CHAPTER 4
(ATASHA ORELLANA POV)
“Hindi kami magkakilala!!! As in!!!”
Pinalibutan ako agad ng mga girl classmates-slash-fans daw ni Kissing Bandit. Langya yan, may iba pang babae sa paligid ko ngayon na hindi naman galing sa section na ‘to!
“Saang street siya?”
“Nakita mo ba kung saan ang bahay niya?”
“Malapit lang ba siya sa school?”
“Eh bakit sabay kayo bumaba?”
“Ano yung pictures na magkausap kayo?”
“Ohmaygad! Anong amoy niya sa malapitan?” Naka-Benetton Cold perfume lang siya. Hula lang!
“Ah kasi, nakasakay kami ng mga lasenggero. Tinulungan niya lang talaga ako nun tapos pagbaba namin, wala na! Hindi na niya ako pinansin. Hindi ko alam na siya pala yung si ano eh…”
“Kissing Bandit.”
“Laris Howfer.”
“Kissing Legend!”
“Oo siya nga…” Half-syokoy, half ET na manyak!
“Alright give way!” Tapos lumapit saakin si Raiza. “Ipo-post ko yang statement mo sa diary para i-tip kay TMU_Admin.” Wow statement! So ano sila? Police na ini-interrogate ako kanina?
“Pero alam mo ang swerte mo! Saan ka ba sumasakay? Dun na lang din kami sa umaga, baka sakaling makasabay namin sa bus si Laris! Ayiiehhh~” Landi lang!
“Ano um… kasi alam niyo yung saamin, pugad ng mga durugista yun! Puro mga adik! Naglipana snatchers, rapists, at gangsters dun sa banda saamin. Kung dun kayo, panigurado hindi kayo magiging safe.” Tapos nagpilit akong ngumiti kaya sana naman maniwala sila sa palusot ko.
“Crap naman! Mukhang habang-buhay nang sekreto kung saan nakatira si Laris.”
“Mukhang dito lang talaga natin siya sa school makikita eh.”
“Hay… oo nga pala. Atasha, i-follow mo kami sa TMU Diary ha.” Para namang may choice ako! Kung maka-utos ‘tong mga ‘to! Ayayay!!!
Anyway, nung wala na silang mapigang impormasyon saakin, isa-isa na rin silang nawala sa harap ko.
“Published!!!” Si Raiza naman, tinulungan akong linisin ang pangalan ko sa TMU Diary. “Ayan, makikilala na ako dito kahit papano! Haha!” Pangarap niya kasing maka-close si TMU_Admin, baka sakali daw na mapasama siya sa TOP 5 list.
“Ah sige Raiza, uuwi na ako ha!”
“Ah teka lang Atasha…” Tapos palihim niya akong binulungan. “Sa tuwing makakasabay mo si Laris sa bus, siguraduhin mong makakakuha ka ng picture niya!” Uy pwede! Panakot sa daga!
“Ayoko nga! Hindi kami close noh!”
“Ano ka ba? Hindi mo ba alam kung magkano ang worth ng picture ni Laris?” At gusto pa niya akong gawing paparazzi ni Ate Ganda ngayon! “Kapag makakapag-post ka ng picture ni Laris sa diary, maraming magre-reblog ng post mo! Dadami din ang magpa-follow sayo! Ganun lang yun! Kung ayaw mo naman, ibigay mo yung shots mo saakin tapos ako na magpopost sa diary ko! Hehe!”
Okay… naging ka-close ko na lang bigla ‘tong babaeng ‘to. Pero yun ay dahil kailangan daw niya ako para maging famous siya sa TMU. Ang dami namang pwedeng pangarap, bakit yun pa. “Sige na Atasha! Friends na naman tayo diba.”
“Friends with benefits!”
“Ew~ tibo ka?”
“Feeling naman nito! Kung ano man yang iniisip mo, hindi yun ang ibig kong sabihin ha! Sige, kapag nakakuha ako ng picture niya, ano kapalit?”
“Hmm… sagot ko lunch mo? Libre ko palagi pagkain mo!”
“Okay deal.” Haha! Timawang patay-gutom lang! Pagkain na rin yun, sino bang tatanggi sa grasya diba? Kahit kapalit disgrasya?
Ay teka… tama! Madali lang para saakin na nakawan ng pictures ang Laris na yun! So… Ehehehe… I just had a brilliant idea! (ノಠ益ಠ)ノ
Brilliant and evil idea!
Brilliant and evil idea!
Bakit ba hindi ko naisip yun agad! Hwahahaha!!! Humanda kang Howfer ka! Anong plano ba yan? I’ll share it later. Paplanuhin ko lang ng maigi!
