Saturday, November 19, 2011

Riot Love Game : Chapter 2

CHAPTER 2
(REGINE POV)






RICHELLE: Bru!!! Hahahaha!!! (Ano daw? Bruha? Nababangag nanaman siya dahil nanalo din sa game si Rye) Ang galing niya teh!


REGINE: Nanalo lang magaling na?(Ako yan nang-aasar lang!) Joke lang! Ang galing nga ni Rye! Woohoo!


Actually magaling talaga siya, dahil nga captain siya ng team nila. Kaso hindi ko naman talaga kasi pinanood yung game nila! Hindi ako interesado! At dahil kinakabahan na ako dahil late kami pareho sa klase namin.


REGINE: Kasalanan mo ‘to eh… pati yung mabagal na gameplay ni Rye! Na-late tuloy tayo!


RICHELLE: Sa lunch na lang tayo magkita ha!


Magkalapit din kami ng room, at hindi na niya ako pinansin dahil lutang pa rin ang gaga sa crush niya! At wala din kasing pakelam si Richelle kahit ma-late siya, siga kasi eh! Tapos pumasok na siya. Nakow kung hindi lang kita bestfriend!


Pumasok na lang din ako sa room namin.


REGINE: Good afternoon sir... sorry I’m late. (Ginamitan ko na lang ng twinkling eyes and innocent smile. Effective kasi yun!)


Napatingin saakin ang mga classmates ko. Ang ganda ko kasi eh. Hahahaha! Hindi kasi role model student ako! At first time ko lang ma-late sa klase! Magpapalibre talaga ako mamaya ng lunch kay Richelle!


Naupo ako sa upuan, at mataray effect ako kunyari. Anti-social kasi talaga ako. Hindi ko lang feel makipag-usap o makipag-friends sa iba. Kaya nga siguro sa edad kong ‘to, si Richelle lang ang naging kaibigan ko.


Speaking of my bestfriend and myself, ito pala ang ilang bagay na dapat niyong malaman tungkol saaming dalawa. We are totally opposite! Pero sabi nga nila, and we also believe na din, na opposite attracts! Parang ganito lang yan:



She’s into JPOPI’m more of KPOP
Gitara siyaPiano ako
Nasa north siyaNasa south ako
She’s a cat-loverI’m a dog-lover
Summer siyaWinter ako
Team Jacob ... Team Edward
Hiphop siyaBallet ako
Cool and beautifulCute and pretty






You see, dalawang totally na magkaibang tao, pero swak na swak kami sa isa’isa! Ito naman din kasi ang list ng milagro naming pagkakapareho!


Our names both start with the letter R ending with an E.
Both Blood type AB
Have the same birthdate : December 1
Zodiac Sign: Dati Sagittarius, ngayon Ophiucus na(13th sign, paki-google na lang)
First crush: Greg (Gregory Del Pillar)
First fight: Greg pa rin. (Bwiset na utaw yun! Naka-move on na kami pareho sa kanya!)



At dahil nga dun, nangako na kami sa isa’t isa na ang kay Richelle ay kay Richelle, at ang kay Regine ay kay Regine! At kasama sa promise namin na hindi na ulit magkakagusto sa isang lalaki!


Tamang-tama! Magkaiba talaga kami ng kina-career ni Richelle ngayon! Pero isang malaking twist of fate lang ang nangyari! Ewan ko kung alam na ‘to ni Richelle, hindi naman kasi palaisip yung babaeng yun.


“RYE” - Siya ang crush ni Richelle
- Top Student
- Serious
- Campus heartthrob
- Masungit at low-profile
- No girlfriend since birth
- Mr. Perfectionist
- In short, and everyone says, boy version ko daw!


“RAYCE” - Ang crush ko! MyGawd!
- Average student
- Happy-go-lucky
- School Celebrity
- Malandi at high-profile
- 100+ girlfriends since highschool
- Mr. Go-With-The-Flow
- In short, and everyone says, boy version daw ni Richelle!






Gawd! Nagkaiba nga kami ng nagustuhang lalaki! Pero nagkagusto naman kami sa mga tinatawag nilang male versions namin? Aware kaya si Richelle tungkol dito?


Anyway, nag-lunch na nga kami, at nakalibre ako sa kanya! Kaso biglang may nag-page sa mga pangalan namin. Pinapatawag kaming dalawa sa faculty room… ni Sir M!


REGINE: Ano naman kasing ginawa mo? Naglandi ka siguro sa room mo noh?


RICHELLE: Kapag naglandi ako, walang makakaalam nun noh! Secret task kaya ang paglalandi!


REGINE: At talagang proud ka pa!


RICHELLE: Wala akong nilandi!


REGINE: Hindi kaya dahil nagpa-cute ako sa class ko kanina? Eh hindi eh! Matagal na akong cute eh! Kasalanan ba yun bru?


RICHELLE: Gusto mong mapanot?


REGINE: Bakit tayo pinapatawag ni Sir M?


