Sunday, February 26, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 40

A/N: Starting from this chapter, mauuna ko na pong ipost ang story na ito dito sa blog kesa sa PF. Ilang chapters na lang kasi at nalalapit na ang pagtatapos nito. At isa pa, iniaalay ko po ang chapter na ito for Xander dahil ginamit ko po ang idea niya about SunmAine Couple! Ito na yung surprise na sinasabi ko sayo! Enjoy reading!  ^_^


CHAPTER 40
(SAMIRA ALMIREZ POV)



“How about we play a game?” Maganda ang naging bungad ng araw na ito. Hinandaan kami ng masarap na breakfast ni Sunmi. Marunong at magaling naman pala siyang magluto eh. At kita mo naman, halatang nagri-reach out na siya sa lahat! “Couple battle. Byron and Sheena VS Argel and Raffy VS Eli and Sam!”



“Ops may nakalimutan! May Waine and Sunmi din dapat!”



“No! Hindi kami kasali! We’re not a couple! Eww!”



“Ang KJ nito! Gusto kong sumali eh! Okay lang naman saakin kahit pagtyagaan ka.”



“Fine! So ano… lahat ba kayo game?”



Tapos nagtinginan ang magkakagalit na couple. Ang aarte lang ng SheeRon at ArFFy loveteam ha! At syempre, umeksena din ang EliSam na kunyari ay magkagalit din! “Oo na! We’re in!”



 “Sige na lang, boring naman kung walang gagawin.”



“Okay, wala namang choice eh.” Inarte much! Ang ko-korni! Ahaha.




GAME ONE: Acting Game



“Each couple will be given five minutes. Salitan ‘to, after mag-act out ng boy, yung girl naman ang magpapahula. No verbal language, no sounds and most especially no hand or body gestures.”



“Teka! Paano ka magcha-charade nun?”



Biglang nag-smirk si Sunmi. “Well, since this is no ordinary charade, the players should only act out by facial expressions.” Ohmaygawd! Ang taba ng utak nitong si Sunmi! Good luck na lang kung paano namin gagawin yun! Balahuraan ba ng pagmumukha ‘to? “Ang mananalong couple at the end of all games ay pwede nang hindi tumulong magtrabaho hanggang sa matapos ang camping na ’to.Syempre nagbunyi naman kami sa prize.



“Game!!! Simulan na yan!!!” Over sa fighting spirit ang mga ‘to! Gusto talagang manalo para lang makalibre ng gawain! Ahahaha!



Unang sumalang sina Argel at Raffy. “Ang nakuha ng ArFFy couple ay, Animals! Okay, ready! Timer starts now!!!”



Unang nagpahula si Argel at kasisimula pa lang, kinakabag na kami kakatawa sa facial expression na ginagawa niya.



“Chameleon!? Hipopotamus!? Zebra!? Hyena!? Talakitok!?”



“Hmmm!” - () Hindi rin alam ni Argel kung sisimangot ba siya o matatawa! Grabe naman kasi ‘tong si Raffy! Hindi man lang magsabi ng ordinaryong hayop! Pwede namang baboy! O kaya pusa! O kaya daga!



“Philippine eagle!? Chihuahua!? Ay ano ba yan!!! Itek!? Anaconda!? Chupacabra!?”



“Hayop ba ang chupacabra??? Hwahahahaha!!!” – ()



“One minute left.” Lahat kami hindi na makapag-concentrate pati na rin yung dalawang players sa harap namin. Hindi na talaga alam ni Argel kung paano maga-act dahil natatawa na rin siya sa mga pinagsasabi ng girlfriend niyang aning-aning! “Time’s up!!! Zero point para sa inyong dalawa!!!”



“Raffy naman!!!”



“Uwaaah!!! Sorry!!! Ano ba yung pinahuhulaan mo?”



“Aso lang yun. Hwahahaha!!!”



“Eh kasi palabas-labas ka pa ng dila mo eh… sayang pala naisip ko kanina asong ulol eh. Hindi ko lang nasabi. Sorry, zero tayo!”



