Thursday, March 29, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 48

CHAPTER 48
(SAMIRA ALMIREZ POV)




8:02PM

Hindi ko sigurado kung nasaan kami ngayon. Nagising ako pero may nakapiring sa mga mata ko at nakagapos ang buo kong katawan habang nakaupo sa isang upuan. Hindi ko na masyadong maalala ang mga nangyari.





Kanina magkasama lang kaming naglalakad ni Eli tapos ngayon… “Sam… gising ka na ba?”





“Eli!!!” Medyo napawi ng konti ang takot na nararamdaman ko nang marinig ko na ang boses niya. “Eli… nasaan na tayo? Eli natatakot ako.”





“Sam, makinig ka. Makakaalis tayo dito, okay? Magtiwala ka lang saakin. Tatakas tayo.”





Naniniwala naman ako sa sinabi ni Eli. “Nasaan ka? Nakatali ka rin ba ha?”





Matagal siyang sumagot. “O… oo eh… pero gagawa ako ng paraan. Wag kang matakot ha?” Ayokong mawalan ng pag-asa lalo pa at si Eli naman ang kasama ko.





Pero ang nakakapagpakaba lang saakin ay ang boses ni Eli na parang naghahabol siya ng hininga. “Eli, may problema ba? Bakit ganyan ang boses mo? May ginawa ba sila sayo?”





Matagal ulit siyang sumagot kaya hindi na maganda ang kutob ko. “Okay lang… okay lang ako Sam…” At umubo siya na parang may iniindang sakit.





Maya-maya, nakarinig ako na may bumukas sa pinto. Alam ko na maraming tao ang pumasok dahil naririnig ko ang mga boses at yabag ng paa nila.





“Gising na rin yung babae, Boss!!!” Parang sandaling hindi ako nakahinga nung marinig ko yun.





“Eli!!!” Nung sumigaw ako, pakiramdam ko lahat na ng atensyon nila ay nasa akin. “Sino ba kayo? Bakit niyo 'to ginagawa?”





“Aba… gising na pala ang prinsesa.”





“Wag niyo siyang sasaktan.”





“Bakit Eleazer?” Naramdaman kong may isang taong papalapit saakin ngayon. Pamilyar nga rin ang boses niya. Siya siguro ang leader ng grupong kumidnap saamin ngayon. “May magagawa ka ba kung sasaktan namin siya ngayon.”





“Subukan mo, papatayin kita tandaan mo yan.”





Natawa lang yung lalaki sa threat ni Eli. Tapos, naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko pero tinanggal lang niya ang piring sa mga mata ko.





Nanlalabo pa nung una ang mga mata ko, pero nung luminaw na ang lahat, tumulo na lang bigla ang luha ko. Nakita ko na si Eli, sugatan siya ngayon. Ibig sabihin kanina nung wala pa akong malay, binugbog na nila siya.





“Wag ka munang umiyak. Hindi ka pa nga namin sinasaktan eh.”





Nangingitngit akong marinig ang boses niya. Dahan-dahan akong tumingala para tignan yung mukha ng taong isusumpa ko… “Ikaw?” 






.




.




.




.




.




.




.




.




.




.





6 hours ago…




(╯ಊ╰)






2:02 PM

This is the last day for this sem sa Edinham. Bukas bakasyon na! At sa next pasukan, 2nd year college na ako! Walang masyadong ginawa ngayon kaya sana pala hindi na lang ako pumasok.





Pero hindi pumayag si Eli na maiwan naman akong mag-isa. Actually, wala na rin sana silang klase eh. Nagpa-practice na lang sila for graduation kaya itong si Eli, pumapasok pa rin sa South Grisham.





“War pa rin kayo ni Kian?”





“War ka jan. Hindi lang kami nag-uusap war na agad.”





“Eh bakit ba kasi hindi kayo magbati?”





“Hindi nga kami magka-away. Hindi lang kami nag-uusap dahil nga sa magulong sitwasyon.”





