Wednesday, April 4, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 50

CHAPTER 50
(SAMIRA ALMIREZ POV)



Nakakabinge. Nakakatakot. Nakakapanlumo.



Parang naging slow-mo yung pangyayari matapos naming magulat sa malakas na putok ng baril. Ni sa panaginip ko, hindi ko inakala na mangyayari at dadanasin namin ang ganito.





“Eli…” Nanginginig ang mga kamay ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Gusto kong maniwalang hindi totoo ang lahat ng ito.



“Eli…” Mas humigpit ang hawak niya sa braso ko. At hindi ko na napigilang umiyak ulit.



Napuno ang kamay ko ng dugo mula sa tama ng baril sa bandang likod ni Eli. “Hindi... ELI!!!”



“Walang gagalaw!!!” Natigil ang lahat sa banta ni Cyler.



Susubukan pa sana nung ibang taga-SGG na agawin ang baril mula sa kamay ni Cyler pero nagpaputok ulit ito at saka itinutok ang baril sa banda namin. “Sige subukan niyo lumapit. Papuputukan ko ulit sila!”



“Tumigil ka na! Tapos na ang lahat! Talo ka na!”



“Kung ayaw mong mamatay, ikaw ang tumahimik!!!”



“Ano pa bang gusto mo!!! Kulang pa ba ang pananakit mo saamin? Wala ka na bang takot sa Diyos? Bakit kailangang gawin mo ‘to!!!”



Hindi siya sumagot.



Kaya itinuon ko na lang ang buo kong atensyon kay Eli. Pinipilit kong pigilan ang pagdanak ng dugo mula sa tama niya sa likod.



“Cyler, tama na!” At humarang na si Kian.



“Umalis ka jan Kian. Hindi ka kasali dito.”



“Tumigil ka na! Hindi na tama ‘to! Sobra na ‘to! Gusto mo ba talagang pumatay ng tao ha?”



“Tumahimik ka!!!”



“Alam mo bang si Sam pala yung taong nagligtas sa kapatid mo?” Nagulat bigla si Cyler. “Nalaman ko kanina na si Sam yung nagpabugbog sa mga taga-East dati para lang iligtas si Kyle!”



“Imposible!”



“Malaki ang utang na loob mo sa kanya kaya please tumigil ka na Cyler.”



Habang nag-uusap sila, kinausap ko naman si Eli. “Eli, wag mo kong iiwan ha. Malalampasan din natin ‘to. Wag mo kong iiwan. You’ll be okay so stay with me…” Nakatingin lang siya saakin. Lumuluwag ang mahigpit niyang hawak sa braso ko kanina.



“Cyler, tama na.” Dahan-dahang lumapit si Kian patungo sa kaibigan niya. Delikado pero ang tapang ni Kian. “Amin na ang baril, sumuko ka na. Tigilan niyo na ‘to ng grupo mo.”



Napansin naming ibinababa na nga ni Cyler ang pagkakatutok ng baril saamin. Kaya nga akala namin tapos na… hindi pa pala.



“Lumayas ka jan Kian.”



“Cyler.”



“Layas sabi!!!”



“Tama na Cyler.”



“Wag mong hintayin na pati ikaw barilin ko!”



“Pero…”



“UMALIS KA JAN!!!”



At muling itinutok ni Cyler ang baril saaming dalawa ni Eli.



Then I saw Kian trying to fight back now. Pinilit  na niyang agawin yung baril mula sa mga kamay ni Cyler.



But it was too late dahil naiputok niya ito ulit. It was two gunshots this time on our direction. And because of my fear na si Eli ulit yung tamaan nung bala, I quickly covered him with my body.



Then I felt two bullets penetrated my body. I did this to save him.



I thought I was going to fall from the ground, pero nagawa pa akong hawakan ni Eli. Nakahiga na siya sa sahig samantalang nakapatong ako sa katawan niya. Now he did that to save me.



That exact moment parang wala na akong marinig sa buong paligid.



Parang puro puti na nga lang ang nakikita ko eh.



Napaubo pa ako dahil may lumabas nang dugo mula sa bibig ko.



Ang sakit-sakit.



Parang sinusunog.



Nanunuot hanggang buto yung hapdi.



“Sam…” At parang kaming dalawa na lang ni Eli ang narito ngayon. “Sam... can you hear me?”



