Sunday, January 1, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 25


CHAPTER 25
(SAMIRA ALMIREZ POV)






Ang bilis lang lumipas ng mga araw, sembreak na pala! At dahil dalawang linggo lang ang bakasyon ko, lulubus-lubusin ko na ang pahinga.




"Sam! Sam! Sam! Sam! Sam! Sam! Sam! Sam! Sam......iiiiiiiiiiirrrraa!"




"Itong damulag na 'to talaga!!! Ang ingay mo!" At nagtakip na lang ako ng unan.




"Sa lahat naman ng damulag ako lang yung gwapo!" Inuuga ni Eli yung kama ko at ginigising ako kahit 5:30 pa lang ng umaga. "Breakfast ko!"




Gumaling na kasi lahat ng sugat ko kaya yan, kung utus-utusan niya ako ulit, daig ko pa ang katulong sa bahay niya! Well, wala naman akong nagawa kundi ang bumangon at lutuan na siya ng pagkain niya. "Blueberry-cheese pancake pa rin ba?"




"Yun oh! Hindi ko na pala kailangang sabihin eh." Bwiset na lalaki 'to! Matapos niyang siguraduhing naghahanda na nga ako ng almusal niya, pumunta na siya sa sala at nanood na ng favorite niyang Korean variety show.





Pagkatapos kong magluto, tinawag ko na siya at sabik na sabik naman siyang pumunta sa harap ng lamesa at nilapastangan na yung pagkaing nakahanda. Tahimik na lang din akong kumakain, at nagulat na lang ako bigla nung mabulunan sa harap ko si Eli.




"Ano ba yan!!!" Napatayo ako at kinuhaan siya ng tubig at pinainom ko na siya agad. "Magdahan-dahan ka naman kasi sa pagkain. Wala naman sina Waine at Argel dito na kaagaw mo sa pagkain eh." Sinasabi ko yun, with matching himas sa likod niya. Nabulunan nga kasi siya diba!




"Kung magsalita ka akala mo nanay kita ha."




"Ikaw na nga 'tong inaalala!" At bumalik na ako sa kinauupuan ko. "Auntie mo lang naman ako noh!"




Pagkasabi ko nun, bigla naman siyang nagdamog sa harap ko. "Hoy Samira Almirez! Baka nakakalimutan mo, girlfriend kita!"




Ako - (⊙.)




Eli - (_)




Oo nga noh... kami na nga pala. Isang buwan na namin tinatago ang relasyon naming dalawa eh. Pagkatapos naming kumain, nagligpit na ako ng lamesa pero lumapit siya saakin. Hinawi niya yung buhok ko at tumitig lang sa mukha ko.




"Para kang tanga! Ano ba!" Tinalikuran ko siya dahil namumula na yata yung mukha ko. Nahihiya ako at kinikilig pa ako sa twing gumaganyan siya eh.




"Wosshhh!!! Bakit ka nako-conscious? Sinisilip ko lang yung mukha mo!"




"Timongoloid ka kasi!!! Dun ka na nga!"




"Tigilan mo nga yang kakatawag saakin ng timongoloid! Pati sina Waine at Argel, nakakalimutan na akong tawaging Idol minsan eh. Nati-timongoloid na din sila!"




"Pffft! Ibig sabihin lang nun, pumapalit na ako sa pagiging idol mo! Hwahahahaha!!!"




"Tawa-tawa ka jan" Tapos may ginawa siyang isang bagay na hindi ko inaasahan. Ginamitan niya ako ng 'The moves' niya!!! Mygawd!!! Yung the moves niya sa taekwondo!!!




Ginamitan niya ako ng hand strikes niya hindi para masaktan kundi para matumba! At nung akala kong hahandusay na ako sa sahig dahil sa na out-of-balance na ako, saka niya ako sinalo. "Bagsak ka ngayon."






*boom badoom boom boom*






Huminahon ka aking puso!!! Kaso, sobrang lapit na kasi ng gwapong mukha ni Eli sa mukha ko. "Sinong idol saatin ngayon." Tapos ni-kiss niya ako sa pisngi!!!




