Tuesday, February 28, 2012

My Nephew-in-Law : Special Chapter 7


Limang araw at apat na gabi ang naging camping ng tropa, at alam kong iniisip niyo na mas nabigyan ng attention noong mga nakalipas na chapters ang lovelife nina SheeRon, ArFFy and especially SunmAine Couple.

So anong nangyari sa Alien Couple? Heto ang hindi natin alam sa pagitan nina Eli at Sam. Hindi naman pwedeng manatiling sekreto ito, lalo pa at silang dalawa ang magkasama sa iisang tent. Ang mga sumusunod na eksena ay ang mga nangyari noong nakalipas na mga gabi sa camping nila. Patnubay ng magulang ang kailangan para sa mga mambabasa… joke lang!


Four Nights of… Love?

(ELEAZER PASCUAL POV)


NIGHT 1:



“Woohoo walang harangan ito!” Ang luwag na sobra! Pang apatan na tao kasi itong tent na nabunot namin ni Bugal. Yes! Ang sarap ng tulog ko nito.



Saka pumasok si Sam na nakasuot na ng makapal na jacket para pantulog. “Yow Sammy!”



“Yow Sammy mo mukha mo!” Hindi niya ako pinapansin tapos dumirecho dun sa pinakagilid.



Tamang sagot naman masyado! “Wala kang utang na loob ha! Matapos kong ibigay ang plano ko sayo, susungitan mo lang ako.”



“Ikaw lang ba pwedeng mag-sungit? At tsaka nagpa-practice na ako para sa acting debut ko bukas! Kelangan maka-ipon ako ng galit at inis para mas effective yung kunwariang LQ.”



“Ah, okay.” Masyado siyang apektado sa mga yun, hindi niya isipin sariling niyang lovelife noh? Mahina rin ‘tong babaeng ‘to eh. Nakahiga na ako habang tinitignan naman siya na talagang sumisiksik sa may pinakagilid ng tent namin. “Oy… maluwag pa dito. Bakit jan ka?”



“Kasi ayokong tumabi sayo.” Wushu, nahiya pa! Tapos tinalikuran niya ako so hindi ko na nakikita ang mukha niya. “Good night!”



“Weh? Matutulog ka na talaga?” Tapos dinutdot ko yung likod niya gamit ang paa ko.



“Aray!!! Eli ha!!!”



“Dito ka nga! Ang korni nito!”



“Wag ka ngang epal! Gusto ko sa pwestong ‘to! At kasi nga ayaw kitang katabi!”



“Ang kapal nito! Bakit anong iniisip mo, na gagapangin talaga kita?”



“Lalaki ka at babae ako! Ano na lang iisipin ng iba kung maabutan magtatabi tayo noh! Malala na nga na magkasama tayo sa isang tent! At least pag ganito, wholesome pa rin!”



Bwiset! Nakakairita ‘tong babaeng ‘to! Hindi na niya ako ulit hinarap so tinalikuran ko na lang din siya. Kapag ako hindi nakapagtimpi baka gapangin ko talaga siya! Pero syempre, joke lang yun!!!



Kapag ako hindi nakapagtimpi, baka tototohanin ko ang awayan namin bukas eh!!! Pero joke lang ulit yun!!! Bahala na nga, ang hirap intindihin ng mga babae eh!



(ノಠ益ಠ)ノ


NIGHT 2:



Si Sam naman ang naunang pumasok sa tent habang kasama ko si Waine na kasabwat namin at sina Argel at Byron na nagmumukmok pa rin sa away nila sa mga girlfriend nila. “Sige mga pare, tutulog na ako. Ang lamok-lamok eh. Naasiwa pa ako sa pagmumukha niyo. Problemado!”



“Eh bakit ikaw? Bakit kayo nag-away ni beb?”



“Oo nga bakit ayaw niyo mag-kwento?”



“Mga pare, pabayaan niyo na lang yung dalawa na ayusin nila problema nila.” Naks! Niligtas ako ni pareng Waine! “Ang dapat niyong inaayos, yung problema niyo sa mga gelprend niyo.”



“Sige, pangaralan mo sila Brother Waine! Ipamahagi mo ang mabuting salita.” Tapos umalis na ako agad para pumunta na sa tent namin ni Sam. Pagpasok ko dun, yung sleeping bag ko naman yung nasa pinaka-gilid.



