Friday, January 13, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 29

CHAPTER 29
(ELEAZER PASCUAL POV)






Ilang days na lang, start na ng second semester ni Samira. At sa totoo lang, gumugulo pa rin sa isip ko yung nakilala niya nung nag-enroll siya. Kampante naman ako na mas gwapo ako dun, kaso mahirap na! Magiging classmate pa naman niya yun!




"Hoy junanax, kain na tayo!"




Bukod sa pagtitig, pang-aasar, at pagpapakilig kay Sam, ang isa sa mga favorite time of my day ay ang kainin siya... este ang mga pagkaing niluluto pala niya! Enjoy na enjoy ko ang pagsisilbi niya saaken, at kulang na lang talaga kasal eh!




"Mag-date ulit tayo pagtapos kumain!" Good mood kasi ako. Kahit kasi kinilabutan ako sa kalandian ni Sam kahapon, kinilig pa din ang gwapong tulad ko! Haha!





"Diba tambak pa assignments mo?"




"Tapos na!" Weh pampam naman oh! Ayaw pang um-oo!






"Wag ka nga! Nakita ko notebook mo kanina." Pakelamera naman ng notebook!




"Tapos ko na nga!" Buti na lang kahit magsinungaling ako, hindi ako nabubulunan habang kumakain! Nyahaha!




"Mamatay ka man?"




"Oo!" Bakit pag namatay ako, siya naman ang iiyak eh.




"Mamatay man ako?"




At saka lang ako nabulunan! Anakng! "Joke lang... sige mamaya ko na gagawin yung assignments ko." Pahiya ako nun ha! Syempre pag siya ang namatay, ako iiyak! Hindi pa naman ako umiiyak! Ayoko!




"Tsk! Saka na yang date na yan kapag natapos mo na yun." Siya na nga 'tong inaaya ng date, siya pa 'tong umaayaw! Ang gulo din talaga ng mga babae!




"300 years ko pa matatapos yun eh." Buset! Ganun kasi kadami yung assignments ko! Langyang Sir Kulot yan! Pasalamat siya graduating na ako, kailangan ko nang magpakabait!






"Oh di after 300 years, saka tayo mag-date ha!" Tapos tahimik na ulit siyang kumain. Parang balisa siya simula pa kahapon.




Malaki naman tiwala ko kay Sam. "Hoy bugal. Kung iniisip mo pa rin yung kahapon, wala na yun. Don't worry, I trust you." Alam ko! Aminado naman akong ako na ang best boyfriend sa mundo eh! Sweet ko noh!




Saka siya nag-smile. Sabi ko na nga ba, yun yung gumugulo sa isip niya eh. "Buti naman. Yay!"




"Hay naku Sammy, feeling mo naman nagseselos ako." Konti... konti lang! "Kung may pag-aawayan man tayo, I don't think because of third party yun. Alam ko naman saakin ka lang patay na patay diba."




"Sige sabi mo eh."




Seryoso naman ako ha! "Alam mo iniisip ko nga, kung may magiging dahilan ng paghihiwalay natin, malamang domestic violence yun. Biruin mo sa gwapo at cute kong 'to, imposible talagang hindi mo ako panggigilan eh. Lalo na kapag asawa mo na ako diba."




At tinawanan niya ako ng malakas. Yown oh, sarap pakinggan ng tawa niya! "Mukha mo Eli! Feeler much! Ahahahaha!!!"




Anyway, sinabi ko yun dahil may hidden agenda pa ako. "Oh dahil pinatawad kita ng ganun na lang at pinatawa pa kita ngayon, tulungan mo ako sa assignments ko ha."




"Sabi ko na!!! Sabi ko na nga ba!!!"




"Oh wag kang magwala jan, nasa harap tayo ng lamesa." At konting kiliti pa Eli. "Sarap pa naman ng luto mo... kaya tulungan mo ako sa assignments."




"Galing Eli! Galing galing mo!" Ang sarcastic!




