CHAPTER 34
(SAMIRA ALMIREZ POV)
Parang kahapon lang, magkaaway kami ni Eli. Parang kahapon lang, may pilay ang kamay ko. Ang bilis ng takbo ng panahon! Kapapasok lang ng December at prelims ko na ngayon…
“Heto oh, bagay sayo ‘to.” Nasa bahay lang kami at nakatingin sa isang magazine si Eli. Kanina pa siya nagsasabi na bagay daw saakin yung mga damit na tinuturo niya. “Ay kaso masyado palang revealing ang likod, pipili pa ako ng iba.”
“Ano bang trip mo at namimili ka ng damit jan? Fashion designing ba ang course mo sa college?” Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa rin alam kung anong course niya at saan siya mag-college. Pagsilip ko dun sa magazine na tinitignan niya. “Oh puro dress pa yan!”
“Bakit gusto mo ng tuxedo?”
“Ikaw gusto mo ng break-up?” Syempre joke lang yun! Ang pilosopo niya kasi! Anyway, busy ako dahil may ginagawa ako! Meron kaming photoshoot project, at wala pa akong mapiling model.
“Ay Bugal, itong red dress bagay sayo!”
“Oh sige, tuloy ka lang jan sa trip mo ha.” Minsan kapag tinopak ‘tong si Eli, kung anu-ano na lang sinasabi. Ano kayang meron sa dress diba? Anyway ulit… “Sino ba sa mga ‘to ang pipiliin ko?”
May hawak kasi akong pictures ng mga lalaki na binigay saakin ng group members ko. Leader nila ako eh, kaya saakin napasa kung sino sa mga nagga-gwapuhang kalalakihang ito ang pipiliin kong model! “Ang hirap naman kasi mamili! Ang gwapo nila lahat!!!”
“Gwapo?” Bigla na lang napatingin saakin si Eli. Oh my! Nasabi ko bang gwapo? “Ano ba yan ha?” At hinablot na lang niya bigla ang mga pictures na hawak ko.
Eli- (ಠ╭╮ಠ)
Ako- ≧◠◡◠≦
Tapos nilukot ni Eli yung mga pictures at tinapon sa sahig.
“Uwaaaahhh!!! Bakit mo nilukot?” So pinulot ko na lang, kaso inapakan pa niya! “Ano ba Eli!!! Yung paa mo!!!” Kaya pinalo-palo ko ang paa niya. “Para sa prelims namin yan!”
“Kelan pa naging prelims ang pagtitig sa pictures ng mga timongoloids na yan?”
“Naghahanap kami ng male model! At hindi sila timongoloid na tulad mo!” Pagkuha ko ulit nung pictures, pinilit kong ituwid ulit yun. “Ang ga-gwapo kaya nila kaya nga nahihirapan akong mamili ng isa lang eh. Sa Saturday pa naman na yung photoshoot.”
“Ah gwapo?” Ayan na! Nanlilisik na ang mga mata niya. “At isa pa sa mga yan ang makakasama mo sa Sabado?”
“Malamang!” At nagdabog-dabog kunyari si Eli. Ang laking damulag niya lang talaga! “Ikaw nga, tulungan mo akong mamili kung sino sa kanila ang sa tingin mong bagay sa photoshoot namin. Winter theme! Yung tipong masungit at cold-type na tao?” At pinagdiinan ko ulit. “ANG GWAPO KASI TALAGA NILA! Ang hirap mamili!”
“Di hamak naman Sam, na mas GWAPO ako sa mga yan!” Nagwawala? Kailangan maghurumintado?
“Well… may point ka jan.” Oo na! Mas gwapo si Eli noh! “Sige! Ikaw na lahat Eli! At tsaka ikaw na rin yung pinakamasungit at cold-type na tao. Ikaw na ang model type, kaya ikaw na ang lahat-lahat!”
“At least clear tayo jan.” At mahangin pa!
Natahimik kami bigla sa pagbubulyawan namin… eh ano pa nga bang pinag-aawayan namin kung pwede namang…
*Light bulb!*
“Ito Eli… siya na lang ang pipiliin ko. Crush ko ‘to eh.” At tinuro ko yung isang picture ng lalaki.
