CHAPTER 20
(REGINE POV)
It was the best birthday ever! And after nung kantahan dun sa The Fort, inihatid naman na kami ng mga boyfriend namin sa condo.
RAYCE: (Pinag-open pa niya ako ng pinto ng sasakyan! At paglabas ko…) SO…
REGINE: SO… BUKAS NA LANG ULIT SA SCHOOL. (At dahil sa sobrang saya ko, ang haggard ko na!) PASOK NA AKO SA LOOB HA! BYE!
RAYCE: TEKA… (Kaso pinigilan niya ako! Nahihiya ako! Baka amoy pawis ako!) WALA KA BANG NAKAKALIMUTAN?
REGINE: GOOD NIGHT! (Wala akong amnesia Rayce! Nahihiya lang ako!)
Iha-hug niya sana ako kaso pinigilan ko siya.
REGINE: WAIT! HINDI TALAGA AKO PALAGAY SA AMOY KO EH. PAWIS NA PAWIS AKO KANINA SO…
RAYCE: PINAGPAPAWISAN DIN PALA ANG MGA PRINSESA. (Natural naman Rayce! Tao ako!) HAYAAN MO, BAKA GAWIN KO PANG PERFUME YUNG PAWIS MO. (At yun, tinuloy niya ang pagyakap saakin) GOOD NIGHT…
REGINE: (Owemji! Hindi ko alam kung kikiligin ako o mandidiri! Sige kikiligin na lang!) GOOD NIGHT… (At alam kong may kasunod pa ‘to! Good bye kiss! Pero…)
RICHELLE: HOY HYEUNG! TAMA NA YANG YAPOS MO SA ESPREN KO AT MAAGA PA PASOK NIYAN BUKAS. (Ikaw na ang pinaka-epal sa lahat Richelle!)
REGINE: (So wala akong nagawa at pumasok na lang din sa loob.) ANG GALING TALAGA NG TIMING MO TEH! SARAP MONG SABUNUTAN!
RICHELLE: OPKORZ! TARA SABAY TAYONG MAG-SHOWER BAGO MATULOG!
REGINE: TAPOS ANO? AKO NA NAMAN PAGKUKUSKUSIN MO SA LIKOD MO TAPOS HINDI MO KUKUSKUSIN YUNG AKIN?
RICHELLE: SIGE NA TARA! TUTAL NAMAN, GOOD MOOD TAYO PAREHO! (Nakow pasalamat ka mahal na mahal kita! Daig pa ang kambing sa lambing!)
After naming maligo, syempre bagsak na ang beauty ko! Sabi naman sa inyo, wala akong nightlife. Mga ganitong oras, dapat talaga nahihimbing na ako! Pero dahil nga special ang occasion, kaya pumayag ako.
REGINE: BRU!!! (Kinatok ko ang pintuan ng kwarto ni Richelle at pagbukas niya…)
RICHELLE: OH BAKIT?
REGINE: (May bitbit na akong unan at kumot!) TABI TAYONG MATULOG! (Ako naman ang maglalambing! At para hindi na siya makapalag, humiga na ako agad.)
RICHELLE: NAKS! DALA MO PA YANG UNAN MONG MAS MALAKI PA SA KAMA KO! (Ang OA! Kalahati lang sa kama niya ang laki ng unan ko ha!) SAAN MO AKO BALAK PATULUGIN?
REGINE: TARA NA DITO, TABI NA TAYO!
At nung magkatabi na kami, ano pa nga bang pag-uusapan namin, eh di boys! Ordinaryong landian lang namin yun pero favorite topic namin talaga sina Rayce at Rye.
RICHELLE: BIRUIN MO NOH, SABAY NA TAYONG PINANGANAK, SABAY TAYONG LUMAKI, SABAY PA TAYONG NAGKA-BOYFRIEND.
REGINE: BASTA SA KASAL WAG TAYONG SABAY HAH! ALAM MO NA BAKA MATULAD YUNG KWENTO NATIN SA MOVIE NA BRIDE WARS.
RICHELLE: AY OO NGA. SA KAMATAYAN NA LANG TAYO MAG-SABAY.