"I know! That's why I'm the Idol!" Ahahaha!!! No match naman siya! Wala siyang magagawa kundi ang tulungan ako. At pagkatapos kong kumain, "Oh dalian mong magligpit at maghugas ng plato. Tambak pa ang assignments na gagawin NATEN."




"Grrrr! Ikaw..."




Maghuhuremintado pa sana siya pero pinitik ko na agad yung noo niya, tapos kinurot ang pisngi niya... at syempre hindi mawawala ang kindat, ngiti at KISS... sa pisngi! Sa pisngi lang... MUNA!




"Bilisan mo beybe bugal! May prize ka ulit saakin mamaya." 




At nagpunta na ako sa living room nang nakangiti. Panigurado, nagdi-deliryo na naman sa kilig yun si Sam! Hwahaha!!! Pakshet, sa sobrang gwapo ko, ang cute niya na talaga! Anong konek? Basta yun na yun!





(◢ )





"Naku Eli, hindi ko ma-gets ito eh."




"Ito oh, mag-refer ka sa textbook na ito."




"Uwaaahhh... ang gulo talaga!"




"Ang bopols nito. Ang bilis mo namang nakalimutan yung mga pinag-aralan mo nung 4th year ka pa!" At wala akong nagawa kundi sagutan na lang din yung assignments ko sa Trigonometry. "Wawenta ka Sam!"




At nagpout siya sa harapan ko. Wag mo siyang titigan Eli, baka mahalikan mo siya bigla! "Ito na lang sa Physics ang sasagutan ko ha."




"Sige. Pagkatapos niyan, yung essay ko naman sa English yung gawin mo ha."




At utu-uto naman ang mahal ko at sumunod! Paano sabi ko kasi kanina, may prize siya! Alam niyo naman, walang dadaig sa pagka-timawa nitong si Sam. Pero mahina din eh, nag-aaya akong mag-date, tinanggihan lang kanina! Bitter pa rin eh, hindi ko matanggap na ni-reject niya yun!




"Tao po! Tao po!"




Tao po? Mga tado yun ha, sina Waine at Argel ulit! Mang-eepal ulit oh! Gusto yatang mabugbog!




"Wow infairness sainyong dalawa ha. Marunong nang mag 'tao po'. Ahaha!!!"




"Hello Idols!!!" At kumakaway-kaway pa... masama ang kutob ko sa dalawang ungas na 'to!




At hindi nga ako nagkamali dahil may kasama silang babae... at parang nakita ko na ang babaeng ito. "Eleazer!!! Hello!!!" Tapos dinamba niya ako. Nanlaki lang ang mata ko kasi nagulat din si Sam!




"Hoy babyloves, wag ka ngang masyadong kumapit jan kay Eli." Babyloves ni Argel? Bakit saakin siya nakayakap? Naknang!!!




"Sino ka ba ha?" At tinulak ko yung babae at lumapit ako ng konti kay Sam. Yung expression kasi ni Sam, nakakaguilty!




"Nakalimutan mo na ako? I'm Sheena Yap!" At nag-wink siya. "From last year's Christmas ball sa school niyo! Ako yung partner ni Argel."




Nag-isip ako... pero hindi ko talaga siya maalala! "I don't remember you."




"Ang sungit mo pa rin hanggang ngayon!" At napatingin yung Sheena kay Sam. "So you must be Samira Almirez! Auntie ni Eli! Hello!" At niyakap niya rin ng mahigpit si Sam.




Saka lang na-enlightened ang utak ko! ANAK NG SHEENA YAP!!! Siya yung TOMBOY na dinala ni Argel para mapanggap na date niya! "Hehe... hello." Nilalamutak niya ang girlfriend ko, pakshet!




"OH TAMA NA YAN!" Pinaghiwalay ko sila, at hindi ma-gets ni Sam kung ano ang nangyayari ngayon. "Takte kang Sheena Yap ka, tomboy ka pa din!"




"To... tomboy?"




"I may act boyish, but I'm never tomboy!"