Pinilit kong sagutin ang tanong niya. “Yes…” That one word habang pumapatak ang luha ko sa mukha ni Eli. Pag mas malapitan, makikita mo yung mga sugat at pasa sa mukha niya.



“Na… nasabi ko na bang… ikaw lang… ang babaeng minahal ko?”



“Oo… ma… maraming beses. Maraming beses na.”



Pinilit pa niyang ngumiti kaya ngumiti din ako.



“Ikaw? Nasabi ko na bang ikaw lang din… ikaw lang ang minahal ko.”



“Hindi pa yata…” At itinaas niya ang nanginginig niyang kamay para hawakan ang pisngi ko. “Sabihin mo nga… sabihin mo ngayon…” Parehong mahina ang boses namin. Halos bulong na lang pero nagkakaintindihan pa rin kami.



“Eli… ikaw lang… ikaw lang ang lalaking minahal ko ng ganito… at ikaw lang… walang ng ibang… papalit pa sayo.”



“I’m glad to hear that… dahil kung hindi… mababangasan kita.”



Natawa ako ng mahina pero naramdaman ko yung hapdi sa mga sugat ko. Basang-basa na kami pareho sa mga dugong hindi pa rin tumitigil sa pagdaloy.



“Pahinga ka na.”



“Ikaw din…”





I closed my eyes and I rested my lips on his lips. I wanted to kiss him just in case na hindi na ako makaabot pa ng buhay.




“Hand’s in air, now!!!”



웃❤유



Parang sandali ko lang namang ipinikit ang mga mata ko. Tapos pagmulat ko nakakarinig na ako ng mga wangwang ng pulis pati ng ambulansya.



Nakahiga na ako sa isang stretcher at may mga medics na nakapalibot saakin. “Si Eli…?”



Lumingon-lingon ako. Una kong nakita si Cyler na nakaposas at ipinapasok na sa sasakyan ng mga pulis. Nandun din si Kyle, umiiyak habang sumusunod lang sa kuya niya.



“Eli…?” Lumingon ulit ako at ayun na. Nakita ko na siya na nakahiga sa stretcher din. Wala siyang malay at naka-oxygen mask na.



Kaso hindi ko na siya natitigan pa dahil ipinasok na ako sa loob ng ambulansya. “Samira, talk to me. Ililigtas ka namin, just stay with us.” Sabi nung isang medic.



Parang lumabo ulit.



Nahihilo ako dahil nagpuputi lang ang paligid ko at parang umiikot ang lahat.



.



.



.



“She’s losing a lot of blood.”



“Don’t worry, malapit na tayo.”



“Sam…” Nasa tabi ko pala si Waine ngayon.



“Eli…”



“Nasa kabilang ambulansya si Idol.”



“Her blood pressure is dropping.” Saka nagtapat ng flashlight yung medic sa mga mata ko. “70 over 40.”



“Sam… please don’t die.”



.



.



.



Ang fast-forward lang ng lahat.



Naguguluhan ako sa nangyayari.



Nasa ospital na yata kami.



“Out of our way!!!”



“Careful.”



Nagsisigawan ang lahat.



“Hang in there Sam.”



Nasa ospital na nga kami…






Pero nasaan si Eli?



.



.



.



Hindi na ako makahinga. Nasaan na ba ako?



.



.



.



Si Eli? Nasaan na rin siya?



.



.



.



“Sam!!! Samira!!!” Si kuya Rico nandito na rin?



“Bawal na po dito.”



“Kapatid ko yung biktima.”



“Our doctors will do everything…”



.



.



.



“Idol!!!” Boses naman ni Argel yun.



Nandito na rin si Eli? Nasaan?



.



.



.



Gusto ko siyang makita for one last time bago ako mamatay.



Nasaan na ba siya?



.



.



.



“She’s going into a hypovolimic shock.”



.



.



.



Ang labo noh? Pero pagod na ako eh. Hindi ko mahanap si Eli.



“Clear!”



Yes it’s clear… because everything is just… white.





(◡_◡)




“Hmmm~” Nagising ako na nasa higaan ako sa loob ng kwarto ko dito sa bahay ni Eli. Pagbangon ko tumingin ako sa orasan ko… “Anong oras na ba?” Nakakapagtaka. Sira yung orasan ko. Hindi na umaandar.



Nagunat-unat na muna ako bago tumayo sa higaan ko.