REGINE: OO SIGE, BASTA WALANG MAAGANG MAMATAY SAATIN PAREHO. GUSTO KO MUNANG MAGKAANAK AT APO! SIGURO MGA 80 YEARS OLD!
RICHELLE: EH! MASYADO NA TAYONG KULUBOT NUN! MASAGWA NA SA DEATH PICTURES SA MAGIGING ALBUM NATIN. MGA 70 YEARS OLD, YUN PWEDE NA TAYONG MAMATAY.
Ahahahaha!!! Ang bangag lang namin! Nakow wag niyong pinapansin ang mga ganitong usapan namin. Pero hindi nga, kung mamatay si Richelle, mamatay din ako. At wish ko lang pag nauna ako sa kanya, sundan niya ako agad para hindi ako malungkot sa heaven.
Joke lang ulit yun syempre! Kung mauuna man akong mamatay, gusto kong mabuhay pa rin siya. Pero mauuna namang siyang mamatay, we’ll see what happens to me.
Nakatulog na kami pareho sa mga kung anik-anik naming topic nang mag-ring yung phone.
RICHELLE: HELLO~
MRS. R.: HAPPY BIRTHDAY BEBE CHEL! ANAK!!!
MRS: A.: RICHELLE HAPPY BIRTHDAY! NASAAN NA ANG ANAK KONG SI REGINE?
RICHELLE: REGINA!
REGINE: HMMM~ (Naririnig ko naman sila! Ito namang mga magulang namin! Halos nakalimutan ko nang hindi sila tumawag para i-greet kami! Tapos ngayong dis-oras na ng gabi nagparamdam!)
RICHELLE: MAMA NATEN! (At sinalpak niya ang phone sa tenga ko. Inaantok na rin itong si Richelle eh.)
MRS. A.: REGINA! HAPPY BIRTHDAY ANAK!
MRS. R.: HAPPY BIRTHDAY BEBE REJ!
MRS. A.: ANONG GUSTO NIYONG BIRTHDAY GIFT?
REGINE: GIFT DAW ANONG GUSTO. (Para lang kaming mga zombie ngayon sa sobra nang antok!)
RICHELLE: SABIHIN MO GUSTO KO NANG MATULOG…
REGINE: TULOG DAW PO.
MRS. R. & A.: HINDI BA KAYO MASAYANG BIRTHDAY NIYO HA?
REGINE: TECHNICALLY KANINA PA B-DAY NAMIN. ALA-UNA NA PO NG MADALING ARAW DITO SA PINAS.
RICHELLE: AT SABIHIN MO NATUTULOG NA TAYO!
MRS. R.: HAY NAKU KAYONG MGA BATA KAYO! ANO BANG MGA PINAGGAGAGAWA NIYO.
MRS. A.: PATULUGIN NA NGA NATIN SILA MARE.
RICHELLE: BYE MOMMY!
REGINE: BYE MHIE!!!
MRS R. & A.: BYE!!!
Hay sa wakas natahimik na din! Sana wala nang manggulo sa tulog namin. Maaga pa pasok ko bukas! Buti pa ‘tong si espren, petiks lang! Walang pakelam kahit malate!
REGINE: NANYT ESPREN…
RICHELLE: NANYT! SWIT DRIMS!
Kinabukasan sa school, sa kabutihang palad hindi naman ako na-late! Inaalagaan ko kasi ang reputasyon kong pagiging role model. At kahit puyat, inayos ko pa rin ang sarili ko.
REGINE: (Hikab!) THANK YOU… (Gini-greet kasi ako ng ilan ko pang kaibigan ng belated Happy Birthday.)
SARAH: SAAN NAMAN KAYO NAG-CELEBRATE NG BESTFRIEND MO?
REGINE: DAPAT SA DISNEYLAND, KASO TINAMAD KAMI. KAYA SA TAGAYTAY NA LANG. (Naks tinamad daw! Ang sabihin mo, natakot sa chopper!)
ANGEL: KAYONG DALAWA LANG NAG-CELEBRATE? BAKIT NAMAN HINDI KAYO NAG-AYA?
REGINE: NO… IT WAS JUST A SIMPLE GET-AWAY WITH OUR BOYFRIEND.
