Thursday, April 12, 2012

Riot Love Game : Chapter 22

CHAPTER 22
(REGINE POV)


PLACE: SA SCHOOL CAFETERIA
TIME: 2:00pm


Sinabon ako ng boyfriend ko, ni Richelle at ni Rye dahil sa pagtatago ko ng sekreto tungkol dun sa scrapbook. Masama na bang mag-secret ngayon? Anyway, tama nga naman din. Hindi ko dapat sarilihin ang takot, lugi tayo dun.


RICHELLE: OH PANO REGINE, MAUNA NA AKO SAYO. MAY TRAINING KAMI NGAYON EH.



RYE: HATID NA KITA SWEETY PIE.



RICHELLE: KELAN KA PA NAGING BADOODLES KAGAYA NI RAYCE? REGINE, HINTAYIN MO NA LANG AKO PARA SABAY NA TAYONG UMUWI MAMAYA. INGAT KA.



REGINE: SIGE, PAALIS NA RIN AKO, MAY KLASE PA AKO EH. INGAT HA.



RAYCE: HATID NA KITA SA NEXT CLASS MO.



REGINE: SIGE, BYE.



At naghiwa-hiwalay na kami ng landas. Nasa hallway na kami ni Rayce ngayon at nag-aabang na lang ng elevator.



RAYCE: SO BARBIE DOLL, MAY SUSPECT KA NA BA JAN SA ISIP MO?



REGINE: WELL, PINAG-AARALAN KO PA YUNG SCRAPBOOK. SA TINGIN KO, HINDI LANG ISANG STALKER KUNDI DALAWA.



RAYCE: AHH, SO TAG-ISA KAYO NG ADMIRER NI RICHELLE? ANG GANDA NIYO EH.



REGINE: YES, THE’RE NO DOUBT NA MAGANDA KAMI. BUT THE ‘TWO STALKER THING’, THAT’S JUST A THEORY. MERON KASING PICTURES DUN NA KUHA NILA NA NASA MAGKAIBANG LUGAR KAMI NI RICHELLE. (I checked left and right kung may tao saka ko nilabas ko yung scrapbook sa bag ko.) LIKE THIS ONE. NANGYARI ‘TO NUNG NAIWAN SINA RYE AT RICHELLE DUN SA BASECO, AND AT THE SAME TIME MAY PICTURE NAMAN DIN TAYO TOGETHER NUNG BINILHAN MO AKO NG DAMIT NUNG GIG MO SA WINELINE. IMPOSSIBLE NAMANG ISANG TAO LANG ANG MAY GAWA NITO DIBA? ANO YUN, NAGTE-TELEPORT.



RAYCE: (Nakatitig lang saakin si Rayce.) NAGNO-NOSEBLEED AKO SA TALINO MO MAH PRINCESS.



REGINE: ALAM MO PAREHO KAYO NG SINABI NI RICHELLE NUNG SINABI KO SA KANYA ‘TO KANINANG UMAGA.



RAYCE: AHH! EH DI KUNG GANUN, DALAWA ANG SALARIN.



REGINE: HINDI LANG YUN, RAYCE. LOOK AT THIS STUFF. (Tapos tinuro ko yung mga design ng scrapbook)



RAYCE: WELL, TALENTED YUNG STALKERS NIYO. GALING NILA MAG-DESIGN!



REGINE: SHUNGA! (Ang babaw talaga mag-isip nito kahit kelan! Bayaan mo na nga, mas mababaw ako dahil inlab ako sa kanya eh.) I’M NOT REFERRING SA DESIGN! I’M REFERRING AT THE MATERIALS NA GINAMIT! THESE ARE ALL CUTOUTS FROM A MAGAZINE. FAN NG COSMOPOLITAN MAGAZINE YUNG GUMAWA NITO.



RAYCE: (Ang weirdo na naman ng titig saakin ni Rayce) ALAM MO SA SOBRANG TALINO MO, PARANG SI RYE ANG KAUSAP KO.



REGINE: TRY MO KAYANG MAG-ANALYZE MINSAN NOH?



