Wednesday, February 29, 2012

Kissing Bandit : Chapter 3

CHAPTER 3
(ATASHA ORELLANA POV)



Great! Ang galing-galing mo talaga Atasha! Yung plano mo na makapasok ng maaga sa first day of school, makaupo sa pinakamagandang pwesto, makahanap ng kaibigan at i-enjoy ang college life ay natupad mong lahat… sa panaginip!



Dahil hindi ako nakasakay ng bus papuntang school, twenty minutes late ako!





Dahil sa late ako, napwesto ako sa likod ng room namin.


Dahil sa pagod at haggardouz ako so walang gustong kumausap saakin.



At dahil sa lahat ng ito, napagalitan ako ng first period prof at napahiya ako sa buong klase! Great! Ang galing-galing ng pagka-fail mo Atasha!!!



Nung mag-first break na, kanya-kanya nang nag-alisan ang mga classmates ko. May mga namuo namang grupo agad kasi yung iba sa kanila, mukhang highschool pa lang, magkaka-tropa na.



And I was left alone sa room namin… gloomy… no friends… ugly? Feeling ko ang kasi ang pangit ko dahil ako lang mukhang pulubi saamin. Ang gaganda ng mga suot ng classmates ko, pati na rin yung ibang estudyante. Pumasok ba sila dito para mag-aral o mag-fashion show?



“Hay naku!!! Nakakaasar naman!!!” Kasalanan ito ni half-syokoy, half ET eh! Humanda siya saakin! Bukod pa dun, may atraso pa saakin yun! Gagamitin niya talaga yung pictures ko pam-blackmail eh… pero naman kasi! Ano bang ibig niyang sabihin na baka ipagkalat ko sa lahat kung saan siya nakatira? Ano naman pake ko dun!



“Ah, classmate pwedeng umalis ka jan?”



“Ha?” Isang magandang babae na mukhang mayaman dahil sa ayos niya ang lumapit saakin. Pinaalis niya ako sa upuan ko? “Bakit?”



“Makikisaksak lang ako ng laptop.” Tapos may hawak siyang laprop na may design na kung anu-anong burloloy. “Nasa gilid mo kasi yung outlet. Pwede?”



“Ah… okay…” Tapos inusog ko ng konti ang upuan ko para ma-charge na niya yung laptop niya. After nun, na-busy na siya.



Syempre, pa-simple akong sumisilip sa tinitignan niya, mukha kasing interesting. Nagyu-youtube kaya siya? Facebook? Pinoy Factor? Blog? Maraming naka-open na tag eh. Basta isa lang napansin ko, may binabasa din siyang something sa isang blog. Yung url, aegyodaydream.blogspot.com tapos ayun, parang may mga fictional stories dun na tuwang-tuwa niyang binabasa.



Pero bukod dun sa blog na yun, may naka-open pang isang site na madalas niyang chini-check. Parang may hinihintay siyang update. “Something wrong?”



“Ha… ah… wala…”



“Do you… um… need tissue?” Hindi naman ako nanghihingi ah! “Pawis na pawis ka kasi. Kanina ka pa nung first period, parang pagod na pagod.”



“Ah… hahaha. Tinakbo ko kasi papunta dito. Long story… long run.”



Bigla siyang natawa sa sinabi ko, o baka sa facial expression na ginawa ko. Pag nagsasalita kasi ako, buong katawan ko, parang nagkukwento na din. Yung tipong pati mata, ilong, buhok, kilay and so on, gumagawa ng sarili nilang actions.



Anyway, kinakausap na niya ako! What am I waiting for? “Um… ako nga pala si Atasha Orellana.”



“I’m Raiza. Raiza Chen.”



“Half-Chinese ka?” Singkit kasi eh. Bakit pag singkit ba Chinese na agad?



“Yep.” Sabi naman sa inyo, may lahing Chinese nga. Ngumiti siya saakin tapos tinuloy  na niya ang pagla-laptop niya. Ako naman, kanina ko pa talaga gustong makiusisa so kinapalan ko na talaga mukha ko.



“Ano yan?”



“Laptop.” Ay anong tingin saakin, hindi alam ang laptop?



“I mean, ano yang tinitignan mo?”



“Nagbabasa ako ng stories sa aegyodaydream.blogspot.com. Nakakilig mga stories dun eh.”



