Monday, March 26, 2012

Riot Love Game : Chapter 21

CHAPTER 21
(RICHELLE POV)


RICHELLE: ANO ‘TO? UWAAAAAHHHHHHHH……. ANO ‘TO REGINE???


RYE & RAYCE: WOAH!!! BAKIT?


RICHELLE: SI PAUL ANG NAGBIGAY NITO!!! (Andaming lollipop!!! Yummness…pero ayoko ng lollipop na toh!!!) ALAM KO DAHIL KAYA KA NAHILIG SA LOLLIPOP DAHIL KAY PAUL! IKAW PALA ANG NANLALALAKI HAH!


RAYCE: SI PAUL NA NAMAN!!! (selos naman agad!!!)


REGINE: THAT WAS JUST A BIRTHDAY GIFT! (yun lang ba talaga Regina???)


RAYCE: BAKIT MO TINANGGAP? (masama kayang tumatanggi sa biyaya!!!)


REGINE: BAKIT KA NAGAGALIT?


RICHELLE: BAKIT KAYO NAG-AAWAY?


RYE: BAKIT HINDI NA LANG NATIN PAGHATIAN YAN? (At binuksan ni Rye yung lollipop at kumuha ng isang dakot!) OH YAN PARA WALANG GULO!


REGINE: WALA AKONG GANANG KUMAIN! (grabe naman tong si Regine, artista na ba sya ngayon? Grabe kung drumama!)


RAYCE: WEH HINDI NAMAN AKO NAGSELOS EH…


RICHELLE: ITO NAMAN NAGTAMPO NA AGAD!


RYE: TEKA ITO NA LOLLIPOP OH, NAGAGALIT KA BANG ISANG DAKOT ANG KINUHA KO? (jusme Rye, ang sarap mong batukan, hindi lang naman yang lollipop ang ine-emote nyan, yung mini quarrel nila ni Rayce!)


REGINE: HINDI LANG TALAGA AKO GUTOM… MAGPUPUNTA NA LANG AKO NG LIBRARY. (sabi ko naman sa inyo eh, mawala na ang ibang lugar dito sa Pilipinas, wag lang ang library. Sigurado akong hindi makakayanan ni Regine na mawala ang favorite place nya, ang sacred place nya! hahaha!)




PLACE: SA UNIT NAMIN NI REGINE ARAGON!
TIME: 7:00PM


Hindi ko alam kung na-aaning na naman ako o kung talagang weird lang ang kinikilos ni Regine simula pa kanina! Feeling ko meron syang tinatago sa akin, is it about Paul kaya? Haru naman sya, kung kelan meron na syang Rayce saka pa yata sya nagdadalawang isip! Sarap batukan!!!


RICHELLE: MAG-TAPAT KA NGA SA AKIN REGINE, MAY TINATAGO KA SA AKIN!!!



REGINE: W-WALA AH! ANO NAMAN ANG ITATAGO KO SAYO MALIBAN SA MGA CHOCOLATES NA NATANGGAP KO KANINA?



RICHELLE: AHA!!! SHARE YOUR BLESSINGS BAKLA, YOU KNOW NAMAN THAT I CAN’T LIVE WITHOUT CHOCOLATES. (ang arte lang ng pagkaka-sabi ko eh…hahaha…azar!)



REGINE: WOW ANG ARTE HUH!!! BAKIT, WALA BA SAYONG NAG-REGALO? IBA TALAGA ANG TAGLAY KONG GANDA!!!



RICHELLE: WELL, MERON NAMAN PERO HINDI CHOCOLATES ANG BIGAY NILA SA AKIN, FLOWERS!



REGINE: WEH? EH NASAAN NA?



RICHELLE: ANDUN, SA BASURAHAN NG SCHOOL!



REGINE: BAKIT? NEXT YEAR WALA NA SAYONG MAGBIBIGAY NYAN! ANG MEAN MO ESPREN!



RICHELLE: ESPREN NAMAN, ALAM MO NAMAN NA ALLERGIC AKO SA FLOWERS! GUSTO MO BANG PATI-IKAW MA-PESTE NG DAHIL DOON? SAKA OK LANG KAHIT WALA NG MAGBIGAY SA AKIN NEXT YEAR!


Hindi naman sa ayoko talaga ng flowers, actually gustong-gusto ko silang nakikita, pero hanggang tingin lang talaga ako. Bakit? Dahil kapag nilapit mo na sya sa akin, ay naku naman ha-haching ako na parang wala ng bukas!!! Grabe, isa pa naman yon sa pinaka-ayoko na feeling!


