Sunday, October 30, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 2

CHAPTER 2
(SAMIRA ALMIREZ POV)




"Wow... parang nangangain ng mga boplogs ang village na 'to ha." Sabi ko nang nakanganga at naa-amaze sa mga bahay na nakikita ko.




Nandito na kasi ako sa Sierra Grisham Village. Hindi na ako nagpahatid kina Kuya Rico at sa asawa niya since nakakahiya na din.




"Block 173, Foxrock Street. Heto na nga yata yun." Pero teka hindi ba ako namamalik-mata? Nakatayo ako ngayon sa isang black and white contemporary luxury house, na may malaking garden sa loob. Shoot! Ito na ang dream house!




Biglang gumalaw yung camera sa may gate at may nagsalita, "Are you a guest?"





"Pfffttt." Natawa ako, nasabi kasi saakin ni Ate Pia na online security system daw ang nagbabantay sa bahay ng anak niya para malayo sa magnanakaw. Boses babae yung computer. Kausapin ko lang daw na parang tao. "Yes."





"Do you have the home password?"




"Yes." Nakasulat na sa palad ko yung eleven unique character password sa bahay na 'to.




"Please enter the password." I moved forward dun sa may pindutan at medyo kinakabahan ako. Nagwarning kasi saakin si Ate Pia na kapag na-enter ko daw ay wrong password, magti-trigger daw agad yung security alarm ng bahay at pwede pa akong mapagkamalang magnanakaw.


"Q-G-7-1-3-S-J-1-F-V-5" Sinasabi ko habang nanginginig sa pagpindot nung mga numbers at letters. Potek, hindi ako pwedeng magkamali.




Nakahinga lang ako ng malalim nang bumukas na yung gate. "Thank you and welcome to Mr. Eleazer's house. Please feel at home."





"Thank you! Thank you din!" Nag-bow pa ako dun sa security camera, parang tanga lang. Anyway, pumasok na ako at sumara naman agad yung gate. Saka ako dumirecho sa loob ng bahay.





"Tao po?" Kanina pa talaga ako nagtatao-po, pero wala nga talagang tao dito. Nakabalandra lang ang mga gamit ko sa tabi. Napatingin na lang ako sa mga nakadisplay na picture frames sa may side table.




"Siya na siguro yung Eli." Napangiti ako. "Ang cute!" Nakatingin ako sa picture ng isang lalaki, siguro mga twelve years old pa lang ang batang ito. "Pero ang bata naman niya para tumira lang ng mag-isa dito."





Well, malalaman ko rin ang lahat kapag dumating na siya. Ano bang malay ko, baka may personal yaya siya at kasama niya yun sa school. "Bakit naman kasi hindi ko na lang tinanong kay Ate Pia kahapon."




Inilipat ko na ang atensyon ko sa buong bahay. Para akong titira sa hotel nito! Kapag tinamaan ka nga naman ng swerte!




Fine Arts major in Interior Design ang course ko, kaya sobrang nakaka-amaze lang ang bahay na ito. At napagisip-isip ko na since wala namang tao, maglilibot muna ako.




Una kong sinilip yung kitchen. Tapos yung dining area, then umakyat ako ng second floor para silipin pa yung ibang rooms. Wow! Jackpot talaga 'to teh! Ang swerte naman ng pamangkin ko na nakatira dito.




At since inaangkin ko na ngang pamangkin ko siya, magpapakadakilang auntie ako sa kanya. I can't wait to see him! Makikipag-bonding to the max ako sa batang yun!




(◡‿◡✿)





Sa sobrang tagal ng paghihintay ko kay Eli, nakatulog na ako sa sofa. Pero bigla akong nagising nang makarinig ako ng malakas na pagsara ng gate. Sumilip ako sa may bintana at nakita kong may lalaking naka-black hooded sweatshirt na pumasok at sinipa ulit yung gate.




