Tuesday, November 22, 2011

Sister Complex : Chapter 14 Part 4

Stranger than Before
(Cecily Gonzaga POV)


“Happy Birthday Cecily!” Ang bilis ng araw! Birthday ko na pala. Smiley


Smiley  May handaan ngayon sa bahay, at konti lang ang invited. This is what I wanted, a simple birthday celebration. Mga close friends at ilang kapit-bahay ko lang ang invited.


“Happy birthday Ces!” Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko at paglingon ko, si Hadwin na pala.


“Had!!!” We hugged, pero siya na ang unang bumitaw. Smiley


“Oh, wag masyadong close Ces, baka maalala ko bigla feelings ko para sa’yo.”


Nagtawanan na lang kami. Medyo matagal na din kasi ang lumipas, at masaya ako dahil we can talk casually again. Ang totoo nga niyan, nakakapagtext at chat na ulit kami. “Wait, ako naman!” Tapos si Gwynne naman ang yumakap saakin. Smiley “Happy birthday Best!”


“Thanks Best! Enjoy the small party ha!” Smiley


Tapos nagkainan na. Tapos iniwan ko sila sandali dahil tinawag ako ni papa para kausapin ko rin daw yung ibang bisita.  Pagbalik ko sa kanila, kasama na nila sina Merrick at Asher. Magkausap na sila ni Hadwin, samantalang kausap naman ni Ash si Gwynne. Smiley


“Birthday baby!” Tapos inakbayan ako ni Merrick para lumapit sa kanila. Hindi naman ako makatingin kina Asher at Gwynne. Ano kayang pinag-uusapan nila. Smiley “Siya ba yung ex mo?”


“Ayaw maniwala nitong si Merrick, Ces oh.” Smiley Tapos inakbayan din ako ni Hadwin. “Ito ba bago mong manliligaw? Mas gwapo pa ko sa kanya eh.” Magkakilala na nga pala itong dalawang ito noong nagbartender dati si Merrick sa birthday ni Gwynne. Smiley


Natawa ako sa kanila. Mukhang magiging close ang dalawang ito kapag nagkasama pa sila nang mas matagal. “Alam niyo, mas bagay kayong dalawa. Ahahahaha!” Smiley Kinurot nila pareho ang pisngi ko. Si Hadwin sa left, si Merrick sa right.


Napatingin naman sina Asher at Gwynne saamin. Smiley “Hoy ano ba kayong dalawa!” Hinila naman ako ni Ash palayo sa kanila. Napatabi tuloy sa kanila ni Gwynne. “Kumain na lang nga kayo.”


Nagkatinginan kami ni Gwynne. Ilang minutes din, humiwalay muna kami sa maraming tao. Nagpunta kami sa labas para makapag-usap. “So… kamusta ka naman.” Smiley


Smiley “Ha? Heto… mukhang okay naman.” Nasa isip ko pa rin kasi yung picture na masaya silang magkausap nina Ash kanina. Ano nanaman ba ‘tong nasa isip ko!


“Cecily… nag-usap lang kami ni Ash…” Napatingin ako sa kanya, nababasa ba niya nasa isip ko? “Tungkol sa’yo yung pinag-usapan namin.” Smiley


“Ako? Bakit naman?” Smiley


Natawa bigla si Gwynne. “He’s asking me about you and Merrick. Tinatanong niya kung may nakukwento ka daw ba tungkol kay Merrick.” Smiley


It feels like I can’t breathe. “Why would he ask that? Isa pa… diba dapat yung sa inyong dalawa yung pinag-uusapan niyo.”


“Ano ka ba Cecily. The thing about me and Ash, nakaraan na yun. We’re friends now, friends na lang.” Nagulat ako sa sinabi niya, I didn’t know na pareho na pala silang nakamove-on sa isa’t isa. Ako lang pala ang hindi pa nagmomove-on. “Pero yung about sa inyo, I don’t think na-settle niyo na talaga ang lahat.” Smiley


“Gwynne…” I sat down, at tumabi siya saakin. “Me and Ash… impossible. Tanggap ko na yun, noon pa. I may be special to him, but he can never be mine.”