*ting!* Ayan na yung elevator, so madali kong binalik sa bag ko ang scrapbook. Kaso nasoray naman ako sa utaw na nakasakay na dun sa elevator…



JIYEON: RAYCE!!! (Si kulugong Jiyeon pala! At dahil saksakan siya ng kalandian, binati niya agad ng halik sa pisngi at yakap si Rayce.) PINAGTATAGUAN MO BA AKO? HINDI KA NAMAN DUMALAW SA WINELINE! (Tapos napatingin siya saakin) AT KASAMA MO PALA SI LASENGGERANG CAT-WOMAN DITO.



REGINE: AS I REMEMBER, IKAW ANG NANGALMOT SAAKIN NOON. HINDI PA PALA KITA NAGANTIHAN NUN NOH, PAGANTI NGA.



JIYEON: DARE? (Tapos nakalingkis pa rin siya kay Rayce, daig pa anaconda!)



REGINE: AT HOY RAYCE HYEUNG, KAPAG IKAW HINDI PA PUMALAG JAN SA YAKAP NG BABAENG YAN, WAG MO NA AKONG MATAWAG-TAWAG NA GIRLFRIEND HA! (Pagkasabi ko nun, sabay tulak si Rayce kay kulugong Jiyeon at lumipat siya sa likod ko.)



JIYEON: WHAT DO YOU MEAN BY GIRLFRIEND?



REGINE: PUNTA KA SA LIBRARY, HANAP KA NG DICTIONARY, TAS LOOK FOR THE WORD GIRLFRIEND. BAKA MAKITA MO PANGALAN KO ANG NAKASULAT, GIRLFRIEND NA NI RAYCE!



JIYEON: WHAT!!! (Boboness! Bakit ba hindi niya ma-gets? Leshe!)



Sumakay na ako dun sa elevator samantalang ayaw pa ring maniwala ni Jiyeon tungkol saamin ni Rayce.



RAYCE: SHE’S MY GIRLFRIEND, TIGILAN MO NA AKO JIYEON. SHE’S THE ONE I LOVE NOT YOU. (Saka na rin sumakay si Rayce sa elevator at biglang akbay saakin. Si Jiyeon naman, mukhang pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura niya.)



REGINE: OH, AND PLEASE INFORM YOUR FRIEND SHINAYA NA WAG NIYA NA RING GULUHIN SI RYE. KASI BOYFRIEND NA RIN SIYA NG BESTFRIEND KONG SI RICHELLE. (Ang saya ko lang at feeling ko this is the happiest moment of my life. OA ha!)



JIYEON: CURSE YOU!!! (Para naman siyang biglang sinapian at nagwala bigla kaya nahulog din ang laman ng mga gamit niya sa bag. Buti nga! Eskandalosa kasi!)



Pasarado na rin nun yung pinto ng elevator nang bigla akong may mapansin sa mga gamit ng babaeng kulugo…



REGINE: OW-EM-JI…



RAYCE: HA? BAKIT? (Natulala ako bigla nung kaming dalawa na lang ni Rayce sa loob ng elevator)



REGINE: IT WAS THEM…



RAYCE: HA? ANONG IT WAS THEM? REGINE NAMAN, ANO NA NAMAN YANG NAFO-FORMULATE NG UTAK MO?



REGINE: HINDI MO BA NAKITA??? SA MGA GAMIT NI JIYEON KANINA DUN SA SAHIG!!! (Okay hindi niya nga nakita. Laos talaga sa pagiging observant ‘tong kumag na ‘to) SHE GOT PILES OF COSMOPOLITAN MAGS ON HER BAG!!! TAPOS YUNG IBANG PAGES… PARANG GINUPITAN!!! JUST LIKE THOSE CUTOUTS ON THE SCRAPBOOK!



Huli kayo balbon! Maari ngang si kulugong Jiyeon at ang friend niyang buni na si Shinaya ang may pakana ng lahat ng ito!!! After all, silang dalawa lang naman ang naka-away namin ng espren ko eh! Argh!!!