RICHELLE: PERO ESPREN, RAMDAM KO NA MERON KA PANG IBANG TINATAGO SA AKIN MALIBAN SA CHOCOLATES! UMAMIN KA!!!



REGINE: WALA NA, FEELING KA NAMAN JAN!!!



RICHELLE: UMAMIN KA NA REGINE, MAY IBA PA AKONG NAKITA SA BAG MO! ANO YON? ANONG LAMAN NON?



REGINE: N-NA-NAKITA MO? NAKITA MO YUNG SCRAPBOOK SA BAG KO NA PURO PICTURES NATIN KASAMA YUNG KAMBAL? YUNG SA MGA PICTURES NILA WALA SILANG ULO?



RICHELLE: WHAT???!!! (gaga ba tong si Regine, bakit nya ginawa yon, bakit nya pinugutan si Rayce at Rye ng mga ulo dun sa scrapbook na sinasabi nya?)



REGINE: OO NGA KASI ESPREN… MAY NAGLAGAY NON SA LOCKER KO KANINANG UMAGA, NATATAKOT AKO BRU!!!



RICHELLE: NASAAN BA YUNG SCRAPBOOK NA SINASABI MO, PATINGIN NGA? ANU BANG ITCHURA?



REGINE: SO HINDI MO TALAGA TOH NAKITA SA BAG KO?



RICHELLE: HELLO, SYEMPRE HINDI KASI HINDI KO NAMAN KINALKAL TO KANINA. NAKITA KO LANG YUNG BIGAY SAYO NI PAUL NA SANDAMAKMAK NA LOLLIPOP DAHIL YUN YUNG NASA IBABAW, PERO MERON PA TALAGA AKONG IBANG NAKITA, PARANG LOVE LETTER.



REGINE: GAGA KA TALAGA! (tapos binato nya sa akin yung unan tapos yung scrapbook!)



RICHELLE: ARAY KO NAMAN!!! NAGIGING BAYOLENTE KA NA HA!!! ANG TIGAS NAMAN MASYADO NUNG SCRAPBOOK, GAWA BA TO SA BAKAL?



REGINE: ANONG GAGAWIN NATIN? BAKA MAMAYA ANJAN LANG SA LABAS YUNG STALKER NATIN!



RICHELLE: WOW BRU, ANG GANDA PALA NATIN SA PICTURE KAPAG STOLEN SHOTS, TINGNAN MO… ARAY NAMAN, KANINA KA PA HA!!!



REGINE: EH PANO NAMAN KASI, MATA-TAE NA AKO DITO SA TAKOT TAPOS IKAW GANYAN LANG ANG REAKSYON MO!



RICHELLE: ESPREN, SA PAGKAKA-ALAM KO MATALINO KA NAMAN DIBA?



REGINE: OO NAMAN, DI HAMAK NA MATALINO AKO KESA SAYO!



RICHELLE: YUN NAMAN PALA EH… EH BAKIT GANYAN KA? KAYA KO NAMAN IPAGTANGGOL ANG SARILI KO, PATI NA RIN IKAW. KUNG HINDI KA PA RIN KUMBINSIDO, BAKIT HINDI MO SABIHIN SA JOWA MO, PARA LAGI KA NYANG NASASAMAHAN!



REGINE: HINDI NAMAN GANONG KADALI YANG INIISIP MO RICHELLE EH.



RICHELLE: MADALI LANG SYA, PILIT MO LANG PINAPA-LALA YUNG SITWASYON. KELAN MO BALAK SABIHIN SA AKIN, SA AMIN NA MAY GANITO NA PALANG NANGYAYARE? KAPAG NASA LANGIT KA NA? GAGA KA TALAGA!


Ganyan talaga yang si Regine, mahilig mag-solo flight kapag problema ang usapan. Ang sarap nyang kutusan diba, parang hindi nya ako kaibigan!!! Samantalang kapag ako ang may problema, wala pang ten seconds alam na nya agad, sa daldal ko ba naman na toh!!!


REGINE: AYOKO LANG NAMAN KASI NA MAMOBLEMA KA PA. YUN NGANG GRADES MO HINDI MO NA MAPA-TAAS, IDADAGDAG MO PA TOH!


