Tuesday, December 20, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 23

CHAPTER 23
(ELEAZER PASCUAL POV)






"Salamat Eli..." Bulong niya saakin habang nakayakap!!!




So kasalanan ito ng reflex ko ha... na niyakap ko din siya pabalik. "Okay na yun... syempre gagawin ko yun dahil mahal kita." ANAK NG!!! Reflex din ng bibig ko yan!!!




"Mahal mo ako?" Napalayo siya saakin.




"BILANG AUNTIE!!!" Napalunok ako. "Syempre Auntie kita... nephew-in-law mo nga ako diba."




Nagkatitigan ulit kami, pero ako na unang sumuko. Hindi ko na siya matignan sa mata, kaya mabuti pang umiwas sa kahihiyan kong ito! "Akyat na ako sa taas ha."




"ELI!" Bakit na naman ba? Nahihiya na nga ako!!! Lechugas naman oh!




"Bakit?"




"Ang... ang ibig sabihin ba ng sarang ay love?"




Natigilan lang ako. Paanong... "Teka... inalam mo ba yung meaning nung sinabi ni Sunmi?"




"Sabihin mo na lang Eli... love ba yun? Isang word lang naman yung naaalala ko sa sinabi ni Sunmi eh."




"Eh bakit hindi mo muna i-translate yung sinabi din saakin ni Sunmi?"




"Ako naunang nagtanong sayo. Bakit ba ayaw mong sabihin?"




"Ibabalik ko lang sayo yung sinabi mo, bakit ayaw mo ring umamin saakin?"




"Anong aaminin ko?"




"Malay ko!!!" Kunyari pa! "Na mahal mo ako? Umamin ka na nga Sam!" Umamin na kasi para hindi na kami mahirapan pa! Tumatagal pa eh!




"H... hindi noh!"




"Hindi mo ako mahal? Wooosshh!! Sinungaling! Matagal ko nang halata, kunyari ka pa!"




"Bakit kailangan sayo manggaling yan! Gaano ka ba kasigurado ha?"




"KASI ANG TAGAL NA SAM!!! Sabihin mo na lang para matapos na!!!" Ang kulit ng babaeng 'to!




Tapos naupo siya sa sofa. Ano na naman kayang iniisip ng babaeng 'to? May kinuha siyang notepad at dalawang ballpen mula sa bag niya. Inabutan niya ako ng papel at nung isang ballpen. "Isulat mo jan yung meaning nung sinabi saakin ni Sunmi. Tapos isusulat ko din yung translation nung sinabi niya rin sayo. Tapos trade tayo."




"Ano ako ulul?" Tumalikod ako, at umakyat na sa taas. Hindi ako makikipagka-sundo ng ganun ka-simple! At isa pa, saka ko lang sasabihin kapag  umamin na siya! Ayoko ngang mapahiya, wala sa vocabulary ko yun!




Pagpasok ko sa kwarto ko, nahiga ako agad sa higaan ko. "Amp naman kasi, bakit ayaw niyang umamin! Dapat hindi nahihiya ang mga babae kung gusto nila yung lalaki! Anong malay nila, baka gusto din sila nung lalaki, hindi lang marunong manligaw! O baka sige, natotorpe!"




TAKTE NAMAN OH!!! Tapos sinuntok-suntok ko yung unan. Sana pala binugbog ko ng sobra yung mga ugok kanina, naghahanap tuloy ako ng mapagbubuntungan ng asar ngayon!




Maya-maya, kumatok na naman siya. Pagbukas ko, winawagayway niya sa mukha ko yung notepad niya. "Nakasulat na dito yung meaning Eli oh."




"Oh... ano naman?"




"Ayaw mong malaman?"




Ako pa kinulit mong babae ka ha! Hahablutin ko sana yung notepad niya kaso, ang bilis niyang naiwasan. "Ops!!! Hindi mo makukuha ito nang ganun lang!"




"Ganun?" Nginitian ko siya, tapos natulala lang siya saakin. Saka ako dahan-dahang lumapit sa kanya, hanggang sa wala na siyang maatrasan pa.