“Ipagdasal mo na kaluluwa niya ha. Ipapadala ko yan sa huling hantungan niya.”
“Okay sige… itong isa na lang.” At nagturo pa ako ng isa pang lalaki. “Mas crush ko ‘to eh.”
“Magsasama sila nung unang lalaking pinili mo kanina.”
“So anong ibig mong sabihin? Lahat ng lalaking pipiliin ko, padadala mo sa langit?”
“Sinong may sabing sa langit sila pupunta?”
At ito na ang brightest idea na kanina ko pang iniisip! “Eh di ikaw na lang kaya Eli.” TAMA!!! Parang mas bagay nga naman kay Eli yung sinasabi kong photoshoot! At ito na ang pinakamagandang decision ko sa para project namin! Palong-palo eh! Bagay si Eli dun!
“In your face! Ano kayo sinuswerte?” Tapos umalis na siya paakyat sa taas.
Akala niya siguro magpapadaig ako ha. “Okay sige Eli, ikaw din! Itong last guy, balita ko crush ako nito eh.” Totoo yun ha! “Siya! Siya na lang ang gagawin kong model!” Ang parinig ko!
Napatigil bigla sa paghakbang si Eli. “Kelan ulit yung photoshoot? Sa Sabado ba?”
Hwahahahahaha!!! Ang galing-galing ko talaga! Si Eli na nga ang the one!
It's Saturday!!!
Naglalakad na kami papunta sa school, at napasubo yata ako sa pag-aya ko kay Eli na maging model namin.
“Amin na kasi yan, ako na magbibitbit ng mga yan.” Ako kasi ang may dala ng mga damit at sapatos niya. Nagpapakabait ako kasi hindi ko siya babayaran ng talent fee! Haha!
“Hindi. Bawal kang pagpawisan pagdating sa school!” Oh isa pang dahilan yun! “Winter nga ang theme namin diba? Kailangan fresh and cool ka lang! Alangan namang dumating ka dun ng dugyutin.”
“Psh! Kahit pagpawisan, gwapo pa din ako!”
“Wala namang nagsasabing papangit ka eh. Ang sinasabi ko lang dapat fresh!” Kung kailan ayaw kong magpatulong, saka siya namimilit na tumulong!
Pagdating namin sa lobby ng Edinham, nandun na yung mga groupmates ko. Sina Byron, ang tatlo pa naming groupmates na babae, at si Kian.
(◕‿◕✿)
“Ayan nanjan na siya! Eli-byu!!!” Nagkadarapa bigla yung girls pagkasabi ni Byron nun. At ayan, pinagkaguluhan nga nila si Eli.
Kinurot ko naman si Byron at saka ko siya binulungan. “Ikaw ha! Isusumbong kita kay Sheena! Ang landi-landi mo na naman!”
“Oh don’t tell me nagseselos ka?” Kasi alam na nga niya na kami na ni Eli. “Ayiiieh beb!”
“Hindi noh!”
“Hi Eli-byu! Isa ako sa photographer! Nice meeting you!”
“OMG! Ikaw ba yung nephew-in-law ni Samira? Ang gwapo mo nga!”
“Dali maghubad ka na! I mean, magbihis ka na!”
Oh sige na! Medyo! Medyo nagseselos ako! Ang lalandi kasi nitong mga kaklase ko eh! Aish!
“Okay girls! Make way for the leader!!!” Pero walang nakinig saakin. Mukhang nakabihag na naman ng mga babae si Junanax eh! “GIRLS! Make way for the step-aunt!!!”
“Sam, ano ba yang mga yan? Bakit parang may mga rabies sila? Naglalaway!” Bulong saakin ni Eli nang hindi lumalapit sa mga kaklase ko. Nasabi ko na bang allergic masyado si Eli sa mga ganyang girls. Ang gwapo kasi eh!
“Okay behave!!!” Sinigaw ko. “Wala na tayong oras para maglandian dito.” Naks! Ang sungit ko kunyari. “Nasaan na ba yung planner natin ha?”
