Friday, January 20, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 31



CHAPTER 31
(SAMIRA ALMIREZ POV)





Madaling araw na nang umuwi na sina Waine at ang iba pa. Madaling araw na din, hindi pa ako natatapos maglinis. Kung itatanong niyo naman ang magaling na damulag, hayun sa sofa na natulog!




Gumugulo pa rin sa isip ko ang problemang dinadala ni Waine. Yan tuloy hindi ko naitanong sa kanya kung saan sila nag-entrance exam nina Eli. Next time na lang!




Mabilis na lumipas ang araw at natapos na ang bakasyon. Nagsimula na ang second semester sa Edinham at ang nakakalungkot, parang ang daming nagbago matapos ang birthday ni Waine.




“Badessa, bakit hindi ka na naman pumasok?” Kahapon yung first day ng klase, pero hindi ko alam kung bakit hindi pumasok si Byron! Pati ngayon, wala na naman siya!




“Bukas promise!” Kausap ko siya sa phone at ang mas nakakapagtaka ay…




“Bakit ganyan ka magsalita?” Hindi ako sanay nang hindi kami nag-uusap ng ka-alienan nitong si Byron eh. “Nanjan ba si Raffy?”




“Wala… may klase siya ngayon. At masama na bang magtagalog ha Samira? Pilipino naman ako ha!”




Nag-pout na lang ako. “Namimiss na kita badessa! Pumasok ka na nga!”




“Hoy wag mo na nga akong tawaging badessa, nakakasawa na.” May lagnat ba siya? Bakit nagkakaganito si Byron?




Sasagutin ko pa sana siya dahil baka lang kasi nag-iinarte lang, pero may narinig akong boses… boses ng babae!




“Byron, heto. Ano sa tingin mo?” Parang pamilyar yung boses! Parang boses ni Sheena. "Mas bagay yata 'to sayo."




“Teka, magkasama kayo ni Sheena!!!” Bakit sila nagbabonding ng bestfriend ko?




“Bye na muna Sam. Bukas papasok na ako, okay?”




“Wait lang bades…”




And he hung up the phone! After nung birthday party ni Waine, ito ang isang pagbabago! Hindi ko alam pero nabawasan na yung time namin ni Byron, samantalang madalas kaming mag-usap sa phone!




Tapos si Sheena, parang madalas niyang nakakasama. Hindi ko ma-gets kung anong nagiging takbo ng kwento nila… but I miss Byron!




“Oh bakit na naman daw absent ang kaibigan mo?”




“Nasa gimik.” Buti na lang kasama ko itong si Kian. Infairness sa kanya, may nakakasama ako ngayong kasisimula pa lang ng pasukan. And infairness ulit dahil magaling na ang mga sugat niya! Ang gwapo-gwapo ni Kian!




“Alam mo kung talagang may nangyaring ganyang scene sa party ng kaibigan mo, hindi malayong may something na nga sa babaeng yun at sa bestfriend mong si Byron.” Daldal ko noh! Nakwento ko na yun sa kanya! Kaming dalawa lang kasi nitong si Kian ang magkadaldalan! And to think na classmate ko siya sa lahat ng subjects ko!




“Kung ganun nga, bakit hindi niya saakin sinasabi.” Pero kung sa bagay, kung ako nga hindi ko rin naman sinasabi na kami na ni Eli!




“Ano ka ba naman! Eh nasabi mo nang ganun yung kaibigan mo diba. Tapos yung girl parang boyish pa! Malay mo may pinagdadaanang identity crisis, at silang dalawa lang ang makaka-resolve nun.”




I sighed. “May punto ka dun Kian. Pero hangga’t hindi ko pa nakakausap si Byron, hindi ko na muna iisipin yun.” And besides, meron akong way ako para malaman ang totoo eh! “At tsaka hindi ka pa niya nakikilala Kian! Kapag yun kinilig the moment na magkakilala kayo, ibig sabihin hindi identity crisis ang problema nun! May something else!”




