Wednesday, October 26, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 1

CHAPTER 1
(SAMIRA ALMIREZ POV)




"Auntie! Gising na! Yung breakfast ko!"




"Shut up..." Tinago ko yung mukha ko sa unan ko. Akala ko tahimik na ang lahat nang biglang nakaramdam ako ng earthquake sa kama ko. "What the..."




"Gising na! Papasok na ako maya-maya. Magluto ka na, Auntie Sam."




"Ayos ha!!!" Tumayo ako at napasigaw na. Gising na gising na talaga ako. But I woke up NOT because of his soft, deep voice, not even because he kept on shaking me, and most especially NOT because a hot guy playing 'damulag' is waking me up.




"Tinatawag mo lang akong Auntie kapag may kailangan ka!"




"Eh kung tumayo ka na lang kasi jan at magluto na." Kinaladkad niya ako paalis sa kama at itinulak ako palabas ng kwarto ko papuntang kitchen. "Nakikitira ka lang dito ha! Kaya magluto ka na jan! Bilisan mo Sam, I'm hungry!" he said, habang hinihimas ang kumukulo na nga niyang tiyan. 





At kumukulo na din ang dugo ko. "Nice! Sam na lang ulit? Wala nang Auntie? Talaga naman oh!" Pero nagluto na lang ako, wala nang choice eh.



So multiple choice, sino naman ba ako sa lalaking ito?
a. Bedspacer
b. Auntie (during his needy times)
c. Katulong (almost all the time)




The answer? None of the above! Ay mali pala, ALL OF THE ABOVE! Takteng buhay 'to oh! 





So if you ever gonna ask why my life end up like this, it all happened one week ago. 




(๏̯̃๏)






One week matapos mag-start ang klase sa Edinham School of Art, nakahanap din ako ng matinong apartment. I'm nineteen at ngayon lang ako na-separate kay Kuya Rico. He's my brother, now 39 years-old and my only family after our parents died in a tragic fire accident. Twenty years ang agwat namin, grabe noh! Ewan ko ba sa mga magulang ko.





Anyway, Rico is my brother/father/mother after namin maging orphan. Hindi ko na kasi maalala yung mama at papa ko, masyado pa kasi akong bata nung nawala sila. 





Tapos, medyo nalungkot ako that Kuya Rico end up marrying Pia, last year. Kasal na sa iba si Pia, naghiwalay lang sila ng first husband niya. May anak silang lalaki at balita ko, bata pa siya nang ipagbuntis niya ang batang iyon. I'm not really sure.





Noong una against ako sa relationship nila. Pero hindi rin nagtagal, Pia proved her worth kaya pumayag na ako na ikasal sila. Nakitira ako sa kanila after nilang ikasal, pero dahil sa nakakakilabot nilang sweetness, nagpasya na akong maghanap ng sarili kong apartment. Para na rin makapagsarili na ang dalawa at makabuo na ng pamilya nila.





Saktong first year college na rin naman ako, I decided na lumipat dito sa apartment na 'to. One hour ang layo sa university ko pero pwede na din.





"Ate anong meron?" May mga pulis kasing rumuronda ngayon sa subdivision namin.





"Hindi ko rin alam eh?" Ang sungit ni ate, tinalikuran ako bigla.





At dahil ayokong machismis na chismosa, umakyat na ako sa second floor. Pumunta ako sa apartment ko at binuksan ito. "Home sweet home!"





Medyo madilim, but I'm not afraid of the the dark. Sinarado ko na ang pinto ng apartment ko at saka ko lang binuksan yung ilaw. Paglingon ko. "What the fu..." Nanlalaki ang mga mata. "What the... fuss?" Hindi ako nagmumura kahit kamura-mura na ang loob ng apartment ko. Nagkalat lahat ng gamit ko, at parang pinasok ito nang magnanakaw.





At tama nga ang hinala ko, may bumabang lalaki mula sa kwarto ko. Hindi ako agad nakasigaw, at pinilit kong buksan ang pintuan para makalabas pero nanginginig na ako sa takot.





"Ops!" Tinulak ako nung lalaki.





"May mga pulis sa labas!"





Parang mali yata yung panakot ko sakanya kasi bigla siyang naglabas ng kutsilyo. Kitchen knife ko yun ha! Yun yung ipansasaksak niya saakin?





"Ahhhhhhhhhhhh!!!" Nagsisigaw ako habang hinahabol niya ako ng saksak. Gusto ko pang mabuhay, "Sh*t ka!" Napamura na ako sa takot. Lahat nang madaanan at hawakan ko, pinagbabato ko sa kanya. At paikot-ikot kami sa bahay. "Tulong!!! Pulis!!!"





I need to escape! Pero sarado ang buong apartment ko. "Sh*t! Tulong! Ayoko pang mamatay!"





Kakasigaw ko, natumba ako. At hinila ng demonyo ang buhok ko. "G@g* ka! Pinahirapan mo pa ako!" Nasaksak niya ako sa likod at ang sakit pero nagawa ko pang lumaban. He's going to kill me because of his knife slashing attacks on me.