“I’m here!” At biglang sumulpot si Kian. Siya ang pinagbitbit nila ng gamit! Yung tripod, yung spotlight, yung tatlong SLR, yung reflector, tapos yung iba pa naming props! “Hi Sam!”
“Uwaaah! Mga walang puso kayo! Bakit hindi niyo naman tinulungan si Kian?” Kaya tinulungan ko siya.
“Okay lang, busy na sila eh.” Nagtinginan na lang kami. Kawawa naman si Kian, pawis na pawis na! “Um… siya na ba yung pamangkin mo?”
Nakatingin lang saamin si Eli at ngayon parang hindi na siya ngumingiti. “Yep. Siya si Eli… at Eli, siya naman si Kian. Ang planner ng grupo namin.”
“Hi! Ako nga pala si Kian. Nice meeting you, Eli.” At nag-offer na makipagshake-hands si Kian, pero in-ignore lang ito ni Eli.
“It’s Eleazer… Eleazer Pascual.” Kulang na lang sabihin niyang 'Hindi tayo close!' Parang katulad nung sinabi niya saakin noon! Tapos umiwas na siya ulit ng tingin. “Bakit ba nagsasayang tayo ng oras dito? Kelan ba tayo magsisimula?” Pagkasabi niya nun, parang napaatras ang lahat! Mokong na ‘to ang sungit!
“Ha… ah sige magbihis ka na dun Eli-byu. Tapos lalagyan kita ng make-up para naman hindi ka maputla sa pictures.”
Wala nang keme, pumunta na agad si Eli sa CR para magbihis.
“Bagay na bagay nga si Eleazer sa theme natin. Ice prince talaga ang dating! Ang sungit.”
“Ganun lang yun Kian. Pag-pasensyahan mo na.” Ito naman kasing si Eli! Hindi na nakuhang ngumiti!
Nang lumabas na si Eli mula sa banyo, nagtilian ulit yung mga groupmates ko. Si Byron naman, halatang nagpipigil! Ahahaha! Mahirap nga naman kasi na biglang maging lalaki ulit noh!
“Byron! Pag ako nagmukhang bakla sa make-up mo, hindi na makikilala ni Sheena ang pagmumukha mo.”
“Uwaah Sam! Ayoko nang magmake-up kay Eli!” Natatakot ba talaga siya dahil dun? Well, pwede nga namang totohanin yun ni Eli! “At tsaka baka magkasala ako pag nahawakan ko ang mukha niya.” Ah kaya naman pala!
“Sam…” Biglang nag-smirk si Eli. “Ikaw na magmake-up saakin.”
“Oo nga! Ikaw na lang beb!” Yung tingin naman ni Byron mukhang timang lang! Bakit siya kinikilig? Potek! Mahahalata kami niyan eh!
“Hindi ako marunong magmake-up!”
“Ako na lang!!!” Syempre, nag-agawan sina classmates sa pagmi-make-up kay Eli! Kaya sumimangot ulit siya, ang abnoy talaga niya ngayon! PMS?
Nang mag-start na ang photoshoot, naupo na lang ako. Si Byron kasi ang taga-hawak ng reflector, kasama naman si Kian sa tatlong photographers. Yung isa pa naming classmate, taga-ayos nung props sa backdrop namin.
Sarap ng buhay ko bilang leader noh! Joke! Utusan kaya nila ako! Kung may kailangang ganito, ako ang taga-dala!
“Eli, pwede bang mag-smirk ka. Ayos na yang anggulo na yan eh.” Sabi ni Kian pero hindi siya pinakinggan ni Eli. Pero kapag yung tatlong babae naming classmate ang nagsa-suggest, sinusunod naman niya agad.
“Oy Eli, sundin mo yung sinabi ni Kian!”
“Gusto mo ikaw na lang mag-model dito?” Oh bakit pati ako sinusungitan na niya! Maldito much! “Lumapit ka nga dito! Paypayan mo ako! Ang init-init!”