Nung mapunta siya sa pader, aalis pa sana siya kaso ni-corner ko na siya. Akala mo makakatakas ka ha! Ako pa ginaganito mo? "Hoy... E... Eli... hindi pa ako magaling..."




"Hindi naman kita sasaktan eh." Sinadya kong gawing malandi yung boses ko. Saka ko dahan-dahang inilapit yung mukha ko sa mukha niya, kaya siya napapikit. Ano naman kayang iniisip niya at kinakabahan siya nang ganito?




Sinilip ko lang talaga yung pasa niya sa mukha, at natuwa naman ako na medyo magaling na. "Pffft... nakakatawa ka lang!"




Pagdilat niya... "Eli!!!"




Yan! Off-guard na siya kaya nahila ko na yung notepad mula sa kamay niya. Hindi na siya nakapalag at pumuslit na ako agad sa kwarto ko at nag-lock ng pinto! "HOY ELI!!! ANG DUGA MO TALAGA!!!"




*inhale... exhale...*




Eto na! Eto na ang sagot sa mga tanong ko! Malalaman ko na kung ano yung sinabi saakin ni Sunmi, na hindi maamin-amin saakin ni Sam...




Ikalma mo lang sarili mo Eli sa malalaman mo. Dahan-dahan kong hinanap yung sinulat niya hanggang sa mapunta na ako sa last page.




Dahan-dahan ko itinagilid yung ulo ko para intindihin kung ano yung ibig sabihin nun. At ito lang ang sinulat niya. ----> (d:<)




"SAM!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Lumabas ako ng kwarto at humahagalpak na siya kakatawa.




"Ahahahahahahahaha!!! Akala mo ha!!! Ahahahahahahahaha!!!"




Changgalang yan!!! Naisahan ako dun ha! Hindi pwede 'to! Kabawasan 'to sa pagiging Idol ko! "Humanda ka Sam! Gaganti ako! Gaganti ako!!!"




Sam - ⊙.☉



Tawa-tawa siya ha! Kinabahan siya ngayon!!!








 ٩(⋋▂⋌)۶


(SAMIRA ALMIREZ POV)



Gaganti daw si Eli? Pero kelan? Dahil dun, hindi na tuloy ako mapakali! Ni hindi din ako makakain ng dinner dahil iniisip ko kung paano gaganti si Eli. Ang lupet pa naman niya! "Eli... peace na tayo."




Tahimik lang siyang kumakain. In-order lang namin 'tong dinner na 'to. "Sige... sasabihin ko na yung ibig sabihin nung sinabi ni Sunmi."




Napatingin siya saakin. "Ano?"




"Um... ang ibig sabihin lang nun... masaya akong nakatira dito sa bahay mo." Sana maniwala siya.




"Wag mo akong lokohin ha."




"Yun nga yun."




"Mamatay man kuya Rico mo?"




Parang bata lang oh! Pero syempre, ayoko namang idamay si Kuya dito. "Oh hindi makasagot! Sinungaling ka Sam! Humanda ka saakin! Patong-patong na utang na loob mo, patong-patong pa kasalanan mo!"




Wala na lang akong ni-react. After namin kumain, nagkulong na ako agad sa kwarto ko. Hindi na ako lalabas, kailangan kong mag-ingat sa gagawing ganti ni Eli. Kakaiba pa naman gumawa ng kalokohan yun.




Nahiga-higa ako sa kama, at ilang sandali pa, dinalaw na ako ng antok kaya nakatulog na ako. Kaso nagising ako nang biglang makaramdam ako na gumagalaw sa tabi ko.




"Sam..."




"Eli..." Paano siya pumasok sa kwarto ko? AY may susi pala siya! Pero bakit nandito siya? "Anong ginagawa mo dito?" Gagantihan na ba niya ako?




"Wag mong lakasan yung boses mo... may mga tao sa baba."




"Ha?"




"Tangeena!!! Pinasok yata tayo ng magnanakaw! May baril silang hawak! Kung kelan naman napuruhan yung braso ko!" Napabangon ako sa takot.




