Wednesday, February 1, 2012

My Nephew-in-Law : Special Chapter 6



Babyloves?
(ARGEL RIVAS POV)



"Sakit ng ulo ko!" Hindi na talaga ako iinom! Joke lang... saka lang naman ako umiinom kapag may occasion eh. At tsaka birthday naman ni pareng Waine kahapon! Nilubos ko lang yung alak!



"Hoy Argel! Iinom-inom ka, mag-aalburuto ka ngayon sa ulo mo! Tumayo ka na nga jan at ihatid mo 'to sa customer natin!"


"Mamaloves naman!" Oo mamaloves ang tawag ko sa ermat ko. Sagwa naman kung pati siya tatawagin kong babyloves. "Pass muna ako jan. Sakit pa ng ulo ko. Kapag nasira ang mukha ng gwapo mong anak, sige ka. Hindi ka makakahanap ng magandang daughter-in-law."



"Palusot mo laos na! Maligo ka na jan!"



"Tsk!" Tigas talaga nitong nanay ko. Pero wala akong magawa. Kapag nasa bahay kasi ako, delivery boy ako. May business kasi si mamaloves na bakery, at dahil mabenta ang mga pastries at ang mukha ko sa mga tao, ang dami naming customers.



After kong maligo, "Oh heto, bagong customer natin yan. Ito ang address!"



"Oh mamaloves, kulang 'tong pamasahe. Wala ba akong pan-tricycle? At tsaka pampalubag-loob?"



"Ang batugan mo talaga!  Sa East Villmore subdivision lang yan. Sakto na yan!"



"Kay ganda mong ina, ang kuripot mo. Sige na mamaloves, mapapagod ako." At dahil sa angkin kong sex appeal at charms, pati nanay ko hindi makakatiis! Tapos dumukot na siya sa wallet, langya naman! "Bente pesos lang!" 



"Sakto na pan-tricycle yan! Sige na lumarga ka na!" Kaso wala na yatang dadaig sa pagkakuripot ng ermats ko.



"Pasalamat ka mamaloves, mahal na mahal kita." Nasabi ko lang baka makunsensya siya at makalusot, pero matigas talaga eh. Hindi madaan sa lambing! "Sige na aalis na po ako!"



Dalawang boxes ang dala ko. Yung isa puro cupcakes yung laman, yung isa naman, brownies! Ang specialty ng mamaloves ko.



Pagdating ko sa address na hinahanap ko, nagdoorbell ako agad pero nakatatlo na akong pindot, wala pa ding lumalabas. "Tanggala naman! Kapag babae lumabas dito, hindi ko talaga papansinin!" Isa kasi yun sa dahilan kung bakit ako ang peyborit delivery boy ng lahat, kasi crush ako ng mga babaeng customers! Ampness, ang gwapo ko kasi!



Narinig ko nang may lumabas sa pinto kaso may kasigawan siya. "Hoy bumalik ka dito babae ka!!! Hindi pa tayo tapos!"



"Ayoko na! Hindi ko na kayang sumunod pa sayo!"



"Hoy tao po! May delivery po kayo!" Away mag-asawa talaga! Kunin niyo muna 'tong delivery niyo bago niyo ituloy yang away na yan!



At nung may nag-open na nung gate... "Oh..." Natulala na lang ako... yung kakambal ni Byron nandito! Si... si... "Babyloves?"



"Argel?" Si Raffy pala!



"Come back here!!!" At ang lakas nung pagkakahila nung lalaki kay Raffy papasok dun sa bahay at saka lang niya ako nakita. "Yan na ba yung cupcakes at brownies?"



"Oo." Nabwiset ako sa ginawa niya kay Raffy! Ang mga babae, hindi ginaganun. 



Hinablot niya saakin yung boxes at, "Oh heto na bayad. Umalis ka na."



Paano ako aalis kung umiiyak na si Raffy. "Brad, mukhang ayaw na yata sayo ng kasama mong babae ha."



"Argel..." Parang nagmamakaawa pa yung mukha niya. Parang gusto na nga niyang umalis.



"Magkakilala kayo?"



"Kakambal siya ng kaibigan ko pare." Tapos hinila ko si Raffy. "Kung ayaw na sayo ng babae, pakawalan mo na." At nagtago na sa likod ko si Raffy at halatang natatakot siya.



"Hindi mo ba ako nakikilala? Taga East-side gang ako! Wag kang pakelamero!"  Taga-East? Ayos ha! Susuntukin niya sana ako, pero dahil alam kong wala naman siyang binatbat, inilagan ko lang.