RYE: SURE BA KAYO? BAKA NAMAN NAGKAKAMALI KA LANG REGINE. KUNG SILA NGA, DAPAT YUNG ULO NIYO YUNG PINUGUTAN NILA HINDI YUNG SAAMIN. HINDI NAMAN SIGURO MAGAGAWA YUN NI SHINAYA.



RICHELLE: AT BAKIT SI SHINAYA ANG PINAGTATANGGOL MO HA?



RAYCE: PERO MAY PUNTO SI RYE DUN. PARANG MAHIRAP PANIWALAAN EH. SA INYO MAY GALIT YUNG DALAWA HNDI SAAMIN.



REGINE: OKAY, COME TO THINK OF THIS, PWEDENG GINAWA NILA YUN KASI ALAM NILANG MAMOMOMBLEMA KAMI NI RICHELLE.



RICHELLE: YEAH~ I THINK SO TOO, ESPREN. (Kampihan ‘to? Bestfriends VS Boyfriends!)



REGINE: AT TSAKA ISIPIN NIYO, BAKIT SA LOCKER KO MISMO NILAGAY? KASI ITONG SI JIYEON ANG NAG-AARAL DITO SA SCHOOL AT HINDI SI SHINAYA. IDAGDAG MO PA NA MAS MALAKI ANG GALIT NIYA SAAKIN KESA KAY RICHELLE.



RICHELLE: YEAH, PWEDENG SINABIHAN SIYA NUNG PUSANG SHINAYA NA YUN NA WAG ILAGAY SA LOCKER KO KASI ALAM NIYANG KAPAG NAHULI KO SI JIYEON, MABUBUNGIAN KO SIYA PANIGURADO.



RAYCE: WE DON’T KNOW GIRLS HA. MAHIRAP MAGBINTANG.



REGINE: BAKIT? KASI SI JIYEON YUN? MAGSABI KA NGA, BAKIT MO BA PINOPROTEKTAHAN YUNG BABAENG YUN.



RYE: HINDI YUN SA PAGPO-PROTEKTA, WALA KASI TAYONG EBIDENSYA.



RICHELLE: MAHIRAP BA YUN? EH DI MAGHANAP NG EBIDENSYA!



RYE: EH DI SANA NAKAKUHA NA TAYO KUNG GANUN KADALI DIBA?



RICHELLE: BAKIT SA TONO MO, PARANG INAAWAY MO AKO HA? IKAW KANINA KA PA DIN HA, PINAGTATANGGOL MO LANG DIN KASI YUNG SHINAYA NA YUN EH.



RYE: ANO NAMANG KINALAMAN NUN DOON. WALA KAMING PINAGTATANGGOL! KAYO ANG PINOPROTEKTAHAN NAMIN!



RAYCE: HAY NAKU! WALA NANG MATINONG USAPAN! NAKAKAASAR NA, NAGAAWAY-AWAY NA TAYO!



REGINE: KASI NGA YUN ANG GUSTO NG GUMAWA NG LINTEK NA SCRAPBOOK NA ‘TO! YUN ANG GUSTO NINA JIYEON AT SHINAYA!



RAYCE: TUMIGIL KA NA NGA DIN SA PAGBIBINTANG MO, HINDI KA PA NGA SIGURADO.



REGINE: HEH BWISET!!! (Tapos binato ko sa pagmumukha niya yung scrapbook.)



Kanina pa din ako naasar sa Rayce na ‘to eh. Nung kaninang pinabayaan niya lang na halikan at yakapin siya ni Jiyeon, dun palang nagtitimpi na ako eh. Hindi na lang niya iniisip ang feelings ko! Na selosa ako! Rawwwr!!!



REGINE: ESPREN, TARA UWI NA TAYO!



RAYCE: LAGI KA NA LANG GANYAN, MAGWO-WALKOUT PAG HINDI NASUNOD ANG GUSTO!



REGINE: EH DI IKAW ANG MAG-WALKOUT!!!



RYE: TEKA, HAHATID KO NA KAYO.



