Friday, December 9, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 19

CHAPTER 19
(ELEAZER PASCUAL POV)







Nagkasundo na yata yung dalawa, alam ko kasi kapag naglalambing si Sunmi.




"Unnie~ can you clean my wounds again?"




"Unnie? Ano yun?" Tapos ginamot na ni Sam yung mga sugat ni Sunmi. Pinanood ko silang dalawa habang silang dalawa lang ang nagpapansinan.



"In a girls view, older sister ang ibig sabihin nun."




"Unnie din pala ako nina Waine at Argel."




"Hindi... Nuna naman ang tawag nila sayo kasi lalaki sila."




"Ah! Wow ang daming kong natutunanang Korean words! Haha!"




"Oo nga, dati sorry sorry lang ang alam mo." Oh sino ang kinakausap ko! Bakit hindi nila ako pinapansin? Nakakaloko na 'to, mukhang nagkaayos nga sila, nakalimutan naman ako!



Anyway, baka paranoid lang ako. KSP lang! Dapat nga masaya ako dahil wala nang gulo behind my back.






*     *     *






Ilang days nang maayos ang lahat! Nakakadalaw na ulit sina Waine at Argel, at parang naging close din ni Sunmi si Byron.




Mabilis lang ding lumipas ang araw. Umuwi na si appa galing Davao, and one day na lang, babalik na sila ni Sunmi sa Korea.




"Yah! Pa-deliver kayo ng pizza! Let's have a little party before we go back to Korea."




"Okay appa! I'll call for delivery!" Feel na feel ni Sam na tawaging appa ang papa ko. Nage-gets niya kaya kung anong pwedeng maging ibig sabihin nun.




"Call Argel and Waine too!"




"Okay! Hindi papalampasin ng mga yun ang kainan."




"Yeah! And call that gay-friend of Sam unnie too! Appa, he's just a total clown! Haha!"




"Wow... it's seems like you really enjoyed your stay here."




"Ne! Jeon neo-mu haengbok haeyo! (Yes! I'm so happy!) At tsaka nakasama ko si oppa for two weeks eh."




"Haha... I'm happy too, Sunmi." I smiled at her and patted her head. Panigurado, mami-miss ko siya pag umalis na sila bukas.




"Joa-yo! (Good!) I'm so glad for you sweetie!"




Nginitian din ako ni appa. Hindi na niya pinansin yung naka-bendang kamay ni Sunmi. Syempre mas masaya na siya dahil masaya naman na si Sunmi. Pero paano nga kaya nagkaayos sina Sam at Sunmi?




Hinintay kong matapos gamitin ni Sam yung phone. Ang dami niyang in-order na pizza, ke-takaw na babae! "Sam... text mo din daw si Byron. Papuntahin mo siya."




"Ha... ok." Tapos lumayo siya saakin agad. Hindi man lang tumingin sa gwapo kong mukha! Watdapacker!




"Sam."




"Huh?"




"...wala... go ahead!" Watdapackeragen! Kaya ba ako nakakaramdam ng pagka-OP dahil parang sinasadya akong iwasan ni Sam? May sapak ba siya, anong problema niya?





 (*ಠ..ಠ*)






"Wow pare ang lakas!" Lasing na yata 'tong si Byron! Nag-inuman din kasi kaming mga lalaki, at kasama si Byron dun! Sina Sam at Sunmi lang hindi namin pinayagang uminom.




"Ahahahaha!!!" At galak na galak naman 'tong si Sunmi kay Byron. Mago pa malasing si Byron nagtuturuan sila ng Hangul at  Gay Lingo eh.




"Uy badessa, wag ka nang uminom at baka hindi ka na makauwi."




"Okay lang yun beb." Tapos umakbay si Byron kay Sam, bakit parang ang barako ng dating niya kapag lasing? "Sila lagot saakin pag nagkataon!" Aba't straight na tagalog din yun ha! Kakaiba pala itong si Byron pag lasing, ang macho!




"My gosh Byron, bakit ka ba gay? Didn't you know how handsome you are?" Tapos inakbayan na rin ni Byron si Sunmi.




"Hay naku Sunmi, matagal ko nang sinasabi yan kay Byron."




"Bakit pag gay ba, hindi pwede sa girls?"




"Pffft! Ahahahahahahahaha!!! Landi mo Badessa! Ahahaha!"





Ako, Waine at Argel - ?(⊙⊙)?




Ang lasing kong ama - (¬o¬)





"Idol, totoo ba 'tong nakikita ko? Parang chickboy yata ni Byron ngayon?"




"Hindi, lasing lang yata tayo mga pre."




"I thought he's gay?"




Hindi eh... hindi kami namamalik-mata. Delikado 'tong si Byron! "Anong oras na oh! Siguro dapat umuwi na kayo."




"AGAD???" Na-eenjoy yata nina Sam at Sunmi ang kagulat-gulat na pagkalalaki ni Byron ngayong lasing siya. "But oppa~"




"Dapat magpahinga na tayong lahat. Lalo na kayo! Maaga pa ang flight niyo ni appa tomorrow."




Tapos hinila ko sila pareho palayo kay Byron. "Oh Sam, maglinis ka na. Sunmi, matulog ka na. Ikaw din Appa! At kayo naman, umuwi na!"