“Woi! Bakit nandun na yung tulugan ko?” Inirapan niya lang ako tapos nauna na siyang nahiga. “Wala nang nakatingin, bakit sinusungitan mo pa rin ako?” Bumaligtad na yata eh. Diba dapat ako ang masungit sa amin. Gaya-gaya rin ng personality ‘tong si Sam, walang originality!



Hindi pa rin niya ako pinansin kaya kinuha ko yung sleeping bag tapos medyo inilapit ko sa pwesto niya. Hehe! Nung pagkahiga ko…



*boooogggggssshhh!!!*



“ARAY!!!” Gumulong ako bigla papunta sa kabilang dako ng tent. Mga nakatatlong roll ako! “Amp!!! Ano na namang problema mo?” Buset na ‘to! Mumurahin ko na ‘to eh!



“Sinong may sabing pwedeng kang tumabi saakin ha?”



“Eh bakit jan ka sa gitna nakapwesto? Alangan namang sa gilid mo ako patutulugin!” So gumulong ulit ako palapit sa kanya kaso tinulak niya lang ulit ako pabalik! Kahit pala nakakahilo, nakaka-enjoy gumulong! Para lang akong naglalaro. “Ano ba Sam! Kung ayaw mo akong katabi, bumalik ka dun sa gilid! Dun sa gusto mong pwesto kagabi.”



“Napakasama mo talaga Eli!” Bumangon siya at padabog na inusod ang higaan niya doon sa may gilid. “Tuwang-tuwa ka siguro noh! May paakbay-akbay ka pang nalalaman, gustong-gusto yung nangyayari! Wala namang ganung usapan, napaghahalataang manyak!”



“Hoy teka, ano ba yang orasyon mo ha.” Para siyang armalite na sunud-sunod ang ratatat eh! “Teka… yung tungkol ba kina Sheena at Raffy yung tinutukoy mo? Yung nagpa-cute ako sa kanila, tapos inakbayan ko sila tapos kinindatan ko pa?”



“Malay ko sayo!”



“Teka… don’t tell me nagseselos ka?” - ()



“Asa ka!” At hindi ko na nakita yung facial expression ni Sam. Woah! Nagseselos siya panigurado!



“Wala ka namang dapat ipagselos. Ginawa ko lang yun kasi yun yung gusto mo diba. At tsaka kasalanan ko ba na ganun ako ka-gwapo?”



“Manahimik ka nga! Matutulog na ako!”



Matutulog na lang sana ako… kaso nakarinig naman ako ng mga boses sa labas. “Sam…” Hindi niya ako sinagot, nagtutulug-tulugan! “Sam…” Bumangon na ako tapos sumilip ako sa labas ng tent pero hindi ko binuksan ng malaki yung zipper. “Sam…”



“Ano ba! Sam ka ng Sam!”



“Sina Waine at Sunmi nasa labas! Potek, ano kayang gagawin ni Waine sa kapatid ko?”



Lalabas na sana ako pero bumangon bigla si Sam sa sinabi ko! “Wag ka munang magulo! Moment nila yan!”



“Anong moment pinagsasabi mo ha?”



“Basta makinig na lang tayo!”



Wala akong nagawa kaya pinakinggan na lang namin sina Waine at Sunmi. Tutal naman din, plano ko rin ito from the start. After nilang matapos mag-usap… “Hoy mga Idol, alam kong nakasilip kayo jan.”



Saka kami lumabas, “Ang galing mo Waine! Tama ngang kinun-chaba ka namin! Biruin mo yun, napalapit talaga sayo si Sunmi.”



“Oh ayos na… si Sunmi na magpa-plano kung paano niya pagbabatiin yung apat.”



“Powtek! Galing ko talaga noh! Galing ng plano ko.” Nakukulangan ako sa papuri eh. Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon?



“Isa ka talagang Idol! Sige na, balik na kayo sa love nest niyo!”



“LUL!” Anong love nest eh lagi akong inaaway ni other half! “Baliw!”



Pagbalik namin sa loob ng tent, parang wala lang nangyari… tinulugan ulit ako ni Sam. Lakas talaga ng sayad ng girlfriend ko paminsan-minsan!



(¬▂¬)


NIGHT 3:


Ayus talaga ‘tong si Sunmi sa plano, napagbati nga yung mga magkakaaway na couple. Nagmana talaga siya sa katalinuhan ko eh. Hehe!



