Saturday, November 26, 2011

Sister Complex : Finale

Girlfriend Complex
(Cecily Gonzaga POV)



“Ash! Gising na!” Nananaginip nanaman siguro ‘to. Smiley May pasabi-sabi pa siyang ‘Are you having fun?’ Parang timang! “Hoy Ash!!! Gising!!!” At sa wakas, after 5 minutes na pagyugyog ko sa tulog-mantikang si Asher, nagising din.



“Anong…? Nasan na?” sabi ni Asher. Smiley Gising na pero pikit pa yung mata niya kaya ako na nagdilat sa kanya. Haha, ang cute!



Smiley “Anong nasaan na? Umaga na, male-late na tayo!” Ayan, nung sinabi ko yun, napadilat nga ng sobrang laki si Asher, kaso mukhang na-bad trip yata.




“Konti na lang eh!!!” And OA ng pagkakasabi niya. “Eto na lang oh!!! Magki-kiss na tayo!!!” Yuck, ang pervert! Mga lalaki talaga, kung anu-ano napapanaginipan. “Lagot ka sa’ken!” Patay! Smiley


Bago pa ako tuluyang makalayo, nahila na niya agad yung sleeve ng damit ko at kinurot-kurot ang pisngi ko. Then he hugged me and kissed me. Parang nangyari na ‘to ha! Smiley



“Manyakis ka Ash! Pati yun napapanaginipan mo!”



“Kasalanan mo bakit lagi kitang napapanaginipan!” Smiley Then he kissed me again.



“Maligo ka muna!” Tinulak ko siya at tumakbo ako pababa.



It’s official. Kami na nga ni Asher. At ilang buwan na din ang lumipas. I’m very glad to say, that we’re happy together. Oo, I’m the happiest girl ever! But I also made Asher the happiest boyfriend ever.



Kaso, may isang problema lang kami…



“Hoy… baka mamaya makita nanaman kitang may kausap na ibang lalaki.” Smiley



Smiley “Ha? Classmate ko nga yung kahapon! Ang OA nito. Wala ka bang tiwala saakin?”



“Sa’yo, meron. Sa kanila, wala!” Pagkasabi niya nun, sakto naman ang pagdating nina Hadwin at Gwynne.



“Good morning!” Smiley



“Good morning!” Hawak ni Asher nang mahigpit ang kamay ko.



“Gwynne, sabihin mo saakin kapag pumuporma ulit yung Mark, yung Kevin at tsaka yung Michael ha! Mapupuruhan na saakin yung mga yun eh!”



“Okay, ako bahala kay Silly.” Natawa na lang si Gwynne sa sinabi ni Asher. Silly na rin pala ang tawag niya saakin, since we are very close. At best friend ko siya!





“Ayos ha! Ginawang guard ang kapatid ko!” Pinalo naman ni Hadwin si Asher.



“Ewan ko ba dyan! Masyadong ewan.” Smiley Actually natutuwa ako kahit sobrang higpit at sobrang seloso nitong si Ash. Nakakakilig naman eh. Ahahaha. 




“Teka ano bang bagay na tawag dyan?”




“Sister complex?”




“Hindi!” Lumapit si Merrick saamin. Dito na rin kasi siya nag-aaral sa school namin. Magka-schoolmate na kami, at okay naman ang lahat. “Girlfriend complex ang tawag dun.” Smiley Tapos inakbayan ako ni Merrick, “Diba Silly baby.” Nginitian ko lang siya.



Sinupalpal naman ni Asher ang mukha ni Merrick palayo saakin. “Silly baby ka dyan! Lumayo ka nga!” Smiley



Tapos si Hadwin naman ang umakbay saakin. Basta Ces, kapag napagod ka na dyan kay Asher, bumalik ka lang saakin!” At sabay kindat. Gumana nanaman ang pagka-playboy nito.



“Isa ka pang kumag ka! Lumayas ka nga!” Smiley This time para wala nang ibang makaakbay at makalapit saakin, nakayakap na lang sa likod ko si Asher.



“Alam niyo, ang gulo niyo talaga.”



“Oo nga, tama ka dyan Gwynne.” Nagtawanan kaming dalawa. Smiley



“Hi Gwynne.” Smiley Nginitian naman ni Merrick si Gwynne.



Smiley “Hello Merrick.” At parang nag-blush si Gwynne. Parang may something kasi sa dalawang ito eh. Nagkatinginan kami ni Ash, pansin niya din kasi.




Bigla namang sumingit itong si Hadwin. “Oh ano yang hi-hello niyo dyan!” humarang agad itong si Hadwin kay Merrick. Nakakatuwa, magkaibigan na sila, pero hindi magkasundo.



“Bakit?” Smiley  Nagkasabay sina Merrick at Gwynne at pareho na silang namula.



“Tingin mo, sabi sa’yo may something eh.” Bulong saakin ni Ash.





“Alam ko! Ako kaya may sabi sayo na may something.” Binulungan ko rin siya at natawa kami pareho.





Maya-maya may lumapit pang isang babae. Nagsusulputan ang mga tao. “Kuya, heto pala, nakalimutan mo daw sabi ni mommy.” Smiley



“Hi Mary!” sabay naming binati ni Asher si Mary. Ang nakababatang kapatid ni Merrick. First year high school pa lang siya.



Napatingin si Hadwin kay Merrick at kay Mary. Ito namang si Merrick, biglang nag-panic. “Oh sige na! Go back to your room na!” Nagpaalam kami kay Mary at umalis na siya agad.



