Thursday, April 12, 2012

Ang Sakit Lang Talaga!


          Alam mo ba kung gaano kasakit na sabihan ka ng taong pinahahalagahan mo na isa kang walang kwentang tao? Sobrang sakit pare, para ngang mas gugustuhin mo na lang na sana nung sinabi nya yung mga salita na yon eh may pasak ang tenga mo, o kaya naman tulog ka na lang, o kaya naman lutang ang utak mo, o kaya naman tatanga-tanga ka para hindi mo ma-gets yung mga sinabi nya. Sobrang nakaka-basag ng puso yon.




          Kapag ba hindi ka showy, wala ka ng pakelam dun sa tao na yon? Hindi ba pwedeng ganon ka lang talaga? Sana naman diba, kilalanin muna nilang mabuti yung tao bago nila sabihan ng mga ganong salita. Sana bago sila magbitiw ng salita pag-isipan muna nila ng maraming beses kung may masasaktan ba sila sa mga sasabihin nila.

          Nakaka-walang ganang pahalagahan at mahalin ang mga ganong klaseng tao. Yung mga tao na basta-basta na lang nang-huhusga ng kapwa nila, na basta na lang nilang sasabihin yung gusto nilang sabihin without considering what might that person can feel and kung anong damage ang pwede nilang idulot.

          Masakit masaktan physically, pero mas nakaka-sakit ang mga salita kesa sa mga suntok, tadyak, palo at kung ano-ano pang klaseng pananakit physically. Mas malakas ang impact ng salita kesa sa kahit na ano pa man. Kapag nga sinabihan ka ng ‘I love you’ ng taong mahal mo, lumiligaya ka, natutuwa ka, pero kapag naman sinabihan ka ng taong mahal mo na hindi ka nya mahal masasaktan ka for sure, nandyan yung feeling na parang binagsakan ka ng langit at lupa, na parang wala ng kwenta yung buhay mo.

          Sana naman wag tayo basta-basta manghuhusga ng tao. Minsan kasi yung pinapakita nila, eh hindi iyon ang tunay na sila. May mga tao kasi na hindi lang talaga pala-sabi at showy ng pagmamahal nila sa isang tao. Hindi porke ganito sya sayo, ganon na rin sya sa lahat ng tao. Minsan kasi may mga pinag-daraanan din sila na sa tingin nila eh walang ibang makaka-unawa sa kanila kundi ang sarili nila. May mga tao na maraming issues sa buhay, maraming ‘what ifs’ sa utak kaya kahit na gustuhin nilang gawin ang isang bagay hindi nila magawa dahil sa mga ‘what ifs’ na yan.

          Sobrang sakit talaga, nakaka-sira ng pagkatao na sabihan ka na walang kwentang tao ng taong na kahit kailan hindi mo naisip na sasabihan ka ng ganon. Masakit kasi nga hindi mo inaasahan, ok lang sana kung yung kapitbahay mo yung nagsabi non, walang problema don, kaya lang yung mismong kapamilya mo pa ang nagsabi non! Haaaay, sobrang maka-basag puso talaga, parang ayaw mo ng ituloy ang buhay mo dahil sa salita na yon.

2 comments:

  1. naku naman sis...what happened ba???

    tsk super sakit nga yan sis...pero okay lang carry mo yan... AJA!!!

    ReplyDelete
  2. wanna talk about that espren??? PM mo lang ako.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^