Is it the End?
(Cecily Gonzaga POV)
Naririnig kita Asher. Kahit nakapikit ako, pinapakinggan ko lang ang sinasabi mo. Kahit tibok ng puso mo, naririnig ko. Kung gaano ito kalakas sumigaw ngayong sinagot ka na ni Gwynne.
Medyo nahimasmasan na ako kaya nakauwi na kami ng bahay. Binuhat niya ako, at sinalubong kami ni papa. Nakapikit na lang ako, dahil kapag idinilat ko yung mga mata ko, tumulo lang ang luha ko.
Tapos si papa na ang bumuhat sa’kin, papuntang sa kwarto ko. Naiwan naman si Asher sa living room dahil pinagagalitan siya ni mama. Si papa rin yata, pagagalitan siya.
Inihiga na ako ni papa sa kama ko, tinanggal ang sapatos ko at kinumutan ako. Pinatay niya ang ilaw at isinara ang kwarto ko. Saka siya bumaba at hindi ko na naririnig pa yung mga pinag-usapan nila sa baba.
“Sorry…” bulong ko sa sarili ko. At nagtakip ako ng kumot kasi hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko. At umiyak ako. Umiyak ako ng walang ingay. Umiyak ako nang nakatakip ang unan sa mga mata ko. Umiiyak lang ako buong gabi. Inilabas ko ang lahat ng luhang pwede kong ilabas, para bukas at sa mga susunod pang araw, wala nang luhang tutulo pa sa mga mata ko. Iniyak ko lang ang lahat-lahat! Lahat-lahat hanggang sa makatulog ako.
“Silly pumpkin, aalis na kami.” Sabi ni papa kinaumagahan. Sunday kasi ngayon at magsisimba sila pero dahil hindi ko pa kayang tumayo sa kama ko, hindi na lang ako sumama.
Kasama nila si Asher, at nang marinig kong pinaandar nila yung sasakyan paalis, saka na ako tumayo. Sumilip ako sa bintana, wala na nga sila. Saka ako tumingin sa salamin. “I look wasted.”
Pero bakit naluluha ulit ako. Iniyak ko na lahat kagabi ‘to ha? “You are such a waste Silly!” At humiga na lang ulit ako sa higaan ko. I looked at my cellphone ang got 13 text messages. Twelve from Hadwin, and one from Gwynne asking if I’m already okay.
“Ano bang iniiyak ko! Si Gwynne naman yung girlfriend niya ha.” Then I knew why exactly am I crying. “Naiiyak ka Silly, kasi si Gwynne yung girlfriend ni Ash, at hindi ikaw.”
Ang sakit-sakit. Ang sakit na talaga. Parang sasabog na ako. Kaya pinalo ko ang dibdib ko. Baka kasi kapag ginawa ko ‘to, tumigil na ang puso ko sa pagtibok sa maling lalaki.
“Mama…” Kapag ganito ako, ang tunay kong mama ang kinakausap ko. “Ma… bakit ba, hindi mo na lang ako isinama.” Because I seriously don’t want to be here anymore. Because in here, I’m with the one person really close to me, but he can never be mine.
Tapos nag-ring yung cellphone ko, it was Ash. Maybe checking if I’m already up.. I didn’t answer his call, because I’m not okay. And to hear his voice will just make me feel worse. So I turned-off my phone and locked myself up inside my room.
(Asher Carillo POV)
Kung itatanong niyo kung anong nangyari kagabi, pinagalitan nga ako. I was really irresponsible for not looking after Cecily at the party. So I deserve na mapagsabihan ni mama.
Pero when its time for Tito Al to say how disappointed he was, he didn’t say anything at all. He’s just relieved na walang nangyaring masama kay Silly at nakauwi kami ng maayos. Then inamin ko sa kanila.
“At may… may girlfriend na din ako.” Nagulat sila pareho. Hindi ko naman kasi sinasabi sa kanila na may gusto akong babae. “She’s Silly…” Kinabahan ako bigla kaya hindi ko agad natuloy. Pero nag-glow yung mga mukha nila pareho.