RICHELLE: GRABE KA, ANSAMA MO TALAGA!!! HMP!!! (ayan ang para sayong babae ka, ayan an ulit yung unan mo!) GAGA KA, AT LEAST CONSISTENT NAMAN YUNG GRADES KO. SAKA BAKIT AYAW MONG PROBLEMAHIN KO YUN EH INVOLVE DIN AKO JAN. SANA BA MUKA MO LANG YUNG ANJAN SA SCRAPBOOK NA YAN, KAYA LANG BAKLA PATI MUKA KO ANJAN.



REGINE: EH ANO NA NGANG GAGAWIN NATIN BRU?



RICHELLE: HINDI KA BA TALAGA NAKIKINIG? SASABIHIN NATIN KILA RAYCE AT RYE.



REGINE: BAKIT?



RICHELLE: MALAMANG KASI KARAPATAN NILANG MALAMAN ANG NANGYAYARE, ANDITO DIN SILA SA SCRAPBOOK WALA NGA LANG YUNG ULO NILA.



REGINE: BAKA MAPAHAMAK PA SILA.



RICHELLE: KESA NAMAN TAYO LANG ANG MAPA-HAMAK, IDAMAY NA RIN NATIN SILA.



REGINE: RICHELLE NAMAN EEEE….



RICHELLE: NAKO REGINA TIGILAN MO AKO SA KAKA-GANYAN MO, SIPAIN PA KITA JAN EH! PERO KIDDING ASIDE BRU, WALA KA BANG IDEA KUNG SINONG PWEDENG GUMAWA NYAN?



REGINE: WALA EH…IKAW BA?



RICHELLE: WALA DIN EH. PERO INFAIRNESS SA KANYA, ANG GALING NYANG PAPARAZZI, MAYAMAN DIN SIGURO TONG TAO NA TO.



REGINE: ANU KA BA NAMAN, WALA NAMAN TAYONG PAKELAM KUNG MAYAMAN BA YAN O KUNG ANO MAN ANG TRABAHO NYA. UMAYOS KA NAMAN RICHELLE, SERYOSOHIN MO NAMAN TONG PROBLEMA NATIN.



RICHELLE: MAAYOS NAMAN AKO REGINE, MAGKA-IBA LANG TALAGA TAYO NG TINGIN SA PROBLEMA NA TO. KUNG SESERYOSOHIN KO BA TONG PROBLEMA NA TO KAGAYA NG GINAGAWA MO SA TINGIN MO ANONG MANGYAYARE SA ATIN? BAKA PAREHO TAYONG HINDI MAKAKAPAG-ISIP NG MAAYOS, KUNG ANO BA TALAGANG DAPAT NATING GAWIN.



REGINE: I’M SORRY. PERO ESPREN, SA TINGIN MO BA DAPAT TALAGA NATIN TONG SABIHIN SA KANILA?



RICHELLE: KUNG HINDI NATIN SASABIHIN SA KANILA, SINONG NAKAKA-ALAM JUST IN CASE NA MAY GAWING HINDI MAGANDA ANG STALKER NATIN? PATAY AGAD TAYO NON! SAKA, KARAPATAN NILANG MALAMAN YON DAHIL BOYFRIEND NATIN SILA.



REGINE: NATATAKOT TALAGA AKO BRU, PARANG HINDI KO YATA KAYANG MATULOG NGAYON.



RICHELLE: SANDALI LANG… (kinuha ko yung telephone namin at may dinayal ako..)



REGINE: SINO NAMAN ANG TINATAWAGAN MO?



RICHELLE; SI MANONG GUARD SA BABA… HELLO KUYA REY… PASUYO NAMNA PO… KAPAG PO MAY NAGHANAP SA AMIN PAKI SABI PO NA WALA KAMI, OK PO BA? SAKA PO KUYA, WAG PO KAYONG BASTA-BASTA MAGPAPA-PASOK… SALAMAT PO, BABAY!!!



REGINE: PURO KA TALAGA KAULULAN RICHELLE.



RICHELLE: KITA MO NGA, NAKA-NGITI KA NA NGAYON… KUNG DIDIBDIBIN KO BA YANG PROBLEMA NA YON EH, MANGINGITI KA BA? HINDI DIBA?! IKAW LANG EH, WALA KA KASING BILIB SA AKIN EH…HAHAHA…



REGINE: PERO CHEL, NATATAKOT PA RIN TALAGA AKO.



RICHELLE: DIRECHUHIN MO NA KASI AKO… ANG GUSTO MONG TAWAGAN KO EH SI RAYCE PARA PUMUNTA SYA DITO, TAPOS DITO SYA MATUTULOG, TAPOS TABI KAYO PARA MA-FEEL MO NA SAFE NA SAFE KA NA!



