Friday, October 28, 2011

Sister Complex : Chapter 8 Part 2

The Truth
(Albert Gonzaga POV)


Ang daming nangyayari ngayon. Una, nakita ko ang anak ko na mukhang dalaga na talaga dahil sa suot niyang damit. Ito namang si Asher, dinaig pa ako at pinagalitan pa si Silly dahil sa suot niya. Nakakatawa lang silang dalawa tignan. Smiley


Tapos after ng party na pinuntahan nilang dalawa, umuwi si Silly nang lasing. Buhat siya ni Asher, nagso-sorry for his irresponsibility. Kinuha ko na si Silly kay Ash, pero napansin kong nagkukunyarian lang ang anak ko na natutulog. Smiley May nangyari siguro. Alam ko dahil kilala ko ang anak ko.


Pinagalitan ni Percy ang anak niya, pero may biglang sinabi si Asher. “At may… may girlfriend na din ako. She’s Silly…”  Sabi ni Asher. Smiley




Akala ko naman talaga sila na ng anak ko. Kaso may dinagdag pa siya, “She’s Silly’s friend, Gwynne.” Natahimik lang ako. Friend daw ni Silly yung girlfriend niya. At makikilala namin siya sooner or later.


Ang dami nang nagyayari, kaya imbis na pasamain ko pa ang sitwasyon, “Ah… okay… so ang dami nang nangyayari ngayon. Percy, dapat pagpahingain mo na rin siguro si Ash.” Tinignan ko si Percy at nakuha niya ang ibig sabihin ng mga tingin ko. Kaya pinauwi na lang niya si Asher sa bahay nila at saka kami nag-usap ulit.


Kinabukasan, maaga akong nagising at maaga ko ring ginising si Silly. “Silly pumpkin, time to wake up.”


Iminulat niya yung namamaga niyang mata. Umiyak ‘to panigurado. “Papa, hindi ko pa kaya eh. Sorry I’m really tired.” Smiley Hindi siya makatigingin sa’kin. “Sorry din kagabi.”


“I know what happen.” Sabi ko sa kanya, at nagulat naman siya. Smiley “Hindi dahil naglasing ka o nagsuka ka o pinahirapan mo si Asher sa kagabi. I know what’s happening Silly.”


Ngayon tinitigan niya ako at tuluyan na siyang umiyak nung niyakap niya ako. Smiley “No… you don’t know a thing, Pa.”


“Ganyan ka dahil kay Ash.Dahil hindi mo masabi kay Ash kung anong nararamdaman mo. Tama ba ako?” Nagkatinginan kami, at nagulat siya. “You think, hindi ko alam? Alam ko Silly! Alam namin ni Percy. Siguro nga si Ash lang ang tanga na hindi nakakapansin, pero alam namin Silly.” Smiley


“Pa… Tell me what should I do? Ang sakit na eh. Hindi na ako makahinga.” Naiyak din ako dahil sino bang ama ang hindi iiyak kung alam mong sobrang nasasaktan ang kaisa-isa mong anak. Smiley


“Silly, listen to me.” Hinawakan ko ang mukha niya. “Do whatever you want. If you want to cry, then cry. If you don’t want to eat, then don’t eat. If you don’t want to do anything, then it’s up to you.”


Pinunasan ko ang mga luha niya sa mata at pisngi. “But remember this Silly, Asher is not your everything. You can’t have him if he’s not willing to give himself to you. At hindi lang si Asher ang lalaki sa mundo!”


“Then, okay lang bang hindi ko muna siya makita?” Tinignan ko siya. “Will you give me time? To cry? To think? To forget?” Smiley Then I smiled at her.


“Of course pumpkin. One week?” Alam kong masyado kong kinukunsinti si Silly, but I can’t help it. “One week, sige wag kang pumasok kung ayaw mo. Magkulong ka dito. Wag kang magpakita kay Ash. But after one week, I want you to smile and be like the Silly we all want. Is that okay, baby?” Smiley


Tumango siya. “Thanks papa.” Then I allowed her back to sleep.


Alam kong kasama sa usapan naming mag-ama ang pagpigil kay Ash na makita siya. Kaya nga lahat na ng paraan, at dahilan para hindi na mamilit si Asher na makita si Silly, ginawa ko. Kailangan kong itong gawin, sa loob ng isang linggo, para sa anak ko. Smiley



(Cecily Gonzaga POV)

Bumaba na kami ni Asher, at nagulat si papa nang makita niya kaming magkasama. Hindi pa kasi natatapos yung one week na hiningi ko at ibinigay niya sa’kin.


