Monday, November 14, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 8

CHAPTER 8
(ELEAZER PASCUAL POV)





Today is the day na makikilala ko yung si Byron! Maagang nagising si Sam, para ayusin daw yung buong bahay. Anak ng teteng! Bakit siya excited?




"Magluluto ako ng kare-kare for lunch!" Tapos dumirecho na siya sa kitchen.




"Bakit? Kasi favorite ni Byron?"




"Oo..." Hindi man lang nahiya! Hindi man lang tinanong kung gusto ko rin bang kainin yun!




Tapos maya-maya, may pumasok sa bahay. "Magandang araw po!" Ang ko-korni ng mga 'to! Hindi bagay magbait-baitan!




"Ayos ha! Bigla na lang pumapasok! Hindi ba pwedeng magdoorbell muna o kumatok man lang?"




"Idol naman! Dinadalaw lang kayo!"




"At tsaka! Pinapasok kami agad ni Rinoa eh." Tsk! Yun ang hirap kay Rinoa eh. Yung security ko! Kapag naka-save na yung mukha nila sa face-recognition system, papasukin na  niya agad! Tuloy, ang kakapal-muks ng mga 'to!




Biglang lumapit si Sam. "Waine? Argel? Ang aga-aga nandito nanaman kayo?"




"Ayaw mo ba saamin Sam? Huhuhuhu..." Tukmol na 'to!




"Gusto rin naman namin makilala si Byron, Sam." Tapos tinignan nila ako pareho. Ano kayang senyas yun.





"Wag na nga kayong mag-drama jan! Hindi bagay sa inyo." Hwahaha! Basag yung dalawa! "Sige na, magluluto na ako for lunch. Dito na rin nga kayo kumain!"




"Yun ang gusto namin!"




Tapos bumalik na ulit sa pagluluto si Sam, kaya naiwan kaming tatlo sa sala. "Ano nanaman ang trip niyo?"




"Idol, kailangan din naming makilala yung Byron na yun! Inunahan niya kami kay Sam!" Binatukan ko si Waine! Sinabi nang wag nang targetin si Sam eh. "Joke lang Idol!"





"Hindi Idol... gigisahin lang namin yung Byron na yun! Titignan namin kung anong binatbat ng tukmol na yun!" Sus... isa rin siyang tukmol eh.




"Bahala kayo." Naupo naman ako sa sofa. Pero naisip ko, magandang idea yun ha!




"Hindi niya pwedeng agawin sa'yo si Sam noh!"




"Oo... tama ka jan... ha? Ulul!!!" Ano ba 'tong sinasabi ko! "Pakelam ko kung may boyfriend na si Sam! Magsama sila noh!"




Naghintay kami ng ilang oras. Hindi mapakali yung dalawa, yan tuloy parang nahahawa ako! Ano bang problema kasi? Nakakatuliling na eh!




Nang matapos nang magluto si Sam, sakto namang maynag-doorbell. Napatayo kaming tatlo, at napatakbo na si Sam. "Si Byron na yun!"




"Agad?" Sabay-sabay naming sinabi. Dito nga kasi magla-lunch yung BF niya! Right timing ha!




"Teka lang guys! Pagbubuksan ko siya!" Excited na sinabi ni Sam at lumabas na siya papunta doon sa gate.




"This is it Idol! Tignan natin yung karibal ko... ay mo pala!" Siniko ko si Argel. Ang tigas ng mukha mo ha!




Parang kaming tanga na nakasilip lang sa bintana. Tapos may pumasok nang lalaki. Nagbatian sila ni Sam ng hug at kiss!




"Ay potek Idol! Yakap at halik oh!" Napakagat labi naman si Waine. "Ang sakit sa puso!"




Tinulak ko naman si Waine at nabagok siya sa pader! "Wag nga kayong magulo dyan!" Hindi ko alam kung bakit apektado sila masyado, nahahawa lang talaga ako. Langyang Samira yan! Naiirita talaga ako!






^(ಠ_ಠ)^



(SAMIRA ALMIREZ POV)




"Oh my gosh beb! Nandito din yung mga friends ni Eli! Sina Waine at Argel."




"Ha? Puro lalaki kasama mo?" Parang nagulat si Byron nung sinabi ko yun sa kanya. Nakakagulat naman talaga kasi. Nag-iisang babae ako at may mga kasamang nagga-gwapuhang lalaki! Sino bang hindi magseselos diba!




"Oo... wag ka nang magselos okay! Papakilala kita sa kanila." Magkahawak kami ng kamay ni Byron, at ang higpit ng hawak niya saakin.




Pagpasok namin, parang wala pa sa sarili sina Eli. Bakit kaya? "Guys! Heto nga pala si Byron!" Nakatingin lang silang tatlo saamin.




"Hi." - (*.*)




"Hi." - (',')




"Hi." - (-.-)




Hi lang? Kailangan pare-pareho sila ng sasabihin? "Ah... Byron, heto nga pala si Eli. Pamagkin ko. Nakikitira ako sa kanya. Tapos sila naman yung mga kaibigan niya, sina Waine at Argel." Buti na lang at respectful si Byron at nag-offer ng shake-hands.