REGINE: AYOKO! NABU-BWISET DIN AKO SAYO DAHIL KAKAMBAL KA NG KUMAG NA ‘TO! TARA NA RICHELLE-TOT! (Tapos hinila ko na agad si Espren at nauna na kaming maglakad.)



Alam na nung kambal na kapag sinundan nila kami, itutulak ko talaga sila sa daan at nang mabundol sila ng truck.



Hindi naman din kami dumirecho ni Richelle sa condo. Dun lang kami sa may Central Park nagpunta… kapag wala kasing matambayan, madalas kaming dalawa dito. At saka alam niyang may iba pa akong dinadala.



RICHELLE: MAY NANGYARI NOH?



REGINE: WALA. (Try lang lumusot)



RICHELLE: EH BAKIT NAIIYAK KA?



REGINE: EH KASI NAMAN BRU~ UWAAHHPPP…!!! (Tapos bigla niyang tinakpan yung bibig ko. Alam na kasi kapag ako ang umiyak diba? Daig pa sirena ng bumbero.) EHKASHE… MMMM… UWOHMMMM… (Hindi na ako makahinga sa pagkakatakip sa bibig ko!!!)



RICHELLE: REGINA NAMAN! PAGTITINGINAN TAYO NG MGA TAO KAPAG HUMAGULGOL KA NG MALAKAS DITO. KALMA MUNA HA… KALMA!!! INHALE… EXHALE…



So ginawa ko naman yung sinabi niya. At nung tanggalin na niya ang pagkakatakip niya sa bibig ko, saka na talaga ako nagpatulo ng luha. Tapos nagyakap na lang kami.



REGINE: HINDI KA BA TALAGA NATATAKOT HA? BAKIT PARANG AKO LANG YUNG NAGWO-WORRY??? (Humihikbi pa akong nagsasalita habang lumuluha at nakayakap lang kay Richelle. Basa ang t-shirt niyang suot ngayon, panigurado!)



RICHELLE: NATATAKOT DIN AKO ‘BRU. DIBA SINABI KO RIN SAYO KANINA, MAY NAGSEND SAAKIN NG VIDEO NAMIN NI RYE… (Oo nga. Adik na talaga yung mga stalkerS na yun eh.) NATATAKOT RIN AKO REGINA PERO DAHIL KASAMA KITA, ANO NA LANG MANGYAYARI SAATIN KUNG MADUDUWAG AKO DIBA? SINONG MAGTATANGGOL SAATIN?



REGINE: EH BAKIT GANUN SIS? BAKIT PARANG MAS BOYFRIEND PA KITA KESA KAY RAYCE? SI RAYCE, HINDI MAN LANG AKO KINO-COMFORT. PARANG WALA LANG SA KANYA NA NAGKAKAGANITO NA AKO. TAPOS LUMANDI PA SIYA KAY JIYEON SA HARAP KO KANINA.



RICHELLE: ANO??? TULOY NA NGA NATIN YANG RIOT LOVE GAME NATIN PERO SI RAYCE LANG ANG TARGET, WAG SI RYE.



REGINE: EH RICHELLE NAMAN EH! HINDI YUN ANG ISSUE NGAYON… I MEAN LANG ANG NAGLANDI SA KANYA NGAYON, PERO HINDI LANG SIYA PUMALAG. KUNG HINDI KO PA NGA PINALISIK YUNG MATA KO, EWAN KO NA LANG!




RICHELLE: YAN NA NGA BANG SINASABI KO SAYONG BRUHILDA KA! AT JAN SA IMPAKTITONG RAYCE NA YAN! MAKIKIPAG-BOYFRIEND KA SA KANYA EH ALAM MO NAMANG PLAYBOY YUNG TAO. (Tapos naramdaman kong kino-comfort ako ni Richelle. Sweet din siya eh noh, isipin ng mga tao kami. Ew~) PERO ALAM MO SIS KUNG ANO LANG ANG SAGOT JAN? TRUST! BAWASAN MO YANG SOBRA MONG SELOS KASI SIGE KA, BAKA YAN LANG MADALAS NIYONG PAG-AWAYAN NI RAYCE. AT TSKA, FEELING KO NAMAN NA DIN NA MAS PATAY NA PATAY SAYO SI RAYCE. TRSUT LANG TALAGA REGINE.