Anyway, bago matulog, nag-last game pa kami. Hide-and-seek-and-kill. Kapag nanalo kami dito ni Sam, panigurado nang hindi na namin kailangan pang tumulong na magtrabaho.



“Two minutes free time… starts now!!!” Pagkasigaw ni Sunmi, kanya-kanya na ng takbo ang bawat couple.



“Tara Sam, dito tayo…” Anak ng teteng! Paglingon ko wala si Sam sa likod ko! Akala ko naman sinundan niya ako! Slow talaga yun kahit kelan!



Nakita ko naman siya agad na nandun pa rin sa campsite namin at parang nabu-buang! Dahan-dahan akong lumapit sa kanya para tusukin ang tagiliran niya. Malakas kasi kiliti niya dun! “Yow!”



“Uwaaah!!! Eli naman!!!”



“Anong pang ginagawa mo dito? Magpapapatay ka ba?”



“Aah… hindi ko alam kung saan ako magtatago. At tsaka… hindi pa tayo bati diba. Tuloy pa rin tayo sa plano.”



“Ano naman? Ang lagay ba papayag akong mamatay ka? Tara!” Tapos kundi ko pa in-offer ang kamay ko, hindi pa siya makikipag-holding hands saakin. “I have another plan!”



“Ha?”



“Give me your hanky.”



“Bakit?” Kailangan pa bang itanong yun? Naninigurado lang ako.



“Kasi kapag ikaw ang may hawak niyan, madali ka lang mata-target. Kapag ako ang may hawak nito, mahihirapan silang kunin saakin.” At saka wala naman sa rules na bawal hawakan ng isa yung panyo ng partner nila.  “Let’s go this way!”



“Oy! Ano bang plano mo?”



“We have a mission to kill. Magtago muna tayo bago ko sabihin ang plano.” Naks! Parang eksena lang sa action films! Nagtago na kami sa isang banda kung saan may malaking puno. “Akyat ka na mahal!”



“Mahal? Sino si Mahal ha!”



“Ikaw! Para maiba naman ng tawagan. Dali akyat na, safe tayo sa taas ng puno!”



“Hindi ako marunong umakyat!”



“Ang lampa naman!” So hinawakan ko siya sa bewang niya para itaas siya kaso nakiliti naman siya at binatukan pa ako. “Aray! Grabe ka na makapanakit ha! Iaakyat na nga kita eh!”



“Alam mo namang malakas ang kiliti ko dun!!! Ipagdikit mo na lang ang kamay ko tas doon ako aapak!”



Demanding naman masyado! Ako ang main killer dito diba? Bakit ba sunud-sunuran ako sa kanya? Ah oo nga pala, kasi hindi pa natatapos yung isang buwan kong paninilbihan bilang katulong niya. Sinunod ko na lang si Sam at nakaakyat na siya. “Uwaaahhh!!! Ang taas pala dito!”



“Malamang nasa taas ka ng puno.” Bopols! “Wag ka nang maingay jan at kumapit kang mabuti, baka mahulog ka.”



“Dalian mo na lang umakyat din.”



“Sandali! Namimiss naman ako kaagad katabi!”



“Mukha mo! Akyat ka na nga lang!” So umakyat na ako at maayos naman ang pwesto namin dito. Para kaming sina Edward at Bella sa taas ng puno… teka paano ko nalaman yun? “Oh… so anong plano mo?”



Matagal siyang nakatitig saakin kasi matagal din akong sumagot. Tinitigan ko lang din siya kaya naisip ko nang gawin yung namimiss ko nang gawin. ~chu Bigla ko siyang ni-kiss sa ilong niya. Wag munang lips para suspense!



(//) “Weh… a… ano kaya yun!” Nahiya pa!



“Bakit gusto mo sa lips?”



“Heh! Sabihin mo na lang ang plano mo.”



“Simple lang, pabayaan na magpatayan yung mga yun. Yung matitira sa kanila, yun yung aatakihin ko. Ganun lang naman kadali yun eh. Maghintay na lang tayo dito.” Nanahimik na siya at alam kong iniisip niya na isa talaga akong henyo! Pero bago yun, dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko para…



“Oh ano yang kamay mo ha.”



“Bakit??? Wala pa nga akong ginagawa!” At since nahuli na niya ako, itutuloy ko na lang din ang pag-akbay sa kanya. “Oh yan, nakaakbay na ako sayo, saka ka na mag-react.”