“Okay lang yun, may game two pa naman. Bawi tayo mamaya.” And there you have, nagyakapan yung dalawa sa harap namin habang pinagtatawanan ang isa’t isa.



“Ayiiiehhh!!! Bati na sila!!!”



“Leptolelang na yan! Lapchukan! Lapchukan!” Binigwasan bigla ni Argel si Waine kaya lalo kaming natawa. Ahaha… Ayiiiehhh, talagang bati na sila. Ayan na, magkaholding-hands na ang ArFFy couple.



“Next, SheeRon couple. Bunot na kayo ng category niyo.” Sunod na sumalang sa hotseat sina Byron at Sheena na hanggang ngayon ay awkward pa rin sa isa’t isa. “Ang category niyo ay mga insects.”



“Yown madali lang yun!”



“Game… timer starts now…”



Unang bumunot si Byron at umakto agad siya gamit ang mukha niya. At nagulat na lang kami sa teamwork ng couple nila ni Sheena!



“Ipis!!!” – Correct!



“Paru-paro!? Ah mas malaki? Mariposa!!!” – Correct!



“Gagamba!? Ano… sa buhok? Kuto!!!” – Correct!



“Um… ano yan… ah… Langgam!!!” Correct!



Okay, may mental telepathy yata ang dalawang ‘to at nakakuha pa ng ilang sunud-sunod na sagot. Imagine niyo kung paano magpahula gamit ang mukha, oh diba ang hirap? Bakit sila?



“Time’s up!!! Wow!!! Nakakuha kayo ng twelve answers!!!”



“Uwaaaahhh aylabyow Byron!!!”



“Aylabyowmore Shee!!! Ang galing natin!!!”



At hindi pa sila inaasar ni Waine, nagyakapan na agad ang dalawa at nag-smack pa sa harapan namin!
(\^)(^/) ~chu!



“Ayiiiehhh!!! Bati na sila!!! Kaya yan, nakapanduga na!!!”



“Oy hindi ha!!!”



“Ayiiiehhh!!! Sabay pa sila!!! O, tama nang PDA!!!”



Oh maygawd!!! Aylabet!!! Ang galing ng plano ni Sunmi!!! Napagbati na niya sina Argel at Raffy, at ngayon ay sina Sheena at Byron dahil sa game na ito! The best talaga magplano ang mga bida-kontrabida eh! Sunmi for short!



“Alright, sunod na ang EliSam couple! Bunot na kayo!” Nagkatinginan na kami ni Eli at parang pareho kami ng tanong sa isa’t isa ngayon. I think the fake war is over. Start na ng war against other couple eh!




(● _ ●)



Bago kami sumalang, patago muna kaming nagbulungan ni Eli. “Uy junanax, wag muna nating ipakita na bati na tayo.”



“Ha? Bakit? Eh bati na naman sina Argel at Raffy, at Byron at Sheena oh.”



“Sige na! Para magkabati din sina Waine at Sunmi! Eh diba tutulungan pa nga ni Waine si Sunmi na pagbatiin tayo? Kung papakita natin na bati na tayo, eh di wala na silang reason para mag-usap at magkunchabahan!”




“At bakit naman? Parang pinagpapartner mo rin sila?”



“Hindi naman sa ganun! Pero syempre madalas kayang mag-away yung dalawa! Malay mo after nun, magkasundo rin sila.”



“Hey, anong pinagbubulungan niyo jan? Ayiiieh, bati na ba kayo oppa, unnie?”



“Sinong makikipagbati sa timongolod na ‘to noh! Hmp!”



“Tampalin kita jan eh!”



“Aish… sige na bumunot na nga kayo.”



Kabado ako dahil ako ang bumunot ng cataegory namin. Isa na lang kasi yung natitirang easy level. Lahat ng natira, puro difficult na daw. “Ayusin mo yang pagbunot mo jan kundi papakain ko sayo yang papel!”



At pagbukas ko sa papel na nabunot ko… “COUNTRIES???” Matang walang latay!!! Paano namin ia-act yun!