“Grrr…” Kung hindi lang namin kailangan ang kumag na ‘to! So lumapit na lang din ako at pinaypayan siya.
“Lapit pa dito Sam! Hindi ako naaabot ng hangin! LAKASAN MO!”
“Oh ayan na!” Natatawa na lang ang mga classmates ko sa pag-aaway namin ni Eli.
(⋋ ▂ ⋌)
Habang nagpo-pose si Eli, saakin din siya tumitingin! Nakakatunaw na syet!!! Mainit nga!
Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti sa kilig, pero buti na lang inagaw ni Kian ang attention ko bago pa man may makakita saakin. “Sam, tignan mo ‘tong shot na ‘to.” Paglapit ko sa kanya. “Ano sa tingin mo dito?”
“Ganda ng angle na yan! Kuha ka ng maraming shots na ganyan.”
Napangiti bigla si Kian sa sinabi ko. “Talaga?” Tapos kinuhaan niya ako ng katulad na shot na yun. “Oo nga maganda! Ganda mo din dito oh!”
“Hoy bakit siya pinipicturan mo! Siya ba model ha?”
“Ay sorry.” Nagtinginan na lang kami ni Kian, tapos pinandilatan ko si Eli! Kaso hindi siya natinag, inirapan pa ako!
Lagpas isang oras na kami sa photoshoot kaya pinag-break ko muna ang model at photographers! Ibang backdrop naman ang siniset-up ko.
Kinakausap naman si Eli nung mga kaklase ko, at halatang nagpapagalingan at nagpapagandahan sila para kay Eli. Nginingitian naman na din sila ni mokong. At hindi ko na lang yun tinignan dahil baka magselos lang ako. Ayoko nang mag-away kami ulit ni Eli dahil dun.
“Byron wag ka nang tumulong, pahinga ka muna. Kaya ko na ‘to.”
“Thanks beb!” At nahiga naman agad sa isang bench si Byron.
“Oh isa ka pa Kian. Pahinga ka muna.”
“Okay lang. Tulungan na kita, hindi pa naman ako pagod eh.” Bait talaga ni Kian noh! Wala pang girlfriend yan, ewan ko kung bakit eh sobrang gwapo naman niya! “Teka, mabigat yan. Amin na.”
“Woi! Ang lakas! Thanks!”
“Thanks ka jan. Libre mo ako ng merienda mamaya ha.” Ewan ko kung tinitignan kami ni Eli, pero pag nililingon ko naman siya, sa iba siya nakatingin. Baka imagination ko lang.
After naming ayusin ang bagong set, magkatabi kaming naupo ni Kian sa sahig. Pinakita niya saakin yung mga kuha niyang shots kay Eli. At infairness to him! “Galing mong photographer talaga Kian!”
“Mahilig akong kumuha ng pictures eh.” At ayan na naman siya, ako na ang pinipicturan! Tinatakpan ko ang mukha ko, pero hinahawi niya ang kamay ko. “Weh ang korni! Sige na pam-profile pic ‘to! Ngiti ka na dito Sam!”
“Ang kulit mo! Ayoko nga! Ang haggard ko!”
“Okay lang, maganda ka pa rin!” Yun! Tuloy pa rin siya sa pagpi-picture!
Napansin na tuloy kami ng isa naming ka-group. “Uy tignan niyo sila oh! Jan nagsimula ang lolo’t lola ko eh! Ayiiieeh!”
“Epal!!!”
“Wushu!!! Sabay pa sila!!!” Lakas mang-asar ng mga bruhildang ‘to!
“Alam mo Eli, yang step-aunt mo at si Kian ang couple sa loob ng classroom namin eh. Lagi yan silang magkatabi! Lagi pa silang nasisita na magkadaldalan!” Pagkasabi nun ng classmate ko, pinagpawisan ako ng malamig. Tama bang gawing issue yun!
“Hoy hindi ah! Pati kaya si Byron kasama namin!”
“Iba naman ang bestfriend, Samira… lulusot ka pa eh!” Uwaaahh!
“Hoy wag kayong ganyan.” Ganyan nga Kian! Ipagtanggol mo tayong dalawa! “Baka may magalit!”