Gwynne held my hand. “Sumusuko ka na?” Smiley


Smiley “Dapat nga noon pa eh.” Tapos napatingin ako nang lumabas sina Asher, Hadwin at Merrick. “But you know that guy…” I was referring to Merrick. “He said he could make me happier. And remember what I told you before? Na hindi pala si Asher ang first love ko.” Natawa ako, and I don’t care even if it’s a fake one. “Si Merrick pala…”


“I remember what you said… Pero honestly Cecily, do you even believe yourself when you say that?”


I looked down, at napaisip ako. Smiley Lumapit na saamin sina Asher. Then I started questioning myself. Naniniwala nga ba talaga ako na hindi si Asher yun? Na hindi si Asher ang lahat nang yun?


Ang bilis lang natapos ng oras, at unti-unti nang nag-alisan ang mga tao. “Bye Ces!” Niyakap ako ulit ni Hadwin at hinalikan ako sa pisngi. Smiley “Kita-kits na lang tayo sa pasukan ha!”


“Ingat kayo ha!”


Smiley “Bye Cecily! Happy birthday ulit!” Tapos nagpaalam na din si Gwynne, at pinanood ko silang sumakay sa sasakyan nila at tuluyang umalis. Naiwan naman kami nina Merrick at Ash sa labas.


Oh! Hindi ko pala ‘to pwedeng kalimutan!” Smiley Humarap ako kay Merrick. Tapos inilabas niya yung gift niya. “Open it.”


Nakatingin lang si Asher, naalala ko, hindi pa pala niya ako binibigyan ng gift. Anyway, binuksan ko naman yung gift saakin ni Merrick, and I found a ring. Isinuot niya sa ring finger ko yung singsing. Smiley



"Te... thank you Merrick..."




“Happy Birthday ulit, Silly baby.” Smiley At pagkasabi niya nun, dahan-dahan siyang yumuko at hinalikan niya ako na halos malapit na sa lips ko. Nanlaki lang ang mata ko. Smiley Nagulat din si Asher dahil napansin ko yung nagbago din yung expression niya. “Need to go. Next time ulit ha!” He smiled at me tapos nagba-bye na din siya kay Ash at saka umalis.


Smiley This time kaming dalawa na lang ni Asher ang naiwan. Nagkatinginan kami, pero nahiya ako dahil sa dalawang lalaki ang humalik saakin ngayong gabing ito. “Pa… pasok na tayo sa loob. Tulungan natin sina mama at papa na maglinis.” Smiley


Tatalikod na sana ako, pero he grabbed my hand. Tapos inilapit niya yung kamay ko sa mukha niya, para titigan yung singsing na suot ko na ngayon. Wala siyang sinasabi, at ang plain lang ng reaction ng mukha niya.


Say something Silly. “A.. Ash…” Hinila ko ang kamay ko para bitawan niya. “Yu… yung gift ko?” Smiley Ano ba! Bakit hindi ako makasalita nang maayos.


“You want my gift after mong matanggap yan?” Smiley ang sinasabi niya yung about sa ring. Bad trip ba siya? Ayokong mag-assume, but he’s showing na hindi siya masaya.


Smiley “Kung wala, fine! After all, I don’t really need your gift!”


Tapos pumasok na ako sa loob. Hindi na siya sumunod. Ano ba yan! Birthday na birthday ko, hindi kami masyadong nakapag-usap, nag-away ulit kami. Smiley


After kong tulungan sina mama Percy at papa, nagpasiya na kaming magpahinga. I went to my room, at sinilip ko yung bahay nina Asher. Pagkauwi kasi ni mama sa bahay nila, nakapatay na ang lahat ng ilaw.


Alas-dos na ng madaling araw, pero parang hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nahiga ako sa kama at pinilit kong pumikit. Pero naasar ako. Smiley


“Bwisit ka Ash!” Bakit ko ba kasi siya iniisip! Ginulo ko ang buhok ko at pinalo-palo ko ang sarili ko. Smiley


Our relationship is really ruined! It all happened nung nalaman niyang may gusto ako sa kanya. Nung hindi niya kayang i-return ang feeings ko for him. At noong nagpasya akong kalimutan na siya nang tuluyan! Pero hindi ako masaya. Hindi ako masaya na ganito kami ngayon. Smiley



End of Chapter 14 Part 4




1 comment:

  1. Wahahahahaha~ ang sarap ninyong pag-untugin dalawa! Natutuwa talaga ako sa presence ni Merrick! At mas natutuwa ako kila Hadwin at Merrick! Para nga kasing magiging close talaga sila~!!! Ang cute cute lang

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^