Wala na silang nagawa nung pinaalis ko sila. Hindi na namin paiinumin 'tong si Byron, at mahirap na!





(' .' )



(SAMIRA ALMIREZ POV)




I'm glad na okay na ang lahat sa pagitan namin ni Sunmi. After that night na nakapag one-on-one talk kami, yung mga sumunod na araw, at peace na kami. Nakakadalaw na nga ulit sina Waine, Argel at Byron, and it's a great miracle na makakasundo din naman pala nila si Sunmi.




Thursday, bumalik na si Appa ni Eli from Davao. Tapos bukas na yung flight nila ni Sunmi pabalik ng Korea. Dahil sa tatlong kwarto lang ang meron sa bahay na 'to, lumipat ulit ako sa kwarto ni Sunmi. Magtatabi kaming matulog sa huling araw niya dito sa Pilipinas.




"Okay lang ba, Sunmi?" Ayos na naman kami eh... simula nang sabihin ko na never kong aagawin si Eli sa kanya, naging mabait na siya.




"Yeah... last night ko na naman 'to dito eh."



At dahil din dun kaya ako nagpasyang layuan muna si Eli, para ma-feel ni Sunmi na totoo yung sinasabi ko. Mabuti na rin siguro 'to! Nang makalimutan ko si Eli!




Tapos nag-ayang mag-party si Appa, kaya pinapunta ulit namin sina Waine, Argel at Byron sa bahay. Kainan lang, at nag-inuman din sila. Nalasing nga si Byron, kaya lumabas yung macho side niya. Inaaabangan ko talaga 'to dahil super gwapo kaya ni Byron! Kaso...




"Oh Sam, maglinis ka na. Sunmi, matulog ka na. Ikaw din Appa! At kayo naman, umuwi na!" Epal naman ni Eli! Kung kelan na-eenjoy na namin yung pagkalalaki ni Byron saka sila pinauwi.




Walang nakapalag kay Eli, lasing na din yata siya eh, mahirap na baka magwala siya bigla!




Nasa taas na pareho sina Sunmi at papa niya. Nauna na silang magpahinga dahil nga maaga pa ang alis nila bukas. Si Eli naman, naka-upo sa sofa, nagmumuni-muni pa yata! Samantalang ako, nililinis ko na yung mga pinag-kainan namin.




"Auntie Sam." Anak ng poknut! Nasa likod ko na pala si Eli!




"Uy... umakyat ka na din sa kwarto mo... pahinga ka na." Sinabi ko yun without looking at him. Nahihiya kasi, baka hindi ko mapigilang mag-blush.




"Paano kayo nagkabati ni Sunmi?"




Sinabi kong hindi kita aagawain sa kanya. "Wala... nag-usap lang kami."




"Ah... anyway, I'm happy na magkasundo na kayo." Naupo siya sa lamesa, habang pinapanood niya akong naghuhugas ng mga plato at baso. Naknang!!! Nako-concious ako!




"Umakyat ka na sa taas Eli. Inaantok ka na eh."




"Oh sige." Oh sige pero hindi pa rin umaalis!






*dugdug*




Heto na naman si heart oh! Papampam! Natapos na ako't lahat-lahat, pero nandito pa rin siya at pinapanood ako! Ano ba ako, show?




"Hoy... aakyat na ako ha." Kung ayaw mong matulog, bahala ka.




"Teka lang Sam." Tumayo siya saka niya hinawakan yung nakapony-tail kong buhok. "Itong mga nakaraang araw, iniiwasan mo ako eh. May kasalanan ka noh?"




"Ako? Inaawasan ka? Hindi! Kasalanan? Wala! Noh!" Ang sagwa mo magsinungaling Sam! Halatang-halata ka!




"May pinag-usapan kayo ni Sunmi na hindi ko alam noh. Ano yun?"




"WALA NOH! Wag kang paranoid!"




"May alam kang hindi ko alam eh."




Meron! Gusto kita Eli... pero hindi ko na ipapaalam sayo yun noh! "Wala nga! Bitawan mo na nga buhok ko!"




"Bakit mo ako iniiwasan?"




"Hindi kita iniiwasan!"




"Hindi ka nga makatingin saakin eh. Bakit? May alam ka eh, sabihin mo na."




"Hay naku, Eli! Lasing ka lang din! Ang kulit mo eh." Gusto ko nang tanggalin yung kamay niya sa pagkakahawak sa buhok ko, kaso hindi ko naman siya mahawakan. "Eli, masakit na ha!" Masakit sa pakiramdam na hindi ako pwedeng mahulog sayo.




"ANO NGA YUN SAM? BAKIT HINDI MO AKO PINAPANSIN! ALAM MO NA BANG..."




Hindi na natuloy si Eli sa sasabihin niya dahil bumaba bigla si Sunmi. Nakatitig lang siya saamin. OH NO!!! Baka kung ano na namang isipin niyang ginagawa namin! Magagalit na naman siya saakin!




"What are the two of you doing?"




"Wala..." Saka ako binitawan ni Eli.  Umalis na ako agad paakyat ng kwarto at pinabayaan ko na silang dalawa doon.






Pero kinakabahan ako... sana hindi masamain ni Sunmi yung nakita niya! Magkatabi pa naman kami ngayon sa kwarto! Kulit naman kasi ni Eli eh!!!




(╯ಊ╰)

End of Chapter 19









No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^