ALL: BOYFRIEND!!!
REGINE: BOYFRIEND? (Oh syet! Nadulas ako! Wala pa nga palang nakakaalam na may karelasyon na kami! And to think na si Rye ang boyfriend ni Richelle at si Rayce naman ang saakin.) LA… LALAKING KAIBIGAN! AHAHAHA! SIGE NA GUYS, MAY P.E. PA AKO!
At sumibat na ako agad para makaiwas. Hindi naman kasi pwedeng ako mag-aanounce ng relasyon namin diba. Bahala na si Espren sa lovelife niya, basta yung saakin, ayoko munang ipaalam.
Nagbihis na ako ng P.E. uniform ko at dumirecho na kaagad sa gym. As usual, nauna na naman ako sa mga kaklase ko, at yun ang problema ko! Nandito rin kasi nagpa-practice ng basketball sina Dino… kasama si…
PAUL: TIME OUT MUNA AKO MGA PRE! (Dahil nakita niya ako.) RHEDJ!!! (At lumapit na siya saakin.)
REGINE: HEY! (Sana mapansin niyang ang plastic ng ngiti ko diba.)
PAUL: BELATED HAPPY BIRTHDAY!
REGINE: NAALALA MO PA. (Samantalang last last last year, ni hindi niya ako nabati! Bitter pa rin noh! Three years naman na ang lumipas!)
PAUL: OF COURSE. AH WAIT LANG! (Tapos tumakbo siya at may kinuha siya sa bag niya. Paglapit niya ulit…) OH BIRTHDAY GIFT KO SAYO.
REGINE: (Uwaah! Isang keychain na may aso at isang ballot ng Chupa Chups! Mah peyborit!) TALAGA? HINDI KA NA SANA NAG-ABALA PA. (Tatanggapin ko ba? Sayang naman favorite ko nga!)
PAUL: IT’S FOR YOU. (At iniabot na niya saakin, so sa huli ang timawa ko pa rin sa lollipops!) SO NAG-CELEBRATE NA NAMAN KAYO TOGETHER NG BESTFRIEND MO? MAMAYA MAY LAKAD KA BA? WANNA HANG OUT TOGETHER?
REGINE: HINDI, BUSY AKO.
PAUL: HOW ABOUT TOMORROW.
REGINE: BUSY DIN AKO… PERO THANKS DITO SA GIFT MO.
PAUL: YOU’RE WELCOME, PERO KELAN KA HINDI MAGIGING BUSY? (Alam mo Paul, kung noon ka pa nangulit saakin ng ganun, siguro lahat ng oras ko, sayo na.)
REGINE: (I remember those times) SORRY…
Pero dahil sinaktan niya ako, kaya ako nagmove-on! At laking pasasalamat ko yun dahil kung hindi niya ako sinaktan noon, hindi ko sana matatagpuan si Rayce. Ayiiieh! I miss my prince! Mamaya pa klase nun eh.
DINO: HEY REGINE! (At lumapit na ang epal niyang teammate) NASAAN SI RICHELLE? (Ang laki kasi ng tama nito kay Richelle eh.)
REGINE: NAGTATAGO SIGURO, AYAW KA NIYANG MAKITA EH.
DINO: BAKIT WALA NAMAN SIYANG UTANG SAAKIN HA.
REGINE: WALA NGA, BAKIT SIYA UUTANG SAYO. AYAW KA LANG TALAGA NIYANG MAKITA, BAKA MASIRA ARAW NUN. ARAW KO NGA NASIRA MO NA EH.
JACK: BASAG KA NUN ‘PRE. AHAHAHA! (At natawa na lang din ako. Bwiset talaga ako sa pagmumukha nitong si Dino eh!)
REGINE: SIGE UMALIS NA KAYO SA HARAP KO AT NANJAN NA ANG CLASSMATES KO. MAY P.E. CLASS PA AKO.
JACK: ANG SUNGIT TALAGA NITO!
REGINE: ISA KA PA, NAKAKASIRA KA RIN NG ARAW KAYA UMALIS KA NA DIN.
PAUL: RHEDJ… ITI-TEXT KITA HA.
