“That’s not what I mean. I just want you to know na okay na ako dun. Ayokong mag-away tayo Silly. Ayokong masira ang samahan natin. If you want, we can start all over again.”
“I understand.” She offered her hand as a sign na okay na kami, but I initiated na mag-hug kami. I miss her, lagi naman eh. Pero hindi rin nagtagal ang yakap namin dahil bumitaw siya agad. “But we can no longer do this again. Wag ka nang masyadong sweet o mabait saakin. Kailangan kong matutong kalimutan ka Ash.”
This isn’t what I want but I have no choice. “Yeah… Sure” We smiled at each other, at alam kong bati na nga kami. But honestly, I’m not really happy. Kasi ang gusto niya, tumigil na ako bilang yung Asher na sobra siyang inaalagaan. Yung Asher na gagawin ang lahat para protektahan siya.
I have to give her that space. A space where I can no longer attach myself to her life. A space for her to move on, to find herself, and fall for another person. Kaya ko ba yun?
End of Chapter 14 Part 1
Hahahaha. Ang kulet ni Merrick! I like him na~ ayieh~ pero Unnie, may typo ka! Dun sa sinabi ni Merrick na "So ngayon free ka na?" Tapos nginitian ako ni "ASHER" dapat~ Merrick yun diba? Hihi~ ayun, napansin ko lang naman :3 hay Ash! Pakiramdaman mo ang tunay mong nararamdaman! Bago mahuli ang lhat~
ReplyDelete