Friday, March 2, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 42

A/N: Let me dedicate this chapter for Josensen! Happy Birthday sis! Kung hindi mo pa ako ni-message sa PF about this, hindi ko pa sana isusulat itong chapter na 'to eh. Haha! Nagmadali talaga ako! Haha!  Enjoy reading! ^__^

CHAPTER 42
(ELEAZER PASCUAL POV)



“Pascual, Eleazer. Pascual, Eleazer!”



“Hoy Idol!”



“Tinatawag na pangalan mo.”



“Ha?” Napatingin ako bigla sa pagsiko ni Waine. Naga-attendance pala si Sir Kulot. “Ay present ako Sir Kulot!”





“Anong tawag mo saakin Mr. Pascual?”



“Sir Kulot. May angal kayo Sir?” Tinitigan ako ng masama ng adviser namin. Pero hindi naman ‘to papalag saakin kasi nga tatay ko may-ari nitong school.



Wala kami sa loob ng classroom ha. Tapos kanina pa nag-uwian. Nagpa-practice lang yung mga 3rd at 4th year dito sa corridor para sa JS prom ngayong darating na February. Buset nga eh, ayoko ng mga ganito. “Uy Idol, kanina ka pa absent-minded ha. May LQ ba?”



“Wala. Masama na bang mag-isip?”



“Na-invite mo na ba si Sam para sa prom?”



“Hindi pa. Bakit ko siya i-invite?”



“Eh kasi girlfriend mo siya. Kung gusto mo ako na lang aaya sa kanya, tutal wala akong partner. Hindi naman pwedeng pabalikin ulit si Sunmi dito diba?”



“Kutos, gusto mo? Hindi ako aatend sa prom noh!” Tapos naupo na lang ako. “Pero takte lang kasi mga pare.”



“Sabi na may problema eh.”



“Bakit ba idol? Totoong LQ na ba?”



“Buti nga sana kung LQ! At least nag-uusap kami nung babaeng yun. Eh ngayon, busy siya sa foundation week daw nila. Bihira ko na siyang nakikita sa bahay. Kung uuwi pa sa gabi, pagod naman! Hindi na ako pinapansin! Nakaka-bwiset, magda-dalawang linggo nang ganun! Ampupu pa nun, kasama niyang nagtatrabaho si Kian.”



“Ha? Sinong Kian?”



“Yung butiking parang may crush kay Sam.”



“Ay patay tayo jan!” Napabuntong-hininga na lang ako.



“Pero Idol, mahina ka na ba ngayon ha?”



“Harap mo saakin mukha mo tapos susuntukin kita. Saka mo sabihin kung mahina ba.”



“Hindi yun ang ibig kong sabihin Idol. Ayokong magpabugbog ha. Ang sinasabi ko lang, eh di puntahan mo si Sam sa Edinham.”



“Oo nga! Tapos tumulong ka sa kanya. Pwede ka namang mag-skip ng practice para sa prom kung hindi ka naman pala sasali.”



Napatingin ako sa kanila tapos natawa na lang ako. “Minsan ang talino niyo rin noh.” Tapos  pinalo ko sila ng tag-isa sa mga likod nila.



“Araaaaay!!! Pwede namang idaan na lang sa thank you ha!!!”



“Thank you mga pare.” Tapos umalis na ako sa grupo kaya napansin ako ni Sir Kulot na naglalakad na ako paalis.



“Hoy Eleazer Pascual! Saan ka pupunta!”



“Uuwi na. Oras na naman na ng uwian eh.”



“Magsisimula pa lang yung practice niyo.”



“Hindi naman ako sasali sa prom eh, bakit ako magpa-practice?” Saka ako dumirecho sa gate at nagtuluy-tuloy nang umalis.




*     *     *
(SAMIRA ALMIREZ POV)



Ohmaygawd! Bukas na yung start ng foundation week, pero marami pa akong hindi natatapos. “Saan ko ‘to ilalagay Sam?”



“Jan na lang sa gilid. Ako na bahala jan Kian, tapusin mo na lang yung sayo. Salamat!”



“Sure ka?”



“Oo.” Tapos nginitian ko na lang siya. Mas busy ako sa kanila kasi dalawang designs ko ang nakasama para sa showroom namin.