REGINE: ANG GALING MO TALAGA ESPREN, PANU MO NALAMAN YON?



RICHELLE: KUNDI KO PA ALAM NA NASA LEVEL 50 NA YANG KALANDIAN MO…HAHAHA…PERO SYEMPRE PA, HINDI NAMAN AKO MAGPAPATALO SAYO, TAWAGAN MO NAMAN SI RYE PARA SA AKIN. HAHAHA. PWEDE BA YUNG KAYO LANG, DAPAT KAMI DIN. HAHAHA!!!


Kita nyo naman, sino ba namang matinong mga tao ang makaka-isip ng ganyang bagay, samantalang may malaki ng problema? Kami lang ng espren ko yan, iba kami eh!!! Hahaha!!! Pero seriously, natatakot din ako sa pwedeng gawin nung baliw na yon. Hanggang hindi pa sya nakakagawa ng hindi maganda, kailangan malaman agad namin kung sino sya.



PLACE: SA SCHOOL CAFETERIA
TIME: 2:00pm


RAYCE: WHAT? BAKIT HINDI MO AGAD SINABI SA AKIN? KAYA BA PARANG BALISA KA KAHAPON?



REGINE: EH KASI NATATAKOT NGA AKO NA BAKA MADAMAY PA KAYO!



RICHELLE: ANG SARAP BATUKAN DIBA? SELFISH MUCH LANG.



RYE: KAILANGAN MALAMAN AGAD NATIN KUNG SINO YANG STALKER NYO. TAMA LANG YUNG GINAWA MO CHEL NA PAGPAPA-AMIN KAY REGINE, KUNG MAS MARAMI TAYONG MAY ALAM, MADAMI DIN TAYO NA HAHANAP SA KANYA.



RICHELLE: EWAN KO BA JAN SA BRUHA NA YAN, MATALINO NAMAN PERO HINDI NAISIP.



REGINE: ANG DALDAL MO TALAGA, PASAKAN KO NG BURGER YANG BIBIG MO EH.



RAYCE: RELAX KA LANG, KALMA… NGAYON NA ALAM NA NAMIN ANG NANGYAYARE, HINDI NAMAN KAMI PAPAYAG NG KUMAG NA TO NA MAPAHAMAK KAYO.



RYE: KAYA MULA NGAYON, IHAHATID AT SUSUNDUIN NA NAMIN KAYO.



RICHELLE: AY REGINE GOODLUCK SAYO, JAN NA MASISIRA YUNG PAGIGING EARLY BIRD MO LAGI SA KLASE. AT ISANG MALAKING GOODLUCK DIN SA AKIN DAHIL KAILANGAN KONG GUMISING NG MAAGA. HAHAHA.



REGINE: NAKO RAYCE HINDI NA KAILANGAN, AYOKONG MAGKARON NG MARAMING LATE.



RAYCE: GRABE KA NAMAN MY PRINCESS. PROMISE, AAGAHAN KO NA LAGI ANG GISING.



REGINE, RICHELLE & RYE: ISANG MALAKING GOODLUCK RAYCE!!!



RAYCE: SIGE, PAGTULUNGAN NYO PA AKO!!!



RICHELLE: OH PANO REGINE, MAUNA NA AKO SAYO. MAY TRAINING KAMI NGAYON EH.



RYE: HATID NA KITA SWEETY PIE.



RICHELLE: KELAN KA PA NAGING BADOODLES KAGAYA NI RAYCE? REGINE, HINTAYIN MO NA LANG AKO PARA SABAY NA TAYONG UMUWI MAMAYA. INGAT KA.



REGINE: SIGE, PAALIS NA RIN AKO, MAY KLASE PA AKO EH. INGAT HA.



RAYCE: HATID NA KITA SA NEXT CLASS MO.



REGINE: SIGE, BYE.


So ayun nga, hinatid nga ako ni Rye sa gym kung saan kami magte-training. Habang naglalakad kami hindi ko maiwasan na magtanong sa kanya tungkol sa mga posibleng mangyari o gawin nung bwisit na may gawa nung scrapbook na yon.


RICHELLE: RYE, SA TINGIN MO BA MALALAMAN TALAGA NATIN KUNG SINO YUNG MAY GAWA NUNG SCRAPBOOK?



RYE: KAYA NATIN YAN, GAGAWIN NATIN ANG LAHAT PARA MALAMAN KUNG SINO SYA. NAG-AALALA TALAGA AKO PARA SA INYO NG BESTFRIEND MO.