“Wow! Ma-visit nga yan minsan.” Pero may isa pang site siyang tinitignan eh. “Eh yan? Anong site yan?” Sabi nga nila, ang batang matanong, matalino! Pero sa edad ko ngayon, pwede ring chismosa lang talaga.



“Ha? TMU diary ko. Ikaw ba hindi ka pa nakakagawa ng diary mo? Lahat ng students ng TMU gumagawa nito eh. Meron nga din outsiders na gumagawa ng account dito eh.”



“Ay hindi ko alam yan.” Obvious nga, kaya ka nga nagtatanong Atasha eh!



“Naku! I suggest na gumawa ka nito!” Tapos pinakita niya yung page niya. “Para ‘tong facebook, may friends and like! Pwede ring twitter, may mga fans din na nagfa-follow sayo. Pwede ding tumblr, may mga nagre-reblog ng post mong pictures or status.”



“Wow! Pinagsama-sama pala!” Para lang akong timang na naa-amaze sa description niya sa TMU Diary.



“Pero bukod doon, dito ka nakakakuha ng latest news and gossips about sa mga sikat dito sa university. Kapag na-feature pa yung homepage mo ng TMU Admin, sisikat ka! Para ka nang celebrity!” Wow!!! Ayus yun!!! “Pero yun nga lang, mahirap ma-feature kasi piling-pili lang yung pinopost ng main Admin ng TMU Diary. As in mataas ang standards bago masabi na isa ka na sa mga popular personalities dito sa university.”



“Ahh… eh sino ba sikat jan bukod sa Admin ng diary?” May ni-click siyang isang icon. Nasa 400+ people na ang pina-follow niya pero may spot doon kung saan nakalagay ang “TOP 5 Most Influential TMU Personalities.” Binasa ko talaga yun!



At isa-isang pinakilala saakin ni Raiza ang mga yun .Sa TMU Diary lang ito ha.



#5
Username: AegyoDayDreamer
Name: Ruijin Miina
Gender: Female

She’s Half-Korean. 4th year CA student, at sumikat daw siya because of her blog. Yun nga yung blog na binabasa ni Raiza kanina. She got 490,000+ followers.

(A/N: Pasensya na ha, gusto ko lang talaga masama dito! Pangarap ko ‘to eh!)


= = = = =

#4
Username: SJ_4Ever
Name: Vincent Lee
Gender: Male

He’s Half-Korean. 4th year CA student, and he’s dating Ruijin/AegyoDayDreamer. Sumikat siya because he’s a member of a popular Rock Band, at marami siyang connections sa Entertainment industry. Wow! Ang gwapo!!! Meron siyang 510,000+ followers.

(A/N: Pasensya na ulit at ginawa kong boyfriend ang lalaking ito. Mas pangarap ko siya eh.)


= = = = =

#3
Username: LouisXoXo
Name: Louis Sevilla
Gender: Female

3rd year Visual Arts student. Isa siyang part-time model so sikat siya hindi lang sa loob ng university kundi pati sa labas.


Bukod doon, malakas din ang connection niya dito dahil Uncle niya ang may-ari ng TMU. She got a 680,000+ followers sa diary pa lang niya.




= = = = =

#1
Username: TMU_Admin
Name: Unknown
Gender: Unknown

Walang nakakaalam kung sino siya but it’s obvious na siya ang #1 kasi siya ang talagang nakaka-impluwensya kung sino ang mapapasama sa TOP 5 list na ito. Maraming nagsasabi na isa siyang teacher, pero yung iba naman naniniwala na student siya. Wala talagang nakakasigurado dun! Followers? 900,000+!!!


= = = = =





Yun na yung top nila… Nagulantang naman ako sa dami ng followers nila. Parang mga artista lang sa dami ng fans! Pero nasaan yung #2? Bakit biglang nag-skip?



“Wow.”



“Wow? Yun lang ang reaction mo! Amazing kaya! Daig pa ng limang ‘to ang ibang artista jan noh! Yung ibang sikat nga, wala pang 500K ang followers sa ibang social networking sites.”



“Ah, hehe…” Natahimik ako sa pagkakaupo ko. Pinabayaan ko na lang si Raiza habang patuloy pa rin siya sa paga-update ng diary niya.