Nung makatayo ng ako ng matino, saka na siya umalis at bumalik na sa living room. Ano ba 'tong ginagawa saakin ni Eli!!! Siya na nga! Siya na ang Idol!





乂⍲‿⍲乂





"Umayos ka na dali!"




Katatapos lang namin mag-lunch. Nagpahinga sandali, at ayan kinaladkad na niya ako dito sa bakuran ng bahay. "Ano na naman kasing kalokohan 'to?"




"Hindi 'to kalokohan! Tuturuan kita ng self-defense mo! Para kapag wala ako, maipagtanggol mo rin ang sarili mo."




"Uy gusto ko yan!!!! Gusto ko yung katulad ng ginagawa mo! Yung parang lumilipad ka sa hangin pag naninipa!"




"Ah parang ganito?" Tapos sumipa siya sa harap ko. Syeettt!!! Ang gwapo ni Eli!




"Oo!!! Ganyan nga Eli! Pati yung mga hand moves mo!!! Gusto ko ring matutunan yun!"




"Ah!!! Parang ganito!" Tapos pinakitaan niya ako ulit ng mga suntok-suntok niya sa hangin! Ahahahahaha!!!




"Ang cute mo Eli!!! Ang galing-galing! Ahahaha!!!"




Pagkasabi ko nun, parang nagbago yung expression ng mukha niya. "Cute ba yun? Anak ng!!! Nagpapamacho ako dito, tapos cute!!! Astig dapat Sam!"




"Eh sa ang cute mo nga eh. Isa pa nga!!! Sumipa ka nga ulit!"




"Gusto mo ikaw na tamaan ng sipa ko? Inuuto mo na ako eh." Sisipain daw ako oh, eh kinurot lang naman niya ako sa pisngi! "Attention na!!!" At nag-attention na lang ako. "Sa susunod... charyeot lang ang isisigaw ko, dapat nasa attention stance ka na."




"Ano nga ulit? Charot?"




"CHARYEOT!!! Babangasan na kita! Seryoso na kasi, Sam!" Ang pikon! "Charyeot! Kailangan kapag sinigaw ko yun, dapat naka-attention ka na.  Yun yung sinusunod namin sa taekwondo class. Kahit ano pang ginagawa mo, titigil ka para sundin yung sunod na instruction ko. Gets?"




"YES SIR!!!"




"Sir ka jan! Master!"




"Yes master!!!"




"Charyeot!" Natatawa ako, kaso pag humagalpak ako dito, magagalit si Eli saakin. Charot na nga daw eh. "Tuturuan kita ng tag-iisang hand, kick, block and freeing techniques. Unahin natin yung suntok mo."




Okay, magaling naman magturo si Eli. At nakikinig ako ng matino sa kanya, dahil sobrang strict niya kung magturo! Natutuliling na nga ako kaka-charot niya eh!




"Ganito ba?" Una niyang tinuro saakin yung 'forefist attack'. "Oh susuntok na ako." At syempre ang patatamaan ko ang kamay ni Eli. At pagkasuntok ko...




"Lakasan mo naman! Isa pa!"




"Yah!" At isa pang suntok, kaso iniisip ko pa lang na kamay ni Eli yung tatamaan ko, hindi ko magawang suntukin siya ng malakas.




"Amp naman!!! Closed fist kasi!" Hinawakan ni Eli yung kamay ko at paulit-ulit niyang ni-demo saakin kung paano yung pagsuntok. Naamoy ko siya. Ang bango niya! Hahaha!!!




Natapos na ako sa kakasuntok so ang next naman, "Front Snap Kick!" Ang turo niya saakin, itataas ko yung tuhod hanggang bewang, then  pull my toes back, saka mabilis na sipain yung target. "Ay mas gusto ko 'to!"




"Halata nga, mahilig ka kasing manipa ng reproductive system namin eh."




"Anong ibig mong sabihin ha?"