REGINE: EH SA INYO BA NI RYE? ANO ANG MADALAS NIYONG PINAG-AAWAYAN?



RICHELLE: HMMM… KUNG SINO YUNG UNANG HAHALIK… KUNG SINO YUNG UNANG MAKIKIPAGHOLDING-HANDS. KUNG SINO YUNG MAS ANGAT NA NILALANG… AKO BA O SIYA? MGA GANUN LANG.



REGINE: PFFFT… GAGU! (Ang babaw nila! Shemay! Pero nakakatuwa at nakakainggit. Hay naku!)



RICHELLE: HAYAAN MO, KUNG SINA JIYEON AT SHINAYA NGA YUNG MGA NANTITRIP SAATIN, BABALATAN KO TALAGA SILA. BASTA SA NGAYON, HANAP TAYO NG EBIDENSYA. PATUNAYAN NATIN NA SILA YUN. PERO KUNG HINDI NAMAN SILA, EH DI HANAP TAYO NG IBA PANG PAGBUBUNTUNGAN.


REGINE: AHAHAHA!!! (Ulupong talaga ‘tong bestfriend ko noh. Kanina lang umiiyak ako dahil sa mga nangyayari, pero dahil siya ang kasama ko, hindi ko rin talaga maiiwasang hindi matawa.)



*click… click… click…*



RICHELLE: BRU, SADYANG SIKAT LANG BA TAYO O PANSIN MO RING MAY TAONG KUMUKUHA NG PICTURES NATIN DUN MALAPIT SA STATUE.


REGINE: HA… NAPANSIN KO NA DIN YUN. (Lilingunin ko sana kaso…)



RICHELLE: WAG KANG MAGPAHALATA REGINE.



REGINE: KANINA PA BA YUN DOON? SHETTTT!!! ISA KAYA YUN SA MGA STALKER NATIN?



RICHELLE: DALI, TUMAYO KA JAN! MAGLAKAD KUNYARI TAYO. HUHULIIN NATIN SA AKTO YANG HINAYUPAK NA YAN.



REGINE: PAANO? ANONG PLANO?



RICHELLE: IKAW ANG MAGPLANO! MAGALING KA DUN EH… BASTA AKO ANG HAHABOL SA KANYA.



So yun, hindi namin pinahalata na napansin na namin na may isang taong sumusunod saamin at kinukuhanan kami ng pictures. Ako naman, nag-isip ng plano habang naglalakad kami… at buti na lang talaga madalas din akong manood ng mga action movies.



REGINE: OKAY RICHELLE… GANITO ANG PLANO…



Nakabuntot pa rin yung hinayupak na stalker habang naglalakad kaming dalawa na hindi pinahahalata na nagpa-plano na kami. Dumirecho kami ni Richelle kung saan may mga tao. Mahirap na kasi, at least kung magkagulo, may mga taong pwedeng tumulong saamin sa paligid.



REGINE: GAME BRU! JAN SA RESTAURANT NA YAN.



Pagpasok namin, agad na naming isinagawa ni Richelle ang plano. Kilala kami dun sa pinasukan naming restaurant at dumirecho si Richelle dun sa may kusina para makiusap na dumaan dun sa may likod nila.



Ako naman, pina-display ko yung beauty ko sa may salamin para siguraduhin na hindi aalis o makakatakas yung stalker. Alam ko na kumukuha siya ng pictures ko habang naka-upo ako sa spot na yun.



Ilang sandali pa…



RICHELLE: HOY GAGU KA!!! BAKIT MO KAMI SINUSUNDAN HA! (Tinapik ni Richelle yung stalker at syempre, laking gulantang nito!) HETONG SAYO! (At sinuntok niya yung tao kaya napatumba ito.)



Syempre tumakbo na ako papalapit pero bago pa man namin malaman kung sino siya (EH KASI NAKATAKIP YUNG MUKHA NIYA) kumaripas siya agad sa pagtakbo kaya nakipaghabulan pa kami!