Hindi ko makita ang mukha niya at parang lumingon-lingon pa siya sa paligid, shocks sobrang creepy ang ikinikilos niya! "No... don't tell me magnanakaw na naman 'to." Bakit niya inaaway si Ate Security Camera? 




At dahil sa naranasan kong trauma, naghanap ako agad ng pwedeng magamit pang self-defense. I found a baseball bat na nakadisplay din at hinawakan ko ito nang mahigpit. Nag-abang ako sa may entrance door at bumulong ako, "Wag kang mag-alala Eli, pagtatanggol ko bahay mo."




Unti-unting bumukas ang pinto at nagsalita yung lalaki, "Bukas na? Weird..."





"Ahhhhhhhhhhh!!!" Sumigaw ako!




"Ahhhhhh?" And he shouted as well.




"Magnanakaw!!!" I closed my eyes, then full force kong pinalo yung lalaki. Pero naharang niya yung baseball bat nang walang kahirap-hirap.





"Sino ka!" Sabay namin isinigaw.




Super nakakatakot yung reaksyon nung lalaki. Nahila niya yung baseball bat mula sa kamay ko at itinapon ito palayo. Bigla siyang may dinukot sa bulsa niya at alam kong kutsilyo na ang ilalabas niya.




Pero bago niya gawin ang mga masasamang balak niya, inunahan ko na siya. "Yaaaahhhhhh!!!" Sinipa ko siya agad doon sa ano niya... sa private part niya. Kahinaan ng mga lalaki yun diba.




"Argghhh!" Napaluhod siya at napahiga sa sahig na namimilit sa sakit.




"Tatawag ako ng pulis!" Tumakbo ako para kunin ulit yung pamalo ko at nagtago sa sofa nila. Pero nagulat ako sa banta nung lalaki.





"Pakyu ka!!! I'm gonna sue you, you ugly stupid b*tch!" Ouch! Namimilipit pa rin siya sa sakit. At ouch din, tinawag niya akong ugly stupid b*tch. Ayos ha! Buti nga sa'yo. "Get... get out of my house!"





"Ha?" Tama ba yung narinig ko? Parang ang sosyal niya yata magsalita. At tsaka get out of his house daw? Napakunot ang noo ko at tinitigan ko siyang mabuti. Parang familiar. Parang si Eli na mas matandang version lang. "Um... are you? Are you...?"




"LUMAYAS KA!!!" Unti-unti na siyang nakakatayo at unti-unti rin akong nanghihina.




@.@




"Ohayo! Moshi moshi, daijoubu?" Sabi ko sa lalaking mukhang may lahing Japanese base on his physical features.





"I'm not Japanese, you moron! I'm quarter Korean!" Mali pala observation ko. 





"Ah! Annyeong haseyo, Sorry Sorry." Sakto yung kanta ng Super Junior! 





Kumunot yung noo niya, "Sorry Sorry?"




Tumango ako. Tamang-tama kasi yung title nung Korean song na yun sa ginawa ko sa kanya. "Sorry sorry sorry sorry, naega naega naega munjuh..." I sang with hand actions pero tumigil lang ako nung hindi siya natawa. "Sorry?"





Napatayo siya at tinanggal na niya yung ice pack na ginamit niya dun sa part na sinipa ko kanina. Alam kong masakit yun, sorry sorry. "I... I'm sorry I didn't know you were Eleazer. Akala ko twelve years old ka lang..." Tinuro ko yung picture niya.




"I didn't know you're... you're that big?" Ano daw sabi ko? Okay, so parang ang tinuturo kong pang salarin eh yung mga nakadisplay niyang picture frames.





At ang tungaks ko din naman kasi. Bakit ko nga ba mapagkakamalang magnanakaw ito eh, sobrang higpit nga ng security ng bahay niya.




"You!!!" Nanlilisik ang mga mata niya. That's really scary. "You stay out of my way!" Tapos umakyat siya sa second floor pero bago siya tuluyang umalis. "At kapag naulit pa 'to, YOU'RE DEAD!" At padabog na siyang umalis.