Tinawanan niya ako at talaga namang pamatay ang ngiti ng lalaking ito! Hindi rin magtatagal at maraming makakapansin sa angking sex appeal at kagwapuhan ni Kian! Makikipagpustahan pa ako!




“Ang kulit-kulit mo Sam!” At ginulo pa niya ang buhok ko! Naks! Close na kasi kami!




(ಠ_ಠ)






After ng class, direcho uwi na ako agad. “Hindi pa umuuwi si Eli? Anong oras na ha!” Nakapatay pa kasi ang mga ilaw pagpasok ko ng bahay.




Isa pa yun sa mga weird na nangyayari! Madalas na gabi na kung umuwi si Eli! Ayokong isipin yung dahilang pumapasok sa isip ko, kasi malaki naman ang tiwala ko kay Junanax! “Pero kahit na!”




Tatawag lang ako para magtanong! Tapos ni-dial ko ang number niya… “Hello.”




“Sam?”




“Waine! Um… kasama mo ba ngayon si Eli?”




“Hah? Um... Kanina pa siya umuwi.”




“Ganun… eh si Argel kasama mo?” Magkapit-bahay lang kasi sila.




“Hindi din… ang alam ko may pinuntahan si kumag eh. Hindi ko alam kung saan.” So pwedeng magkasama sina Eli at Argel ngayon! Pero nasaan sila? “Bakit Sam, wala pa ba si Idol jan?”




“Wala eh.”




“Maggagabi na ha! Sinong kasama mo jan?”




“Wala…”




“Teka lang pupuntahan kita.”




Sasabihin ko sanang okay lang, wag na siyang pumunta! Kaso binabaan na ako agad ng phone ni Waine. Mga twenty minutes din, makakarating na siya.




“Bakit ba kasi si Waine ang tinawagan ko… pwede namang si Eli!” But then when I called his number, out-of-reach! “Nasaan na ba ang timongoloid na yun!”




After twenty minutes, hindi pa rin umuuwi si Eli. Pero si Waine, nandito na! Naabutan niya akong nagluluto ng dinner… “Hey.” Hindi ko pinahahalatang gumugulo sa isip ko yung madalas na pag-uwi ng late ni Eli. "Kumain ka na?"




“Tapos na... wala pa si Eli?”




“Wala pa… akala ko naman palagi kayong magkasama. Mag-iisang linggo nang late umuuwi si Eli eh.”




“Ah... Hindi ko naman siya nakakasama… pati din si Argel.”




“Ganun?” Ano kayong meron dun sa dalawa? Ano ba!!! Itatanong ko ba yung nasa isip ko? “Eh… si Raffy ba… um…”




“Pa-suspense naman! Ituloy mo na Sam!”




“After nung party, ito bang si Argel pumuporma na kay Raffy? Diba sabi mo crush ni Argel si Raffy.”




“Ah yun!!! Nakukwento nga saakin ni Argel! Magkatext nga daw sila minsan kaso itong si Raffy, may gusto na yatang iba.”




Sa pagkakakilala ko sa kakambal na yun ni Byron, pihikan yun sa lalaki! “Hindi kaya si… si Eli ang gusto niya?”




“Hah…? Si Idol?” Tapos napa-isip siya. “Pwede… lahat naman ng babae may gusto kay Idol eh.” Napakagat-labi na lang ako, at parang nasasaktan ako kahit hindi naman dapat! Kasi hindi pa naman sigurado yun! “Bakit Sam, nagseselos ka?”




“Hindi ah! Ay teka yung niluto ko!” Palusot! Dinahilan ko lang yun!




Pero parang hindi siya naniniwala dahil sa pang-asar niyang ngiti! Ang gwapo sana, kakabwiset lang eh! “Ma-issue ka Waine hah. Wag ka ngang ngumiti ng ganyan!”