RICHELLE: HOY TUMIGIL KA!!! NAKA-HEELS KAMI!!!



REGINE: (Nag-isip ako ng pwedeng way para pigilan yung tao) MAGNANAKAW!!! MAGNANAKAW YUNG TAONG YUN! HABULIN NIYO PLEASE!!!


Napatingin na lahat ng taong dinadaanan namin habang hindi kami tumitigil ni Richelle sa paghabol. Bukod sa nakaka-haggard, paniguradong magkakatuklap-tuklap ang mga paa namin sa pagtakbo! Naka-heels nga kasi kami!



Marami naman ding naawa saamin kaya nakitulong sila sa paghabol! Isipin niyo na lang kasi, sa ganda naming ito, sinong hindi mapapatulong noh! Anyway, balik tayo dun sa stalker!



Jiyeon or Shinaya, kung sino man sa inyo ang nagtatago sa likod ng stalker na hinahabol namin ngayon, malalagot talaga kayo saamin! Mahuhuli namin kayo sa akto this time!



RICHELLE: PUUUUUTTTTTTEEEEEENNNGGGGIINNNAAA!!!! HINDI KAMI TITIGIL SA PAGHABOL SAYOOOO!!!!! HOYYYYYYY!!!!
 (Kaso anong training kaya ang ginawa ng stalker na yun at ang galing niya lumusot at ang bilis tumakbo! Asar!!!)



Siguro lima na kaming naghahabol sa kanya at nung paliko na siya sa kanto, medyo tumaas na yung chance para mahuli namin siya… kaso…



JIYEON: WHAT THE!!!



SHINAYA: OUCH!!!



Nanlaki yung mga mata namin ni Richelle nung mabunggo nung hinahabol namin sina… ha? Sina Jiyeon at Shinaya? Eh teka… so sino yung stalker? Wala kina Jiyeon at Shinaya???



SHINAYA: WALANG HIYA KA HINDI KA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO!!! (Tapos tinanggal niya yung sapatos niya at pinagpapalo sa ulo yung stalker)



JIYEON: NAGASGASAN MO ANG BINTI KO HINAYUPAK KA! HAYOP! HAYOP! (At ganun din ang atake ni Jiyeon)



RICHELLE: WAG NIYO SIYANG PATATAKASIN!!!



SHINAYA: RICHELLE???



REGINE: STOP THAT PERSON!!!



JIYEON: REGINE???



Hindi ba nakikinig ‘tong dalawang ‘to? Sinabi nang wag patakasin at stop that person, nagawa pang matulala saamin nung makita kaming tumatakbo papalapit.



Pero mahuhuli pa rin naman sana namin yung stalker kung hindi lang nakaisip yun na itulak sina Jiyeon at Shinaya dun sa malaking man-hole.



Syempre naman, dahil concern citizen kaming lahat, wala kaming nagawa kundi unahin yung enemy naming mag-bestfriend na parehong nakakapit para hindi sila mahulog ng tuluyan dun sa nangigitatang imburnal! Save na lang namin sila, good karma yan!



So ito ang mga sumunod na nangyari…



Nakatakas yung stalker, narealize namin na hindi pala talaga sina Jiyeon at Shinaya ang suspects… which only mean na nakakalat pa rin kung saan yung lintek na mga stalkers na yun!



SHINAYA: HELL NO! BAKIT NAMIN KAYO II-STALK AT PUPUGUTAN NG ULO YUNG KAMBAL! KAYO ANG DAPAT NA PUGUTAN NG ULO NOH!



JIYEON: KUNG SINO MAN YUN, I THANK HIM FOR PUNISHING THE TWO OF YOU.



REGINE: SASABUNUTAN KO ‘TO RICHELLE, PIGILAN MO AKO.



RICHELLE: GO LANG ESPREN, SUPORTAHAN PA KITA.



SHINAYA: IS THAT HOW YOU SHOULD TREAT US? NAPAHAMAK NA NGA KAMI DAHIL SA INYO, AAWAYIN NIYO PA KAMI.