“Busy masyado ha. In demand kasi designs mo eh.”



“Hay naku, kung alam mo lang kung gaano nakakapagod Kian! Naisip ko nga, sana pala hindi dalawang design yung napili eh.”



“Ano ka ba! Okay lang yan Sammy, matatapos mo din yan.” Sabay akbay siya saakin. Wala namang halong malisya pero... “Tulungan na lang kita kasi patapos na rin naman ako eh.”



“Ah…” Si Eli lang ang tumatawag saakin ng Sammy. Na-concious tuloy ako bigla! Buti na lang…




*ring… ring…*




“Hello… Eli? Bakit? Anong ginagawa mo sa labas ng gate? Umuwi ka na lang, dun na sa bahay. Hello… hello!!!” Aish! Binabaan ako ng mokong! Bakit kaya siya nandito? Aalis na sana ako pero…



“Oh saan ka pupunta? Bibili ka ba sa labas? Sama na ako!”



“Hindi… ano… yung pamangkin ko kasi. Nasa labas.”



“Si Eleazer?”



“Oo eh. Sige ha, mauna na ako.” At tinakbuan ko na siya agad para hindi niya kami makita ni Eli na magkasama. Diba nga, nagseselos sa kanya si Eli.




(ಠ_ಠ)




Pagdating ko na sa may gate… may kumpol na mga babae na sa labas. Parang may pinagkakaguluhan. At pagsilip ko naman…



“Yow!” Ano??? Si Eli na isang hamak na highschool pa lamang ang pinagpapantasyahan na mga haliparot kong college schoolmates? What the heck! Naka-school uniform pa siya! Ang gwapo lang niya tignan! Hinayupak na yan!



“Anong ginagawa mo dito? Dun ka na sa bahay! Busy pa ako sa showroom namin eh!”



“Wala akong magawa sa bahay eh. Patambay na lang dito.”



“Tambay ka jan? Nasaan ba sina Argel at Waine? Sila dapat kasama mo.”



“Nasa school, nagpa-practice para sa prom.” Prom??? Oo nga pala, may highschool JS prom pala noh.



“Anyway, bakit hindi ka mag-practice? Tamad ka talaga!”



“Hindi naman ako sasali sa prom. Tara na sa showroom niyo, ayoko dito sa labas. Mga baliw yata schoolmates mo eh.” Okay lang ba siya, eh di mas lalo siyang pinagkaguluhan dun sa loob.



“Hindi pwede! Umuwi ka na!”



“Ayaw.”



“Uwi!”



“Ayaw.”



“UWI SABI!!!”



“AYAW SABI!!!”



Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Tukmolito talaga ‘tong si Eli, pang-agaw attention! “Tara na nga sa loob!!! Kapag ako ginulo mo, papalayasin talaga kita.”



“Kung kaya mo.” Tapos binelatan niya lang ako at nauna pa siyang pumasok saakin sa loob.



So ayun, wala rin akong nagawa kundi dalhin siya dun sa showroom.



“Uwaaah, Eli! You’re here again!”



“Pwede na akong mamatay! Oh please pakisalo ako!”



“Sige pakamatay ka na jan para mabawasan kaagaw namin.”



“Sino ba kayo?” Umandar na naman ang kasungitan niya. Akala mo pati ‘tong Edinham, teritoryo niya!



“Sila yung mga ka-group ko nung photoshoot. Nakalimutan mo na?”



“Ahh…” Tapos uupo sana siya dun sa isang upuan pero pinigilan ko siya…



“Wooops!!! Bawal umupo jan!!!”



“Bakit eh kanina pa ako nakatayo eh.” Kasi naman sino bang may sabing abangan at hintayin niya ako sa may gate!



“Kasi po furniture ng iba yan para sa design nila! Baka magulo mo yung ayos!”



“Ano naman, eh upuan yan. Ang upuan, dapat inuupuan.”



“Sige mamilosopo ka! Pauuwiin kita.”



“Hay naku, dun ka na lang saamin kesa jan sa masungit mong Auntie. Yung furniture ko, pwede mong upuan! Hehe.”



