Letting You Go
(Hadwin Alvarez POV)
Pababa na ako at agad ko namang nakita si Ces. Hindi pa niya kayang tumakbo nang mabilis dahil sa mga sugat niya sa katawan, kaya naabutan ko siya agad. “Ces!”
Parang hindi niya narinig na sinagaw ko ang pangalan niya. Patuloy lang siya at hindi man lang lumingon. Pero kailangan naming mag-usap, kaya pinigilan ko siya sa paghawak sa braso niya. “Ces, let’s talk.”
“Let go of me.” Saka siya tumingin saakin, at lumuluha siya. “Let me go now.”
Ayoko! Ayokong intindihin ang sinasabi niya, pero ayaw kong magkunyaring hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. “Alam mo na… alam mo na kung sino siya. And you promised me that once you knew, you’d let me go.”
“Wag mong gawin mas masakit ‘to Hadwin! Please…” Napapikit siya at parang naghahabol na siya ng hininga niya. “I love him, and you can’t replace him…” Biglang hinimatay siya ulit, pero bago siya mahulog, nasalo ko siya.
Yakap ko lang siya nang mahigpit, umiiyak. Sana… sana makalimutan niya ang mga pinagsasabi niya ngayon.
Ako na ang naghatid sa kanya pauwi. Pagdating ko sa bahay nila, nandoon na agad ang papa ni Cecily at maiyak-iyak sa itsura ng anak niya. “Tinawagan ako kanina ni Ash. Anong nangyari? Bakit nangyari nanaman ito?”
“Sorry Tito, hindi ko siya naipagtanggol kanina.”
“Kasama po niya si Gwynne. Pati po kasi yung kapatid ko sinaktan nung Aicelle. Pero galos lang po yung kay Gwynne.”
Parang hindi ako narinig ng papa niya. Binuhat niya agad si Silly papuntang kwarto niya. Sumunod ako sa kanya, at pagkahiga niya kay Ces sa kama niya, umungol pa ito. Masakit daw, sobrang sakit daw.
“Sheesshhh, pumpkin. Magpahinga ka na ha. Nandito na si Papa.” Naiiyak ako sa nakikita ko, at sobrang naaawa ako kay Tito Al dahil alam kong iba ang sakit sa mga magulang kapag nasasaktan ang mga anak nila.
“Tito, let me stay here. Gusto ko siyang bantayan.” Tinignan lang ako ng papa ni Cecily, pero ano pa man ang sabihin niya, hindi ko lang talaga maiiwan si Ces. Hindi ko kaya.
(Asher Carillo POV)
Hindi pa rin kami umuuwi ni Gwynne. Tahimik lang siya habang ginagamot ko ang sugat niya sa mukha. Alam ko kung anong iniisip niya ngayon, at alam kong alam niya rin ang iniisip ko.
“So paano na? Mahal ka ni…”
“She loves you. And you didn’t even know that?” Malungkot ang mukha niya.
“And why do you seem so scared?” Tapos natahimik siya. “Don’t tell me you believe what Aicelle said.”
“But she’s right, you chose Cecily over her!”
“Inaaway niya noon si Silly!”
“I loved her! But of course mahal ko rin si Cecily! And Cecily is my sister!”
Hindi ko alam kung bakit kami nagtatalo ngayon? Ni hindi ko alam kung bakit ganito ang usapan namin. “Anong ibig mong sabihin ngayon?” Tumayo ako.
“Aicelle was right, lagi mo siyang inuuna. And it scares me Ash. Dati hindi ko pinapansin, pero ngayong alam ko na ang totoong feelings niya for you, natatakot ako!”
“Are you jealous with Silly, ‘Ney?”
Nagagalit na ako! Nagagalit ako dahil ganito ang usapan naming. “You’re talking non-sense Gwynne!”
“Sabihin mo saakin kung ano nang mangyayari ngayong alam mong mahal ka ni Cecily. Ikaw na ang may sabi, ayaw mo siyang nasasaktan. Pero nasasaktan siya ngayon Ash! Nasasaktan siya noon pa, lalo na nung maging tayo.” Tapos naluha siya. “And knowing that, paano tayo? Would you break up with me for her?”
“Ano bang break-up ang sinasabi mo Gwynne! Ayokong makipag-break sayo!”
“Then pababayaan mo lang masaktan si Silly?” Nang itanong niya yun, napa-isip ako. “Ganito na lang Ash, bakit sa tuwing magkasama tayo, palaging si Cecily ang bukam-bibig mo?”
“Why the hell are you bringing this up Gwynne? Alam mo naman ang pinagsamahan namin ni Silly, diba! Importante siya saakin, at ngayon importante ka na rin saakin. Wag naman tayong mag-away dahil sa kanya.”
“Importante kami pareho, pero sino ang una sa puso mo Ash?” Napatayo na din si Gwynne. “Now I’ll be honest with you Ash. Alam mo ba kung bakit talaga ako natatakot? Dahil… dahil baka dumating yung araw na kailangan mo nang mamili, at hindi ako ang piliin mo.”
Hinawakan niya ang kamay ko at yumakap siya pagkatapos. “Natatakot ako Ash. Kaya please naman oh, sabihin mo naman saakin na kapag dumating ang araw nay un, you would still stay by my side.”
I stared at her, “So gusto mo bang lumayo sa kanya just to show you I would choose you?”
Ang gulo na ng isip ko. And the only thing na sure ako, si Silly man ang nakasama ko mula pa nang pagkabat ko, si Gwynne naman ang kasama ko ngayon.
Si Gwynne ang dream girl ko, ang girlfriend at mahal ko.
At para mamili sa pagitan nang dalawang taong mas mahalaga saakin, masakit sa part ko ang magdesisyon nang ganito.
“I love you Gwynne, okay? I love you.” Naiyak siya lalo, and she kissed me. Napapikit ako, nasabi ko na naman diba, pero bakit nasasaktan ako sa ginawa ko. Hindi ko maintindihan ang puso ko. Ang gulo.
End of Chapter 12 Part 2
Ang gulo ng mga nangyayari!!! Nakakaawa si Silly :( pero mas naguguluhan ako kay Ash!!!
ReplyDelete