“Bakit??? Ikaw Sam hah, konti na lang kaugali mo na talaga si Idol. Ang pikon!” Ah pikon ha! Binato ko siya ng asin at nasaktong na-shoot yun sa bibig niya! “Pweh!!! Ang alat!”




“Ahahaha!!! Sige mang-asar ka pa! Sa susunod paminta na ibabato ko sayo!”




“Weh ang sadista na din!” Tapos naghugas siya ng kamay, pero langya! May hidden agenda pala! Winisikan niya lang ako ng tubig bilang ganti!




“Uwaaaaaaahhh!!! Waine!!!” Sapul ang make-up ko!




Sakto tapos na yung niluluto ko. Kaya kumuha ako ng isang tabo ng tubig at ginantihan siya.




“Sam naman!!!” At sapul ang pantalon niya! Ahahaha!!! Para lang siyang naka-wiwi! “Wisik lang yung ginawa ko, grabe naman ang ganti mo!”




Masarap ding kakulitan itong si Waine, so nagbasaan lang kami sa kusina! Kahit madalas ko na siyang nakakabonding, ngayon lang namin nagawa itong ganito!




Nung basang-basa na kami pareho at pati yung kusina kung saan kami nagwater fight, “Hala parang binaha na dito! Ang kulit mo kasi!”




“Anong kulit! Ikaw ang nauna!”




“Lagot tayo kay Eli kapag naabutan niyang parang binaha na ‘tong kusina!”




“Hala oo nga! Dali nasaan yung map niyo!!!” At nagkadarapa kaming punasan yung sahig. Ang kaso, hindi pa pala tapos sa ganti si Waine! May pahabol siyang tubig at binuhos saakin nung nakatalikod na ako




“Waine!!! Ang lamig!!! Bakit yung galing sa ref yung ginamit mo!”




“Peace na! Last na yun. Hehe, ito na magpupunas na ako!” Tinignan ko pa rin siya ng masama. “Promise peace na nga!”




“Inulan ba dito sa loob?”




“ELI?” Nagulantang naman kami pareho ni Waine dahil sa boses ni Eli. Kaso mas nagulat ako sa kasunod na dumating!




“Ay bakit basang-basa?”




“Raffy?”




“Hi Sam!”




“A… anong ginagawa mo dito?”




“Uy Waine! Nandito ka din pala.” At si Argel pala, kasama din nila!




“O Argel, kasama mo pala si Idol?”




“Linisan niyo yang ginawa niyo ha!” Pasigaw na sinabi ni Eli and without explaining, umakyat na siya agad sa kwarto.






(ݓ_ݓ)






Natapos na naming punasan ni Waine yung kusina. Nagpatuyo na ako agad at si Waine naman, nanghiram ng tuyong damit kay Eli.




Hindi naman na din kumain sina Eli dahil tapos na pala silang mag-dinner sa bahay daw nina Raffy. Ang tanong, anong ginagawa nila doon?




“They’re dating.”




“Si Byron at Sheena?”




“Yeah… and don’t tell kuya Byron that I told you. Ayaw pa niya kasing ipaalam. Nahihiya pa yata!”




“Eh… anong ginagawa nila Argel at Eli sa bahay niyo?”




“Hah?” Napayuko si Raffy.




Samantala, may sariling usapan sina Eli, Waine at Argel. Parang napaka-importante ng usapan dahil ang seryoso ng mukha ni Eli… at hindi siya tumitingin saakin. Galit yata dahil sa naabutan niya?




“Sam… wag kang magugulat sa sasabihin ko hah.”




“Bakit ano ba yun?”




“I need your nephew-in-law this time.”




“Bakit?” Napasimangot ako… please wag naman sana yung katulad ng iniisip ko yung sasabihin ni Raffy!!!




