Thursday, October 27, 2011

Sister Complex : Chapter 8 Part 1


Chapter 8

Thinking of Her
(Asher Carillo POV)




Smiley “It’s been six days, hindi pa rin ba siya okay?” tanong ng girlfriend ko. Naglalakad kami ngayon papunta sa room niya.




“She’s fine. Nagpapahinga na lang si Silly.” Actually, I don’t even know what I’m saying. Yes, it’s been six longs days. For five straight days of class, hindi rin siya pumasok. Ang nakakabad trip pa, hindi ko pa siya nakikita. Nagtatago ba siya? Bakit? Bulutong ba sakit niya! Nakakahawa ba? Bakit hindi ko siya pwedeng makita!  Smiley



“Ash, nakikinig ka ba?” I was holding Gwynne’s hand. May sinasabi siya pero hindi ko masyadong narinig. “Hindi ko rin kasi siya ma-reach. Naka-off palagi ang phone niya.”



“Ha? Don’t worry, I’ll tell her na i-text ka niya.” I’ll tell her kung makikita ko siya. Malungkot si Gwynne dahil ang alam ko, super close na siya kay Silly. Smiley So it’s really a wonder bakit ayaw magparamdam ni Silly. “Gwynne, wag kang masyadong affected. Next week, papasok na din yun.” Then I hugged her, parang kinikilig ako. Smiley “Sige na pasok ka na.”


Pagkahatid ko kay Gwynne sa classroom nila, nagpunta na din ako sa room ko. Nadatnan ko si Hadwin na wala sa mood. “Uy… wala pang teacher?” Obvious naman eh, may masabi lang.


Tapos nagbuntong-hininga lang si kumag. Aaminin ko na kahit madalas ay naiingayan ako sa lalaking ‘to, nakakapanibago  pa din kapag ganito siya. Smiley “Sabi nga pala ni Silly, wag kang masyadong mag-alala.”



Biglang nag-glow yung mukha niya na parang tanga. Nakakabwisit na ewan. “Sabi ni Ces yun!!!” Smiley



“Joke lang. Wala siyang sinabing ganun.” Smiley Tapos sinikmuraan niya ako. “Aray… eto naman kasi parang namatayan. Next week, papasok na yun.”



“Sabi mo nung Tuesday, ‘Wednesday papasok na yun’. Tapos nung Wednesday, ‘bukas papasok na yun’. Tapos kahapon, sabi mo papasok na si Ces ngayon. Oh ano, nasaan na?” Smiley 



Boklogs talaga nito. Syempre sinasabi ko yun pampalubag-loob. Anyway, bakit ko ba pinoproblema itong si kumag. Smiley “Bahala ka nga.”



“Ano ba kasing sakit niya? Palibhasa ikaw nakakakita sa kanya kaya parang wala lang sa’yo.”


Natahimik ako sa sinabi ni Hadwin. Naku kung alam niya lang!!! eh hindi ko nga rin alam yung sakit nung babaeng yun. At lalong hindi ko pa siya nakikita, kahit hibla ng buhok niya. Then napa-isip ako. Hindi naman dapat ganito eh. May paraan naman para malaman ko. Smiley



Hinintay kong mag-uwian. Nagpaalam na ako kay Gwynne at umalis na agad. Pag-uwi, doon ako agad tumuloy sa bahay nila Silly. Siguro naghahanda na ng dinner namin si Tito Al.


“Hi tito!!!” bati ko sa kanya. “Si Silly po? Okay na po ba siya?” Smiley



“Nagpapahinga siya. Huwag mo na munang siyang puntahan sa kwarto niya ha.”


“Okay…” Nginitian ko si Tito Al. May masama kasi akong pinaplano. Smiley Hwahaha! “Anong ulam Tito?”


“Nilagang baka.” Sinasabi niya habang nagbabalat siya ng patatas.



“Wow… Sige Tito, uwi muna ako sa bahay ha. Magpapalit muna ako ng damit.” At ang laki ng ngiti ko. Smiley Parang ang sagwa na nga yata pero buti na lang hindi niya nahalata.



Tapos lumabas na ako ng bahay nila. Tapos dumirecho ako sa bodega nila. Doon kasi nakalagay yung hagdanan nila. Wala nang atrasan ‘to. Smiley Dahan-dahan kong kinuha yung hagdanan at ipinuwesto doon sa terrace ng kwarto ni Silly.

Lumingon-lingon ako baka kasi may makakita sa’kin. Isipin nila akyat-bahay ako. Tapos sinilip ko rin si Tito Al mula sa bintana, mukhang walang alam. Mabuti naman!!! 




At saka ako dahan-dahang umakyat, ang kaso, bwiset na hagdan 'to, umuuga! Nanginig tuloy ang mga tuhod at kalamnan ko. Paanong hindi ako kakabahan, mataas kaya itong second floor ng bahay nila! "Please naman hagdan, makisama ka!" Smiley



Nakahinga ako nang malalim nang makaapak na ako sa terrace. “Huuuhhhh!” Pabulong ko habang hawak ko ang dibdib ko. Pinagpapalo ko yung hagdan. "Mortal enemy na kita! Buset!"  Smiley





Grabe, hindi ko na ulit gagawin ‘to, promise. Tapos, dahan-dahan akong lumapit sa may pintuan ng kwarto ni Silly, please sana bukas! Click… Uy bukas nga! Thank you!