“Pinipilit pa rin ba niya yung sarili niya sayo kahit alam na niyang boyfriend mo si Eli?” Hindi ako nakasagot nun. “Tsk! Ang ganda talaga ng bestfriend ko! Ang haba ng hair! Naks!”





“Talagang maganda ako noh!” Idaan na lang nga natin sa joke ang lahat.





“Oy! Congrats!” Bati naman saamin ng isa naming classmate. Actually, hindi namin siya ka-close kaya nagulat na lang kami ni Byron nung lumapit siya saamin. Next pasukan, 2nd year na tayo noh.”





“Oo nga eh.” Teka, ano nga bang pangalan nito? Hindi ko talaga siya close!





“Si Kian nga pala, bakit hindi ko na siya nakikitang kasama niyong nakatambay?”





“Ha? Eh… diba kayong dalawa na madalas magkasama?” Ay oo nga! Simula pala nung hindi na kami madalas na nag-uusap ni Kian, nakikipagbarkada na siya sa iba naming classmates. Isa na nga sa mga nakakasama nitong si Kian eh itong si classmate.





“Hindi naman madalas.” Tapos tumabi siya saamin… saakin lang pala kasi nasa kaliwa ko si Byron at nandito siya sa kanan ko naupo. “Sayang end of this term na! Hindi tayo masyadong naging close, Samira noh.” Kilala niya ako! Syempre classmate nga! “Bagay sana tayo eh. Gwapo ako maganda ka! Sayang!”





“Ah… sadyang shy type lang kasi ‘tong friend ko. At hindi napatol sa mga gwapo lang. Dapat UBOD ng gwapo!” Thanks for that answer beb!





Natawa na lang siya at umakbay pa saakin. Syempre, hindi ko nga siya ka-close diba kaya pasimple ko ring inalis ang kamay niya sa balikat ko. Nahahanginan ako sa kanya pati sa ngiti niya! Hindi naman gwapo!





“Sana next time maka-bonding din kita. Next year, dito ka pa rin diba?”





“Hindi baka lumipat na ako ng school…”





“Weh? Hindi nga? Saan at nang masundan kita.”





“Joke lang, hindi ako lilipat.” Sana siya ang lumipat!





Then I faked a smile. Ang hangin effect kasi talaga, ang sarap ipatiris kay Eli ang mukha niya. Umalis naman siya agad kaya natahimik na ang kaluluwa ko.





“Grabe! No wonder hindi natin siya naging ka-close! Ang hangin!”





“Feeling ko crush ka nung si Cyler eh.” Cyler pala pangalan niya!





“Ayan ka na naman sa mga feeling mo na may crush saakin si chuchu ganito at ganyan ha!”





“Oh bakit? Tama naman ako nung kay Eli diba? Tas isunod mo pa yung kay Kian!”





“Oo na!!! May point ka nga. Pero talaga bang nakabarkada nga ni Kian yung ganun klaseng tao? I mean sa ugali nung si Kian na tahimik, mabait at down-to-earth, magiging ka-close ang isang complete opposite na lalaking Cyler na yun.”





“Eh ang alam ko, si Cyler kasi yung taong hinahanap noon ni Kian. Yung taong nagligtas daw sa kapatid niya.” Biruin mo may naliligtas pa pala si Cyler sa itchura niyang yun!






*     *     *

(WAINE MENDEZ POV)






3:24 PM

Nag-skip kami ng graduation practice dahil may mas mahalaga kaming misyon ngayon. Yun yung tungkol sa text na nareceive namin kay Idol nung nakaraang araw pa.



Inimbestigahan namin kung sino yung Kyle na taga-North Allester at ngayon, nakita na namin kung sino yung batang yun.





“Siya na yung Kyle na tinutukoy ni Idol.”





“Lalapitan ba natin Waine?”





“Hindi. Kung tatanungin kasi natin yan, hindi rin niya sasabihin kung sino yung kuya niya gaya ng ginawa niya kay Idol.”





“Kung ganun, susundan natin siya.”