"Ha? Ano!!! Anong gagawin natin? Tumawag tayo ng pulis, Eli!!!"




"Dito ka lang Sam. Wag kang aalis dito... magtago ka! Bababaan ko sila."




"Diba sabi mo masakit yung braso mo? Tumawag na tayo sa pulis!!!"




"Baka ikaw ang saktan nila!" Pinipilit kong maging matapang dahil ang seryoso din ng itsura ni Eli. Ako na naman ang iniisip niya. Bakit ba sunud-sunod ang gulo ngayon? "Makinig ka, hindi ko hahayaang masaktan ka ulit."




"ELI! Ayokong ikaw yung masaktan!" Pinatigil niya ako by hugging me. My God! He's so warm. At ayoko na siyang pakawalan pa. Baka... baka hindi ko pa masabi yung feelings ko for him! "Eli... yung about sa sinabi ni Sunmi... I just want you to know that..."




"Sheeesh... Samira, pag-usapan natin yan once this is over. Dito ka lang!" 




"Wag Eli!!! Wag mo akong iwan!!!" Pinatahimik niya ulit ako by kissing me on my forehead at saka na siya umalis. Hindi na nagpapigil pa.




Paano kung wala ng chance!!! Paano kung hindi ko na masabi sa kanya?




Maya-maya, narinig ko na yung nakakatakot na sigawan. May mga nababasag sa baba. Anong nangyayari? Nanginginig na ako, at pinipilit kong takpan yung tenga ko. "Lord... iligtas niyo po si Eli.... promise po... aamin na akong mahal ko siya."




Ang huling narinig ko ay isang malakas na tunog. Putok ba ng baril yun? Nakarinig na ako ng katulad nun noon! Katunog nung pinaputukan ng pulis yung magnanakaw na papatay sana saakin noon sa apartment ko.




Sandaling natahimik ang lahat. Si Eli... bakit hindi pa niya ako binabalikan? Tapos unti-unting bumukas yung pintuan ng kwarto ko. Hindi siya si Eli!!! Anong ginawa nila kay Eli!!! Nasaan siya?




Hindi rin ako nakapagtago ng maayos dahil humahagulgol na ako. Hindi na rin ako nakatakas dahil wala naman na akong mapupuntahan.




Katapusan na ba ulit ng buhay ko? Parang nangyari na ito noon eh, nangyayari ba talaga ito ulit ngayon? "Si... Si Eli?"



"Nakita din kita! Naaalala mo pa ako?"


Pinagtawanan lang ako ng lalaki, hindi ko siya makilala dahil sa itim na telang nakabalot sa kanyang mukha. Mamamatay-tao ba siya? Magnanakaw? Rapist?



Nanginig ako nang hawakan niya ako sa braso. Siya ba yung magnanakaw na nahuli dahil saakin? Nakatakas siya sa kulungan? Paano nangyari yun?


"Sabi ko naman sayo, babalikan kita diba?" Natatakot na ako sa kanya. Sisigaw sana ako pero tinakpan niya ang bibig ko. "Sino ba yung kasama mo? Kapatid mo? Kaibigan mo? Boyfriend mo?"



Tumulo ang luha ko. Kahit na alam kong malakas si Eli at magaling makipagbasag-ulo, paano kung masaktan pa rin siya ng lalaking ito.



"Huwag kang umiyak!" Wala akong magawa. Patayin na lang niya ako kaysa kung ano pa ang gawin niya saakin.



Ilang sandali pa, nakita kong bahagya nang nakatanggal ang balot sa mukha niya. Pero dahil madilim ang loob ng kwarto ko, hindi ko pa rin ito maaninag nang maayos. "Sino ba ang lalaking yun? Mahal mo ba yun? Isang maling sagot mo lang, katapusan mo na."



Sa oras na ito, wala na akong dahilan para magsinungaling pa. Maaring katapusan na nga ito ng buhay ko kaya mabuti pang ilabas ko na ang mga nararamdaman ko.