"Ayoko ng away ha! Palalampasin kita ngayon, pero sa oras na guluhin mo pa si Raffy, makikita mong hinahanap mo!"



Aalis na sana kami ni Raffy, kaso ang laking mamaw talaga nung lalaki at hinablot ang damit ko at sinuntok ako sa sikmura. "Gago ka! Sino ka bang peste ka!"



"Tama na!!!"



"Eh ikaw peste ang mukha jan!" At gumanti na ako sa kanya ng suntok! Aba! naturuan yata ako ng maraming taekwondo moves ni Idol! Masasabi na ngang nasa black belter na din ang galing ko sa pakikipag-away eh. Nang mapahandusay na sa kalye yung lalaki. "Mamimili ng kakalabanin mo ha!"



At kahit namimilipit siya sa sakit, may pahabol pa siyang sinabi. "Humanda kayo! Pababalikan ko kayo sa East!"



"Psh!" Sinong tinakot mong pangit ka! "East lang ba? Sige ba! Abangan niyo ko sa South Grisham hah!" Pagkasabi ko nun, parang na-stroke pa yung lalaki at hindi makapaniwala!



Umalis na kami ni Raffy, at kahit siya hindi makapaniwala.




(◣‿◢)



"South... Grisham gang?"



"Oo! Kaya wag kang mag-alala. Hindi na makakalapit sayo yung mokong na yun." Pogi points 'to! "Teka lang, hintayin natin si Idol para malaman niya 'to." At syempre dahil sinangkalan ko ang SGG, kailangan 'to malaman ni Idol leader namin!



Pagdating niya... "ANO? Bakit hindi ito alam ng kambal mo?"



"Kasi ayokong pati siya madamay."



Nagulat kami sa nakwento ni Raffy. Mokong na yun! Adik na yata yun eh! "Sige wag kang mag-alala babyloves, tutulungan ka namin."



"At dahil East ang kalaban, siguro mas mabuting may kasama ka muna. Sa mga kilos kasi ng mamaw gang na yun, gaganti at gaganti yun hangga't hindi pa nasasaktan."



Parang nakita kong nakahinga ng malalim si Raffy. "Thank you... thank you sainyo ha." Potek... bakit ang ganda ni Raffy?



"Ay oo nga pala, wag niyo rin 'tong ipapaalam kay Sam ha."



"Kay Samira? Bakit?"



"Alam mo kasi, may masamang experience na si Sam tungkol sa mga gang."



"Oo... at ayokong dagdagan pa yung takot niya sa mga ganitong bagay. masyado nang paranoid ang babaeng yun."



Napatango na lang si Raffy habang nakatingin kay Eli. Lahat naman kasi nabibihag nitong si Idol. Changgalang yan! Crush ko pa naman si Raffy mukhang fail na naman itong pag-ibig ko.



"Um... okay."



"At tsaka nga pala, dapat siguro ibigay mo number mo saamin Raffy." Weh si Idol? Pumaparaan ba siya kay Raffy? Teka paano si Sam? Akala ko ba ang trip niya si Sam? "O Argel, ikaw na kumuha ng number niya."



"Sa kanya?"



"Saakin?" Ay hindi naman pala siya crush ni Eli. Hahaha.



After niyang ibigay saakin yung number niya, inihatid namin siya sa bahay niya. Syempre nagtago kami kay Byron, baka kasi mapagkamalan pa nung kung ano ang ginagawa namin.



Nung kaming dalawa na lang, pameste na rin yung ngiti ni Idol. "Bakit?"



"Oh diba trip mo si Raffy? Para-paraan na yan oh! I-textmate na yan Gel!"



Nagbangasan na lang kami. Haha! Oo! Alam kasi ng mga prens ko kung sino ang type ko, at kung sino ang hindi. Kapag tinawag ko kasing babyloves, ibig sabihin nun, crush ko yun!


Ibang usapan lang kay Sam, bawal siyang tawaging babyloves kahit crush ko siya dahil parang may tama na talaga sa kanya si Idol eh. Wushu!



"Sige na pare, ginabi na ako. Uuwi na ako ha."



"Nakow Idol, next days gagabihin ka pa lalo."



"Yun nga eh. Hindi pa natin alam kung kelan susugod yung taga-East na yun. Mas mahalaga na ligtas muna si Raffy. Malapit kay Sam yun eh."



"Aysows! Si Sam na naman pala! Iba na talaga yan Idol!"



"LuL! Hallucination mo!" Ang wafu ni Idol oh! Nagpipigil pa ng tawa yan! At tsaka parang bawal pa yata sa mga gwapo ang kiligin eh, ahaha!