Sinilip ko nang dahan-dahan kung nasaan ni Silly. At nakita ko siyang nakabalot ng kumot niya. Naawa ako bigla, kasi parang naririnig kong inuubo siya. Sh*t, ganito ba siya kalala? Tinitigan ko siyang mabuti, parang medyo nanginginig siya. Anong gagawin ko?


Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kama niya. Smiley 



Smiley Hinawakan ko siya at napalingon siya. “Ahhhh!!!” Napatili siya siya sa gulat, pero buti na lang natakpan ko agad yung bibig niya para hindi kami marinig ni Tito Al sa baba. Nanlalaki yung mga mata niya, pinagpapawisan siya. “Ako lang ‘to Silly.” Tapos tinanggal ko na yung kamay ko sa bibig niya. Naubo siya… teka parang nabulunan yataSmiley



“Silly? Kumakain ka ba ng chips?” Smiley Sinarado niya lang yung bibig niya. Binuksan ko yung bibig niya, putek!!! Kumakain nga siya ng chips! Tapos tinanggal ko yung kumot niya. Nagkalat yung chichirya, at nagbabasa pa siya ng mga bagong manga.



Smiley “So kaya ka pala parang inuubo dahil sa kinakain mo!” Tapos tinignan ko yung natatakot niyang mukha. “At akala ko nanginginig ka, kinikilig ka lang pala sa mga binabasa mo!” Smiley



“Pwedeng mag-explain?” Smiley Nginitian niya ako, akala nito madadaan niya ako ng smile niya!


“Alalang-alala ako sa’yo akala ko ano nang sakit mo at hindi kita pwedeng makita!” Smiley Niyugyog ko siya sa pagkakakahiga niya. “Umakyat pa man din ako sa terrace ng kwarto mo, para lang makita ka tapos ito lang pala ang ginagawa mo!!! Ang sarap ng buhay mo dito ha!”


“So… sorry?” Smiley Lalong nagdilim ang paningin ko. Sorry? Sorry lang! Kinurot-kurot ko ang pisngi niya at nasaktan naman siya.


“Itong nararapat sa’yo!” Sa asar ko ginawa ko yun. Pero sobrang na-miss ko din siya. Kaya niyakap ko. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Smiley “Na-miss kita. Akala ko ano nang nangyari sa’yo!”






(Cecily Gonzaga POV)



Smiley Nalaman na ni Asher ang katotohanan. Na nagsasakit-sakitan lang ako. Sobrang siyang nagalit, pero dahil sa na-miss niya lang daw ako. Ako din, na-miss ko siya. Sobra.


“Yun lang! Kaya pati sa’kin hindi ka nagpapakita?” Sagot ni Asher nung sinabi ko sa kanya yung dahilan ko kung bakit ako nagkukulong sa kwarto.


“Lalo na sa’yo! Nahihiya ako! Ikaw ba, magsuka ka sa lahat ng tao. Sa swimming pool pa! Nahihiya ako sa sarili ko at lalo na sa’yo. Kasi pinahiya kita kina Gwynne.”
 Smiley 



“Silly!” Hindi ako makatingin nang direcho sa mga mata niya. Kasi hindi lang naman yun ang dahilan eh. Pero hinawakan ni Ash yung mukha ko. “Silly, tumingin ka nga sa’kin.” Tumingin na ako sa kanya. “Yun lang! Nahihiya ka sa’kin! Ang tagal na nating magkasama, kilala na kita simula pa nung ipinanganak ka! Hindi mo man lang naisip kung ano ang mararamdaman ko.” Smiley



Smiley Naiiyak ako. Nakaka-touch ang mga sinabi ni Asher. Pero kung alam niya lang ang BUONG katotohanan.


“Wag ka nang magtatago sa’kin Silly ha! Hindi mo ba lam na nakakamatay ang ginagawa mo!” Smiley natawa ako, medyo OA nay un ha. “Wag kang tumawa dyan! Inakyat ko yang terrace mo nang patago para lang i-check kung okay ka. At yung magaling niyong hagdan, akal ko yun na tatapos ng buhay ko!” Tapos nginitian niya ako at hinawakan ang dalawa kong kamay. Hinila niya ako paalis ng kama ako. “Tara na nga, baba na tayo.” Tapos inakbayan niya ako at sabay kaming bumaba.



End Of Chapter 8 Part 1






3 comments:

  1. ang epic nito! hwahaha!!!

    silly nanginginig dahil pla sa kilig!! akla q sa sakit!

    hwahaha!!!

    ReplyDelete
  2. KYAAAAAAAAAAAA ! Parehas kami ni Silly pag kinikilig ! Nanginginig ! lels

    ReplyDelete
  3. Uwaaaaaaaaaaaaaaah~ si Hadwin!!! Hahahahaha. NAtawa ako sa kanya! :p ang kulet kulet niya lang~ talagang love niya si Silly! Bwahahaha. At echuserang Silly! Akala ko pa man din may sakit! -___- wahahaha.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^