Naiyak ako kaya pumikit na lang ako. "Lord, gusto ko pang makagraduate ng college. Hindi pa ako nagkakaboyfriend, gusto ko pang mabuhay. Pero kung talagang hanggang dito na lang, at kukunin mo na talaga ako, sige na tatanggapin ko na lang po." Ang dasal ko.





Then I someone forced my door to open, and the last thing I heard was a gun shot.






(╥﹏╥)




Ginamot na ng doctor yung mga sugat ko. May saksak ako sa likod pero luckily, hindi siya malalim, at malayo sa bituka *sigh*. May mga galos at pasa din ako, but the good thing is gagaling naman agad ito, and I shouldn't worry with the scars because at least I'm still alive *sigh, much deeper than before*.




"Opo, siya nga po yun." Nasa police station na ako. Sasampahan daw yung lalaki ng attempted robbery and aggravated assault. Muntik nang maging homicide, buti na lang at hindi niya ako napatay.





"Grrrr... babalikan kitang babae ka!!!" Nagsisisigaw pa yung lalaki, natakot tuloy ako sa banta niya.



"Hoy! Akala mo makakaalis ka pa! Mababulok ka na dito!" Sigaw sa kanya ng pulis at tuluyan siyang ipinasok sa selda. Sabi naman saakin nung isa pang pulis na tumulong saakin kanina, "Wag kang mag-alala, pagbabayaran ng hunghang na yun ang mga ginawa niya." Sobrang dami na din pala talaga ang kaso nun, ngayon lang nahuli.





"Sam!" Saka dumating sina kuya Rico at Pia. "Oh my God!" Nasabi niya nang makita niyang may mga bakas ng dugo ang damit ko at nakabalot ng benda ang ilang parte ng katawan ko. "Nasaan na yung hayop na yun? Mapapatay ko siya!"





"Hoy kuya nasa pulis station tayo, baka kasuhan ka nila." Nagawa ko pang mag-joke para lang pakalmahin si kuya.




"Sir, nasa kulungan na po yung suspect."




"Siguraduhin niyong mabubulok yun doon ha!"





"Opo, sigurado yun."




"Kuya... uwi na tayo..." Actually, sobrang nanghihina pa rin talaga ako.




Hindi na nila ako kinulit pa at umuwi na kami. Sa apartment ko daw muna sila tutuloy para bantayan ako.




(►.◄)




Three days na din akong nagpapahinga. Hanggang ngayon kasama ko pa rin sila kuya, at hindi pa sila umuuwi sa kanila. Three days na din akong hindi nakakapasok.





"I think I'm okay na." I think lang, I'm not really sure.




"After all that happened, I don't think mapapayagan pa kitang mag-isa. Saamin ka na lang tumuloy."




"Kuya, sobrang layo ng bahay niyo sa Edinham! Isipin mo naman ang fours hours na biyahe ko."




"Ang tanong Samira, kaya mo na ba talagang mag-isa?" Nag-aalalang tanong ni Ate Pia.




"I don't know... ang alam ko lang, hindi ako pwede sa inyo, masyadong malayo. At tsaka, you two need to start your own family na."




Natahimik kaming tatlo. Pero naputol ang pag-iisip namin nang tumayo si Ate Pia. "Samira, do you know where is Sierra Grisham Village?"




Tumango ako. Exclusive village yun na mas malapit sa university ko. Fifteen minutes lang ang layo, mas ideal! Pero mayayaman ang nakatira. "Opo... bakit po?"




"Ah! Oo nga! Doon nakatira si Eli diba?" Enlightened naman si kuya. Bakit? Sinong Eli?





"Yeah! My son, Eleazer, lives there alone." Son? Oo nga pala, mayaman kasi yung first husband ni Ate Pia so obviously, afford nun suportahan ang anak nila kahit tumira pa siya sa isang exclusive village. "He's really good at taekwondo so kaya ka nun protektahan! And besides, my son is really nice! I think you can move there!"





"Tama! Ang galing mo talaga honey!" Kuya Rico kissed her, blehh! "Si Eli, pamangkin mo yun, Sam!"





"Ang tanong, papayag ba yun?" I asked them.




"Oo naman! Anak ko yun! Basta ako magsabi, walang magagawa yun kundi pumayag!"




And so it's settled. Tumawag si Ate Pia sa anak niya and anytime daw, pwede na akong lumipat sa kanila. Pero may mga tanong ako sa sarili ko.




How old is he?
Ano kayang itsura niya?
And how come he can already live alone? Siguro may mga maid siya na nag-aalaga sa kanya, after all, he's rich. Can afford sila!




Anyway. I'm still quite unsure. Pero basta safe na ako, okay na yun.




<('.' )>

End of Chapter 1




>>>CHAPTER 2 HERE




My Nephew-in-Law | Main Characters Pictures | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2
Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9
Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15
Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21
Chapter 22 | Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27
Chapter 28 | Chapter 29 | Chapter 30 | Chapter 31 | Chapter 32 | Chapter 33


4 comments:

  1. uwahhhh! nakita ko na si Eleazer Pascual! Thanks Ate! I'm first to see him! >..<

    ReplyDelete
  2. wala pa ring update ate aegyo?

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^