"Sapak gusto mo?" Ang inaalala ko lang ay si Sam ko. "Wag kang lumapit jan Sam, mamanyakin ka lang ng babaeng yan!" At tinago ko si bugal sa likod ko. Kahit pa babae 'tong si Sheena, babangasan ko siya! "Bakit niyo ba dinala yan ha?"




"Weh Idol, nakalimutan mong birthday ko?" Birthday ni Waine... Watdapacker!!! At kaya pala ang dami nilang dalang bote ng beer at pagkain ngayon!!!




"Birthday mo?" Tapos lumayo saakin si Sam para yakapin si Waine. "Sorry hindi ko alam, pero Happy Birthday Wainey dear!!!" Wainey dear daw oh!!! Putchanggala lang, enjoy na enjoy naman ni Waine ang yapos ni Sam!




"Oh 'di Happy Birthday pre! Pero bakit niyo nga dinala pa yang tomboy na yan?"




"Sembreak ko din!" Tapos lumapit din si Sheena kina Waine at Sam.




"Teka, teka, teka Sam..." At hinila ko na agad si Sam palayo sa kanila. "Dalhin mo na yung mga gamit ko sa taas. Saka na natin tapusin yung assignments ko." Papalag pa sana si Sam nung inutusan ko, pero tinitigan ko na siya agad ng masama.




"Tulungan na kita Sam."




"Wag ka ngang epal jan! Bawal kang umakyat sa taas. Hindi tayo close!"




"Pa-kopya din ako Idol pagkatapos ha!"




"Al-al mo!"




"Ako Idol? Birthday gift! Pakopya ha!"




"Anak ng! Sige na nga, pag natapos na ako." At binigay ko na lahat ng libro ko kay Sam at tinulak na siya papunta sa taas.




"Teka... invite na din natin si Byron. Okay lang ba? Mas masaya kung mas marami!"




Ano pa nga bang magagawa ko? Birthday naman ni kumpareng Waine eh. "Sige na... akyat na!"




"Tamang-tama, pasamahin din natin si Raffy! Sembreak din nun ngayon."




"What? Sino namang Raffy yun?" Bakit padagdag ng padagdag ang pangalang naririnig ko ngayon.




"Ahahaha!!! Hindi lang namin sinasabi ni badessa, pero si Raffy... ang kakambal niya."




"MAY KAKAMBAL SI BYRON?"




What the pyok sa mga sudden twist ha! "Yep! Ahahaha... mamaya makikilala niyo siya!" At tumakbo siya pataas.




Yung Raffy... bakla din ba yun? So may iba pang ka-close na lalaki si Sam bukod kay Byron?





( ಠ_ಠ )?







"Ang daming beer! Maglalasing kayo?"




"Konti lang yan, Sam."




"Hoy kayong babae at kasama ka dun tomboy, bawal kayong uminom ha! Mga lalaki kaming kasama niyo." Alam niyo, mahirap na! Mga teenagers kami!




"Game na! Buksan na yan!"




Ganito ang pwesto namin... sina Waine, Argel at Sheena nasa sofa. Nasa kabilang upuan si Sam, at pinagigitnaan ko sila... nang naka-pwesto sa sahig.




"Eli... Sigurado kang gusto mo jan umupo?"




"Oo naman... sarap nga ng pwesto ko dito eh." Tangna, ayokong-ayoko pa naman talaga maupo sa sahig! Pero mabuti nang humarang dito.




Maraming kumplikasyon sa buhay pag-ibig ko! Ang mga manyakis kong kaibigan, ang tomboy na si Sheena... at ang nagbabadyang kambal ni Byron. Ay wag nating kalimutan, si Byron pag nalalasing nagiging lalaki din pala!!! Argh!!! My Sammy, magkakamatayan talaga!




"Sam yung Raffy ba, bakla din katulad ni Byron?"




"Hindi. Straight yun noh!" Pagkasagot niya, nagtinginan lang kaming tatlo nina Waine at Argel. Takte, bakit ba hindi ito nakwento saakin ni Sam noon?