Nakauwi naman ako ng safe sa dorm namin. Pero kung idi-describe ko lang sainyo yung nangyari saakin kanina, para akong alien kung titigan ng mga ka-schoolmates ko.
Sabi kasi ni Raiza, pangarap ng lahat ng ordinaryong TMU students ang ma-feature ni Admin, kahit mukhang babangag-bangag yung picture. Ibig sabihin lang nun, napansin daw ako ni #1, at bihira yun mangyari!
Pero higit sa lahat, inggit saakin ang marami dahil nga daw nakasabay ko si Laris. What the eff is with that guy! Napapa-english ako dahil sa kanya ha!
*ring… ring…*
“Hello mama.” Kanina pa nila ako mino-monitor. “Mama naman, diba sabi ko sa inyo, once a week ka lang tumawag! Sayang sa load!” Blah-blah-blah! “Opo, miss ko na din kayo.” Blah-blah-blah! Unli-call naman daw sila! Ahaha… “Po…? Si Bao?”
I almost forgot about it! Si Bao ay ang childhood friend ko dun sa lugar namin. Kaso nga lang nung mag-highschool siya, lumipat na siya dito sa Manila para mag-aral sa TMU. Since then, hindi na kami nakapag-usap. Isang taon ang tanda niya saakin at para na kaming magkapatid nun!
“Hindi po. Hindi kami nagkita… uwaaaahhh!!! Talaga po?”
Sabi nila mama, nakausap daw nila yung parents ni Bao. Nakahiwalay na daw sa kanila si Bao kasi gusto nitong maging independent.
“Binigay niyo yung number ko sa kanya? That’s great Ma!!!” At nag-set pa sila ng date para magkita daw kami ulit ni Bao!
Kita mo nga naman! Magkaka-reunion na kami ni Bao my closest childhood friend! Excited na ako!!!
After malaman ni Bao ang number ko, tinawagan niya ako agad at nagkatext naman kami agad! Grabe, hindi pa rin siya nagbabago! Ang kulit-kulit niyang kausap!
Kahit sa school nagtetext kami sa isa’t isa pero walang time para magkita kami. Medyo busy daw siya sa mga panahong ito kaya hindi kami makapagkita sa school. Eh second year pa lang naman siya! Anyway, hindi naman naging problema yun kasi may usapan na kami na magkikita kami ngayong Sabado sa isang cafe.
Huweeeyyy!!! Sabado na agad!!! Ang bilis noh!!!
“Hello… Bao! Oo malapit na ako… nanjan ka na agad? Excited kang makita ako ha! Ayiieehhh!!! Eto na!!! Malapit na talaga ako. Teka… paano nga pala kita makikilala?” At ang sabi niya lang, naka-shades lang daw siya.
Pagkababa ko sa sinakyan kong jeep, tumawid na ako sa may kalsada tapos nakita ko na agad yung cafe na pagkikitaan namin ni Bao.
Ano kayang mangyayari sa pagkikita namin? Hindi ko na kasi masyadong maalala yung mukha niya kasi mga bata pa akami noon. Basta ang alam ko, isang medyo maitim na bata si Bao. Madalas kaming maglaro sa bukid namin at one time, nadapa siya noon at nasubsob ang mukha niya sa ebak ng kalabaw.
Dun ko nakuha yung nickname niyang Bao, sa ebak ng carabao. Pero noon pa naman na yun, paniguradong binatang-binata na ang Bao na yun!
Kung ako naman, madali naman niya akong makikilala kasi wala namang pinagbago itsura ko. Ganun pa rin yung bangs ko tas medyo mahabang kulot na wavy ang buhok ko. Yung tipong parang nadadaanan ng suklay.
Lumingon-lingon ako at hinahanap ko yung pwedeng maging kamukha ni Bao sa paligid. Pero syempre ang hinahanap ko, isang taong naka-shades. Kaso nga lang, wala akong makitang taong naka-shades. Hindi kaya tinanggal niya yung suot niyang shades? Dapat pala yung suot na lang niya ang tinanong ko eh. Bobomuch!
“Teka nga, tatawagan ko na lang siya…”
Tapos may sumagot na babae sa phone ni Bao, “You have insufficient balance to make this call, please reload…” Ay operator lang pala! At wala na akong load! Tsk!
Bahala na nga, hahanapin ko na lang siya… baka nandun lang siya sa loob. May second floor kasi ‘tong café, so baka dun siya naka-pwesto.
Pag-open ko ng pintuan dun sa may entrance…
May nakasalubong na ako…
Isang lalaking pamilyar ang mukha…
At nakasuot siya ng shades…
“Uwaaah…?” No no no no no no!
Hindi pwedeng maging siya si Bao!!!
“Hot pink? Anong ginagawa mo dito? Sinunsundan mo ako noh?”