"Hello, nice meeting you all." - (^_^)




Ang awkward lang naming lima. Ano kayang problema? Kaso hindi na nakapagbehave pa si Byron. "Nakaka-Bitter Ocampo ka bebs! Ang haba ng hairora boulevard ha!"




"Kalma lang Byron!" Nakakahiya talaga 'tong baklang 'to.




"Talagang bang friends kayo nitong si bebe? Mga papabolz!!! Ang ang ya-yummy niyo!" At kinikilig pa. "Nakakaselos much!!! Betsung ko ang mga shotokobells dito!" Nakakahiya talaga! Kaso pagtingin ko sa mga itsura nina Eli.




"A... Ano daw?" - (O.o)




"Pa... Papabolz?" - (o.O)




"Kami... y... yummy?" - (o.o)




"Uy teka wag kayong ma-threathen sa baklang 'to! Harmless talaga yan! Hindi kayo ri-rapin niyan! Na-train  ko yan!"




"Bebe... nakakapagpigil pa aketch!" Tapos naglalaway pa siya kunyari.




"Diba... sabi mo... BF mo siya?"




"BF nga! Bestfriend! Parang boyfriend din kaso complicated nga dahil bakla. Bading friend! Hindi niyo ba na-gets?"




"Hoy! Excuzem muah! Bruhilda ka teh! Girl aketch!"




"Oo na! Parang kapatid ko na rin yan! Kambal nga kami niyan eh."




Tapos nagtawanan yung tatlo. Parang nakahinga sila ng malalim? "Yun naman pala yun Idol!" Tapos inakbayan nila si Eli. Bakit ang sasaya nila?




Sabay-sabay kaming nag-lunch, at natuwa naman ako kina Eli dahil hindi naman pala si allergic sa mga bakla. Yung iba kasing lalaking kilala ko, akala mo, hayop kung ituring ang mga tulad ni Byron. Iritable talaga ako sa mga yun.




Parang close na nga sila eh, pero madalas lang talaga nila asarin si Byron. Ang landi naman kasi eh! Nagseselos siya dahil puro gwapong lalaki ang nakapaligid saakin! Infairness, ang swerte ko nga!




"Kami na maghuhugas para matapos na  kayo ni Byron sa project niyo."




"Idol? Hindi nga?" Napasimangot sina Waine at Argel. Napanganga naman ako! Ganun ba kasarap ang niluto kong kare-kare at naghimala yata si Eli?




"Ang bait mo naman? Hindi nga?"




Tapos as usual, tinignan nanaman niya ako ng masama. "Ayaw mo?"




"Hindi! Sige maghugas na kayo!" Tapos tumayo na ako. "Ang gwapo talaga ni Eli eh... ang bait pa!"




"Awww! Eli, I love you much na talaga!" Yayapusin pa niya sana si Eli kaso pumalag na ang mokong!




"Babangas kita kapag minanyak mo ko! Friends na nga tayo, mang-aabuso ka pa!"




Nagtawanan lang kami. Ang sungit pa rin talaga niya, kahit parang maganda ang mood niya.





ͼ(⊙_)ͽ

(ELEAZER PASCUAL POV)



"Idol, diba sabi mo tayong tatlo ang maghuhugas?"




"Oo nga. Bakit nakatayo ka lang?"




"Angal kayo?"




"Sabi nga namin kami na lang maghuhugas eh" Porket ba good mood mapaghuhugas na nila ako? Well, masaya lang talaga ako! Hindi sa ibang BF pala yung Byron ni Sam. Wag kayong mag-isip ng kung anu-ano! Basta masaya lang ako, bawal ba?








(SAMIRA ALMIREZ POV)



After nilang maghugas, tumulong din sila saamin sa project. Grabe ang bait talaga ng mga 'to? Crush kaya nila si Byron kaya parang ang babait nila? Hindi naman siguro. After two hours, natapos din namin yung ginagawa namin. Talented din pala 'tong mga poging 'to.




"Teka. Igagawa ko kayo ng merienda ha!" At nagpunta na ako sa kusina para gumawa ng sandwich at juice. Maya-maya parang nakaramdam ako na parang may tao sa likod ko. Nagulat ako paglingon ko. "Anak ng tinapa! Akala ko paranormal activity na!"




"Paranormal o paranoid?" Si Eli lang pala. Bakit kaya? Lumapit lang siya saakin at nakatingin sa ginagawa ko. Nakaka-concious naman 'to! Mas naging ewan yung feeling ko nung ngumiti siya saakin. "BF pala ha!"




"Ha? Si Byron?" Ang fishy talaga! Bakit si Byron na naman. "Eli, don't tell me... ikaw kay Byron?"




"Ulul!" Kailangan magmura? Pero nakatingin lang siya saakin. Sabi ko nga, ang corny talaga ng iniisip ko. "Ikaw ba Sam... never pang nagkakaBF? As in boyfriend?"




Kumakabog ang puso ko! Gawd! Yung titig niya! Kakaiba! "Wala pa..." Napalunok lang ako.