"Te... teka..." Hindi ko na natanong sa kanya yung gusto ko pang itanong. "Saan yung magiging kwarto ko?"




Nakabalandra pa rin kasi yung mga gamit ko sa living room niya eh. At gabi na din, sobrang gutom na ako mula pa kanina. "At wala ka bang katulong? Paano yung dinner?"




(ಥ_ಥ)




Kumakalam na talaga yung sikmura ko. Isang oras na ang lumipas, bumaba si Eleazer sa kwarto niya at dumirecho sa kitchen. Hindi niya ako pinapansin, Mr.Sungit!





Tapos naglabas siya ng instant noodles mula sa food cabinet at binuhusan niya yun ng mainit na tubig. Tinitigan ko lang siyang mabuti. "What!"





"Ummm... nagugutom na din kasi ako eh. Kanina pa ako hindi kumakain."





Masama lang ang tingin niya saakin, pero nagbaba siya ng isa pang instant noodles. Tapos umalis din siya agad para pumunta sa living room.





Ako naman excited na nilagyan na din ng mainit na tubig yung instant noodles. Sana 3 minutes na agad para makain ko na 'to.





"Hoy babae! Anong gagawin mo dito sa kalat mo! Gusto mo itapon ko 'to?"




Sinilip ko kung anong kalat yung sinasabi niya. "Gamit ko yan noh!" Lumapit ako sa kanya. "Saan ba magiging kwarto ko para maligpit ko na yan."




Sinipa niya yung isa kong bag. "Ano ba! OA ka na ha!" Buti na lang walang babasagin dun!





"Doon sa taas! Yung dulong kwarto sa kanan! Doon mo yan itambak!"





"Or you mean, doon na yung kwarto ko?" Anyway, hobby yata ng lalaking ito ang tumingin nang masama kaya kinuha ko yung gamit ko at dali-dali ko itong ipinasok sa kwartong sinabi niya. Tapos bumaba din ako agad para kainin na yung instant noodles ko.




"Eleazer, ilang taon ka na?" Hindi niya ako pinansin. "Fourteen? Fifteen? Sixteen?" Kinulit ko siya para pansinin niya ako.




"I'm eighteen! Can't you guess?"




"Kaya nga tinatanong ko... so mas matanda pala ako sa'yo. I'm nineteen." Doon na siya napatingin saakin. Shocks, ang gwapo pala talaga nito. "Anyway hindi mo pa pala ako kilala noh? I'm Samira and I'm your step-auntie."





"Step-what?"




"Step-Auntie." Nginitian ko siya, pero ang weird ng itsura niya nung sinabi kong ako nga na step-auntie niya ako. Totoo naman ha! "Call me Auntie Sam from now on."


乂⍲‿⍲乂



End of Chapter 2









5 comments:

  1. O.O step-what?? haha natawa nman ako sa reaction niya.

    ~otor sorry late ko na nbasa.
    nkita ko to sa pf.

    by d way c spreadthelove to. :)

    ReplyDelete
  2. @spreadthelove...

    wow!!! hello!!! buti nakita mo 'tong blog! ahahaha!!!

    ReplyDelete
  3. oo nga otor eh,.nkita ko sa contact info mo.. :D

    ~medyo tinamad kasi ako magbasa dun.. ang haba ng pages..kaya dito ko na lang basahin..;)

    ^^, galing mo po.

    ReplyDelete
  4. sige po...

    dito na lang para madagdagan din ang views dito sa blog ko... ahaha!!!

    dumami nga masyado yung pages dun sa PF dahil sa comments... nde ko naman malagyan ng links...

    ReplyDelete
  5. ehhhh.....kiliiiigg nman tah anihhh..ahhummm..??.xuuuuperrrr gandahh poe ng xtory nio axx inn..xnah pgpfah 2loy nio pfah poe..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^