“Oo. Aalamin natin kung sino talaga ang batang yan. At kung anong dahilan ng kuya niya kung bakit sa university rin na pinapasukan ni Sam siya nag-aaral.”





Patago na naming sinundan nina Argel at ilan pa naming mga ka-SGG yung batang si Kyle. Hindi siya dumirecho pauwi, at tama nga si Idol. Lagi itong nag-aabang sa kuya niya dun sa harap ng gate ng Edinham.





Hindi rin naman nagtagal at nag-uwian na yung ibang estudyante. At kasabay nun, may isang lalaki na nga ang lumapit kay Kyle. Nakatalikod pa ito kaya hindi pa namin mamukhaan.





Kahit malayo, kitang-kita namin ang batian nila. Umakbay pa yung lalaki kay Kyle. Ang labis naming ikinagulat nun ay nung malaman na namin kung sino ang lalaking yun. Nung lumingon na siya, nagkatinginan na lang din kami ni Argel.





“Fvck!!! Waine siya yung kapatid nung bata?”





Kitang-kita namin si Kian na kinausap yung bata.





“Kailangan malaman ito agad ni Idol. Na si Kian ang kapatid ni Kyle.”





Unti-unti nang lumilinaw ang lahat. Noong aksidente noon sa motor kasama si Sam, kaya hindi kasamang napuruhan nun si Kian ay dahil pinlano nila ang lahat ng yun.





Panigurado ngayon, mas malilintikan na ang Kian na yun. Agad na naming sinabihan si Idol para malaman niya ang tungkol dito, at para malaman na namin ang susunod niyang plano.






٩(๏̯͡๏)۶

(ELEAZER PASCUAL POV)






4:36 PM

Nagsalitan ang mga kaibigan ko at ibang members ng SGG tungkol dun sa batang pinaiimbestigahan ko sa kanila. Malaking gulo na ‘tong ginagawa ng mga taga-North. Makita ko lang ulit ang leader nila, patutumbahin ko na talaga siya ng tuluyan!





Akala ba niya porket gagraduate na ako dito sa South Grisham wala na akong hawak sa gang namin? Bobo ba siya? Kadikit ko na ang gang na ‘to! Bukod sa ako ang anak ng may-ari ng school namin, hindi ko iiwan ang mga kasamahan ko.





Hindi naman ako lilipat sa malayong university kaya mamomonitor ko pa rin ang SGG. At isa pa, hindi bababa ang isang Idol na tulad ko sa trono ko bilang leader ng pinakamalaking gang dito sa district. Kami yata ang pinakamatinong namuno dito noh!





Maya-maya bigla na lang akong naka-receive ng text mula kina Waine at Argel. Nang mabasa ko yun, nabwiset ako lalo!





“Lintek na Kian yun! Sabi ko na nga ba!”





Tamang-tama rin, natapos na yung practice namin. Agad akong tumakbo papuntang Edinham. Hindi naman kasi yun ganun kalayo dito sa South Grisham.





“Idol!”





“Sina Waine at Argel?”





“Sinundan sina Kyle at yung Kian tulad nga nung utos mo.” Putchaks! Hindi ko pa naabutan yung Kian na yun! May araw din saakin ang lokong yun!





“Oh sige. Salamat sa pagbabantay nyo dito ha.” Pinabantay ko rin sila dito dahil baka sakaling lumabas si Sam ng Edinham nang wala pa ako, tapos salisihan siya ng mga pangit na taga-North na yun.





“May iba ka pa bang utos Idol?”





“Wala na. Maghanda na lang kayo ng iba pa nating mga kasama. Sinabihan ko na yung iba dun sa school.”





“Sige, Idol! Ingat ka!”





“Sige! Kayo din!”





Pag-alis nila, natambay na ako dun sa gate ng school ni Sam. Pinapakiramdaman ko lang yung paligid, baka kasi may mga taga-North na pasimpleng nagmamanman ngayon. Mabuti nang handa kung sakaling umatake sila.





