Kilala ng lahat, habulin ng babae, captain ng basketball team ng school, mabait at matalino; ano pa bang hahanapin mo sa isag tulad ko? Mukang nasa akin na ang lahat diba, pero hindi, may kulang pa rin. Ok lang naman sa akin kung hindi ako sikat sa school, captain ball at habulin ng babae, basta ba kasama ko yung taong mahal ko. Its been ten years mula nung huli ko syang makita, kamusta na kaya sya? Naaalala pa kaya nya ako? Sino yung babae na sinasabi ko? Sya lang naman ang first love ko, ang true love ko, at ang forever love ko!
Sya nga pala, I’m Ryuji Francisco, Fourth Year College taking up Civil Engineering. I have a lot of friends here at the University, which is hindi naman nakakapagtaka dahil nga kilala ako sa buong school. May constant friends ako, classmate ko rin sila and they are Randy, Johnny, Geneva , Susie, and of course my bestfriend Clint. Sila ang madalas kong kasama kapag may gimik o projects. Hindi naman sa pagyayabang pero lahat kami may taglay na talino.
Kapag ganito na naaalala ko ang kababata ko, dito mo ako dapat puntahan, sa rooftop ng Engineering Building . Dito ko lahat inaalala yung mga moments na magkasama kami, masaya, yung tipong parang hindi na talaga kami maghihiwalay. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit naisipan ng parents nya na lumipat, kahit sya hindi rin nya alam.
Ryuji: haaay!!! Kamusta na kaya sya? Nasaan na kaya sila ngayon? Ano na kayang itchura nya? Sigurado ako ang ganda-ganda nya, at malamang marami ring manliligaw ang babaeng yon!!!
Napalingon ako dun sa katapat ng building namin, yung Architecture Building . May nakita ako na babae, papalapit dun sa gutter, sa rooftop din. Taraklis na babae to, balak ban yang magpa-tiwakal? Tingin ba nya mamamatay sya kung jan sya tatalon? Bibigyan pa nya ng problema ang school pag nagkataon. Lumapit ako dun sa dulo ng rooftop namin para malaman ko kung magpapakamatay ba talaga yung babae.
Girl: kung tatalon kaya ako dito, mamamatay ako o mababalian lang ng buto?
Nasisiraan na nga yata talaga ang ulo ang isang toh. Kukuha ng mahirap na course tapos kapag hindi kaya magpapakamatay na lang! Teka lang, hindi yata kayang dalhin ng kunsensya ko na may makikita akong magpapakamatay. Sorry but I have to do this!
Ryuji: Miss wag kang magpapakamatay! Maraming tao ang gusto pang mabuhay ng matagal, samantalang ikaw magpapakamatay ka!!! Sandali lang, wag kang aalis jan sa kinatatayuan mo!!!
ay ryuji! soulmate ba kita? my names is ruijin nga pala! ahahaha!!! korean name ko lang pala yun! ahaha... sis, ano ba, bigay mo na ang title nito at magawan ko na talaga ng page sa story list natin! >_____<
ReplyDeletehow soon? coming soon na po ba ang title ng story na ito! update mo na po!
ReplyDeleteIsipin ko muna kung anong title nya..haha...wala pa kasi akong maisip eh...hehe...
ReplyDeleteryuji! wahhhhh!!! cant wait for this story! update na miz queen!
ReplyDelete-anew_beh