“Hwahahahahahahaha!!! Patay tayo jan Idol!!!”



“Paano kung Zimbabwe ang makuha? O kaya Nicaragua? O kaya Kyrgyztan? Uwahahahahahaha!!!” Mapururot sana sila kakatawa!



Ang sama tuloy ng tingin saakin ni Eli. We can do this mi amore! Please naman! “Your timer starts now!!!”



Bumunot na si Eli tapos tinitigan ko siyang maigi. Ang reaction niya, nginunguso niya lang si Sunmi.



“Waaaahhh!!! Korea!!!” - Correct!



My turn! Ang nabunot ko Hungary! So tumingin ako sa tyan ko tapos kunyari para akong nagugutom. Sana maisip niya yung salitang hungry!



“Hungary!” Correct!!! Yebah! Ang talino ni Eli! Kakainlab lang!



Hindi naman pala ganun kahirap. At para malaman niyo ang sunod na pinahulaan namin sa isa’t isa, narito ang description ng mga nabunot namin.



Umaarte si Eli na parang naguguluhan. Ang gulo lang! “Angola!” –Correct!



Nakabukas ang bibig na parang naaanghangan! “Chile!” - Correct!



Umarte na parang manok. “Turkey!” – Correct!



Ituro ang nguso kay Eli na timongoloid! “Mongolia!” – Correct!



Tumingin sa mga nagpapa-epal na sina Argel at Waine. “Nepal!” – Correct!



I-arte ang salitang ‘Malay ko’. “Malaysia!” – Correct!



I-arte ang salitang “Pake ko’. “Pakistan!” – Correct!



Magpa-cute sa harap ni Eli. “Uganda!” – Correct na correct! Ahahaha!!!



“Time’s up!!! Ang taas ng nakuha niyo! 10 points for the EliSam!”



Gusto sana naming mag-cheer ni Eli pero bukod sa hindi namin natalo ang ArFFy couple, hindi pa namin pwedeng ipakita na bati kami!



“Weh ang corny! Hindi pa rin sila bati?”



“Ang galing niyo nga eh. Para rin kayong may mental telepathy!”



“Che!” Uwaaahhh Eli… tiis-tiis lang muna ha! “Anyway, oh kayo na Sunmi and Waine! Ako naman ang MC! Pero bago yan, gawa rin tayo ng name sa couple niyo!”



“Wag na! Couple ba kami ha!”



“Eww unnie, that’s disgusting!”



“Wag na kayong pumalag! Tatawagin ko kayong… um… ah!!! SunmAine couple!!!” Galing talaga ng nakaisip nun oh! Ang cute lang pakinggan! Ahahaha… (A/N: Xander, idea mo yan! Ayieeh!!! XD)



Bumunot na si Sunmi ng category nila at ang nakuha nila ay… chanchananan!!! “Feelings and emotions!!!”



“Woaahhh!!! Yes!!! Yes!!! Ang dali lang niyan!!! Galing mong bumunot Sunmi! Aylabyow!”



“Aylabyowtu! Oh my!!! Oh my!!! Sure win ‘to!!!”



“Apir tayo jan Sunmi! Galingan mo ha!!!”



“High-five!” *Apir* “Euhaha!!!”



“Oy kung makapagsaya ‘tong dalawang ‘to akala mo nanalo na! English ang hinahanap na sagot ha! Game… your time starts now!”



(_) –-> “Sorrow!” – Correct!



(✿◠‿◠) –-> “Inspired!” – Correct!



(_) -> Surprised! Correct!



(¬▂¬) –-> “Jealous!” – Correct!



(ݓ_ݓ) –-> “Sleepy!” – Correct!



(╯▽╰) –-> “Relieved!” – Correct!



) –-> “Drunk!” – Correct!



(×╭╮×) –-> “Dying!” – Correct!



(_) –-> “Shame!” – Correct!



() –-> “In pain!” – Correct!



(_) –-> “Disgust!” – Correct!



