Strange
(Cecily Gonzaga POV)
Asher is acting really strange these past few days. Minsan irritable, hindi makausap nang matino at palagi lang siyang nakasimangot. Well, hindi na lang ako nagpapaapekto, dahil I made a promise to myself. And that is forgetting about my feelings for him.
“Bye!” Umalis na si Merrick. Madalas na ang pagdalaw niya sa bahay, that’s because he’s courting me. Actually, I’m quite happy, at medyo kinikilig din ako. At dahil sa right timing na pagdating niya sa buhay ko ngayon, I felt na hindi na ganun kasakit mag-move on sa unrequited feelings ko.
“Grabe… sobrang saya mo talaga noh.” Tinignan ko si Asher, kaming dalawa nanaman kasi ang naiwan dito sa bahay.
“Ano nanaman bang problema mo”
“Wala!” Pumasok siya ng bahay namin, at padabog pa. I don’t want to think na kaya siya nagkakaganyan dahil nagseselos siya kay Merrick. Ayoko nang umasa! Anyway, sumunod na rin ako sa loob, and there I found him lying on our sofa.
Umupo ako sa isang upuan, tinitigan ko siya dahil nakapikit siya. But I shook my head, mali! Mali ‘to eh! Hindi ko na pwedeng gawin ‘to kung gusto ko na siyang kalimutan. Medyo nagagawa ko na kasi na wag na siyang pumasok sa isip ko. At hindi na rin ako naiiyak sa gabi thinking that we can’t be together.
“Gusto mo ba si Merrick?” Nagsalita siya bigla. “Hindi mo man lang sinabi saakin na nililigawan ka na niya. You’re keeping secrets from me, bakit?”
Bumangon siya bigla. “Why? To forget about me? Bakit Silly? Kasama na ba yung being cold and making me feel out-of-place para lang kalimutan mo yung feelings mo para saakin?”
“And you’re happy? I just said na nao-OP na ako sa inyo ni Merrick! Wala na bang halaga sa’yo yung pinagsamahan natin? We grew up together! Sana kahit yun lang isipin mo so you won’t treat me like this!”
“Eh ano ba kasing gusto mo Ash! We can’t go on like nothing happened! Hindi ikaw ang may gusto saakin, ako ang may gusto sa’yo! Sana din, maisip mong mahirap yung pinagagawa mo dahil ayokong nang umasa sa’yo! I wan’t to forget you!”
“I have to because you can’t love me!” That’s right, if being so mean and cold to him would help me to move-on, then I should really do it.
“You know I care for you…”
Hindi ko na siya pinatapos pa. Nag-aaway nanaman kasi ulit kami. “Ash…” mahinahon akong nagsalita this time. “You know why I fell for you? Because we’re like this. Na-misunderstood ko how you treated me. You made me feel so important, so loved! But you can’t even accept the fact that I’m in loved with you. Wag mo na akong pahirapan Ash, ayoko nang umasa, okay?”
Tumayo siya. “Bwiset na forgetting about your feelings! You know what you’re doing to me Silly? You’re leaving me behind! Moving on and ignoring me are two damn different things!”
Hinila niya ako patayo just to tell me that face-to-face. I look at his angry face, but his eyes were sad. I hugged him so he won’t be mad. “Sorry… I’m sorry…”
Medyo naramdaman kong naging stiff siya nung niyakap ko siya pero hindi ako bumitaw. After all, he was actually right but, “Wala na akong alam na ibang way para makalimutan ka, Ash. I’m sorry that I have to ignore you, but if you really love me, even if its just as a friend or sister, you would let me do this.”
Then he lifted his arms to hug me back. Medyo bumilis ang tibok ng puso ko, pero kailangan kong tibayan ang loob ko. I let him go and pushed him away from me.
“Si Merrick, he said he likes me. And I once like him too. If you let me fall in love with him, then I’ll be able to move on.” Medyo lumayo ako. “We don’t really have to fight like this, alam mong hindi kita matitiis diba.”
Ang gulo. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang gustong ipagawa saakin ni Asher. “If I don’t do this, I might still continue loving you.” Sana naman yun maintindihan na niya. “Diba ito rin naman ang gusto mo?”
Wala na siyang sinabi at umalis na lang bigla. Naiwan akong mag-isa habang tinatanong pa rin yun sa sarili ko. “Ito naman talaga ang gusto mo diba?”
(Asher Carillo POV)
“Kailan ko sinabing gusto ko yun!” Pinilit kong i-flashback sa isip ko yung mga napag-usapan namin nung nagbati kami. “But we can no longer do this again. Wag ka nang masyadong sweet o mabait saakin. Kailangan kong matutong kalimutan ka Ash”, yun ang sinabi niya that’s why I said, “Yeah… Sure”.
Nasabi ko ring we can start all over para hindi kami magka-ilangan, pero wala sa isip ko na tatratuhin niya ako as cold as this! Nakakaasar! Nakakaasar talaga!
Biglang nag-beep yung cellphone ko. Pagbasa ko si Hadwin pala.
[Ash, anong plano sa birthday ni Cecily?]
“Birthday ni Silly?” Napatakip ako sa bibig ko, ay! Muntik ko nang makalimutan! Last week na kasi ng April ngayon. Ganun na pala katagal akong nagpapaka-bothered sa relasyon namin ni Silly.
Napabuntong-hininga ako. Nabanggit kasi noon saamin ni Silly na simpleng handaan lang ang gusto niya sa birthday niya.
[Punta na lang kayo dito sa May 4. Maghahanda lang ng konti.]
[No surprise? Hmmm… Sige…]
[papuntahin mo din si Gwynne ha.] Oh baka, wrong idea nanaman ang makuha ni kumag. Syempre dapat naman talagang pumunta si Gwynne dahil bestfriend yun ni Silly.
[ok. Uy… oo nga pla… may nababalitaan ako mula kay Gwynne ha.]
[ano yun?] Na-curious naman ako bigla. Tungkol ba saamin ni Gwynne? Ang totoo kasi, parang mas naging maganda ang relasyon namin ni Gwynne ngayon pero hindi na yung romantic type. Naging friends kami, kahit napakasakit nung naging break-up namin. Nakakapag-chat kami at text nang parang magkaibigan na lang din.
[kilala nio na pala c merrick noon pa. pero may nababanggit ksi si Ces kay Gwynne 2ngkol sa kanya]
[na c merrick daw ang real first love nia. totoo ba yun ash?] Ano! First real love ni Cecily si Merrick? Akala ko ba ang ako yung gusto niya noon pa? Anong ibig sabihin nun?
End of Chapter 14 Part 3
Wah! Nage-gets ko na!!! Hahahahaha. Mabuti naman at okay na si Hadwin :)) natatawa nalang ako sa katangahan ni Ash ngayon. Konting batok pa, gising na yan!
ReplyDelete