“Heh! Tumigil nga kayo jan! Hindi niyo pa nga tapos yung sa inyo eh.” Tapos hinila ko na si Eli papunta dun sa pwesto ko.



At least dun sa pwesto ko, medyo tahimik, walang masyadong tao kasi hinarangan ko talaga. At higit sa lahat, wala yung malalandi kong classmates! “Dito. Dito tayo.” Para solo ko lang rin siya! Hwahaha!



“Design mo ‘to pareho?”



“Yep! Tapos na yang nasa kanan.” Tapos pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko. “Wag mong pakikialaman yung mga gamit jan ha!”



“Saan ako uupo?”



“Sa sahig. Bawal jan sa couch.”



“Psh!” Umupo na lang din siya sa sahig tapos yun na, nanahimik na kami pareho. Tinatapos ko pa kasing pinturan yung dingding ko para dito sa isa kong design. Eh masyadong intricate yung design kaya kailangan kong mag-concentrate. “Gusto mo ng tulong?”



“Okay lang ako Eli, basta wag ka na lang magulo jan ha.” Tahimik na lang ulit siya at pagtingin ko sa kanya, halatang nabuburyo siya dahil wala siyang ginagawa. “Alam mo kung nabo-bore ka, uwi ka na lang.”



“Ayoko, mas boring dun kasi wala akong maasar dun.” Pinturahan ko mukha nito eh! “Dito na lang ako, at least mababantayan kita.”



“Babantayan? Bakit?”



“Sa mga taong katulad nun oh!” Tapos may nginuso siya at tinignan pa niya ng masama. Si Kian pala, paparating na.



“Hello! Nandito ka na pala Eleazer!!!” Wala lang. Walang hello o kahit ngiti man lang, hindi siya binati ni Eli.



“Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang dapat tapusin?”



“Meron, pero chini-check ko lang si Sam.”



“Ano siya pasyente?”



“Hindi…” Sige lang Kian. Parang awa mo na, habaan mo lang pasensya mo sa timonger na yan. “Baka lang kasi kailangan niya tulong ko.”



“Oh ngayong nakita mo nang nandito ako, hindi na niya kailangan ng tulong. Alis ka na lang, nakaka-distract ka sa kanya eh.”



Pagkasabi ni Eli nun, parang nagbago na yung itsura ni Kian. Yung ngiti niya biglang nawala.


“Alam mo kung hindi ko lang alam na step-auntie mo si Sam…” Bigla akong kinabahan sa tinginan nilang dalawa. Pareho na kasing seryoso ang mukha nila. “… iisipin kong may gusto ka sa kanya at nagseselos ka.”



At ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ni Eli pero agad din naman niya itong binaba kasi sobrang nakakatakot yung tingin ni Eli. “Sige Sam! Hindi na ako manggugulo ha.” Buti na lang marunong mag-control itong si Kian. At pasalamat na rin na mas matanda at mas mature siya kay Eli.




Hindi na rin ako nakasagot dahil umalis na rin siya agad.




(≧≦)



“Alam mo, ang lala na rin talaga ng sayad mo ha. Wala namang ginagawa yung tao sayo lagi mong sinusungitan! Parang lagi kang naghahanap ng away. Pasalamat ka hindi ka pinapatulan nung tao.”



“Pasalamat siya dahil bugbog-sarado siya saakin kapag ako pinatulan niya.” Ang hirap makipag-talo sa isip-bata!



“Sumasakit ulo ko sayo! Bahala ka na nga sa buhay mo!” Ilang gabi na rin kasi akong walang matinong tulog! Isama mo pa yung pressure na matapos ko na ito dahil bukas na yung foundation day.



Tapos may dumating na naman, si Byron. “Beb!!! O… Eli-byu, nandito ka rin pala!”



“Oo… um… ano? Nabili mo ba yung dalawang statue?” Umalis kasi si Byron para bumili ng ilang gamit para sa design niya. Kaya yun, pinaki-usapan ko na lang siya para bilhin yung mga kailangan ko.



“Oo, pero black lang yung natira sa kanila. Binilhan na lang kita ng gold paint para mapinturahan mo na lang.”



“Ay… ganun. Sige okay na yan. Matutuyo naman siguro yan hanggang bukas eh. Thanks beb! Muah!”