Nag-iisip ako ng malalim tungkol dun sa pang Top 2.



#2
Username: Kissing Bandit
Name: Laris Howfer
Gender: Male (But beautiful than a female)

2nd year Film and Audiovisual CA student. He is the so-called ‘The Kissing Legend’. Maraming babae ang gustong maka-first kiss siya dahil pampa-swerte daw yun. There were stories na nagsasabing he was Ruijin and Louis’ first kiss. Lahat kasi ng mali-link sa lalaking ito, nagiging successful and aside from that, they end-up with the guys they really love.

Pero hindi basta-basta makakalapit ang mga babae kay Kissing Bandit. That’s because he has his own conditions. First, dapat mas maganda ka sa kanya. And second, dahil bukod sa first kiss, tinuturuan niya ang babae ng do’s and don’ts sa pakikipag-relasyon. At dahil doon, pinagbabawal niya na ma-inlove sa kanya ang babae.

Ay oo nga pala, number of followers niya: 850,000+!!!


= = = = =




Oh no!!! Bakit naman ganun pa yung utaw na yun! Malaking tao pala nakalaban ko! Shemay!!! At siguro yung panakot niya na ilalabas niya yung pictures ko, sa TMU Diary yun, panigurado!!! Uwaaaahhhhh!!!



“Gawa ka rin ng Diary mo, Atasha. Tapos i-follow mo ako.”



“Ha… hehe… sige, next time!”



“Anong next time? Teka, ako na gagawa ng account mo.” Excited naman masyado! Para lang madagdagan ang follower niya! Pero makulit din ‘tong babaeng ‘to, at least may naging firend na ako diba!



Name: AtashaOrellana
Gender: Female (Malamang!)
Birthday: June 09
Username: Atasha09 (Wow! Napaka-lame!)
Password: •••••••••••••



“Yan! Tapos na agad!” Tapos una niyang ni-follow ang sarili niya, sunod yung TOP 5 sa TMU list.



“Oy teka…” Ayokong i-follow yung #2! Kaso late na, na-click na niya! Wala pa namang un-follow icon dun sa limang yun!



“Yan na Atasha! Lagyan mo na lang ng design yan ha. Madali lang naman yan, masasanay ka rin. Mag upload ka na lang din ng maganda mong profile pic.”



“Teka… paano yung sa diary part? Mababasa ba yun ng iba?”



“Only if you publicly post it. Kapag private, ikaw lang ang makakabasa at yung mga taong gusto mong pabasahin ng entry mo.”



“Ah… okay.” Madali lang naman pala! Sige pag-uwi ko sa bahay, sisimulan ko na agad mag-post gamit ang laptop ko. Sabi naman sainyo kahit galing ako ng probinsya, may pagka-techy rin ako noh!



















Well, well. Magkasundo na nga kami nitong si Raiza Chen. Magy pagka-kikay siya tapos crush na crush pa niya si Kissing Bandit… o tinatawag kong Ate Ganda. Anyway, ano na lang kaya ang magiging reaction niya kapag nalaman niyang mag-same dorm lang kami ng syokoy na yun.



Wag na, I should keep my mouth shut! Kapag kumalat kasi kung saan siya nakatira, kakalat din sa may 850,000+ niyang followers yung mga scandalous pictures ko. Pero pag nangyari naman yun, isa-salvage ko talaga yung Laris na yun.



Sa loob ng klase namin, sa tuwing walang prof, nagt-TMU diary lang ang mga classmates ko. Si Rauza naman, dahil naka-vibes ko kaninang first break, saakin na siya tumabi.




“Woahhhh!!! May update na girls!!!”



“Yes naman! Kanina ko pa ‘to hinihintay!!!”



“Tingin nyo kasama tayo dito?”



“Sana! Wag lang dun sa worst outfit! Haha!”



Big deal naman masyado ang TMU Diary para sa kanila. Natatakot tuloy ako na baka pag sinubukan kong mag-post sa account ko, maadik din ako tulad nila. Priority ko dapat ang studies kesa sa sa kung ano pa man. Naks!



“Owemji!!! Pinost na ni TMU_Admin ang best and worst outfit sa first day ng class!” Meron ding ganun? Oscars?



“Kaya ba may mga taong nagte-take ng mga pictures kanina sa entrance?”