Ulitin ko lang ha! No no no no no no! Hindi pwedeng maging siya si Bao!!!
“Ang kapal muks mo!” Bakit sa dinami-dami ng taong makikita ko at makaksalubong ko, ang Laris Howfer pa na ‘to! “May hinahanap akong tao.”
Pagkasabi ko nun, medyo itinaas pa niya yung shades niya para titigan ako from head-to-toe. Uwaaahhhh!!! Hindi pwedeng siya yung taong hinahanap ko!!!
Maya-maya, natawa siya at pailing-iling pa. Aning-aning talaga 'to! Tapos dumirecho na siya palabas na parang may hinahanap siyang tao.
Sige na Atasha, tanungin mo na siya… “Bao…?”
Kinakabahan pa yung boses ko nang tawagin ko siya sa pangalan na yun. Napalingon naman siya saakin.
Ako - (ό_ὸ)
“Adik ka ba? Sinong Bao?”
“Hindi ikaw si Bao?”
“Hindi. Ginagagu mo ba ako?”
“Eh bakit lumingon ka?” Kung makikita niyo lang yung mukha kong isang guhit na lang, pwede nang tawaging tanga. Pero grabe ang paghinga ko ng malalim nung ma-confirm na hindi nga siya si Bao.
“Ay masama na bang lumingon? May hinahanap din ako eh.”
“Wateber.” Tinalikuran ko na lang siya para hanapin na ang tunay na Bao.
Nasaan ka Bao? Daig mo pa si Eliza kung mawala ha!
Meanwhile, naririnig ko pa rin ang boses ni Ate Ganda na may kinausap sa cellphone. “Hoy Zack! Nasan ka na ba? Lintek ka, kanina pa ako nandito… nasa terrace ka? Eh galing na ako dun kumag ka!” Tapos pumasok siya ulit at dinaanan niya lang ako saka siya dumirecho dun sa may hagdan.
Medyo malaki yung first floor nitong café, at feeling ko naman wala dito si Bao. So malamang sa malamang, nandun siya sa second floor. Pag-akyat ko dun, nakita ko agad si Laris na nakita na rin yung taong hinahanap niya. Buti pa siya.
Anyway, wag mo na ngang pansinin yang Half-ET na yan, ang mabuti mong gawin, hanapin mo ang nagtatagong si Bao. Nasaan na ba kasi yung utaw na yun!
“Aish! Bao! Mukha na akong tanga dito… nasaan ka na ba? Sana maisip mong tawagan ako noh!” Kinakausap ko na yung sarili ko.
Naglakad-lakad pa ako na parang nawawalang bata. Isa-isa kong sinisilip yung mukha nung ibang customers, baka sakaling isa na sa kanila yung kaibigan kong matitiris ko kapag nakita ko na.
*ring… ring…*
“Hello… Bao!!!”
“Woah! Bakit naninigaw ka?”
“Kanina pa kita hinahanap, hindi kita makita!”
“Nasaan ka na ba?”
“Nandito na ako sa terrace ng cafe. Nagtatago ka yata eh.”
“Nandito din ako sa terrace!!! At tsaka Atasha, hinubad ko na pala yung shades ko, nasira ko kanina eh. Pero naka-green ako ha. Madali mo lang akong mahahanap.”
Nandito daw siya sa terrace, pero nasaan? Hindi na rin siya nakasuot ng shades, pero naka-green naman daw. Lumingon-lingon ulit ako.
At dun ko nakita ang isang lalaking naka-pwesto sa may gilid at nakatalikod siya, at may kausap sa cellphone niya.
“Tumayo ka nga…”
Tumayo naman din yung lalaki...
At parang slow-mo yung paglingon niya saakin.
“Bao…?”
Naka-shades nga siya at nang makita niya akong nakatayo sa may di kalayuan sa kanya, napangiti siya saakin. “Atasha…” At saka niya tinanggal ang suot niyang shades kaya mas madali ko na siyang nakilala.
“Bao!”
Lumapit siya saakin at sinalubong niya ako agad ng yakap. “Uwaaahhh!!! Namiss kita, Atasha!!!”
Ako - (◑//◑)
“Ang tagal nating hindi nagkita pero wala ka pa ring pinagbago!” Sabi niya nang naka-akbay na saakin ngayon at kinukurot-kurot ang pisngi ko.
“At ang laki ng pinagbago mo… i… ikaw si Zack Guiller?”
Nagtataka niya akong tinitigan. “Bakit hindi mo na alam ang totoong pangalan ko?”
Magugulat ba kayo na OO. Nasanay kasi ako na tawagin siyang Bao kaya hindi ko na alam ang totoo niyang pangalan!