Tinawagan ko na si Sam, late na siya! Nasaan na ba yung babaeng yun. “Hoy! Nasaan ka na?”





“Ito tumatakbo na!” At ilang sandali lang naman, dumating na siya. “Nakipag-chikahan pa kasi ang prof ko eh.”





“Eh si Byron, hindi mo na kasama?”





“Nauna na siyang umalis. Hindi naman ako nakauwi kasi hinihintay ko tawag mo. Tara na? Uwi na tayo.”





“Tara.” Inabot ko ang kamay niya para holding hands kami.





Nakangiti lang siya parang in good mood. Last day na kasi nila ngayon, bakasyon na! Samantalang kami, isang linggo pang magpa-practice para sa graduation.





Naglalakad na kami pauwi at daldal lang siya ng daldal. “Paano bukas wala na akong pasok?”





“Eh di dun ka sa school namin.”





“Hindi ba nakakahiya yun?”





“Bakit ka mahihiya?”





“Well kung sa bagay! Makikita ko ulit yung mga ka-SGG mo nun!”





“Subukan mo lang makipaglandian, bibigwasan kita.”





“Bakit anong tingin mo saakin, malande?”





“Hindi, slow ka.”





“Slow ka jan! Hmp!” Bigla siyang bumitaw sa pagkakahawak ng kamay namin.
Inabot ko naman ulit yun pero inwias na niya yung kamay niya.






“Ay ang arte ayaw makipagholding-hands.”





“Sabihin mo muna saakin kung ano yung totoong gulo kaya ka bantay-sarado saakin.”





“Walang gulo.” Inabot ko ulit yung kamay niya, pero ang galing umiwas!





“Anong bang meron kasi? Tungkol ba sa mga gang yun ha? May kinalaman ba yun sa pagkasira ni Rinoa dati?”





“Wala nga lang yun!” Tumigil na ako sa pag-abot sa kamay niya. Kung ayaw niya ng holding-hands e’di wag!





Kaso sa paglalakad namin, nakaramdam ako na parang may sumusunod na saamin.





Hindi rin nagtagal, tumama nga ang kutob ko dahil biglang may nasulpot na tao sa harap namin. Sakto pa na may kulay black na van na nakaparada sa pwestong kinatatayuan namin ngayon.





This time napakapit na ulit saakin si Sam. “Teka… anong nangyayari?”





Sinubukan ko silang bilangin, may lima sa harap, doble ang dami sa likod, at sa tingin ko, yung ibang tao pa sa loob ng van, kasabwat rin nila.





“Ispeed-dial mo si Argel.” Mahinang bulong ko kay Sam. Agad naman niyang sinunod pero hindi niya pinahalatang ginawa niya yun.





“Hoy! Anong binubulong-bulong mo jan ha!”





“Sino kayo? Anong kailangan niyo?” Pinalilibutan na nila kami. Sobrang dami nila, at kasama ko pa si Sam ngayon. Lintek na yan! Dehado pa ngayon!





“Idol! Namiss ka kasi namin! Ang mabuti pa sumama kayo nang wala ng gulo..”





“Sasama ako, pauwiin niyo lang ‘tong kasama ko.”





“Eli!” Mas mapapadali para saakin na talunin kahit bente pa sila kung wala si Sam na kailangan ko pang ipagtanggol.





“Hindi pwede. Bilin saamin, kayong dalawa!” Lumapit siya kay Sam at humawak ito sa braso niya.





“Ano ba bitawan mo ako!” Tinulak siya ni Sam at nung time na akala kong gaganti yung loko sakanya saka na ako gumawa ng paraan.





Nagkagulo na lang bigla at dinumog nila kami pero nagawa kong patakbuhin si Sam palayo. “Takbo!!!” Sigaw ko habang nakakaiwas pa ako sa mga atake ng mga kulugong lumalaban saakin.





“Eli!!!”