RICHELLE: SA TOTOO LANG RYE NATATAKOT AKO SA PWEDENG GAWIN NUNG STALKER NA YON. OO, KAYA KONG MANUNTOK AT MANAKIT PERO HINDI KO ALAM KUNG KAKAYANIN KO SYA. PINAPAKITA KO LANG KAY REGINE NA WALA PARA SA AKIN YON AT HINDI KO SINESERYOSO PARA HINDI SYA LALONG MATAKOT. DUWAG PA NAMAN ANG ISA NA YON.



RYE: WAG KANG MAG-ALALA RICHELLE (hinawakan nya yung balikat ko at iniharap nya ako sa kanya…) NANDITO NAMAN KAMI NI RAYCE PARA PROTEKTAHAN KAYO. HINDI NAMIN HAHAYAAN NA MAY MANGYARING MASAMA SA INYO.



RICHELLE: (kilig naman ako sa lines na yon, ramdam na ramdam ko. hahaha.) SALAMAT HA. OH PANO, PASOK NA AKO NG GYM. PUNTA KA NA SA NEXT CLASS MO, BAKA MA-LATE KA PA. BABAY.



RYE: BYE, LOVE YOU. (hinalikan nya ako sa lips sa harap ng maraming estujante…my gaaaaaaaaaahhhhhhd…. MAMATAY kayo sa inggit..hahaha…)


Jusko day, hindi ko kaya tong kilig na ito. Wait lang, sandali lang at hahanap ako ng lugar dito sa gym kung saan ako pwedeng mahimatay ng hindi ako masasaktan. Hahaha.


MENCHIE: OI BRUHA, ANU YUNG KISS NA YON NI RYE? KAYO NA BA? KALANDI MO TALAGA!



RICHELLE: AY NAKO BAKLA, BAWAL MAINGGIT! HAHAHA! SANDALI LANG, MAGPAPALIT LANG AKO!



KAREN: SANDALI LANG CHEL, YUNG BUHK MO NATATAPAKAN MO!



RICHELLE: GAGA!!! HAHAHA!!! INGGIT LANG KAYO NOH! HAHAHA!



GIRLIE: OO NGA PALA CHEL, MAY NAGPAPABIGAY SAYO.



RICHELLE: KANINO GALING? (kibit-balikat lang ang sagot ni Girlie sa akin. Kanino laya galing to?) THANKS GIRLIE, BAKA MAY CARD NAMAN SA LOOB.


Nagbihis muna ako bago ko tingnan kung ano ba yung laman nung paper bag na ibinigay ni Girlie. Kanino nga kaya talaga galing to? Hindi kaya regalo lang to ng isang student nung birthday ko, kaya lang parang masyado na yata syang late.


RICHELLE: MATINGNAN NA NGA, HINDI TALAGA MATAHIMIK ANG KALULUWA KO EH!


Holy sh*t!!! Kahapon nangyari to ah, sa tapat ng locker namin to ni Regine. Eto namang mga sumunod na pictures eh yung nasa canteen kami habang nagku-kulitan, sheet! Lagi lang pala syang nasa paligid! Pero eto ang talagang shocking, pati yung picture na naglalakad kami pauwi ni Regina sa unit namin meron din! Tangnamis talaga! Sino bang gago ang may gawa nito?!


RICHELLE: THIS IS REALLY F*CKIN’ SHEEEEEET!!! (tapos biglang tumunog yung cellphone ko sa bag.)


Tiningnan ko kung sino yung nag-text pero isang unregistered number ang lumabas, isang video yung pinadala nya.


RICHELLE: TANGINA TALAGA, PATI BA NAMAN TO HINDI NYA PINATAWAD? (tama bang video-han kami habang naglalakad papunta dito sa gym, pati yung kiniss ako ni Rye kasama. But on second thought, thank you na rin sa kanya dahil may remembrance yung kilig moment namin na yon ni Rye. But on third thought, hindi ko na talaga gusto ang mga nangyayare.) SHEEEEET LANG TALAGA, HUMANDA KA TALAGA SA AKIN KAPAG NALAMAN KO KUNG SINO KA!!!



MENCHIE: OK KA LANG BA JAN MS. LONG HAIR, HINIMATAY KA NA BA?



RICHELLE: GAGA!!! PALABAS NA AKO!!!



KAREN: BILISAN MO NA JAN, HINAHANAP KA NA NI MAM THELMA!!!






End of Chapter 21
Written by: Queen of My Own World







1 comment:

  1. nsan n ang updte n2 s pf???? turn mu n ate aegyo ha!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^