REGINE: WAG NA PAUL… HINDI LANG RIN KITA MARE-REPLYAN. (Hindi ko na lang siya tinignan para matigil na. Pero friends naman kami nitong si Paul eh, pero aamin akong hindi pa rin naaalis ang konti kong galit sa kanya.) MAG-PRACTICE NA ULIT KAYO NG TEAM MO.
After ng P.E. class, may two hours break time ako. By this time, nandito na sa school si Espren at si Rayce. Nagpunta muna ako sa locker room para kunin na yung pampalit kong damit.
Kaso pag-open ko nung locker ko, may dalawang red sticky note na nakadikit.
REGINE: RED TAG? (May F4 ba sa school namin? Lumingon-lingon ako at ordinaryong tao lang naman yung nasa paligid. Sino naglagay nito? Nung binasa ko…) “I LOVE YOU…” UWAAHHH! BAKA SI RAYCE! PERO BAKIT DALAWA?
May nakita pa akong parang scrapbook at pag-open ko nun, piangpawisan ako sa takot.
REGINE: BAKIT PURO PICTURES NAMIN ‘TO NI RICHELLE? (Parang bawat oras at kahit saan kami magpunta, may kuha kaming pictures!) OH MY GOD! (Lalo akong natakot pag-flip ko sa last few pages.) MGA RECENT PICTURES NAMIN ‘TO DUN SA TAGAYTAY AT DUN SA THE FORT!
And what’s more creepy!!! May pictures kami ni Richelle dito na kasama namin yung kambal… kaso… pinagtatanggal yung ulo nina Rayce at Rye.
REGINE: SYET… (Gawain ‘to ng stalker!!! Stalker namin ni Richelle?)
RICHELLE: REGINA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! (Punyemas na yan! Nagulat pa ako sa paglabas ni Richelle!) OH BAKIT PARANG NAKAKITA KA NG MULTO JAN? (Tapos tinago ko yung scrapbook sa bag ko.) PAWIS NA PAWIS KA PA! (Sabi niya kaya pinunasan niya ang mukha ko gamit ng panyo niya.)
REGINE: HA? (Sasabihin ko ba sa kanya?) AH… EH… KAGAGALING KO LANG SA P.E. CLASS KO. KARARATING MO LANG?
RICHELLE: YEZ! ABSENT NGA AKO SA FIRST TWO SUBJECTS KO EH... HEHE!!! (Tapos tinignan ko yung dinaanan niya… hindi kaya sinundan siya ng stalker na yun? O di kaya nakatingin siya saaming dalawa ngayon!) MAGBIHIS KA NA! NANDUN NA YUNG KAMBAL SA CANTEEN!
Napatango na lang ako at nagbihis agad. OMG! What should I do? I… I should tell them! Tama!!! Naghilamos ako at nagbihis na agad. Tapos sabay na kaming nagpunta ni Espren dun sa canteen.
RAYCE: HI MY PRINCESS! (Nag-offer siya ng upuan sa tabi niya pero hindi ako dun umupo.)
RYE: (At saka dumating si Rye na may bitbit na pagkain!) UY TEKA, TABI KAMI JAN NI RICHELLE!
RICHELLE: HOY REGINA! LUMAYAS KA JAN! JAN NAKAUPO SI RYE!
REGINA: AYAW MO AKONG KATABI? SINO BANG MAS MAHAL MO? SI RYE O AKO?
RICHELLE: WEH MAY GANUN! GAYA-GAYA? MAY TAMA NA NAMAN YATA ‘TONG KAIBIGAN KO EH, SIGE KAYO NA LANG MAGTABI JAN! NANGANGAIN ‘TO NG BUHAY!
RAYCE: HEY! WHAT’S THE PROBLEM? (Tahimik lang akong nakayuko. Paano ko ba sasabihin sa kanila?)
RICHELLE: HOY RAYCE HAH! BAKA NAMAN NAMBABAE KA!
RYE: RAYCE!!!
RAYCE: BAKIT PAG MAY KASALANAN, KAILANGAN AKO AGAD! KARARATING KO NGA LANG! DUMIRECHO NA AKO DITO!
