Saturday, November 12, 2011

Sister Complex : Chapter 12 Part 1

Chapter 12
The Truth Hurts
(Asher Carillo POV)


Napatakbo kami ni Gwynne mula sa library nang malaman namin ang napakasamang balita. Dumating kami sa infirmary at naabutan si Hadwin na pawis pa galing sa laro niya sa basketball. Pero nakatayo siya at hindi mapakali at nung makita niya kami, napahawak siya sa noo niya at naiiyak. “Ash… si… si Cecily.” Smiley Napaupo siya at nanlulumo.


Tumakbo ako sa loob at lumapit sa isang kama. Nakita ko si Silly na nakahiga, magulo ang buhok niya, ang dami niyang kalmot sa mukha at pasa sa katawan. May bahid ng dugo ang uniform niya, at wala siyang malay. “Miss, ano pong… ano pong…” Smiley Tinatanong ko yung head nurse na tumingin at gumamot sa kanya pero hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin dahil naiiyak na  ako. 


Smiley “Marami siyang pasa pero hindi naman malalalim ang mga sugat niya. Maya-maya rin magigising na siya. But you should call her parents para masundo na siya.”


“Nasa trabaho pa po sila pareho. Ako na lang po ang maghahatid sa kanya.” Smiley


Tapos nilapitan ni Gwynne si Silly, at humahagulgol na din siya sa pag-iyak. Awang-awa siya kay Silly , Nasaan na ang babaeng yun?” Smiley


I clenched my fist, si Aicelle. Kailangan ko siyang makita ngayon. Pero tamang-tama may pumuntang guard at pinatawag kami sa guidance office. Sumama si Gwynne saakin at nagpaiwan naman si Hadwin para bantayan si Silly. Smiley


Pagdating naming, nanginginig akong lumapit sa guidance counsilor lalo na nang makita kong nandoon din si Aicelle. Masama ang tingin niya saamin, pero mas handa akong pumatay ngayon. “Sinira daw ni Ms. Gonzaga yung cellphone niya nang walang dahilan.” Ipinakita saamin yung wasak na phone ni Aicelle. “She should pay for this.” Tapos biglang nag-smirk si Aicelle. Smiley


“But that doesn’t mean na papayagan naming ang pananakit mo sa kapwa mo estudyante. For that, the board will going to discuss whether to suspend you or tuluyan kang i-expel dito.”


“What? Why not expel her now?” I objected. “She… she almost killed Cecily!” Smiley


“Huminahon ka Mr. Carillo. I know that your family is close to Ms. Gonzaga’s family, and I know you’re just worried. It’s a major offense, and I can’t decide on it alone. Tomorrow, ipapatawag ang parents niyo, and until then, you’ll have to wait for the result.”


Natapos kaming kausapin sa loob at paglabas naming, hinila ko yung sleeve ni Aicelle pabalik sa highschool building sa floor na walang tao. Hindi ko palalampasin ang ginawa niyang muling pananakit kay Silly, and this time, she’ll pay triple the price. Smiley


“What? Dinala niyo ako dito sa walang tao para gantihan?”


Smiley “You!” Hindi nakapagpigil si Gwynne at nasampal si Aicelle. Gagantihan niya sana ito pero pinigilan ko siya. “How dare you hurt her!”


“How dare you hurt me!” Smiley


“Stop it!” tinignan ko si Gwynne para kumalma siya, pero hawak ko nang mahigpit ang braso ni Aicelle. Smiley


“Let go of me Ash! Nasasaktan ako!” Tapos tinulak ko siya.


“Bakit ba Aicelle! Why did you have to do this again to her! Alam mong walang laban sayo si Silly!” Smiley


Natawa siya, evil laugh. Pagkatapos tinignan niya ako nang masama. “It’s her fault! It’s all her fault! Everything! Simula pa noong una, siya naman ang lagi mong inaalala eh! Silly? Stupid Silly!”


Tapos tinignan niya naman ng masama si Gwynne. Smiley “Ikaw? Girlfriend ka niya ngayon diba? Don’t you feel na parang mas mahal ni Ash yang Cecily na yan! Hindi naman sila magkaanu-ano, why the hell na sobrang close sila!”


“Shut up!” Gwynne just yelled at her. “So this is still all about that! Na hindi ka makamove-on sa break-up niyo ni Ash kaya ginagantihan mo si Cecily! And now, relationship naman naming ang gusto mong sirain!” Smiley


“Akala ko matalino ka, tanga ka pala. Tanga kayo pareho ni Ash!”


Masasaktan ko n asana si Aicelle pero may tumawag saamin mula sa likod. Si Hadwin, akay-akay niya si Silly. “Don’t listen to her.” Smiley


Tumakbo palapit sa kanya si Gwynne. “Cecily, are you fine now? You shouldn’t be standing. Kuya bakit dinala mo pa siya dito?”


“Kanina pa nagising si Ces. At nung makita namin kayo, gusto niya kayong sundan.”


Lumapit din ako at hinawakan ang mukha ni Silly. “Silly, were going home na.”


“Wait! You think I will let you get away with this?”


“Ano pa bang basura ang gustong sabihin! You see what you’ve done to her! Alam mo kung hindi lang masama pumatay ng tao, matagal na kitang binaon sa lupa!”


Pinagtawanan lang ni Aicelle ang sinabi ko. It was a real death threat, pero hindi siya natatakot. Tapos pumalakpak siya, “For sure, sobrang saya nanaman ng babaeng yan dahil pinagtatanggol mo siya.” Smiley


Smiley “Ash tara na… umuwi na tayo.”