“Need help?”



“Okay na beb. Tapusin mo na lang yung design mo. Kaya ko na dito.”



“Oh sige, Eli-byu! Una na ako ha!” Tinanguan lang siya ni Eli saka umalis si Byron. Busy nga kaming lahat.



Tapos tinignan ko yung dalawang statue ko na 4 feet ang taas. Mamaya ko na lang ‘to gagawin, tatapusin ko na lang muna ‘tong dingding ko.



“Ipi-paint ba ‘to? Gusto mo ako na?”



Napatingin ako kay Eli. Sigurado ba siya? Siya nago-offer ng tulong ng walang hinihinging kapalit? “Sure ka? Naka-uniform ka, baka mapinturahan yan.”



“Problema ba yun?” Ibinaba niya yung body bag niya saka nagtanggal ng uniform niya… so… ano… um… naka-sando na lang siya… kita na yung ano… maganda at pang-model niyang katawan! “Wag mo na akong titigan, baka matunaw ako niyan!”



“Heh!” Tapos tinalikuran ko na lang siya para si pareng dingding na lang ang matitigan ko! Ano ba yan! Para akong tangang nata-touch sa ginagawa ni Eli! Kinikilig pa ako kasi ang gwapo niya!



Ano ba naman yan Sam! Hanggang ngayon ba, hindi ka pa rin nasasanay sa angking sex appeal ng Eli na yan! Stop!!! Uwaaahhh!!! Tigilan mo ako! Wala pa akong time para kiligin ngayon!



Anyway, hindi ko na lang pinansin si Eli para wala nang problema. Seryoso naman siya sa pagpipintura nung statue. Ang tahimik namin masyado, pwera lang si heartbeat ko.



Nabasag lang ang katahimikan pero mas lalo ding nagwala si heart nung marinig ko na lang bigla yung boses ni Eli.



“I'm like a statue, stuck staring right at you,
Got me frozen in my tracks.
So amazed how you take me back,
Each and everytime our love collapsed.”



Teka, ano na naman yung kinakanta niya?



“Statue, stuck staring right at you,
So when I'm lost for words,
Everytime I disappoint you,
It's just cause I can't believe…”



Sakto nung nilingon ko siya, nakatingin pala siya saakin habang pinipinturahan yung statue.



“That you're so beautiful.
Don't wanna lose you, no.”



Bigla akong napangiti, lalo pa nung kinindatan niya ako. I'm so beautiful daw! Ayiieh~ “Feeling mo naman hinaharana kita?”



Weh! panira ng moment! Inirapan ko siya pagkasabi niya nun kaya tinalikuran ko siya ulit. Pero narinig kong tumawa siya tapos may kinuha siya sa bag niya. Maya-maya, may ni-play siya dun at yun yung kinakanta niya kanina.





Infairness, bigla tuloy akong na-inspire sa background music namin. “Isa yun sa mga kanta na gagamitin para sa prom ng school namin this February.”



“Wow! Ang ganda! Alam mo nung highschool ako noon, hindi ako nakapag-prom nun eh. Nagka-bulutong kasi ako nun kaya hindi ako nakasali.”



“Ganun? Kawawa ka naman.”



“Sinabi mo pa! Sobrang inggit pa ako sa mga kaklase ko nun lalo pa nung kinukwento nila yung tungkol sa mga nakasayaw nila nung prom na. How I wish nakasayaw din ako nung cotillion.” Highschool memories! Ang prom lang talaga ang talagang pinanghihinayangan ko!




*     *     *



Dahil sa tulong ni Eli, natapos ko na rin yugn dalawang room designs ko! Hindi na rin naman kami nagtagal pa sa school kasi alas-ocho na ng gabi. Makakahinga na ako ng malalim at sa wakas, makakapagpahinga na ulit ako! Wala nang po-problemahin para sa foundation.



Pero dala na rin ng pagod, kahit paglakad, nahihirapan ako.



“Ang bagal mo naman!”



“Pwede bang mag-tricycle na lang tayo? Kanina pa ako nangangawit sa pagtayo eh. Hindi ko na yata kayang maglakad.”



“Yan kasi! Grabe ka kung magpagod. Tumayo ka dun sa bench.”