RICHELLE: Malay ko!


Si Sir M! Si Sir Manyak! Ang nagbansag kay Richelle ng “Sexy Volley Belle” at nagbansag saakin ng “Princess Pin-up Babe.” Eww! Kadiri diba! Kaya nga kinakabahan na kami pareho kapag kinakausap kami ng mokong na teacher na yun eh.


SIR M: (Sa sobrang tagal na, nakalimutan ko na ang totoo niyang pangalan) Kayong dalawa yung napiling girl representatives sa out-of-school activities. (Yun naman pala! Nag-hysterical pa ako!)


RICHELLE: Bakit po? Nakakatamad naman. (Siniko ko siya nang matauhan)


REGINE: Okay po… but I don’t think na magagawa po namin yun lahat nang dalawa lang kami.


SIR M: Don’t worry, meron pang dalawang male representatives kayong makakasama. Senior sila sa inyo, at nandun yata sila sa SC Office ngayon.


RICHELLE: SC Office? (Napatayo siya bigla! Alam ko nang iniisip nito! Student Council member kasi si Rye kaya excited!) Tinatanggap na namin sir! Punta muna kaming SC Office ha. Makikipag-meeting kami!


REGINE: (Natawa na lang ako, balahura talaga nito ni Bru!) Ano po palang name nung dalawa pang representative?


SIR M: Yung kambal! Hayashi-Hyeung brothers.


REGINE: Hayashi-Hyeung brothers? (Parang familiar?)


Nagpunta na nga kami sa SC Office, at jusko po! Anak ng swerte naman oh! Anong ginagawa nila dito!


RICHELLE: Syet!!! Bru!!! Si Rye!!! Si Rye!!! (Umandar na naman ang pagka-karengkeng nito)


REGINE: Double syet!!! Alam ko bru!!! Si Rayce din nandito!!! Anong ginagawa niya dito? (Okay, nagbubulungan lang kami niyan ah! Kino-control ko ang sarili ko dahil nandito ang mga lovelife namin!)


RYE: Anong kailangan niyo?


RICHELLE: Ikaw! Ikaw ang kailangan ko!


RYE: (Ignore lang. Ang kati naman kasi! Hindi man lang marunong magpakipot! Alam nang serious type ang gusto eh!) What?


REGINE: Ah… we’re looking for Hayashi-Hyeung brothers. Makikipag-meeting kami about sa out-of-school activities for this school year. (Kausap ko yung Rye pero nakapako ang tingin ko kay Rayce! Ano ba kasing ginagawa niya dito? Nakaka-agaw buhay siya!)


RYE: I’ am Rye Hayashi.


RICHELLE: Ikaw?


RAYCE: (Tapos parang slowmo pa siyang tumingin) And I'm Rayce Hyeung, at your service! (Ngumiti siya, at parang nasilaw ako sa kanya! Ang gwapo syettttttt!!!)


REGINE: (Pero kunyari, walang effect saakin) Mr. Hayashi? Mr. Hyeung? We’re looking for twins. Sure ba kayo?


RAYCE: Dahil ba hindi kami magkamukha? Kapag kambal ba dapat ba identical na? Hindi ba pwedeng conjoined lang?


REGINE: Ha? (Ha… Kinausap niya ako Syet!!! Natuturete ako!)


RICHELLE: Conjoined kayo? Ano yun tapos pinaghiwalay lang kayo?


RYE: Don’t listen to him! We’re just fraternal twins.


RAYCE: Fraternal ba yung tawag dun? Yun pala yun.


REGINE: How come you’re Hayashi… and you’re Hyeung?


RAYCE: Hindi lang magka-apelyido, hindi na magkapatid? (Ang pilosopo din nitong si Rayce, pasalamat siya mahal ko siya!)


RYE:  Will you just shut up Rayce? Broken family kami… I’m with my Japanese mom and got her surname. While Rayce’s with my Korean father, and so he’s Hyeung. (What the pyok!!! Ke gulo ng pamilya nila teh!)


RICHELLE: Ang complicated naman…


REGINE: So… (*inhale… exhale*) We’ll be working with you?


RAYCE & RYE: The two of you will be working with us! (Kambal nga! Sabay pang nagsalita!)


RICHELLE: OMG!!! (Sabay pisil niya sa braso ko. Alam ko Richelle, we’re thinking the same way too!!! Meant to be ba ito?)


RYE: But I’m watching every move you make Rayce! Don’t you dare na i-mess up ito!


RAYCE: Tinatakot mo ako Rye? Anong gusto mo? Naghahanap ka na naman ba ng away?


REGINE: Double OMG!!! (At pinisil ko rin ang braso ni Richelle…)



Kambal nga sina Rayce at Rye… kaso hindi sila magkamukha, magkaiba pa sila ng apelyido and the worst, parang hindi rin sila magkasundo!!! Nakow Richelle!!! Anong gagawin naten! Meant to be pa rin ba ito?


END OF CHAPTER 2

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^