“Bakit Silly girl? Natatakot kang malaman nila?” Anong bang pinagsasabi ng babaeng ito. “You’re happy naman talaga diba? Because once again, his attention is again all for you.”


“Ano bang ibig mong sabihin ha! Wala kang sense kausap!”


“Shut up!” Tapos nilabas niya yung wasak-wasak niyang phone. “Kung hindi sinira ng babaeng yan ang cellphone ko, maipapakita ko sa inyo ang only evidence sa totoong nilalaman at iniisip ng pinagtatanggol niyo ngayon!”


“What is she talking about, Silly?” Tinanong ko si Silly, pero yumuko siya. Smiley


Tapos biglang nanlaki yung mata ni Aicelle. “Right!!! Bakit ba hindi ko naisip yun!” Lumapit siya kay Hadwin na hawak ang bag ni Silly. Hinablot niya ito at madali niyang nakuha yung phone ni Silly. Smiley  Inaagaw ito pabalik ni Hadwin pero, “Wait! I need to check on something.”


Tapos naiiyak na si Silly na parang nakalimutan siya sa cellphone niya at natatakot siya. Then Aicelle laugh again. “I knew it! Hindi mo siya nabura, you’re really stupid!”


“Stop the crap Aicelle!” Smiley


Then she played a video. Video ni Silly sa loob ng CR, umiiyak at nag-iisa. “Hah… wag kang iiyak… wag kang iiyak Cecily. Masaya naman si Asher eh. Mas Masaya siya kay Gwynne. Kahit mahal na mahal ko si Ash, I need to let him go.”


Smiley “Ano nga ulit yun?” Inulit muli ni Aicelle yung video, at mas nilakasan niya yung volume. “Kahit mahal na mahal ko si Ash, I need to let him go.”  Smiley Yun ang mga salitang nagrerewind sa isip ko. Natahimik kaming tatlo nina Hadwin at Gwynne.


“Now do you know what I mean? That girl you’re only treating as your sister was actually madly in loved with you! Nakakadiri diba!” Smiley


“Shut up!” Smiley Umiwas si Silly. Tumalikod siya at kahit paika-ika siya, pinilit niyang tumakbo palayo. Napako naman kami sa kinatatayuan namin. I don’t know what to think. I seriously don’t know what’s happening.


“You see Ash, paano ka nakasisigurong hindi gumawa ng paraan si Cecily na paghiwalayin tayo noon? I love you! But that girl, she’s crazy over you! I’m pretty sure na paghihiwalayin rin niya kayo ng bagong mong girlfriend.” Smiley


Tapos tumingin siya kay Gwynne. “You’re not her friend and you will never be! Kasi inagaw mo sa kanya si Asher!” At pagkatapos, “And you Hadwin! Pinaglalaruan ka lang niya! Ginagamit ka niya para pagtakpan ang totoo niyang nararamdaman!”


Smiley “Tama na!” Nagulat kami nang sinugod ni Gwynne si Aicelle, pero nagantihan siya ni Aicelle. Itinulak siya at kinalmot din niya ang mukha ni Gwynne.


Hinawakan ko si Gwynne samantalang pinigilan naman ni Hadwin si Aicelle.


“Ah! Bitawan mo ko! Aray!” Smiley Hawak ni Hadwin ang dalawang kamay ni Aicelle sa likod at parang iniipit niya.


“Ngayon sabihin mo saakin bakit hindi ko dapat baliin ang mga kamay mo?” Ang sama ng tingin ni Hadwin at halatang lalo pa niyang hinihigpitan ang paghawak kay Aicelle na parang babaliin na nga niya ang mga kamay nito. Napaluhod si Aicelle sa sahig, na namimilipit at naiiyak na sa sakit. “Ahhhh….”


“Kuya!” Natakot si Gwynne sa ipinapakita ng kuya niya ngayon. At ganun din ang nararamdaman ko. “Hadwin, tama na.” Smiley


Seryoso ang mukha ni Hadwin, at talagang nakakatakot. “If you ever hurt my sister and my girlfriend again, pahihirapan kita nang sobra-sobra hanggang sa mamatay ka!” Smiley tapos tinulak niya si Aicelle at nasubsob ito sa sahig.


Tinignan niya ang sugat sa mukha ni Gwynne. “I’m okay kuya.” Smiley


Napabuntong-hininga lang si Hadwin at tumingin siya saakin. “Ash, ikaw nang gumamot sa kanya.” Smiley


“Had?”


Tapos tumakbo na siya palayo. Tumakbo siya para sundan si Silly. Iniwan naman namin ni Gwynne si Aicelle na tumayo na pero namimilipit pa rin sa sakit. Pero tumawa lang siya ulit, nang-aasar pa. Baliw na nga siya. Baliw na ang babaeng ito.


Hawak ko naman si Gwynne, pero sa totoo lang, gusto ko ring sundan si Silly. Kaso hindi ko alam kung paano ko siya haharapin? Si Silly… paano na? Smiley Paano na bang gagawin ko ngayon?



End of Chapter 12 Part 1

3 comments:

  1. nakakaiyak naman tong scene na to! ang sarap pasabugin ang mukha ni aicelle

    ReplyDelete
  2. nakakaiyak!!!!!! wala akong ibang masabi!!!

    nararamdaman q din ung sakit!!!

    ReplyDelete
  3. Nakakatakot si Acielle. Obsessed na siya! Baliw na siya! At si Hadwin... waaah! Tunay ngang nakakatakot siya! Alam kong alam na ni Hadwin yung mahal ni Silly~ pero ang sasakit nung mga nangyayari!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^