(◣╭╮◢) –-> “Rage!” – Correct!



(ω) –-> “Joy!” – Correct!



(◣‿◢) –-> “Evil!” – Correct!



(♥♥,) –-> “In love!” – Correct!



“Okay panalo na kayo!!!”



“Woohoo!!! Panalo tayo shet!”



“Oh my gosh I didn’t know you’re that great!!!” At sa pagsasaya nilang dalawa, binuhat ni Waine si Sunmi na parang bagong kasal at nagpaikot-ikot sila.



“Sige kayo na! Kayo nang masaya. Daig niyo pa tunay na couple!”



Pero hindi lang kami pinakinggan nina Sunmi at Waine at patuloy lang sila sa sarili nilang mundo. Lahat tuloy kami napatitig na lang talaga sa kanila. Naghaharutan lang sila na parang ewan. Na parang ang cute nialng tignan kasi parang ang sweet nila! Uwaaahhh!



Nung napansin na nilang pinapanood na lang namin sila, saka lang sila tumigil at nag-behave na parang nagkakahiyaan sa kinilos nila.



“Ahem… alam niyo bagay kayo.”



“Ayiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeehhhhhhhhhh!!!”



At dahil sa sinabi ko, namula tuloy sila pareho at  hindi na alam kung paano papalag! Two against the world ang laban eh.




(─‿‿─)



Nagpatuloy lang kami sa paglalaro at sa wakas na-feel na rin namin lahat ang saya sa camping na ‘to. Kapansin-pansin rin sina Sunmi at Waine na gumagawa ng paraan para pagbatiin na talaga kami ni Eli. Effective kasi ang away-away namin kunyari.




DINNERTIME



Lahat kami nasa harap ng bonfire at nag-iihaw ng mga baon na dala namin. May hotdogs, may marshmallow at lahat nang pwede mong ihawin, inihaw namin.



“Ang standing natin, 4th place ang ArFFy, 3rd place ang SheeRon, in 2nd place ang EliSam and of course! SunmAine ang nangunguna!” Nakaungos kasi kami kanina kina Byron nung palakasan ang labanan! Walang nagawa si Byron kay Eli! Ahahaha!



“Wow! Power couple pala ang SunmAine eh! Ayiiiehhh!!!”



“Che! Anyway, meron pa tayong last game ngayong gabi! Ang winning couple na may pinakamataas na points ang save sa gawain bukas hanggang sa last day natin dito sa campground. Ang mananalo dito ay makakuha ng 20 points.”



“20 points??? Kapag tayo ang nanalo dito Raff, pwede pa tayong makaligtas!”



“Powtek ano yun! Masasayang lang ang points namin kanina?”



“That’s why each couple should do their best! Alright, ang game natin ay Taguan-slash-tayaan-slash-patayan.”



“Wow ayus! Tapos mababalita tayo sa TV! Grupo ng kabataan natagpuan patay sa kagubatan! Bakit naman may patayan?”



“If you take that literally, sige go! Papatayin ka talaga namin.” Ano na naman kayang klaseng laro yun? Ito talagang si Sunmi, galing maging game master! “Ganito, each couple has two minutes to freely hide themselves. Walang pwedeng tumaya sa kanila. Yun yung TAGUAN part. After two minutes, start na ng real game. Hahanapin natin ang isa’t isa and that’s the TAYAAN part.”



“Paano yung patayan?”



Tapos naglabas ng magkakapair na handkerchiefs si Sunmi. “Here, grab one of these. That will be your lifeline. Once may mahuli kayo, do your best to grab that person’s hanky. Patay na yung player kapag nakuha niyo yung panyo.”



Tapos nagtinginan kami. Para kasing magiging brutal ‘tong agawan ng panyo na ‘to ha. Patayan talaga! “Now here’s what you should remember… kapag nawala niyo yung panyo niyo, you’re disqualified. And if you’re disqualified, so is your partner. Sa patayan part naman, ganun din. Kapag napatay na yung isa, ibig sabihin patay na rin yung partner niyo, which only mean that both of you lose.”