"Wala! Oh... charyeot! Palm block naman tayo!" Ito namang sunod na move ay magandang gamitin para iwasan yung pwedeng maging atake ng kalaban. Naks kalaban daw oh! Effective daw yung move na ito para i-block yung sipa at suntok. Medyo mahirap, pero keribels lang!




Lastly, "The freeing technique! Ano naman yun?"




"Ituturo ko 'to sayo para madali ka lang makawala kung may manga-grabbed sayo mula sa likod."




"Okay game! Mukhang exciting din yan." Ready na sana ako kaso napakamot sa ulo si Eli. "Bakit ba? Charyeot na nga diba!"




"Yayakapin kita, patalikod ha." Ay!!! May ganun nga pala. So lalapit na sana siya... kaso...




"Teka..."




Parang sobrang ready na siyang yakapin ako... "Bakit!!!!!!"




"Kailangan bang may yakapan talaga?"




"OO NAMAN!!! Paano kakawala saakin kung hindi kita yayakapin. Charyeot!!! Gawin mo na dali!" Nasa likod ko na siya, tapos ilang sandali pa, ang higpit na ng yakap niya saakin. Hindi ko alam yung ire-react ko, nakalimutan ko na yung freeing technique na tinuro niya. "SAM NAMAN!!! Wag ka munang kiligin!"




"Ano nga ulit yung gagawin ko?" Nung bumitaw siya, pareho na kaming hindi makatingin sa isa't isa. "Ganito... ako na lang yung yayakap, tapos i-demo mo ulit saakin yung dapat na gawin."




"Psh!" Change position na kami, so ako na yung nasa likod niya at kunyaring aatake sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, at niyakap siya ng mahigpit. Nakapikit na lang ako dahil ibabagsak niya ako sa lupa. Pero...




"Eli... ano na?" Hindi na rin nakakilos si Eli nung niyakap ko na siya. "Nag-freeze ka na jan!!! Kinikilig ka rin eh!"




"LUL!!!" Tapos binitawan ko na lang siya kasi parang namumula na yung tenga niya. "Naisip ko kapag ginawa ko yun, matuluyan kitang ibagsak sa lupa. Ikaw na lang ulit ang yayakapin ko!"




"Ayoko!!!" Nahihiya nga kasi ako! Okay lang kung ako yung yayakap kay Eli kasi nakakalimutan ko yung kilig dahil sa takot na mapabagsak niya.




"Umayos ka nga Sam! Ako master dito!" Tapos pumunta ulit siya sa likod ko at niyakap ako. "Dali na Sam gawin mo yung tinuro ko."




"Bitawan mo ako Eli, bwiset ka!" Hindi na ako makahinga. Halo-halo na kasi eh, ang higpit ng yakap niya, tapos kinikilig pa ako, tapos iniisip ko pa yung tinuro niya saaking freeing technique. Ano bang gagawin ko? "Ayoko na sabi!!!"




.




.




.




Nakakaloko na talaga ang nangyayari saaming dalawa. Buti na lang at...




"IDOLS!!!"




Ako - (╯▽╰)




Eli - (¬╭╮¬)




"Anong ginagawa niyo?" - (ಠoಠ)




"Nakakaistorbo ba kami?" - (◑o◐)






¯\(©_©)/¯

(ELEAZER PASCUAL POV)






Kahit kelan talaga ang timing ng dalawang kumag na 'to!!! Kung kelan naman enjoy na enjoy ko na yung moment namin ni Sam eh, saka pa sila umepal!




"Alam mo Sam, hindi mo lang naitatanong pero marunong din kami niyang freeing technique na yan!"




"Oo nga! Si Idol din ang nagturo saamin niyan! Ganito lang yan eh." Biglang  lumipat sa likod ni Sam si Waine, tapos niyakap niya!!! NIYAKAP NIYA!!! PAKSHET!!! "Oh yan Sam, tawag sa yakap na 'to 'bear-hug'! Diba Idol?"




