Sunday, November 20, 2011

Sister Complex : Chapter 14 Part 2

Support Him?
(Asher Carillo POV)


Simula noong araw na yun, palagi nang dumadalaw si Rickyboy.  “Last year pa pala kayo nakauwi, bakit ngayon mo lang pala naisip na dumalaw?” Smiley


“Busy sa school… at sa work sa restaurant.” Sumagot si Merrick nang hindi tumitingin saakin dahil busy siya sa pagbabasa ng manga ni Silly. Magkatabi silang nakaupo, samantalang nakaupo naman ako sa sahig nila.


Smiley “Busy sa restaurant? Bakit ngayon palagi ka nang nandito?”


“Bakasyon na Ash! At tsaka, bonding time na namin ni Silly! At tsaka bakit ba panay ang tanong mo?” Smiley


“Ang ingay niyo. Hindi ko maintindihan yung binabasa ko.”


“Uy! Ang sungit ni bebe!” At tinusok ni Merrick ang ilong ni Silly. Smiley Nginitian lang siya nito. Napapadalas na niyang ginagawa yun, at napapadalas na din akong nao-OP kapag kasama nila ako. Nakakairita!


Tumayo na lang ako at nagpunta sa kitchen. Wala na si mama, kaaalis niya lang papunta sa work niya, at si Tito Al naman, mamaya pa makakauwi. Bakit ba ang boring ng summer ko ngayon. Ni wala ding kaming outing sa bakasyong ito. Bukod pa dun, dumating itong si Merrick, at inaagaw ang buong oras ko with Silly.


“Malamig yan?”


Hindi ko napansing nakatayo na pala sa likod ko si Silly. “Iinom ka?” Tumango siya at nilagyan ko ng tubig yung hawak niyang baso. Tapos uminom siya at tinalikuran ako agad. Pero pinigilan ko siya, “Silly… gusto mo gumala tayo bukas? Mall tayo.” Smiley


“Ha?” Okay na kami, pero parang siya pa yung naiilang saakin. Eh sinabi ko naman sa kanya na okay na nga kahit may gusto siya saakin. Smiley “Si… sige… sabihin ko  kay Merrick.”


“Hindi! Wag! Tayong dalawa lang, bonding natin yun.” Smiley


“Bakit ayaw mo akong isama?” Smiley


Smiley Ang buset na Rickyboy yan, nakatayo na pala malapit saamin, nagtatago lang. Pero kailangan kong makaisip ng palusot sa kanya. “Ha? Eh… ako nagyayaya eh. Baka magpalibre ka din saakin.”


Tinawanan niya lang ako. Buti naman at hindi niya minasama. Smiley “Ang kuripot talaga nito. Pero sige ganito! Ako na lang manlilibre kay Silly.”


“Bakit? Ako naman nag-aya sa kanya.” Nae-epalan na talaga ako sa kanya. Siguro nga dahil sobrang tagal ko siyang hindi nakasama, tapos susulpot nang ganito. Hindi ako masaya!


Smiley “Hindi! Ayoko naman din umalis bukas.”


“Bakit?” Sabay naming natanong ni Merrick. Smiley


“Kasi tinatamad ako.” Tapos tinalikura niya kami at umalis na. Naiwan naman kami ni Merrick sa kusina.


“Ash… hindi ka ba masaya na nakabalik na ako?” Smiley


“Ha?” Inakbayan ko siya, syempre naging kaibigan ko rin naman ito. Parang kami lang ni Hadwin, nag-aasaran, naglolokohan! Pero walang pikunan. Minsan nga lang, ibang irita ang nararamdaman ko, hindi ko gets eh. “Rickyboy, napunta ka lang sa States, masyado kang naging sentimental. Tropa nga tayo diba.” Smiley


“Good.” Ngitian niya ako. “Eh di kung ganun, susuportahan mo ako kay Silly.”


“Suporta? Bakit?” Smiley


“Hindi ba obvious Ash? Nililigawan ko na kaya siya.”


“Ano nga ulit?” Parang nabingi ako sa sinabi niya. Smiley


“Ash, nililigawan ko na siya. Matagal na akong nagpaalam kay Tito Al! At matagal na din akong nag-confess kay Silly. Wala bang nagsabi sa’yo? Smiley


Smiley Napakunot ako ng noo. Magrereact ba ako nang ganito kung alam ko nang nililigawan niya si Silly. Pero parang hindi ako makapaniwala. “Anong sinabi ni Tito? Anong sabi ni Silly?”


“Silly didn’t say anything, pero pumayag man siya o hindi, liligawan ko pa rin siya. Ang sabi naman saakin ni Tito Al nung nagpaalam ako sa kanya, he just wants me to help Silly forget about you.” Smiley


Nagulantang ako sa narinig ko. Tito Al wants him for Silly! Na gusto niyang maging boyfriend na nga siya ni Silly so she could forget about me? “Teka… what do you mean?” Smiley


“Alam ko na Ash. That Silly’s in love with you. But you’re in loved with someone else that’s why you rejected her. But I know gusto mo pa rin siyang maging masaya, so you should help me with her Ash. Smiley Because since you can’t, then I’ll make Silly the happiest girl.” Smiley


End of Chapter 14 Part 2

1 comment:

  1. Iba nase-sense ko dito kay Merrick! Hahahahaha~ feeling ko tinutulungan niya lang na malaman talaga ni Ash yung totoong nararamdaman niya for Silly~ well sa tingin ko lang naman! Hoho

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^