“Okay… so ang mabuting gawin, magsama ang couple!”



“Exactly! Two is better than one nga diba…” Then a moment of silence, may tinginan ulit ang bawat isa. If this is the game, talagang kelangan namin magsama ni Eli. “Wag lang kayong masyadong lumayo so you won’t get lost. Okay?”



“Alright!!!”




LAST GAME: Hide-and-seek-and-kill



“Two minutes free time… starts now!!!”



At nagkandarapa kami sa pagtakbo para magtago. Magkaholding hands na umalis ang SheeRon at ArFFy couple. Hindi ko napansin sina Sunmi at Waine kung saan sila nagpunta… at ako naman… hindi ko alam kung saan ako magtatago.



“Yow!” Biglang may tumusok sa tagiliran ko.



“Uwaaah!!! Eli naman!!!”



“Anong pang ginagawa mo dito? Magpapapatay ka ba?”



“Aah… hindi ko alam kung saan ako magtatago. At tsaka… hindi pa tayo bati diba. Tuloy pa rin tayo sa plano.”



“Ano naman? Ang lagay ba papayag akong mamatay ka? Tara!” In-offer niya yung kamay niya tapos humawak naman ako sa kanya. “I have another plan!”



“Ha?”



“Give me your hanky.”



“Bakit?”



“Kasi kapag ikaw ang may hawak niyan, madali ka lang mata-target. Kapag ako ang may hawak nito, mahihirapan silang kunin saakin.” Ay oo nga! Dadaanin lang talaga ni Eli sa dahas. “Let’s go this way!” Hinila niya ako sa isang banda pero hindi pa rin niya sinabi saakin ang plano niya.



“Oy! Ano bang plano mo?”



“We have a mission to kill. Magtago muna tayo bago ko sabihin ang plano.” Sanay talaga ‘to sa sakitan oh. Ow well!!! Buti na lang kami ang couple! Kaya akong ipagtanggol ni Eli sa ibang killers! Hwahaha!



o(≧o≦)o

End of Chapter 40




13 comments:

  1. ohmygahd :)) super tawa ako habang binabasa ko to :)) elibyu miss aegyo . uwaaahhh :DDD

    ReplyDelete
  2. ELIBYU NA TALAGA ELI <333 pumaparaan din ang SunmAine huh :D

    ReplyDelete
  3. first aq d2! nice! nauna n d2 s blog! wuhuuuuu!!!!
    mauuna n aq plgi kesa dun s iba! hahahhhaaaahhha!


    may mgnda aqng commnt pra d2 dun s pf ate kpg npost mu n dun!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha, hindi ka nauna sis... nauna si anon... lol!

      Delete
  4. ang epic tlga ng mga couple d2! nde pa aq nttpos tumwa kina raffy, kinlig nmn aq kna byron! tas cna eli ang kulit ng nbunot... krygystan, bkit wla silng nabunot na country n ganun? hahahahahah!!!!! i love thiz!!!!!! ang drap tumwa n prang baliw s hrap ng pc! hhhahahhhaaaa!!! ang cucute pa ng smileys, cna waine at sunmi, naimagine q tlga! hahhaaahhhhahahahahhh!!!

    next na!!! may patayan na daw!!!! ayus n games 2, nkkskit sa tyna! hahhhhahhhahaaaahhhahaha!!!!!

    o(≧o≦)o o(≧o≦)o o(≧o≦)o

    ReplyDelete
    Replies
    1. muah muah anew! ahahhaahahhha!!!

      inspired much ako nung panahon na sinusulat ko ang chapter na yan eh. ;)

      Delete
  5. ilove you sis..dito na ako lage...mis ko na ang PF

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha, oo nga hindi ka na masyado nagp-PF.

      pero sige dito ka na lang, tutal uunahin ko na 'tong blog ko eh... hahaha!

      Delete
  6. hahahaha! nakakatuwa masyado! :))
    ang bilis ng updates, parang everyday, i'm reading this.
    because everyday din, inaabangan ko ito.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^