Pag-uwi ko sa bahay, syempre ni-text ko na si Raffy! The usual things na ginagawa ko sa lahat ng girls! Pero hindi naman seryosohan 'to eh! Mahirap nang makasakit ako ng feeling ng girls!



"Chickboy ka noh?" Reply saakin ni Raffy. "Lahat yata ng babae, bukod lang kay Sam, tinatawag mong babyloves."



"Oy hindi! Friendly lang ako! Naniniwala kasi akong dapat na sinasamba ang mga babae." Naks! Pogi points!



"Alam mo sana ganyan din si Martin." Yun nga pala yung pangalan ng mamaw niyang ex. Pagka-reply niya nun, alam ko na patutunguhan nun.



"Gusto mo pa ba si Martin?"



"Ha..." Ang tagal niyang sinundan yung text na yun. "I think so."



Basag! Basag ang puso ko oh! Hindi ko na siya ni-replyan after nun. Hindi pa nga ako nanliligaw, basted na yata! Hay naku!




 /(¬¬)\ 



Mag-iisang linggo na din kaming naghahatid-sundo kay Raffy. Tatlo kami palagi, si Idol, ako at siya. Missing-in-action kasi ang isa naming ka-kosa na si Waine. May pinagdadaanan yata ang kumag!



"Pwede bang pass muna ako ngayon sa paghatid kay Raffy?"



"Ha? Bakit?"



"Nag-away kasi kami ni Sam kahapon... um..." LQ? Kakaiba na talaga yun ha! "Hindi na daw ako tumutulong sa bahay. Late na daw ako palagi kung umuwi."



"Diba noon ka pa naman hindi na gumagawa sa bahay mo." Pagkasabi ko nun, may katumbas na namang malupit na kutos!



So ako na nga lang mag-isa ang pumunta sa school ni Raffy ngayon. Paglabas niya, nagngitian lang kami. Medyo dumidistansya na ako sa kanya, mahirap na baka saan pa mapunta ang pagka-crush ko sa kanya!



"Nasaan si Eli?" Oh kitams! Si Idol ang hanap! Kras niya rin yata si Idol eh.



"Umuwi ng maaga eh. Bakit mo siya hinahanap?"



"Wala lang..." Tapos nahihiya pa siya... weh ang kyut! "Gusto mong kumain muna tayo bago umuwi?" Weh ulit? Inaaya ba niya ako?



Papayag na sana ako, kaso may grupo ng pangit na halimaw ang humarang sa daraanan namin. "Sa wakas, naabutan din namin kayo." Ano yun? Sinaktuhan nila na hindi ko kasama si Idol?



Anakngpucha! Ang dami nila! Mga bente at kalahati! Pandak kasi yung isa. "Martin! Tumigil ka na!"



"Babyloves, dito ka lang sa likod ko."



"Babyloves? Gagu ka talaga ha! Diba sabi ko gaganti ako, oh heto dinala ko na mga ka-tropa ko."



"Eh duwag ka pala eh. Talagang nagsama ka pa ng kasamahan mo! Bakit natatakot kang makipagone-on-one saakin?" Reverse psychology yan! Kung siya lang kasi, paniguradong talo ko siya! Pero pag silang lahat ang sumugod, panigurado dehado ako!



"One-on-one pala ha!" Tapos sinugod na niya ako! Yown oh, kumagat siya! Ang bobo din ng pangit na 'to eh! Syempre madali ko siyang tinalo at napabagsak sa lupa...



Kaso heto na ang hindi ko gusto, sinugod na din ako ng mga kasamahan niya bilang ganti. Punyemas na yan!



"Argel!!!"



"Takbo na Raffy!" Oh ako na hero! At ang masaklap pa, natawag ko si Raffy siya sa pangalan niya! Iba na rin yan Argel!



Pero hindi siya umalis, tinulungan pa niya ako. "Lumayo kayo sa kanya!" Pinagpapalo niya sila ng kahoy at dahil nga mga kumag ang taga-East na 'to, ginantihan nila si Raffy!



"Walang hiya! Letchugas ka ha!" At ginatihan ko ng suntok yung nanakit kay Raffy. "Raffy! Tumakbo ka na kasi!!!"



"Hindi kita pwedeng iwan." Anak ng! Hindi pa yata siya natatakot eh! Gaganti pa sana siya, kaya pinilit kong kuhanin ang attention ng lahat para ako lang ang saktan nila. "Argel!!!"