“Kasi…”




Sasabihin na sana ni Raffy, kaso sumingit na yung tatlo. “Raffy. Ang mabuti pa umuwi ka na. Ihahatid ka na lang nina Argel at Waine.” At nag-smile si Raffy kay Eli at nag-hug pa sila sa harapan ko.




“Okay… uwi na ako Sam ha.”




“Text-text na lang.”




“Yep! Bye Eli!”




Hindi ko alam kung anong nangyayari! Pero may kakaiba sa tinginan nila! At parang may alam na din si Waine, kaya hindi na siya makatingin saakin nung tumingin ako sa kanya.




Pag-alis nila… “Ano yun? Bakit may ganun with Raffy?”




“Another none of your business, Sam.” Tapos tinalikuran niya ako. “Magpapahinga na ako.”




“Eli! Ano bang tinatago niyo hah?”




“Wag ka na ngang makulit, wala ako sa mood mag-kwento ngayon, okay?”




“Alam mo bang may gusto si Argel kay Raffy?”




Pagkasabi ko nun, nagbago bigla yung reaction ni Eli. “What?” Para siyang galit sa tono ng boses niya.




“Oh bakit nagulat ka? Hindi mo alam?”




“So ano naman kung gusto ni Argel si Raffy? Ano namang ibig sabihin nun? Bakit nangungulit ka masyado?”




“Kasi may tinatago ka. Meron kayong hindi sinasabi saakin! And I want to know what it is!”




“Why the hell do you have to know everything!!!”




“Kasi kapatid ng bestfriend ko si Raffy and you are my boyfriend, pero may secret kayo na hindi ko alam!” There I said it!




Natahimik kami pareho at halata pa rin sa mukha ni Eli na wala talaga siyang balak sabihin saakin kung ano nga yung tinatago nila.




“I’m never a fan of secrets…” Siguro dahil sa galit, o sama ng loob, o lungkot kaya parang feeling ko naluluha na ako. “…so bakit kayo nagpupunta sa bahay ni Raffy?” At ayokong umiyak dahil hindi ko maintindihan yung dahilan. “Bakit ka nagpupunta sa kanila nang hindi ko alam?”




Umiwas lang ng tingin si Eli, at bago pa man tumulo ang mga luha sa mata ko, nauna na akong umakyat papuntang sa kwarto.




Una kay Byron, at ngayon dinagdagagn ni Eli! Bakit parang nalalayo na saakin yung mg ataong importante sa buhay ko! All this time pa, akala ko nagalit o nagselos si Eli dahil naabutan niya kami ni Waine kanina... mali pala ako.





(¬  ¬)

End of Chapter 31








7 comments:

  1. Gagu ka Eli... babangasan kita jan eh!!!
    langya ka talaga Eli..naiinis ako sayo!!!!
    basta naiinis ako sayo... Bakit ba parang niloloko mo na si Sam????
    Tadu ka Eli....ggrrrrr,....

    ReplyDelete
    Replies
    1. inhale exhale... kalma lang naman espren, ang puso! ahahaha...

      Delete
  2. khit kinilig aq sa paglalaro nla ni waine, nde q pa din mttnggap ang pagpapaiyak ni eli kay sam at saakin! naiyk tlga aq sa chapter na 2 miz aegyo! i want d next update!

    -anew_beh

    ReplyDelete
    Replies
    1. wew anew... nako, baka lalo kang mapaiyak sa next update kaya nga kalmahin mo muna ang sarili mo at paghandaan ang next chapter... LMAO. eli-byu sis!

      ipagmoment ko lang talaga si waine dahil siya ang walang lovelife... ahaha.

      Delete
  3. eli! y are u like that! hay naku kay waine ka na nga lang sam! tutal kinilig ako kay waine sa chapter na ito!

    at si eli, sakin na lang. haha! pero paparusahan ko siya ng malupet!

    ReplyDelete
    Replies
    1. may hidden agenda pala kay eli! hahaha!!!

      Delete
  4. nsan na ang kasunod? ang tgal!!!!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^