“Oo! Yung mga taong yun, ilan lang yun sa mga nagbibigay ng tip kay Admin. Mygahd!!! Look at this Atasha!!! Top na naman si Laris!!! Uwaaaahhhh!!!” Um… hindi lang si Raiza ang kinikilig ha! Pati yung ibang malalantong naming girl classmates.



First day pa lang klase, nawi-weirduhan na talaga ako sa mga tao sa paligid ko. Or should I say nawi-weirduhan na ako dito sa TMU. Kung sabagay, School of Arts nga ito. ‘School of maaArtEs’.



“Malamang crush niyang si TMU_Admin si Laris.” Kung alam lang ulit nila, pinaka-una pa akong nakakita sa suot ni Laris! Dahil nga sa ayos niyang yan, napagkamalan siyang babae eh. Hahaha!



“Uwaaaaahhhh!!! Tapos si Zack Guiller ang pumangalawa!!!” Si Zack Guiller naman, sikat din yan, pero hindi siya nakasama sa Top 5. Saka ko na sinilip yung picture niya at…


“Wooooaaahhh!!! Ang wafu nga niya!!! Mas gwapo pa siya dun sa Laris noh.”


“Hoy hindi noh! Mas gwapo si Laris…”



Pero bakit ganun? Why do I get this feeling na familiar yang Zack Guiller na yan! Na parang nakita ko na or nakilala ko na siya somewhere. Hindi ko lang sigurado! Pero ito lang yan Atasha, either imagination mo lang yan o nagpapantasya ka sa lalaking yan. Haha!



Anyway, So ini-scroll down niya lang at infairnerness naman dun kay TMU_Admin, ang gagwaps at gaganda nga ng mga napili niyang may mga best outfits! “Ayan na… worst outfit na!!! I wish hindi ako kasali…”



“Ano ka ba! Ang ganda kaya ng suot mo.” Hindi tulad ko.



Tuluy-tuloy niyang ini-scroll down at nakikitawa na daw ako sa mga naka-post na pictures. Although hindi ko naman nilalait yung mga suot nila, kasi kung ako nga masama din manumit eh. Ang hinihintay ko na lang na makita, yung picture ko sa hanay ng worst outfits.



.



.



.



.



.



Luckily and surprisingly, wala ako sa list ng mga taong may worst outfit.



Pero…



.



.



.



.



.



Ako at si Raiza - (_)



.



.



.



.



.



“Bakit may picture niyong dalawa ni Laris dito?”



Paano sila nakakuha ng picture na yun kung saan pareho kaming bumababa ni Laris dun sa bus na sinakyan namin kaninang umaga???



.



.



.



.



.



Hindi pa yun natatapos dun! Meron pa akong solo picture!!! At may caption pa si TMU_Admin!!!



"Who’s this girl? And why is she with the Kissing Bandit early this morning?"
Ang bangag ko lang sa picture na ‘to!!! T^T


At siguro nakita na rin yun ng mga classmates ko kasi nakatingin na silang lahat saakin.





(Disclaimer: I do not own some of the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 3


6 comments:

  1. grbe 2ng c admin, tinira agd c atasha!!!

    nku, bka mmya nian, dumami haters ni atasha sa school, ckat p nmn si laris! 2nd with 850+K n followers! artistahin nmn!!!!!

    at ung zack guiller, ehem nmn... yan n ang ka-luvtriangle!!!!


    hahahaha!!!! nxt n agd miz aegyo!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  2. ANG GGWAPO AT GAGANDANG NILALANG NMN NUNG TOP4! pwera c admin ksi ala siyang picture! hahaha!!!



    type ko din ung zack pero mas gwpo si laris sknya.

    mukng sisikat si atasha ha! sisikat s mga bullies! nku po!

    ReplyDelete
  3. natawa ako sa itsura ni atasha dito.
    but at least napansin siya! haha!

    ReplyDelete
  4. ehhhhhhhhhhh ani manyayari eeeeeeeeehhhhhhh......ano kaya reaction ni laris bhahahha........

    ReplyDelete
  5. Nyahahaha! "Ang bangag ko lang sa picture na ito." Supaaah tawa ako. Wahaha.. Mukha nga kasing ewan si Atasha. XDDD Pero cute parin naman. WEhahahaha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^