Pagbukas ko sa pinto, kinatok ko na si Eli sa kwarto niya. Pero walang sumagot kaya pumasok ako sa loob. “Wala? Nasaan kaya yun?”



Hinanap ko siya sa isa pang kwarto. Tapos dun sa banyo. Tapos bumaba na ako at sinilip siya sa living room. Wala din!



“Eli!!!”



Wala rin siya sa dining room at wala rin naman sa kusina.



Nasaan na ba yun?



Parang kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko pa rin makita.



Ni-try ko nang lumabas pero kahit sa bakuran wala siya.



Dahil doon hindi ko na napigilang umiyak. Parang nakakaramdam ako ng sakit sa puso ko. Hindi ko maintindihan.



.



.



.



“Clear!”



.



.



.



Biglang isa-isang nag-flash sa isip ko yung ilang scenes sa buhay ko.



It wasn’t that long when I realize what happened to me and Eli.



The gunshot, the blood on that spot… the last kiss.



Tapos biglang nag-open yung gate ng bahay.



Napakaliwanag at alam niyo ba kung sinong nakita ko?



My parents na hindi ko man lang nakapiling… pati na rin si Rinoa!



Nakakabighani yung liwanag kaya hindi ko na napigilan pang ihakbang ang mga paa ko at lumapit dun sa liwanag.



Parang tinatawag na din kasi ako eh.



At mukha namang masaya dun.



Isang hakbang na lang at makakalabas na ako sa bahay ni Eli.



Isang hakbang at dun na ako sa napakagandang liwanag.



Isang hakbang…





.






.






.






.






.




Na hindi ko nagawa.



Kasi…



Narinig ko boses niya.



“Wag Sam!”



Paglingon ko, “Eli?”



“Hindi ka pa pwedeng umalis!” Isinigaw niya.



“Eli!!!” At laking tuwa ko kaya napatakbo ako pabalik para yakapin siya. “Kanina pa kita hinahanap eh! Akala ko may masama nang nangyari sayo! Saan ka ba kanina nung hinahanap kita? Nagtatago ka noh?”



Nakatitig lang siya sa mukha ko, sabay pitik sa noo ko.



“ARAY!!!” Pati ba naman dito pipitikin niya noo ko? Wala talagang patawad ‘tong lalaking ‘to!



“Ano ka ba ha? Bakit tatawid ka doon? Hindi mo na inisip yung mga taong nagmamahal sayo! Paano na si Kuya Rico mo at tsaka mommy ko? Paano na yung magiging anak nila, mawawalan na ng auntie? Paano na si Byron, mawawalan na ng bestfriend! Paano na sina Waine, Argel, Sheena at Raffy? Mababawasan ang barkada! Ikaw talaga! Hindi ka pa pwedeng umalis!”



“Eh ang ganda kasi dun.”



“Maganda nga pero hindi ka pa pwede dun! Hindi mo pa oras.”



“Ah speaking of oras. Alam mo ba kung anong oras na? Sira yung orasan ko eh.”



“Hindi ko rin alam. Pero oras na siguro para halikan mo ako.”



“Bakit biglang ganun? Ang manyak mo!”



“Ayaw mo? Eh di wag!”



“Sa isang kundisyon.”



“Ang arte naman! May kundisyon pa! Ano ba yun?”



“Face-recognition! Kahit pa maganda yung password na naisip mo, gusto ko pa rin ng face-recognition sa next time na papasok ako sa bahay mo.”



“Yun lang ba? Okay sige na!”



Sandali kaming magkatitigan. We’re only looking at each other’s faces. Tapos tumingkayad ako para halikan na siya. And it wasn’t that long when that simple kiss turned into our favorite kiss.



The soul kiss.






Signature namin yun eh! Biruin mo kahit dito naganap ang soul kiss! Ayiiiieeeehhh!!! Nakakakilig lang!!!



After the kiss he hugged me so tightly. Then he smiled like he was the happiest man on earth. Syempre naman, ikaw ba magka-girlfriend na tulad ko! Ahihihihi! Ang kapal ko lang.



“Oy! I love you ha! Tandaan mo yan.”



“I know it already! Pero ang mabuti pa magluluto na ako! Hindi tayo nakapag-dinner diba? Alam ko gutom ka na!”