Hindi naman siya nagsalita… hindi naman siya pumalag… ibig sabihin… “Namiss mo ako noh? Kakapagod pala magkunwariang magkaaway noh? Kahit naman madalas tayong magsigawan, iba pa rin pala kapag away  talaga tulad nung kina Byron at Argel.”



“Yun din ang iniisip ko.” Napangiti siya bigla kaya hindi ko napigilang kurutin ang pisngi niya.



“Siguro dahil hindi natin matitiis ang isa’t isa.”



“Lalo pa at no choice ako dahil sa bahay mo lang din ako nakatira.”



Ngayon na lang ulit kami nakapag-usap ni Sam ng ganito dito sa camping namin. Kundi kasi sa kunwariang awayan namin, kapag gabi pa, balisa ‘tong babaeng ‘to sa loob ng tent namin.



Natigil lang ang tawanan at usapan namin nang makita namin sa di kalayuan ang eksena ng mga tukmol kong kaibigan. “Wow! Galing manghablot ni Argel! Patay na sina Byron at Sheena. Pero hala, na-corner na rin niya  si Sunmi!”



Tahimik lang ako pinapanood kung anong gagawin ni Argel… pero alam ko namang dadating si Waine para iligtas si Sunmi.



Oo nga pala, nagpapaturo pala saakin ng Hangul si Waine, hindi ko alam kung anong nasinghot niya noon at naisip niyang magpaturo. Pero nagmakaawa naman siya saakin na ilihim lang namin yun sa iba. Binayaran naman niya ako para itikum ko ang bibig ko.



“Uwaaaahhh!!! Ayun na si Waine! Parang may hostage drama scene! Ahahaha!!!” Ito namang si Sam, kelangan may comment siya palagi para lang maka-dialogue! Pwede namang manahimik na lang! “Alam mo Eli, yang si Waine, in love yan kay Sunmi.”



“Impossible!”



“May something kaya! It’s more than crush, ayaw mo lang maniwala!”



“Eh nung naging crush nga kita, hindi mo napansin!”



“Kelan mo ako naging crush?”



“Secret!” Nung unang beses na nakatikim ako ng niluto niyang pagkain. Naalala niyo ba yun? Chapter 3 lang yun! Ganun kabilis!



“Pero pupusta ako sayo Eli, yang si Sunmi nadedevelop na din yan kay Waine! Napansin mo ba nung game, nag-AYLABAYUHAN kaya sila!”



“Ang daming napapansin! Lakas ng imagination mo!”



“Ah basta! Ikaw ha, kapag na-confirm na ganun nga, bawal kang makialam dun sa dalawa ha! Baka mamaya harangan mo si Waine na ligawan niya si Sunmi.”



“Una sa lahat, wala ngang gusto si Waine kay Sunmi at impossibleng makagusto rin si Sunmi sa kanya! At pangalawa, hindi uso ang panliligaw dito kaya walang magaganap na ganun!” Isipin niyo na lang kasi, EliSam, ArFFY, at SheeRon, walang pinagdaanang panliligaw! Papatalo pa ba si Waine kung sakali?



Nung mapatay naman sina Argel, agad nang nagtago sina Waine at Sunmi kasi alam nilang kami na lang ang natitirang killers. “Humanda ka na.”



At sa dinami-dami ng pagtataguan nina Waine at Sunmi, dun pa sa puno kung saan kami nakatuntong ni Sam! Hwahahaha!!! Pagkakataon nga naman! “Oh ano pusta na Eli! Mahal nila isa’t isa!”



“Shatap!”



Pinanood lang namin yung dalawa at si Sam daig pa ang pusa kung kiligin! Nag-uusap lang naman… tapos hiniga ni Waine si Sunmi… tapos naghalikan... NAGHALIKAN???



“I’ve been practicing for this day when I can finally say… Dang-sineul ssarang-haneun, Sunmi.”



“Saranghae, Waine.” Plakda!!! Ang cheesy lang nung dalawa!



Pakshet! Maka-epal na nga! Baka kung saan pa mapunta yang ginagawa nila. “Alright, game over!!!” Walang kahirap-hirap kong hinablot ang panyo ni Waine sa bulsa niya.



“Idol?”



“Oppa?”



“Ah… eh… Idol… magpapaliwanag ako… ano… umm… kasi…”



“You just said you love me.”



“Ah oo, mahal ko si Sunmi.”



“Oh loko!!! Talo na naman si Eli sa pusta! Told yah boy! Mahal nga nila ang isa’t isa.” Magaling siguro sa sugal ‘tong si Sam. Palaging panalo!