"Close mo din yun?"




"Oo naman! Sayang nga lang hindi siya sa Edinham nag-aral!" Tuwang-tuwa  pang nagku-kwento! Slow talaga ng babaeng ito pagdating sa mga taong nasa paligid niya! Pagnasolo ulit kita, humanda ka saakin!






*diiiiinnnngggg... dooooooonnnnngggggg...*






"Ayan na sila!!! Puntahan ko na ha." At nagmadali nang tumakbo si Sam palabas. Syempre, kumaripas naman kaming tatlo nina Waine at Argel sa pagsilip kina Byron at dun sa Raffy.




"Naiisip niyo bang naiisip ko? Ang Sam ng buhay ko, may iba pang ka-close na lalaki!"




"Potek! Kinakabahan rin ako dun sa Raffy na yun. Paano na lang ang pag-ibig ko kay Sam!"




"Pag-umpugin ko kaya ulo niyo."




Kapalmuks ng mga 'to, feeling boyfriend!!! Ako namang secret boyfriend, hindi rin makapag-react! Perwisyong secret kasi 'to eh!




"Big deal naman masyado yung Byron at Raffy na yun." At lumapit din saamin si Sheena para makisilip. "Hoy tara inom na tayo!"




"Gusto mong kutusan kita? Bawal ngang uminom ang mga babae!" Isa pa 'tong pampam na 'to!




"Wag ka munang magulo Sheena, mas mahalaga 'to sa birthday ko!"




Tama! Medyo tama din yun! So para kaming tangang nakasilip sa bintana at nung pumasok na sina Sam, Byron at yung Raffy...




Kaming lahat -  ( _ )




Pagpasok nila, nagkadarapa naman kaming bumalik sa mga pwesto namin.




"Guys!!! Heto na sila!!!"


"Wainey Dear, Apie Berdey!!!"


"Introductions first! Raffy, sila nga pala sina Eli, Waine at Argel." Nakangiti lang saamin si Raffy.




"And guys this is Raffy. Byron's twin sister." TWIN SISTER... twin sister... twin sister... hindi na kami nakapag-react.




"Hello."




"Hi Raffy..."




"Hi Raf...fy." At ang mga hunghang, natepok na yata! Anak ng, nasabi ko na bang gwapo si Byron? At itong si Raffy ay version nga ni Byron, girl version! Ibig sabihin maganda si Raffy! Pero mas maganda pa rin si Sam ha.




"Sino naman siya?" Aba naman at nagkatinginan din kaming lahat kay Byron! Mantakin mong nag-straight tagalog! Ito naman kasing si Sheena-tomboy, maganda rin! Pero ang sabi ko nga, mas maganda pa rin si Sam. Wag na nating kwestyunin yun!




"Um... I'm Sheena." At watdapacker ang mga pangyayari! Ang tibong si Sheena, bakit natulala rin kay Byron! At nag-shake hands silang dalawa.




"Badessa, friend siya nila Argel. Sheena Yap is her name."




"Ah... nice meeting you."




Hindi ko na alam kung saan itutuon yung attention ko ha! May bago na namang crush itong sina Waine at Argel sa katauhan ni Raffy. Nakakaawang Raffy! At ito pang isang shocker jan, isang bading at tomboy may instant connection???




"Uy Eli... anong iniisip mo jan ha?"




"Ha?" Ewan ko lang ha. Ako lang ba ang naguguluhan sa mga pangyayari ngayon? Ang daming twist and turns kasi! "Simulan na nga natin ang party!" Ampness! Hindi pa nga ako nakakainom, nababangag na ako!







o( ¬ _¬ )o

End of Chapter 29










3 comments:

  1. hey please . .. continue mo na please please please??? ganda ganda ehh please please? da best ka na na author na na kilala ko . . promise. . .

    ReplyDelete
    Replies
    1. uwaahhh, ngayon lang kita nakita! kilig much! salamat sa comment na yan... konting tiis na lang at maipo-post ko na yung next chapter! hope to see you more! ;)

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^