“Takbo na sabi!!!” Bakit ba ang tigas ng ulo niya! Hindi ako makapag-concentrate sa mga ‘to dahil iniisip ko pa rin yung kalagayan niya! “TAKBO NA DALI!!!” Saka palang siyang tumakbo paalis. Yun ang huli kong sigaw.





Huli na dahil may dalawang tukmol ang humawak sa likod ko at may tinakip silang panyo sa bibig at ilong ko.





Bigla na lang akong nahilo, pakershet! Pero bago pa tuluyang nagdilim ang paningin ko, may nakita pa akong imahe na parang hinabol pa ng mga gagung yun si Sam at nahuli rin nila.





Tangna lang. Paggising ko, babaliaan ko ng buto kung sino man ang gagalaw sa girlfriend ko!






(╭╮)






7:13 PM

Nagising na lang ako na nakagapos ang buo kong katawan ko sa isang upuan. May nakatakip sa mga mata ko at pinilit kong kumawala pero mahgpit ang pagkakagapos saakin. “Sam? Sam!” Siya agad ang naisip ko. Nasaan siya? Anong ginawa nila sa kanya?





“Boss, gising na yung Idol.” Narinig kong nagsipasukan na ang grupo nila. Tinanggal nila ang pagkakapiring nila saakin at lumingon-lingon ako agad kung nasaan si Sam.





“Siya ba hinahanap mo?” Lumapit ang isa sa kanila kay Sam na ngayon ay wala pa ring malay habang nakagapos din sa isang upuan.





“Bitawan mo siya gagu ka.” Hindi ko malilimutan ang pangit na pagmumukha ng leader ng North! “Kapag ako nakawala dito, sisiguraduhin kong doble na basag sa bungo mo!”





“Kapag ikaw nakawala… eh paano kung hindi?”





Lumapit na siya saakin at sumuntok ng dalawang beses sa mukha ko. Nagdugo agad ang loob ng bibig ko kaya dinuraan ko siya. Hinablot naman niya ang buhok ko para magkatinginan kami ng mata sa mata.





“Ang angas mo pa rin Idol. Parang hindi ka natatakot sa kalagayan mo at ng girlfriend mo ngayon ha.”





“Hindi ako natatakot dahil kayang-kaya kong pabagsakin kayo ulit. Kaso ang duwag mo, kinailangan mo pang idamay ang girlfriend ko para may magamit ka laban saakin.”





Sinikmuraan niya ako pero sinubukan kong tawanan lang yun. Ayokong isiping masakit, ayokong maging mahina sa oras na ‘to. “Mahina ka pa rin, tandaan mo yan. Hindi mo ako kayang talunin kaya mo ginagawa ‘to. Bakit di mo ko pakawalan para malaman natin kung may improvement ka ba.”







Halatang lalo siyang naasar dahil sunud-sunod na niya akong sinuntok. Hindi pa siya nakuntento, gumamit pa siya ng kahoy para atakihin ako sa iba pang parte ng katawan ko. Pero lahat yun ininda ko para lahat ng atensyon nila saakin lang at para hindi nila galawin si Sam.





“Ano… yun lang ba? Yun lang? Weak…”





Nagtinginan na sila sa isa’t isa, at halata ang asar at pagka-bwiset nila sa kayabangan ko.





“Turuan niyo ng leksyon ang isang yan. Babalik ako pag gising na yung babae.” Pag-alis nung leader na tinatawag nilang Boss, kanya-kanya na sila ng atake saakin.





Saktan na nila ako hanggang sa gusto nila. Titiisin ko lahat yun basta walang mangyaring masama kay Sam. Basta ba hindi siya ang maisipan nilang pagbuntungan.






*     *     *






8:09 PM

Lagpas 30 minutes yata nila akong pinangigilan. Nahihilo na ako sa tindi ng sakit sa buo kong katawan. Duguan na ako mula sa iba’t ibang sugat na nakuha ko. Sana naman hindi masira kagwapuhan ko nito, baka hindi na ako magustuhan ni Sam.