"Never? NBSB?" Tapos parang kinagat pa niya yung labi niya! Sini-seduce ba niya ako?




"Never. NBSB." Ngumiti siya tapos sumimangot ulit. Ang mood swing talaga nitong si Eli! Ngingiti tapos sisimangot!




Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya at naamoy ko na siya. Ang bango! "Okay... damihan mo ng cheese yung sandwich ko ha!" At bumalik na siya sa living room.




Ano ba 'to! Aminado naman akong ganun ka-gwapo si Eli! At pinaaalam ko naman kapag kinikilig ako sa kanya! Kaso iba 'tong pakiramdam ko ngayon eh! Iba talaga! Ang sikip ng dibdib ko na parang sasabog na! What the fu... fuss? Ano ba heart?






(ELEAZER PASCUAL POV)


Natapos na nga yung project nila kaya nandito lang kami nakatambay sa sala. Pinaglalaruan na nina Waine at Argel si Byron! Potek pala 'tong kaibigan ni Sam eh.




"Nakakalurqui kayo! Pa-lafesh naman ng fezlaks niyo!" Bading lang ba talaga siya? Bakit parang alien siya kung magsalita?




Ano pa man yun! Parang alam ko na ang ibig niyang sabihin. "Gusto mong mabura ang mukha mo?" Tapos nagtatawanan lang ulit kami. Seryoso ako nun.




"Ay beb! Bigyan mo na lang sila ng nicknames! Magaling ka dun eh!" Nickname?




"Game! Nakakatawa yun!" Excited naman ang mga kumag!




"Anik? Givenchy ko muna yung kay Argel... Papa Arji!" Slang pa niyang sinabi.




"Papa Arji!!!" Ahahahahahahahaha! Hagalpak kami kakatawa lalo na dun sa mukha ni Byron! Baliw pala 'to eh. "Si Waine naman!!!"




"Ang jirap! Ang byola ni Waine eh... ah!!! Wainey dear!"




"Wainey dear!!!!" Amputek! Ahahahahahahahaha! Ang baho! "Si Eli! Si Eli naman!" Pagkasabi nung pangalan ko, kinabahan tuloy ako.




"Si Eli... Cash and carry ko 'to dahil betchiwariwariwaps ko siya... hmmm... PAK!!!! Dahil kukuru-itaynes na me kay Eli... Eli-byu!"




"Ha?" Hindi ko gets?




"Eli-byu!" Inulit pa niya, tapos nag-heart sign na siya gamit ang kamay niya. "E-LAY-BYU!"




"What the PAK!" At sabay-sabay silang nagtawanan! Yun pala yun! Eli... tapos byu? Parang.... ihhhhhhh!!! Kadiri!!!! Inulit pa nila Waine at Argel habang tumatawa at gumugulong na sila.




Tapos nung si Sam na yung nagsabi... "Eli-byu!" At nagwink siya saakin. Syet! Parang nung ginawa niya yun, naka-slowmo pa.




"Eli-byu too." Bigla ko na lang nasabi.




"Haaaaahhhhhh?" Natigil silang apat. At ako din... ano nga bang sinabi ko? Nakanampucha!




"Eli-byu your face!" Pinagpawisan ako dun ha. Kahit ako, hindi ko na alam yung nasabi ko. Buti na lang nagtawanan na lang sila ulit. Huuuuh!!! Ano nga ba yung sinabi ko? Pa-flashback naman oh!




 (◐.̃◐) 

End of Chapter 8






A/N: Heto po ang translation ng mga sinabi ni Byron:
  • Betsung ko ang mga shotokobells dito! -  Gusto ko ang mga lalaki dito
  • Nakaka-Bitter Ocampo ka bebs! Ang haba ng hairora boulevard ha! - Nakakabitter ka bebs! Ang haba ng hair mo!
  • Nakakapagpigil pa aketch! - Nakakapagpigil pa ako
  • Excuzem muah - Excuse me
  • Nakakalurqui kayo! Pa-lafesh naman ng fezlaks niyo! - Nakakabaliw kayo! Pakiss naman!
  • Anik? Givenchy ko muna yung kay Argel... - Ano? Yung kay Argel muna...
  • Ang jirap! Ang byola ni Waine eh... - Ang hirap! Ang gwapo ni Waine eh...
  • Cash and carry ko 'to dahil betchiwariwariwaps ko siya... - Carry ko 'to dahil gustung-gusto ko siya...
  • PAK!!! - Wow!!!
  • Dahil kukuru-itaynes na me kay Eli... - Dahil in love na ako kay Eli...
  • Eli-byu! - I love you!









3 comments:

  1. yun nman pala eh.. bestfriend. :D

    ReplyDelete
  2. "Elibyu too"! waaaaaah nkakakilig! Kinikilig aq! Hahahaha ELi-eli! ^_^

    ReplyDelete
  3. "ELI-BYU TOO!" WAAAAAAAAAAAAAAHHH >< Naknamputchaaa! Ayie. si Eli nahumaling na talaga

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^