Tuesday, October 25, 2011

Sister Complex : Chapter 7 Part 3

 It’s Official
(Asher Carillo POV)


May nagsuka sa party ni Gwynne. Nakakadiri! Pero napasigaw si Gwynne. Smiley “Oh my gosh! Asher! Si Cecily nagfaint!!!”


“What?” Napatingin ako sa direction nila Silly. Magkatabi lang sila ni Hadwin kanina. Pero pagtingin ko, “Holysh...eesh” Smiley Hindi ko na natuloy kasi tumakbo agad si Gwynne papunta kina Silly.


Lumapit din ako sa kanila, so Silly din yung nagsuka sa pool? Ano bang klaseng babae ‘to! Hindi na nahiya! Smiley Pero ang mas nakakaasar dun, yakap na siya ni Hadwin.



“Anong nangyari?” Hinila ko si Silly from Hadwin, namumutla siya pero may nasabi pa siya. “Gusto ko nang umuwi.” Smiley


Pinunasan ni Gwynne yung mukha ni Cecily, samatalang si Hadwin nagpapanic. Pwede ba, hindi siya nakakatulong! “Bakit ba? Anong nangyari?” Medyo niyuyugyog ko si Silly, pero wala na talaga siyang malay. Smiley


Tapos lumapit na yung parents nina Gwynne. They asked us what happened, I think nakainom siya. She’s drunk! Buti na lang hindi nagalit yung parents nila. “I’m really sorry for the trouble, but I think we should head home now.” Medyo namumutla na kasi si Silly. Ang daming niyang isinuka.


“Okay sige. Ipapahatid na lang namin kayo sa driver.” Sabi  ng daddy nila Gwynne.


“There’s no need Tito. May motor naman po ako eh. Nakakahiya na din.” Smiley


Hindi na lang ako tumingin sa kanila para hindi na nila ipilit na ihatid kami. Sobrang nakakahiya na kasi. Smiley So binuhat ko na lang si Silly palabas ng house nila pero sinamahan pa rin kami nina Hadwin at Gwynne.


“Are you sure you don’t want a lift? Paano si Cecily?” Sabi ni Gwynne.


“It’s fine. Sorry this happened to your birthday. I’ll take care of her.” Isinuot ko na kay Silly yung helmet niya. I tied her hands around my waist, so she won’t fall. Nakapatong lang yung ulo niya sa likod ko nang wala pa ring malay. But before we go, hinubad muna ni hadwin yung sweater na suot niya at itinakip sa likod ni Silly. The last thing I said to them is, “Thanks. And I’m sorry.” Smiley


Nagda-drive na ako pauwi, pero sa takot ko na mahulog si Silly, ang bagal lang ng takbo namin. Kahit nakawheeled-chair na tao, mauunahan kami sa sobrang naming bagal.


“Yan na nga bang sinasabi ko sayo Silly. Sandali lang ako nalingat, nalasing ka na! Ngayon paano tayo uuwi niyan! Lagot tayo sa papa mo at mama ko!” Actually, parang ako lang ang malalagot ngayon. So iniisip kong maya-maya na lang umuwi para maka-isip ako ng sasabihin sa parents namin. Smiley


“Hmmm…” nagising si Silly, nagpupumiglas pero dahil nga nakatali ang kamay niya, hindi siya agad makaalis.


“Wag kang malikot! Mahuhulog ka Silly!” Pero naglikot pa rin siya. Smiley Tapos tumingin ako sa kanya. “Aishhhh!!! Nasusuka ka?” Dali-dali ko tinanggal ang tali sa kamay niya at hinubad ang helmet niya. At boom!!!!!! Smiley Sakto! Nagsuka nga. Hinimas ko likod niya, “Okay, sige lang… Labas mo lang yan.”


Naisipan kong i-park na lang ang motor ko sa malapit na gasolinahan. Tamang-tama! May bench malapit sa basurahan, may CR dun at may malapit ding tindihan na bukas 24/7.


“Okay ka na? Tambay na muna tayo dito.” Nakapikit lang si Silly, pawis na pawis ang mukha niya at iba na rin ang amoy ng bibig niya. Smiley Hindi ko na inamoy pa dahil baka masuka din ako. “Ikaw naman kasi. Iinom ka tapos malalasing ka! Ang ganda na ng moment ko kay Gwynne eh. Kahit kailan talaga Silly, pasaway ka.” Smiley


Smiley Tapos humikbi siya. At biglang umiyak ng pagkalakas-lakas! Smiley Tinignan kami nung ibang tao sa tindahan. “Uy Silly joke lang!!!” Tinakpan ko ang bibig niya. “Wag ka nang umiiyak, isipin pa ng mga tao ako nagpapaiyak sa’yo.” Kahit ako naman talaga nagpa-iyak sa kanya. Tapos humikbi na lang siya ulit. “Teka lang ha. Bibili lang ako sandali sa tindahan. Bantayan mo yun motor ko ha.”