Excited na akong naunang pumasok pabalik ng bahay, pero parang may mali.



Bakit hindi sumunod si Eli? Wala siya sa likod ko eh. “Eli?”



Paglabas ko ulit, napako na ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.



Nakita ko si Eli na nandun na sa gate.



“HOY!!! Bawal nga jan diba!?! Eli!!!”



Lumingon lang siya saakin nung marinig ang boses ko.



He just smiled and waved his hand.



I know this is just a dream… but… but why do I get this feeling na… “No… no Eli…”



I panicked! “No… no, don't take him!!!”



Pero hindi ko na siya nahabol dahil agad na siyang isinama nung puting liwanag na sinasabi ko.



“No Eli!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”



( ÏŒ_ὸ )

End of Chapter 50





(A/N: Wow!!! Hindi pa rin ako makapaniwala na dumating na nga ang araw na ‘to. Yes folks, this is the FINAL CHAPTERPero hindi pa tapos ha! Epilogue na kasunod. 


Abangan niyo ang shocking ending! Ang most heartbreaking... err... heart-stopping ending pala.


Basta whatever happens, sinunod ko lang yung original plot na naisip ko simula pa nung umpisa. Kung maraming comment dito sa blog at sa PF, mapapabilis ang pagbabasa niyo ng ending. Wag kayong magdamot ng suporta!


And a piece of advice, just keep on reading until I say IT'S DONE!)


8 comments:

  1. waaahhhhh !!! mamamatay na yata ako sa nerbyos !!!! mygulay !!! wag kang papasok eLi !! sabi nga ni avril lavigne keep holding on daw,, wag kang mawawala ... magpapakamatay ako !! hahaha ang OA lang.. akala ko pa naman eto na talaga ang katapusan .. may epilogue pa YEHEY !!! next na !!

    ReplyDelete
  2. ako na una nagcomment yiiiieeehh ang saya ,!!

    ReplyDelete
  3. tearjerker ka!
    bakit naman ganito????????
    i don't want eli to go to that light!
    wag mo siyang patayin aegyo! please naman!
    naiiyak na ako!
    lumuluha na nga ako nung nag-uusap sila.
    grabe, heart-stopping na 'to!
    pano pa kaya yung epilogue!
    next na agad!

    ReplyDelete
  4. wwwaaaaaahhhhhh, hindi!!! hindi pwedeng mamatay si idol.. hindi pwede! :(( kinakabahan ako, naiiyak na ko pero mas nadadaig ng kaba, ng lungkot.. no.. no way, hindi pwedeng malungkot ang ending nito.. hindi pwede.. hindi talaga!!! hindi pwede, bakit hindi na lang yung cyler yung mamatay? kainis.. :(( huhuhuhuh... wwwwaaaaahhhh...

    ReplyDelete
  5. nde n aq humihinga hbng binbsa 2! bsa n agd ang panyo q nung umpisa p lng.

    ikaw lng din ang minhal q eli!

    ung part dun s ospital, ahhhhhhhhha! nde q maexplain ang kba at sadness!!!!!!!

    dinagdag p ung dream ni sam! anong ibig sbihin nun??????? wag nmn sna mmtat c eli! ate aegyo, nagmamakaawa aq sau buhayin mu c eli! ikmmtay q! kktakot n mangyyri!!!!

    epilogue, here it comes! sna upd8 n agd!

    ReplyDelete
  6. grabeh naiyak ako dun ah,,,huhuhu...naku huwag naman mawala isa kena eli at sam,,,huwag!!! lumaban kayo hangang huli eli at sam,,huwag kayo sususko...lumaban kayo....

    ReplyDelete
  7. grabe tlaga naiyak ako....naku huwag naman may mawala kena eli at sam...huwag! Huwag kayo susuko, lumaban kayo!!! lumaban kayo...huhuhu,,,basta lumaban kayo!!!

    Grabe ka sis,,,bukas bukas talaga isa kana sa mga author na kikilalanin ng lahat...promise!!!

    ReplyDelete
  8. e2 n ang mtgal q nng inaabngan e! at isa n din ang kinttkutan q!
    bkit nmn ganun ang end n2??? kktkot lng! ioko mei mangyring msama kei eli!
    cguro mrrmadamn q rin ang sakt for sam ksi feeling q aku n xah!

    wag kng bibitw eli! don't leave sam and dont leave us!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^