“Ha? Ano namang kunek nun Eli? Pagod na nga ako, promise!”



“Basta tumayo ka na sa bench, dali!”



Kapag ako pinagtitripan niya, bibigwasan ko talaga siya! “Oh ito na! Nakatayo na ako… tapos?”



“Yan! Sayaw ka na ng Teach Me How to Dougie.”



ELI NAMAN EH!!!”



“Joke lang!” Bigla na lang niyang hinawakan yung dalawa kong kamay tapos hinila papalapit sa balikat niya. “Kumapit ka.” Tapos yun, binuhat niya ako sa likod niya.



Ito talagang Eli-byu na ‘to! Bago maging sweet, idadaan muna sa kalokohan!  Pero in all fairness, ang laki ng tulong saakin ni Eli ngayon ha! At ito pa ang off-topic jan, ang bango ng batok at buhok niya! Haha! “Ang gaan-gaan mo! Payatot ka na Sammy!”



“Sorry naman ha! Eh sa hindi ako tumataba eh.”



“Magpataba ka kahit konti bago mag-February para naman hindi ka magmukhang tingting sa dress na pipiliin ko para sayo.”



“Ha? Anong dress?” Tapos napalo ko yung braso niya. “Teka Eli, inaaya mo ba ako na maging date mo sa prom?”



“Hindi noh! Hindi nga ako aattend sa prom! May mas mahalaga pa dun!”



Alam mo yung level ng excitement ko, parang tinapakan na lang niya bigla! Kakainis! “Eh bakit mo ako bibilhan ng dress?”



“Ako ba niloloko mo?”



“Ikaw nga nanloloko jan eh!”



“Takteng babae ‘to. Dalawang mahalagang okasyon ang meron sa buwan na yun, tapos hindi mo maalala?”



“Dalawa? Ang alam ko lang yung JS Prom niyo. Yun yung sabi mo kanina diba?”



“Bahala ka nga jan! mag-isip kang mabuti! Hindi ko sasabihin sayo!!!”



Ako – (ÏŒ_ὸ)



Eli – (ὸ╭╮ÏŒ)



Wala na, I'm like a statue, stuck staring right at him, while thinking kung ano yung dalawang occasion na sinasabi niya.



Can somebody please tell me kung anong meron sa February?



(╥﹏╥)

 End of Chapter 42


7 comments:

  1. alm qng aq ang 1st! kkpost p lng e! hahahhhaaaa!!!
    basa mode!!!! real commnt later...

    nyweis, hapi birthday dun s b-day gurl!

    ReplyDelete
  2. waaaaahhhhhhhhhhhhh!!! aq alm q!!!!!!

    feb3, bday ni eli tas feb 14, valentines day! hihi!

    kaw sam, gawin ktang statue e! dpat aq gf ni eli e!


    peo kakilig 2ng chptr n 2!!!!!!! mkhng nkikita q n ung flare betwin eli and kian. hmm.

    ReplyDelete
  3. dito pa sa bed pero i check agad your update.. thank you aegyo! i'm not a fan of series pero kung ito magkaka-book2 babasahin ko pa din! na-adik na ko sa mga characters! sana naman nothing bad happens sa mga next chapter, like may mamamatay?? hindi talaga ako maka-get over! anyway, thanks ulit and indeed a happy happy birthday sakin!

    ReplyDelete
  4. bakit nakiki-sammt din si kian, i don't like him.
    he's the name antagonist, for sure! nararamdaman ko!

    btw, like the song nung napakinggan ko dito! nice update miss aegyodaydreamer!

    ReplyDelete
  5. ay naku po!!!!!!!!!!! i2ng si eli, gus2 p psyawin ng teach me how to doggie si sam, naimagine q 2loy! hwahahahahahahahahhaha!!!

    anu b yan, nainspire din aq s bg music nito!!!!!! nde q alam 2ng song n 2, d2 q n nmn sa story mu nadiskubre! hahahhaaahhaha!!!

    ReplyDelete
  6. whahahahaa,,,kilig talaga ako sis..baeing bawi na kame ni sam kay eli...

    ReplyDelete
  7. FEBRUARY 14 AS IN VALENTINE'S YUN SAM! WAHAHAHA :")

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^