“Bakit magkasama na kayo?” nagulat si papa, nginitian ko na lang siya. Wala na eh, alam na ni Ash. Smiley


“Tito, masyado kayo ha! Akala ko kung ano nang nangayayari kay Silly! Tapos yun pala, binibilhan niyo pa siya ng mga bagong manga at chips!” nakapamewang si Ash kay papa. Nakakatawa. “Ngayon lang ako nakakita ng amang kinukunsinti ang katamaran ng anak niya.”


Binatukan siya ni papa. Pero nagtawanan lang sila. Natawa na din ako. I think, hindi ko na kailangan pa ng one week to feel sorry for myself. After all, marami pa naman ang nagmamahal sa’kin. At tama si papa, I should move on. Makakahanap din ako ng papalit kay Ash. Makakahanap din ako, panigurado.


Naputol ang tawanan namin nung may nagdoorbell. Smiley Pagbukas ni kuya Ash, nagulat kami. May mga taong hindi namin inaasahan na dadalaw. Patay! Patay na…


“Gwynne? Had? Anong ginagawa niyo dito?” Sabi ni Ash. Anong ginagawa nila dito!



(Asher Carillo POV)



Smiley Niyakap agad ni Gwynne si Silly nung makita niya ito. What’s with the surprise visit? “Cecily!!! Okay ka na ba? Sorry ha! Dapat bukas pang Saturday  kami dadalaw, kaso alalang-alala na talaga kami ni kuya.”


“Ha? Hahaha… o… okay na ko Gwynne.” Smiley Sabi ni Silly, hindi niya alam yung iri-react niya.


“Ces!” Niyakap din siya ni Hadwin. Bwiset! “Akala ko ano nang nangyari sa’yo. I’m glad na okay ka na.”


“Sino yang mga bisita niyo?” Patay na! Nandyan na Tito Al.


“Papa… sila nga pala yung friends namin.”


“Papa?” Smiley Tito Al… please sumakay ka na lang. 


“Si Hadwin pala classmate ko. At tsaka si Gwynne, kapatid niya. Siya yung girlfriend ko.” Pinandilatan ko si Tito Al. Buti na lang nabaling ang attention niya. “Ah. Hello po Tito. I’m Gwynne. Magkaklase din po kami ni Cecily.”


“Hello po Tito, you must be Cecily’s father.” Sabi ni Hadwin, please lang sana wala silang masabing kakaiba. “Ako po pala si Hadwin.” Nagshake-hands sila. Buti na lang hindi inatake ng pagka-enggot ‘tong si Hadwin. Nakahinga ako ng malalim. “Ah… nasaan na po pala yung asawa niyo?”


“Asawa ko?” Napakunot si Tito Al. Hindi na maipinta ang mukha namin si Silly. Epal ka talaga Hadwin. Smiley


“Opo… yung mommy ni Asher?”


“Asawa ko mommy ni Asher? Uy hindi ha! Magbestfriend lang kami nung mama ni Ash.” Napayuko ako. Sh*t… ito na ang kinatatakutan kong katotohanan eh.
Smiley


“Po? Hindi po ba nagsasama na kayo?” Tanong ni Gwynne.


“Hindi ah! Kilabutan.”


“So… hindi po magstep-siblings itong sina Cecily at Hadwin?”


“Hindi!” Inakbayan kaming dalawa ni Silly ni Tito Al. Smiley “Itong si Ash, parang anak ko naman na din ito. Pero si Silly lang ang one and only ko.” Buking na! Smiley


The truth will set us free nga diba. Ang tanong, matatanggap ba ito nila Hadwin at Gwynne? Kinakabahan ako.



Smiley

End of Chapter 8 Part 2




4 comments:

  1. update na po. hindi na ako makapaghintay ng bukas.

    ReplyDelete
  2. I LIKE IT...HAHAHA
    NAKAKAIYAK UNG TATAY NI SILLY.,,,HEHE

    ReplyDelete
  3. AHAHAHA XD Lagot buking na .:P

    ReplyDelete
  4. Bigla kong namiss si Papa >0< hahaha. Grabe... sabi ko na nga ba! Alam na nila Mama Pers at Papa Al yung nararamdaman ni Silly... hays! At nakakatawa lang si Tito Al. "Hindi ah! Kilabutan!" hahahaha. Parang diring-diri eh!!!XD

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^