At nagmadali akong tumakbo sa tindahan para bumili ng tubig at candy para kay Silly. The nag-ring yung cellphone ko. Patay! Si mama o si Tito Albert lang ‘to. Okay Asher relax. Malulusutan mo ‘to. “Hello…?” kinakabahan ako nang sobra. Smiley


“Hello Asher, si Cecily kamusta? Nakauwi na ba kayo?” Teka… boses ni Gwynne ‘to ha.


“Gwynne…” Natuwa ako nang marinig ko ang boses niya. Kaso naaasar ako sa sarili ko, hindi kasi ako nakapag-confess ng feelings ko sa kanya. “Nagstop-over muna kami. Si Silly kasi, nagsuka ulit.”


“Ganun ba. Take good care of her.”


“Yeah, of course! Ahh… Gwynne…” Gusto kong sabihin sa kanya na gusto ko na siyang maging girlfriend. But not on the phone! “I’m sorry… again…” She said it’s okay. It’s not! “No! I’m sorry, I wasn’t to able to tell you in person that I like you. And that I want you to be my girlfriend.” Wala na na! Nasabi ko na! Buset na kadaldal ko ‘to! Smiley


Tapos natahimik siya. Natahimik din ako waiting for her reply. Nasa harap na din ako ng cashier at nilalagay niya yung binili ko sa plastic. “Gwynne…?”


“It’s fine Ash… I also want to be your girlfriend.” Tama ba narinig ko? “I’ll see you on Monday, okay?”


“Teka! Wait!” Smiley Clear ko lang yung narinig ko. Baka kasi nabingi lang ako. “Did you just…”


“Yes Ash… I’ll be your girlfriend.” Na-shock ako wala na akong nasabi. “Text me kapag nakauwi na kayo, at kapag okay na si Cecily ha.” And we bid goodbye.


Nakatulala lang ako. Sisigaw ba ako? Dito sa convenient store? Pwede! Kaso umepal yung cashier. “Girlfriend mo ba yun?” Sino, yung kausap ko sa cellphone? “Yeah, bakit?” Ang yabang ko! Girlfriend ko na nga si Gwynne. Yes!!!! Smiley


“Nagsusuka siya oh!” What? Tumingin ako sa glass window ng store. Smiley  Si Cecily pala yung sinasabi niya. “Hindi ko girlfriend yan ha!” Anyway, ano ba ‘tong sinasabi ko, nagsusuka na nga ulit si Cecily. So nagpahabol ako ng alcohol at tissue sa mga binili ko at lumabas na papunta kay Silly.


Smiley Nagsuka siya ulit, at nakahawak siya sa napakaduming basurahan. Then after niyang magsuka, pupunasan pa niya sana yung mukha niya… “Ops!!! Silly dirty yan!!!” Pinigilan ko siya. Binuhusan ko ng alcohol ang mga kamay niya at pinunasan ng tissue. Tapos, sunod kong pinunasan ang mukha niya.


“Magmumog ka muna ng tubig.” At pinagmumog ko nga si Silly ng tubig at saka ko ipinasubo sa kanya yung mint candy na binili ko. Hinilot-hilot ko yung kamay niya. “Okay ka na?” Tinignan ko si Silly, pero mukhang sabog siya. Lutang ang isip niya. “Sabihin mo lang kung nasusuka ka pa. Pero kapag kaya mo na, uwi na tayo.”


Smiley Hinawakan ko ang ulo niya at isinandal sa balikat ko. Mas magiging comportable kasi siya kung ganito. Hawak ko pa rin yung kamay niya at hinihilot ito. Nakapikit lang siya, natutulog lang kaya siya?


“Alam mo Silly, karaniwan sa mga lalaki kapag sinagot na sila ng mga babaeng gusto nila, tumatalon sila at sumisigaw sa saya.” Pero heto ako ngayon. “Dapat ganun din ang ginagawa ko ngayong girlfriend ko na si Gwynne. Ikaw kasi eh, bakit ka ba naglasing.”


Smiley Tumulo ulit yung luha niya, nakikinig ba siya? “Oh, pero hindi ako galit sa’yo ha.” Tapos niyakap ko siya ng mahigpit. “Gusto ko lang ikaw unang makaalam na sinagot na ako ni Gwynne.” At pinunasan ko ang luha niya. Smiley “Alam ko namang masaya ka for me, diba Silly?”




End of Chapter 7 Part 3




3 comments:

  1. NaKakaiNis ka tLaga aSher,,, wLa ka na bNg mas iMamaNhid at iTatangA pa haH,,, aiSh,,,

    ReplyDelete
  2. Aray naman Ash.... yung tanong mo naman. Ang sakit sa puso eh! Nakakaiyak! Waaah! Kung alam mo lang kung bakit siya naglasing... kung alam mo lang...

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^