“Eh wala namang boyfriend si Samira diba?”
“Wala ba? Okay naman pala Sam eh!” Pinalo ko na lang si Kian! Mokong na ‘to! Sumakay pa!
Maya-maya pa, yung nananahimik na si Eli, bigla na lang tumayo. Nabagsak pa yung upuang nasa harap niya pagdaan niya.
“Sam…” Napatitig ako sa mukha niya… hala!!! “Ibili mo nga ako ng tubig.” Napatango na lang ako. Hindi siya ngumingiti, saakin lang din siya nakatingin.
“Ay teka Sam. Sama na ako sayo. Bili tayong merienda. Lilibre mo pa ako diba?”
“Ha?” Inakbayan pa sana ako ni Kian para umalis na pero pinigilan siya bigla ni Eli. Bakit kinakabahan ako?
“Yung backdrop niyo magulo pa, ayusin mo.” Utos bigla ni Eli kay Kian. Tinitigan naman siya ni Kian na parang nagtataka. “Tara na Sam, ako pa manlilibre sayo.”
Pinigilan pa sana ng mga groupmates ko si Eli na umalis dahil baka daw mapagod o pagpawisan siya, kaso ang bilis nang maglakad ni Eli at hila-hila pa niya ako.
Nang makalayo na kami… “Hoy Eli… sandali nga. Bagalan mo naman!”
“Ikaw nakaka-bwiset ka ha. Sino yung lalaking yun? Yun ba yung nakilala mo nung nag-enroll ka?”
Ang tagal kong hindi nakasagot, pero tumango na lang ako. “Nagseselos ka ba?”
Ang tagal niya ring hindi sumagot… at nung makapasok na kami sa tindahan, saka na siya nakipagholding-hands saakin. “Kung oo, papayag kang umalis na tayo ngayon?”
(● ❤‿❤ ●)
End of Chapter 34
Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15
Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21
Chapter 22 | Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27
Chapter 28 | Chapter 29 | Chapter 30 | Chapter 31 | Chapter 32 | Chapter 33
Chapter 34 | Chapter 35 | Chapter 36 | Chapter 37 | Chapter 38 | Chapter 39
Chapter 40 | Chapter 41 | Chapter 42 | Chapter 43 | Chapter 44 | Chapter 45.1
Chapter 45.2 | Chapter 46 | Chapter 47 | Chapter 48 | Chapter 49 | Chapter 50
EPILOGUE | EPILOGUE 2 | Secret Letter by Eli | Samira's Dream | Sunmi's Past
Planning a Confession | Identity Crisis | Babyloves? | Four Nights of... Love?
Chapter 40 | Chapter 41 | Chapter 42 | Chapter 43 | Chapter 44 | Chapter 45.1
Chapter 45.2 | Chapter 46 | Chapter 47 | Chapter 48 | Chapter 49 | Chapter 50
EPILOGUE | EPILOGUE 2 | Secret Letter by Eli | Samira's Dream | Sunmi's Past
Planning a Confession | Identity Crisis | Babyloves? | Four Nights of... Love?
ayiiieeeee....kilig much naman ako dun oh!!!!! ayieeee....
ReplyDeletetype ko yung theme nila ah...
uu nga eh, most favorite theme ko talaga pag winter eh... :D
Delete3rd honor aq dun sa pf, 2nd honor nmn ditey!
ReplyDeletenagsesels n si eli! humda k ngaun kay kian!!! hahahahaha!!!
-anew_beh
iba-ibang honor ka na talaga sis. ahahahaha XD
DeleteYiiie ! ang cute naman kung mag seos tong si eli! hahahaha
ReplyDeletefacebook-girl:)
=)
Deletethere's more selosan coming! ;)
eli! ang puso q sobrng kilig na!!!! >//>
ReplyDeletenext n agd! gus2 q p mgselos si eli!!!!!!!! >....<
ahahahahaha, hayaan mo, your wish is my command! :D
Delete..hihi..love this..I can't stop my self from reading..hihi..:)
ReplyDelete