“She’s Silly’s friend, Gwynne.” Tapos natahimik lang sila.
“Yeah… you’ll meet her sooner… or later.” But I’m not really sure. “I just want you to know that I already have a girlfriend.” Kapag kasi ipinakilala ko sila sa isa’t isa, baka malaman nila yung kasinungalingan namin ni Silly, that we are pretending to be step-siblings.
“Ah… okay… so ang dami nang nangyayari ngayon. Percy, dapat pagpahingain mo na rin siguro si Ash.” Nagtinginan sila ni mama, they are happy for me, right?
“Sige na Ash, you should go home now.” Pinauwi na ako ni mama pero nagpa-iwan pa siya sa bahay nila Tito Albert. Maybe, aasikasuhin pa niya si Silly.
Pagdating ko sa bahay, pumunta na ako agad sa kwarto ko at tinext ko si Gwynne na nakauwi na kami. Magkatext kami ng sandali dahil nakatulog na din ako.
At yun! Nang magising ako, I realize na Sunday pala at magsisimba kami. Nag-ayos na ako at ready na rin si mama kaya nagpunta na kami sa bahay nila Silly.
“Hindi pa siya tumatayo eh.” Tito Al was talking about Silly. “Wag na muna nating isama, mukhang masama pa rin pakiramdam nung bata eh.”
Aakyat na sana ako sa kwarto ni Silly pero hinawakan ni Tito Al ang braso ko. “Pabayaan mo na muna siyang matulog Ash.”
“Let her be Ash.” Sabi naman ni mama. “Tara, alis na tayo.” Tumingala ako sa second floor, at nakatingin sa nakasarado paring pinto ng room ni Silly. Will she be fine here alone? I asked myself.
Pero umalis pa rin kami, nakatingin ako sa window ng kwarto ni Silly, but I can see no movements. Tulog pa nga siguro.
We are on the way to the church, pero hindi pa rin ako mapakali. Ano na kayang nangyayari kay Silly? I secretly tried to call her and it was ringing. Pero biglang namatay after the 4th ring. Did she turned-off her phone? So gising na siya! But why the hell would she turn-off her phone!
“Tito, sigurado ka bang natutulog pa si Silly?”
Nakatingin lang siya saakin sa salamin, he wasn’t smiling but I know he’s not angry. Why would he be? “Masama pa yung pakiramdam ni Silly.”
“Okay.” He’s probably right. Ako lang ‘tong problemado. So naghintay akong matapos yung sermon at makauwi na. Pagdating namin sa bahay, parang walang bakas na bumaba si Silly sa kwarto. Parang hindi din siya nag-breakfast. Ano kayang problema nun?
Aakyat na sana ako papunta sa room ni Silly, pero pinigilan nanaman ako ni Tito Al. “Siguro Ash, wag mo muna siyang puntahan.”
Tapos inakbayan ako ni tito Al. “There are things about Silly na hindi mo muna dapat pinoproblema. She’ll be okay, I know because she’s my daughter!” So hindi pa nga okay si Silly. Dahil ba sa pagsusuka niya kagabi? Nilalagnat ba siya? Ano bang sakit niya?
“Oo nga Ash. Isipin mo na lang yung girlfriend mo. Ako na titingin kay Silly.” Ang sabi naman ni mama. Bakit ako hindi pwede? And how will I think about Gwynne when I know Silly’s not okay! “Sige na Ash. Wag na munang mamilit ngayon.”
AYan,,, iTs uR fAuLt asHer,,,
ReplyDeletedtO na muNa uLit,,, cHapTer 8 na aQ,,,
ReplyDeleteSinasabi ko na nga ba!!! May something dito sa mag bestfriends eh!!! Hahahaha. Okay, okay, I get it now :p sana lang tama ako! So anyways, natutuwa ako sa Father ni Silly kasi parang nage-gets niya yung nararamdaman ng anak niya... hay~ pati na rin yung Mom ni Ash~ si Ash nalang talaga ang walang idea sa nangyayari... I GUESS~
ReplyDelete