"OO!!!" Ang tigas ng pagka-OO ko, pero hindi yata nakuha ng dalawang mokong yung gusto kong sabihin. Sige tuloy niyo lang!




"Tapos apakan mo yung paa ko." At sinunod naman ni Sam. "Yun! Eh di na-distract na yung kalaban mo nun! Tapos..."




"Tapos ganito!!!"  At tinulak ni Argel si Waine para siya naman yung yumakap kay Sam!!! NIYAKAP NIYA RIN!!! Anak ng hinayupak 'tong mga 'to! "Oh kunyari naapakan mo na ako. Yung kabilang paa mo, i-step backward mo papunta saakin, at the same time bend forward naman yung katawan mo."




"Ahh!!! Ganito?"




"Galing mo Sam! Tapos..."




"Tapos niyan, stand up straight." At hinawakan na ni Waine yung dalawang kamay ni Sam. "Tapos i-spread out mo yung dalawa mong kamay papunta sa sides at tsaka ka mag-roll palayo!"




Nagawa nga ni Sam at nakawala na siya sa galamay ni Argel! "YOWN OH!!! GALING MO TALAGA IDOL SAM!!!"




"Wow!!! Nagawa ko nga!"




"Oh isa pa!!! Ako ulit ang yayakap sayo."




Pinagpasapasahan na nila ng yakap at chansing si Sam, at dahil kanina pa ako nagpipigil sa mga ginagawa nila...




"Ano nga ulit yung gagawin ko?"




"Tapos niyan..."




"Tapos niyan, darating na ako at ililigtas si Sam sa mga manyak..." At sinupalpal ko yung pagmumukha ni Waine kaya tumalsik siya. "Na tulad niyo!" At sinunod kong binanatan si Argel kaya napahalik na din siya sa lupa.




"Aray ko Idol..." -  (╥﹏╥)




"Sam... tulong..." -  (ݓ  ݓ)


"Hoy Eli tama na yan ha. Ang sadista mo talaga."



Pasensya ka na Sammy. Ganito lang talaga ako kapag nagdidilim na paningin ko! Babangasan ko pa sana sila ulit at nang maturuan sila ng leksyon. "Mahina lang 'to mga pre!" Kaso...




"Tumigil ka na Eli!" Ginamitan ako bigla ng forefist attack ni Sam. At sapul yung dibdib ko. Aba, nagamit na niya yung una kong tinuro sa kanya!




"Masakit yun ha! Lumayas ka jan Sam!" Pero hindi ako papatinag dahil kukutusan ko parin sina Waine at Argel.




Kaso paglapit ko pa lang sa kanila, ginamitan naman ako ng front snap kick ni Sam. "Tama na sabi Eli! Sige ka, sisipain ulit kita."




Dapat sila pa ang kinakampihan niya? "Loko ka ha!" Wala naman talaga akong planong totohanin si Sam, tatakutin ko lang. Kaso yung suntok ko, nagamitan niya ng palm blocks! Ampupu!!! Bakit ang bilis yatang natuto ni Sam sa mga naturo ko! "Ayus ha."




"Calm down Eli!" Sabi niya habang nakaharang siya kina Waine at Argel para hindi ako makalapit.




"Go Sam!!! Iganti mo kami kay Idol timongoloidz."




"No match ka pala kay Sam eh."




"Naknang!!!" Binubwiset talaga ako ng mga kumag na 'to ha! At enjoy na enjoy pa nila na pinagtatanggol sila ni Sam. Sinugod ko sila kaso ang tapang ng girlfriend ko at sinunod-sunod yung pagsuntok at pagsipa saakin! SAM!!! Ito na ba yung tinatawag nilang LQ?




Hindi na tumigil si Sam at mukhang nakalimutan na niyang mahal niya ako! Langya! "Sam... uy!!!" Hindi niya lang ako pinakinggan, kaya ang ginawa ko, niyakap na siya sa likod. "Uy stop na, Sam!!! Pag ako nasapak mo ha."