Nung marinig kong parang nagigising na si Sam, pinilit kong ayusin ang boses ko. “Sam… gising ka na ba?”





“Eli!!!” Ayoko ring mawalan ng malay ngayon dahil gusto ko siyang bantayan. Pinakalma ko siya by telling her everything will be alright.





Kaso pumasok na ulit yung epal na mga pangit na nilalang sa mundo. “Aba… gising na pala ang prinsesa.”





“Wag niyo siyang sasaktan.” Kanina ko pa rin pilit na kinakalagan ang sarili ko.





“Bakit Eleazer? May magagawa ka ba kung sasaktan namin siya ngayon?”





“Subukan mo, papatayin kita tandaan mo yan.” Pinagtawanan lang niya ako, sarap bangasan! Kaso ang nakakamura sa ginawa niya eh yung pagtanggal niya sa piring ni Sam at makita ako ng babaeng mahal ko sa ganitong sitwasyon! Amp! Padadala ko talaga sa impyerno ‘tong mga ‘to!





“Oh wag ka munang umiyak. Hindi ka pa nga namin sinasaktan eh.” Subukan lang nila. Parang nag-uumapaw na ang galit ko nung oras na yun. Buti  na lang, nararamdaman ko nang lumuluwag na ang tali sa mga kamay ko. Konti pa. Konti pa!





12 comments:

  1. oh no,,, idol :(( i hate you cyler, feeling ko talaga yung cyler yon eh, tapos si kian member lang.. ^^ kian please ligtas mo naman sila.. ang tagal naman nila waine at argel. anu ba!!!! eli tiis lang, malakas ka diba? sam kasi di pa tumakbo agad!!! idol kaya mo yan!! kaya mo yan! :((

    ReplyDelete
  2. FIRST ULIT....comment ulit ako later parang nakakakaba ang eksena dito ah...

    ReplyDelete
  3. baka hindi pala ako ang first..hehehehe

    ReplyDelete
  4. sis..ano na yung sa GK? wala na bang future yun? hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi pa kasi ako nakakaisip ng twist dun eh... iniisip ko kung tatalunin na ba natin si ava o hindi... hindi ko pa alam kung pano sundan... T^T

      Delete
    2. waaahhhh...kaya mo yan sis...moment mo yan...AJA!

      Delete
    3. ayan minadali ko na ngang isulat kagabi. alas-kwatro na ako nakatulog. lels. mamaya ko na ipost ang update! :D

      Delete
  5. owmaygawd!!!!!!!!!!!!! nakkaawa nmn c idol eli di2!!!!!!!!! bkit gnun!!!!
    at sbi n eh c kian at kyle ang mgkptid! peo sna iligtas nla sina sam at eli!

    ReplyDelete
  6. anong ginwa mo kei eli ate aegyo! bkit mu xah pinabugbog! ang eli ko!!! huhuhuhuhuhhhuuu!
    nguguluhn n tlga aq! cno b tlga ang tunay n klban? c kian ba? xah ung kptid ni kyle eh. eh cno ung pangit n leader. nde kaya ung cyler un? ayyyyyyyy!!!!! anu b yan!

    ReplyDelete
  7. aww. sabi ko na may ganitong scene.
    bakit naman nabugbog pa si eli.
    sino ba yung mga taga-north na yun.
    sana dumating na sina argel at waine.
    at sana may kasama silang pulis para talagang matapos na ang gulo.
    makulong sana sila.
    si kyle and kian related nga.
    ibig sabihin, member si kian ng north!
    sana hindi siya kasabwat.
    sana siya rin ang gumawa ng paraan para maligtas sina sam.
    wah! next chapter na agad.

    ReplyDelete
  8. dali na xe!! bat ang tagal ng update T______________T!!! papatayin kita kian!!!!!! peste ka!!!

    ReplyDelete
  9. when this ends, saka ko babasahin. mukhang maganda itong imarathon
    ang daming views and comments. sana matapos na para masimulan ko nang basahin. mahirap mabitin.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^