REGINE: WELL, NILIGTAS NAMAN NAMIN KAYO DIBA? QUITS NA!



Kahit ano sigurong mangyari, hindi namin makaksundo ang dalawang ‘to eh. Lalo pa nung dumagdag sa eksena ulit yung kambal! Bigla na lang silang sumulpot kung saan!



RAYCE: HEY WHAT HAPPENED?



RYE: ARE YOU GIRLS ALRIGHT?



RICHELLE: ANONG GINAGAWA NIYO DITO?



RAYCE: KUNG HINDI PA KAMI TINEXT NINA JIYEON, HINDI PA NAMIN MALALAMAN NA HINABOL NIYO PALA YUNG STALKER! AT MAY GANITO PANG NANGYARI!



JIYEON: LOOK RAYCE! NAGASGASAN AKO SA BINTI!



RAYCE: AWW… MAY MASAKIT PA BA SAYO?



RYE: EH IKAW, OKAY KA LANG BA?



SHINAYA: I’M NOT HURT… PERO DAHIL KAMUNTIK NA KAMING MAHULOG SA FILTHY AND GRUESOME MAN-HOLE NA YUN, HABANG BUHAY NA YATA AKONG MATO-TRAUMA.



RICHELLE: WELL, EVERYTHING IS FINE NA NGA DIBA? NALIGTAS KA NAMAN HA!



RAYCE: THAT’S NOT THE POINT! SANA SINABIHAN NIYO MUNA KAMING MGA BOYFRIEND NIYO BAGO KAYO GUMAWA NG GANUNG KILOS! WHAT IF NAPAHAMAK DIN KAYO?



REGINE: WOW! NGAYON MO NA LANG NAISIP KUNG WHAT IF KAMI ANG NAPAHAMAK? (Kanina pa naririndi tenga ko sa kanila ha! Inuna muna nila kaming awayin, isinunod na alalahanin sina Shinaya at Jiyeon, at hinuli nila na isipin kung pati ba kami nasaktan!)



RAYCE: EH KASI PINAGPIPILITAN MO YUNG HINALA MO NA SINA JIYEON AT SHINAYA YUNG GUMAWA NG SCRAPBOOK! WHAT IF YUNG STALKERS NIYO, MAS DANGEROUS PA PALA! AKALA KO BA MATALINO KA REGINE? ALALANG-ALALA KAMI SA INYO TAPOS HETO PA!



REGINE: KUNG NAG-AALALA KA… (Hindi ko na naman napigilan ang luha ko. And this time, wala na akong pakelam kahit makita pa nila akogn umiiyak) SANA IPAKITA MO HINDI YUNG INAAWAY MO PA AKO! NAGSISISI AKO RAYCE! NAGSISI AKONG SINAGOT KITA!!!


RAYCE: (Biglang nagbago yung timpla ng mukha ni Rayce, at buti na lang walang naki-epal sa madamdaming ekesena na ‘to.) THAT’S NOT WHAT I MEANT MY PRINCESS… PLEASE WAG NAMANG BIGLANG GANITO...


REGINE: SHUT UP!!! DON’T YOU EVER CALL ME YOUR PRINCESS!!! NGAYON PA LANG TINATAPOS KO NA ‘TO!!!



Heto siguro ang talagang gusto nung stalkers namin ni Richelle. Na masira ang relasyon namin sa boyfriend namin. Alright, nanalo na siya sa pagitan namin ni Rayce! I quit!!!



I don’t really know naman kung ano naman ang mangyayari sa lovelife ng bestfriend ko. Kung pati ba yung sweet and almost perfect relationship nila ni Rye, masisira din nung stalker niya.



Basta ito lang ang gusto ko… ang kalimutan ang Rayce Hyeung na yun, at hanapin pa rin yung mga demonyong nanggugulo sa buhay namin ngayon.




End of Chapter 22


1 comment:

  1. ayan kasi naman rayce! bakit ba uunahin mo pa ang ibang girls! habulin mo ngayon si regine!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^