At dahil natural na yata sa babaeng ito ang pananakit, nagulat na lang ako nang magawa niya ng maayos yung freeing technique. Nakawala siya saakin at dahil nga naamaze ako sa galing niya, hindi ko napansin yung sipa niya sa aking... "Arghhhhhhhhhhhhhhhhh!!!"











(SAMIRA ALMIREZ POV)






Feeling ko ang lakas ko! Para akong si Jet Li habang sinisipa at sinusuntok ko ang boyfriend ko! Naawa kasi ako kina Waine at Argel kaya iginanti ko sila kay Eli! Kaso over na yata yung ginawa ko at hindi ko napigilan yung sarili ko.




"Yaaahhhh!!!"




"Arghhhhhhhhhhhhhh" OMG!!! Nasipa ko siya sa ano niya... alam na!!! Mygawd!!!




"Sam, tama na!"




"Idol, okay ka lang."




"Ang lahi ko... aray..." At namilipit sa sakit si Eli. Mygawd!!! Sorry Eli!!!






*     *     *






Bakit ba masyado akong nadadala sa emosyon ko! Yung sakitan naman ng barkadahan nila, parang lambingan na nila yun! After maka-recover ni Eli sa ginawa ko, as usual, naglaro lang ulit silang tatlo ng ps3. Tapos sabay-sabay kaming kumain ng dinner at ilang oras pa, kaming dalawa na lang ulit ni Eli ang naiwan sa bahay.




"Eli... "




"Wag mo akong kausapin!" Nagkaayos na ang lahat, pwera lang kaming dalawa. After kasi nun, hindi na ako pinansin ni Eli.




"Eli naman... ni-practice ko lang lahat ng tinuro mo saakin. Hindi ka ba masayang natuto ako sa mga turo mo?" Try lang kung makakalusot!




"Oh tapos tamang patamaan mo yung ano ko? Paano na magiging lahi natin niyan? Pag ako nabaog!"




"Pfffft."




"Seryoso ako!!! Wag kang tumawa jan!"




"Sorry na!" At pinag-twinkle ko pa yung eyes ko para lang sa kanya. "Eli-byu!!!"




"Eli-byu too!" What??? I love you too yun diba! "Pero wag mo akong daanin jan sa pagpapa-cute mo! Galit pa rin ako Sam!" Tapos pumasok siya sa kwarto niya at pinagsaraduhan na ako ng pinto.




"Bahala ka nga jan! Kasalanan mo rin yan!" Pagkasabi ko nun, binuksan niya ulit yung pinto.




"Sayang!!! Aayain pa naman sana kita na mag-date tayo bukas!" At sinaraduhan niya ako ulit ng pinto. Pero naririnig ko pa rin yung boses niya kahit nasa loob ng siya ng kwarto niya. "AT SAGOT KO LAHAT!!! AS IN LAHAT!!!"




"Date? DATE!!!" Huwat!!! First date namin yun kung sakali!!! At libre niya!!! Wala akong gagastusin!!! "HOY ELI!!! BATI NA TAYO!!!" At buong gabi ko siyang kinalampag hanggang sa masigurado kong magde-date nga kami bukas!




Ayiiiieeeehhhhh!!! Ito na ulit oh!!! First date na!!!






(◠‿◠)

End of Chapter 25


Ang idea sa chapter na ito ay entry ni Jiyeon o mas kilala sa tawag na i_heart_KPOP. May konti lang pagbabago, pero itong-ito pa rin yun! Iniaalay ko po sa kanya ito, at sa lahat ng mga nagcomment (sa PF) ng gusto nilang makitang scene dito sa kwentong ito. Pinag-isipan ko talaga kung sino ang pipiliin ko (with the help of my cousins and sister), at humantong naman ako sa isang FAIR decision. Sana na-enjoy niyo!!!










1 comment:

  1. wAaaaaaa...aNg gAndA nmAng nEw yEars gift nitO...
    KaabAng abAng uNg first dAte niLa...grAbe na taLaga sa gAnda nitOng stOry..kakilig mAtch..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^