Nakahiga na ako sa lupa, literal na kumakain ng alikabok! Pero syempre, iniiwas kong wag nilang matamaan ang gwapo kong mukha! So katawan ko ang bugbog-sarado!



Buti na lang at ipinanganak akong swerte, may dumating na rin sa wakas! "Hoy mga loko kayo ha!" Si Idol!!! At kasama niya yung ibang katropa namin sa SGG! Binugbog din nila yung mga taga-East. Gumanti sila para saakin!



Nung nakaluhod na si Martin at ang mga kamukha niyang mga pangit. "Wag na wag niyo nang guguluhin pa si Raffy dahil kung hindi, tuluyan kong buburahin ang East Gang!!!"



"Opo... opo..."



"Opo Idol..." Diba sabi naman sa inyo, kilala ng lahat si Idol! Pero dahil nga tukmol ang mga 'to, hinintay pa muna nilang makilala nila in person ang kinatatakutan ng lahat ng gang dito!



Tapos lumapit si Raffy kay Martin... at sinampal niya 'to! "Yan ay para sa pananakit mo saakin!" Tapos sinampal niya ulit yung kabilang pisngi naman! "At yan ay para sa pananakit mo kay Argel!" Woah? Totoo ba yung narinig ko, o nagdi-deliryo lang ako? "Umalis ka na! Ayaw ko nang makita pang pagmumukha mo!"



Pag-alis nila, "Okay ka lang 'pre?"



"Okay lang Idol! Pero anong ginagawa mo at ng SGG dito?"



"Plano namin 'to. Sorry hah, pinampain ka namin sa kanila para lumabas na sila sa mga lungga nila."



"Woah! Ayus yun!" Kung sa bagay, kung kasama ko nga palagi si Idol, hindi talaga sila magpapakita. "Ikaw Raffy? Okay ka lang?"



"Okay lang ako... eh ikaw? Okay ka lang?"



"Okay lang... hindi naman nila natamaan ang mukha ko eh." Oh diba walang sugat! Ang galing ko! Ang sakit lang ng katawan ko! Puro pasa na yata 'to!



"Wushu! Moments of love Argel!" Nang-asar pa yung ibang ka-tropa namin!



"Pakerz!" Kakahiya tuloy! "Sa school ko na lang kayo ililibre mga pare! Lumayas na kayo." At alam na kung bakit gusto ko silang pauwiin! Pampam kasi nila masyado!



"Argel..." Tapos nakangiti siya saakin.



"Bakit Raffy?"



"Hindi mo na ako tinatawag na babyloves... ibig bang sabihin nun, iba na ako sa mga babae mo?" Huwat!!! Oo nga! Napansin pala niya yun!


"Ha... ah... eh..." Potek, natatameme ako! Lalo pa nung niyakap ako ni Raffy, hindi na ako nakagalaw. "Idol tulong naman..." Bakit ako natotorpe ngayon! Watdapaker!



"Pffft..." At alam na din ni Idol ang gagawin niya. Kailangan ko muna ng ilang minuto ng pag-iisip. "Raffy, mabuti pa bumili muna tayo ng tubig at gamot para sa tukmol na yan. Mag-iisip pa yan, ayaw niyang makita mo siyang may gawing kakaiba."



"Ha?"



"Oo, tara na. Babalik din kami agad Argel."



"Sure! Take your time!"



At pag-alis nila, huminga ako ng malalim... saka ako sumigaw! "Wooooooooooooohoooooooo!!!" Magta-tumbling pa sana ako kaso... Aww! Ang sakit pa pala ng panga at katawan ko!



Erase na natin ang babyloves... dahil kumpirmado! Iba na 'to! Gusto ko sanang kiligin, pero wag muna! Ang sakit pa talaga ng katawan ko eh. At tsaka baka masaktuhan ni Raffy yun, mahirap na! Alam ko pa naman na sandali lang at babalik na sila agad!



"Anyway, bakit wala rin si Waine ngayon?" Bayaan mo na nga! Moment ko 'to eh. Gumawa siya ng sa kanya.



(*_*)

End of Special Chapter 6


>>>CHAPTER 34 HERE





2 comments:

  1. yes yes yes yes yes! nauna aq s special chptr d2! aba ate ambilis n ult ng updates! super love it!

    now nliwnagan na ang lhat 2ngkol kay eli at raffy... at si raffy kay argel!

    pero selos much aq! bigay mu n sken si waine ate!!!

    nakalabn na nila ang west at ngayon ay east!
    north na ang ksunod nian! i can feel it!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. there's no denying it sis.... north na nga ang kasunod na kalaban ng south! ;)

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^