Natapos ang ikatlong gabi namin at nanalo kami ni Sam. Ligtas na kami sa gawain hanggang sa matapos ang camping. Dun sa tent scene naman, ganun pa rin, walang pagbabago! Nakasiksik pa rin si Sam sa may gilid habang nanlalamig ako.



≧⁰_⁰≦


NIGHT 4: Our last Night



“Matulog na tayo kasi bukas maaga pa tayo para ayusin ang mga gamit natin.” Sabi ni Sam na nasa loob na ng sleeping bag niya. “Good night Eli!”



Pagkasabi niya nun, bumangon ako. Tapos naisip kong lumabas… “Oy! Saan ka pupunta? Natutulog na yung iba! Tatambay ka pa sa labas?”



“Alam kong this past few nights, hindi maayos ang tulog mo dahil sobra yang pagkakasiksik mo sa gilid. Ayaw mo kasi akong katabi diba?”



“Ha… ah… eh…”



“Sige na, I get it. Sa labas na ako matutulog para naman ma-solo mo ‘tong tent at makatulog ka na ng maayos.” Lalabas na sana talaga ako kaso pinigilan niya ulit ako.



“Wag na! baka sipunin ka! Mahamog sa labas.”



“Eh sasakit naman yang likod mo. Tapos ako sisisihin mo? Okay lang ako, last night na naman na ‘to diba?”



Kaso parang naawa talaga siya saakin. Hindi ko intension na magpaawa, okay? Gusto ko lang talaga na makatulog na siya ng maayos kasi ako nang naaawa sa kanya.



“Sige na, hindi mo na kailangan matulog sa labas, at hindi na rin sasakit likod ko.” Lumipat siya sa may bandang gitna… sa may tabi ko na halos. “Dito na ako matutulog.”



Matagal kaming nagkatinginan, tapos napangiti ako sa kanya at parang nahiya siya kaya tinakpan niya yung mukha niya.



“Pero Eli ha, sinasabi ko sayo… alam mo nang…”



“Oo na nga? Hindi ko nga gagawin yun.” She is still just my sweet and innocent Sammy. “Bakit mo ba madalas na iniisip yun? Kakapanood mo ng mga drama at movies yan eh. Magkatabi lang ang babae at lalaki, ganun na agad? Ibahin mo ako Sam…”



Hinawi ko yung kamay niya na nagtatakip sa maganda niyang mukha, then I bent down my head and kissed her. One… two… three… four… five… six… seven… eight… nine… ten… ganun katagal. May pahabol pa nga lang na isa pa.



“All I need was that.” Nanlaki lang ang mga mata niya na parang nagba-blush. “Okay, have a goodnight sleep Bugal.”



And we slept together for the first time, but it was peaceful and platonic. That’s just how it should be. Gentleman ako eh... Hehe! Hindi lang nga ngayon pero darating din naman tayo dun.



(¬‿¬)




End of Special Chapter 7













5 comments:

  1. ayun, d2 din aq miz aegyo nka-1st!
    thanx 4 d tip kun kelan mu 2 ipopost! hehehehehe!!!!


    kkkilig pla ung mga scene nla under that tent e!!!!

    at ung kisss scene, mmtay n yata aq eli!!!!! aq b pde mo ikiss din???? (❤¬‿¬)


    ayii, nikilig din aq nung mlmn q kun keln nging crush ni eli si sam! hahahahahhhhh!!!!!

    ReplyDelete
  2. hy salamat kala ko forgotten scene na ang mga idol natin!!! kilig kilig kilig much!!! i love eli, so gentleman, so handsome, heheheh.. so nice aegyo..

    ReplyDelete
  3. waaahhh! nde q p nabbsa itey!!!!
    kinilig-kilig nmn aq ng sobra kay eli!
    grabe respect nia tlga kay sam, hanggat nde p ready, tlgang nde ggwin! ang swit!!!!!! cguro nkikinig k n nman ng super bass n2 noh? hahahhaaahhha! ung sa fun facts mo kapag kilig momnts ang sinusulat! hehe!

    parang ms nag-grow n tlga ung relationship nla ksi ang sweet sweet nla tlga! haizzzz!!!
    eli, sna mahnap tlga kita sa reality! aq p manliligaw sau!!!!

    ReplyDelete
  4. I really love this story! Shit sa wakas almost done reading na ako

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^