“Sino yun? Kapatid mo?” Smiley tanong agad ni Hadwin kay Merrick.



“Bakit?” Ang weird naman ng tingin ni Merrick sa kanya.



“Mukhang alam ko na ang mangyayari, ano sa tingin mo Silly?” Smiley



“Parang alam ko na din.”



“Ikaw ha. Hindi mo man lang sinabing may kapatid ka pala. Pakilala mo naman pare!” Smiley



“Pare? Hoy Hadwin! Kung dati hindi ka napatay ni Asher, ngayon ako magtutuloy! Mamamatay ka muna bago makalapit sa kapatid ko.” Smiley



“Sister complex ba ito?” Smiley



“Ganito, sige papayag na akong ligawan mo si Gwynne… basta papayag kang makilala ko si Mary.”



“Kuya! Ano ka ba!” Nahiya lalo si Gwynne. Smiley



“Talaga? Sige!” Smiley At ganun naman kadali kausap ni Merrick



“Sabi na. Mangyayari ‘to eh.” Hinila na ako ni Asher palayo sa kanila. “Gwynne pasensya na, ikaw lang makakaawat sa dalawang yan.” Nginitian na lang niya kami. Smiley



“Sige…sige…” Smiley








*     *     *






At naglakad na kami palayo sa mga yun. “Diba ginawa mo rin yun saamin. Para makapanligaw ka kay Gwynne, pinayagan mong manligaw saakin si Hadwin.” Smiley



Smiley “Ay! Ano ‘to? Muling ibalik? Wag mo na ngang ipaaalala yun!” Natawa na lang ako. Balewala nanaman yung noon eh, dahil ang mas mahalaga yung ngayon. Yung ngayon, para paghahanda sa magiging bukas namin.



“Pero tingin mo, anong mangyayari kina Hadwin at Merrick?”




“Hay naku! Puro ibang lalaki iniisip mo. Bakit hindi mo itanong, ano kayang mangyayari kay Ash para maiba naman.” Smiley Seloso talaga nito, kahit kailan! Hindi ko talaga in-expect ‘to ha.



Smiley “Yung sa kanila, sila na mag-aayos nun. Ako lang isipin mo, okay?”



Napangiti ako. “Yun naman pala eh. Ayaw na lang aminin na nagseselos.” Smiley



Then he poked my nose. Smiley “Ikaw ha, nakakarami ka na ng asar saakin!” Tapos aktong kukutusan niya ako kaya napapikit ako, but then he hugged me and quickly gave me a kiss.



“Ikaw ha. Mas nakakarami ka na ng halik saakin!”



"Sige gantihan mo na lang ako" Smiley





"Parang ako pa rin ang lugi nun!" Smiley





Nagtawanan kami at bigla na lang niya akong binuhat papunta sa classroom ko. Smiley  “Ahhhhh!!!” 





Buti na lang walang ibang tao sa paligid, ayokong kasing may ibang makakita sa happiness ko, sa happiness namin. Smiley





Ang moment kasi na ‘to ay lang para saaming dalawa.






"I Love You..." Smiley


THE END



14 comments:

  1. maraming salamat po sa lahat, readers (at silent readers) at sa mga comment niyo po...

    ito pong sister complex ang pinaka-unang completed story ko sa blog na ito... ^_^

    ReplyDelete
  2. Ang ganda!!! :DD May part 2 sana. Haha. Antayin kong magka anak sila. :DD

    ReplyDelete
  3. @tenten... salamat po...

    book 2... pinag-iisipan ko pa nga yan kung gagawin ko eh... nde ko pa sure...

    ReplyDelete
  4. ateeeeee !! i LOOOVE iT!!!!!! hahahaha . BOOK 2 ! BOOK 2 ! excited na akoo !! wahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. may book two nga, Girlfriend complex na ang title, pero hindi ko pa maipopost eh. ang dami ko pang on-going series.

      siguro by june pa yun marerelease...

      Delete
  5. Avid fan po ako :) Pauli-ulit ko po tong binabasa.. kelanpo ba yung Girlfriend Complex? :)

    ReplyDelete
  6. OH MY GOODNESS !
    IPAGPAPALIT KO SI VANDER PARA KAY MERRICK . <3
    KYAAAAAAAAAAAA !
    The best ka talaga miss Aegyo . :)

    ReplyDelete
  7. ayyyyyyyy! super duper ganda! *O*

    ReplyDelete
  8. Wahahah! Kilig :)))))

    ReplyDelete
  9. Gusto ko yung ending! Nagsi-tayuan lahat ng mga balahibo ko! Kasi parang naulit lahat sa una... lalo na yung pag gising! Tapos yung scene na nagkagusto si Had sa lil sis ni Merrick~ waaah! Deja vu kumbaga! Nakow~ Girlfriend Complex? Mahirap ito!!! Selosong Ash! XD ang ganda ganda ganda nito Unnie <3 natapos ko rin siya!!! Excited na ako for the book 2! Yay~

    ReplyDelete
  10. How.many times ko na nga ba nababasa to? Paulit ulit.. Pro hndi paren nakakasawa... Woaaah!! Grbe... Fav ko tlaga to chaka yung nephew in law... Haayy mag ka dream sana ako about girlfriend complex. Hahahaha what an inspiring story.for.the hopeless.romantic. Hahaha joke...

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^