REGINE: WALANG NAMBABAE OKAY! (Kawawa naman ang prinsipe ko!) UM… NAPAALAM NIYO NA BA NA KAYO NA? (Tanong ko kina Rye at Richelle.)
RYE: KAILANGAN PA BANG IPAALAM YUN.
RAYCE: EH OBVIOUS NA NGA SA KA-SWEETAN NILA KANINA.
RICHELLE: ANO BANG PROBLEMA MO HA ESPREN? PROUD KAMI NA KAMI NA NI RYE… KAYO BA NI RAYCE?
RAYCE: OO NGA? TAYO BA? NAHIHIYA KA BA NA SIKAT ANG BOYFRIEND MO? NA SIKAT AKO?
REGINE: (Wala naman sa proud o hiya yun noh!) WALA… WALA NAMAN…
RAYCE: YUN NAMAN PALA EH! (Tapos hinawakan ni rayce ang kamay ko.) TARA DITO TABI NA TAYO.
REGINE: WAG NA! NAKAKATAMAD NANG TUMAYO.
RYE: ANG GRABE DIN ANG MOOD SWING MO! HAY NAKU! (Pasensya na Rye at hindi mo matabihan si Richelle.) TARA KAIN NA NGA LANG TAYO.
Sasabihin ko ba? Sasabihin ko ba? Sasabihin ko ba?
RICHELLE: ANO ‘TO? (At huli na ang lahat ng makalikot ni Richelle ang bag ko!) UWAAAAAHHHHHHHH!!! (Makabasag eardrums naman kung makasigaw! Mygawd!!!) ANO ‘TO REGINE??? (Changgala! Paano ko sasabihin! Alam na nila!)
RYE & RAYCE: WOAH!!! BAKIT?
RICHELLE: SI PAUL ANG NAGBIGAY NITO!!! (At inilabas niya yung isang ballot ng Chupa Chups at yung nakaplastic pa na keychain.) ALAM KO DAHIL KAYA KA NAHILIG SA LOLLIPOP DAHIL KAY PAUL! IKAW PALA ANG NANLALALAKI HAH!
Chupeste! Akala ko yung scrapbook yung nakita niya!
RAYCE: SI PAUL NA NAMAN!!!
REGINE: THAT WAS JUST A BIRTHDAY GIFT!
RAYCE: BAKIT MO TINANGGAP?
REGINE: BAKIT KA NAGAGALIT?
RICHELLE: BAKIT KAYO NAG-AAWAY?
RYE: BAKIT HINDI NA LANG NATIN PAGHATIAN YAN? (At binuksan ni Rye yung lollipop at kumuha ng isang dakot!) OH YAN PARA WALANG GULO!
Ang laking gulo talaga! Kahit itong simpleng bagay na lang na ‘to hindi pa kami nagkasundo!
Malamang kapag nalaman ni Richelle at Rayce yung tungkol sa scrapbook, lalaki agad yung gulo! Big issue ito sa kanila. So si Rye na lang ang pwedeng tumulong saakin na mag-imbestiga!
Ang kaso kapag sinabi ko naman sa mokong na yun, panigurado hindi niya matitiis na sabihin kay Richelle.
REGINE: WALA AKONG GANANG KUMAIN! (Tumayo na ako at kinuha ang bag ko.)
RAYCE: WEH HINDI NAMAN AKO NAGSELOS EH…
RICHELLE: ITO NAMAN NAGTAMPO NA AGAD!
RYE: TEKA ITO NA LOLLIPOP OH, NAGAGALIT KA BANG ISANG DAKOT ANG KINUHA KO?
REGINE: (Pakshet mababaliw ako sa tatlong ‘to!) HINDI LANG TALAGA AKO GUTOM… MAGPUPUNTA NA LANG AKO NG LIBRARY.
Tapos umalis na ako agad. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila. Lalo pa at seryosong bagay ito. Iimbestigahan ko na lang muna itong mag-isa. Kailangan kong mahuli kung sino ang gumawa nitong scrapbook na ‘to at malaman kung sinong yung stalker namin ni Richelle! at may mga suspect na ako na napipisil!
End of Chapter 20
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^