Tumango ako. "Mahal ko nga si Eli." Oo, mahal ko na nga ang lalaking yun.



Ngumiti saakin yung lalaki pero biglang sumimangot ulit. Kaya lalo lang akong naguluhan. Unti-unti pa siyang lumapit saakin, at sobrang magkalapit na ang aming mga mukha. At nagulat ako nang gawin niya ang isang bagay na hindi ko inaasahan.



Hinalikan niya ako, and it was fast yet gentle. Nanlaki lang ang mga mata ko. Parang ngumiti siya pero hindi ako sigurado.



Akala ko kung ano pang ang gagawin niya, pero humawak lang siya sa leeg ko at wala pang ilang segundo, parang umiikot na ang paligid ko. Napapikit ako at tuluyang nawalan ng malay. At wala na akong maalala sa mga sumunod pang nangyari.




٩(TT)۶




Nakaramdam ako na parang lumulutang na ako sa hangin. Nakapikit ako pero alam kong maliwanag na ang paligid ko. Nasa langit na ba ako? Bakit naman ako maagang namatay? Hindi ko man lang nasabi kay Eli na mahal ko siya. And worse, first kiss ko pa yung pangit na magnanakaw na yun!






"Eli... mahal kita." Sorry kung patay na ako, at hindi ko na nasabi sayo yun.




"Alam ko Sam. Narinig ko ang sinabi mo."




Napadilat ako nang marinig ko ang boses ni Eli. "ELI?"




Ano ang lahat ng yun? Panaginip? Tapos ano? Nagsleep-talk na naman ako? At narinig na niya?




Buhat ako ni Eli at inihiga niya ako sa kama ko. "Sabi naman sayo, gaganti ako eh." At inilabas niya yung  telang itim na suot nung lalaki kanina. Suot niya kanina?




"Hindi panaginip yun?"




"Hindi... hinimatay ka lang sa takot ngayon. Pero gising ka kanina!"




"TIMONGOLOID KA TALAGA ELI!" Nasampal ko siya at umiyak ulit! "Sira-ulo ka talaga! Nakaka-bwiset ka! Walang hiya! Tinakot mo akong hayop ka!"




"Pero mahal mo naman ako. Hahaha!!!"




Napatigil ako. "Kung ikaw yun... e'di..." Siya yung humalik saakin kanina? Yung precious first kiss ko? Siya yun?




"Oh yeah Sammy... I'm that kissing bandit!" Nang-asar pa dahil napakagat-labi pa siya!




"Magnanakaw!" At sinampal ko siya ulit! "Magnanakaw ng first kiss!!!" Ang first kiss ko! Uwaaaaaaaaaaahhhh!!!




"Nakaka-ilang sampal ka na ha! Hahalikan ulit kita jan!"




"WHY DID YOU HAVE TO DO THAT!"




"Para umamin ka na! Oh di yan, umamin ka na, e'di tapos na!!!"




"Yun lang!!! Halos patayin mo na ako sa takot para lang patunayan 'to? Langya naman Eli! Mamumura kita eh!"




"OO Yun lang! Para madali na din saakin na umamin na ang ibig sabihin ng sinabi sayo ni Sunmi ay inlove na ako sayo!"




Ako - (⊙...⊙)




Eli - (❤ ¬_¬)




Pumasok sa isip ko si Sunmi. Parang nakita ko sa vision ko na sinasabi niyang, "Sam... Eli oppa-neun dang-sineul ssa-ranghamnida. (Sam... Eli oppa is in love with you)At yun pala ang ibig sabihin nun. That Eli... is in love with me.




"Basta wala nang bawian. Mahal mo ako, mahal din kita. TAPOS!"




*dugdug*




Oh yan na naman si heart oh... kumakanta pa yan this time. Boy you got my heartbeat runnin' away, beating like a drum and it's coming your way, can't you hear that boom badoom boom, boom badoom boom bass. Eli got that super bass!!!




*boom badoom boom boom*


(●●)



End of Chapter 23







No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^