Ang nakakagulat pa, siya nga si Bao o si Zack Guiller! Isa sa mga sikat sa TMU!
At…
At hindi lang yun!!!
Si Bao o si Zack…
Siya…
Siya ang kasama ngayon ni…
“Zack, siya ba yung sinasabi mong childhood friend mo?”
“Oo Laris! Siya si Atasha Orellana.” Tapos pinakilala niya kami sa isa’t isa. “Atasha, ito nga pala ang kaibigan kong si Laris. Taga-TMU din siya.”
Hallllllllllaaaaaaaaaa!!! Hindi ko alam ang iri-react ko!!!
Malala pa ‘to kanina nung akala kong si Bao at si Laris Howfer ay iisa!
“Hi Atasha.” Ang pang-asar at nakaka-bwiset na bati saakin ni Ate Ganda. “Nice to finally meet you.” - (◣‿◢)
“Why do I get this feeling na parang magkakilala kayo.”
“Hindi kami magkakilala noh.”
“Ow come on. Impossibleng hindi mo ako kilala.” Eh bakit ang hangin mo? Sige ikaw na sikat! “Don’t tell me hindi ka nagchi-check ng TMU Diary mo?”
Hindi ko pinahahalatang tinitigan ko siya ng masama kasi nga kasama namin si Bao… este si Zack pala. Parang hindi na bagay ang nickname niya na yun eh. Iisipin niyo ba na ang ganyang ka-gwapo at kasikat na nilalang sa TMU ay nasubsob dati ang pagmumukha sa ebak ng kalabaw?
“Teka… speaking of TMU Diary…” Tapos napatitig saakin si Zack. Na-concious tuloy ako bigla kasi hindi pa rin ako makapaniwala na siya nga ang childhood friend ko. “Ahhh!!! Atasha, ikaw yung nakasabay ni Laris dun sa bus! Naalala ko na!!! Ikaw pala yung babaeng na-feature ni Admin nung first day of school!”
Nanlaki lang yung mata ko at nabulunan naman sa pag-inom si Laris.
“Ahh… misunderstanding lang yun! Ano ka ba!”
“Ahaha! Alam ko! Nabasa ko rin yung sumunod na post tungkol dun eh. Na nagkataon lang pala na nagkasabay kayo sa bus. Hehe!”
Grabe, napaka-awkward nitong nangyayari! Hindi ako kumportable na kasama ko ang kinaiinisan kong si Laris Howfer, at idagdag mo pa na kababata ko pala ang sobrang hot na si Zack Guiller. Ano bang nangyayari sa buhay ko dito! Uwi na lang kaya ako ulit saamin?
“Eh Atasha, saang dorm ka ba tumutuloy ngayon? Para naman madalaw kita minsan.”
“Ah sa…”
Sasabihin ko na sana kaso pinandilatan naman ako ng mata ni Laris. Don’t tell me hindi niya rin sinasabi sa kaibigan niya kung saan siya nakatira.
“Ah… naku Bao… eh… Zack pala… all-girls dorm kasi yun. Masyadong strict yung nagbabantay. Bawal ang lalaki doon at kahit sinong bisita eh kaya wala ring kwenta kahit malaman mo kung saan yun.”
“Ay ganun?”
Pa-simple namang nag-smirk si Laris, na parang sinasabi niya na tama lang na hindi ko sinabi sa kaibigan ko yung totoo. Eh kasi nga naalala ko yung madalas niyang binabanta saakin.
Na sa oras na may ibang makaalam kung saan ang lugar na yun, kakalat yung pictures ko sa isang site na hindi ko alam… na ngayon ay parang alam ko na.
Sa TMU Diary yun ipapakalat ni Laris, panigurado! At panigurado din mapuputakte ang buhay ko pag nagkataon!
End of Chapter 4
ahahahahaha! -Eviel laugh- wiii !! NAKAKA TUWA ! AHAHAHHAHAHAHAHAHA. LAUGH OLL YOU CAN!!
ReplyDeleteang gwapo much nmn ni bao! pero gwapo din nmn c laris!!!!! lol lang dun kungbakit bao ang nicknme nia ha, hahaha!!!
ReplyDeletenaku, magkaibign p pla ung dlwa! si atasha, mukhng tutuhog ng 2 sikat s tmu! ayiii!!!
next next next!!!!!
oh my! something is ahead with these three! i can smell love triangle! hmmm!
ReplyDeletesi bao kmukha ni yonghwa! ang gwapo!!!!!!
ReplyDeleteang ggwapong nilalang ang nakapligid kay atasha! inggit 2 d max lng aq!!!
heeeeee zack......gwapo........
ReplyDeleteAng cute ni Bao at ang ganda ni Laris. Hindi kaya sila mapagkamalang mag-on? Haha
ReplyDelete