Saturday, November 5, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 4

CHAPTER 4
(SAMIRA ALMIREZ POV)




Hindi ko naman sukat akalain na magiging parusa ang pagpayag ko bilang cook para sa pamangkin ko.





"Auntie Sam, gising na~" At nung unang beses na tinatawag niya akong 'Auntie Sam,' ang saya-saya ng feeling! But after a week na ginigising niya ako ng alas-sais para ipagluto siya, kalbaryo na! "Auntie Sam!!! Gutom na ako!!!"






"Sabado naman ngayon! Walang pasok! Mag-instant noodles ka kung nagugutom ka!"





He lifted me up kaya napadilat ako. Lagpas isang linggo na rin akong nakatira sa bahay niya, at ganito na kami ka-close. Close as in winawalang-hiya na niya ako.





"Ano ba! Aray! Yung mga sugat ko!" Kinaladkad niya ako pababa hanggang sa makarating kami sa kitchen.




"Anong kaartehan yan! Wag ka ngang mag-pretend na nasasaktan! Hindi ko tinamaan ang mga sugat mo." All right, panalo siya! Palusot ko lang yun. "Mag-luto ka na!"





Naupo siya sa lamesa para siguraduhing magluluto na nga ako. "Blueberry-CHEESE pancakes! Gusto ko ulit nun." I just sighed. Nung nalutuan ko kasi siya ng recipe ko na yun, naging favorite na niya. Or maybe because of the cheese.





After a couple of minutes, "Oh yan." I served him what he wanted. 





Hindi na niya ako pinansin at kumain na siya agad. "Orange juice..." Sabay kindat saakin.





"Kumuha ka!" Feeling niya ang cute niya... errr... medyo.





"Please... Auntie Sam?" Mokong na 'to! Ang galing maglambing kapag may kailangan! Sige na ang cute na niya!





"Oh yan! Juice mo!" Pasalamat siya, effective ang smile niya. At gumagana ang pagka-auntie ko.





Dahil sa nawala na ang antok ko, nag-breakfast na lang din ako kasabay niya. Kinuha ko yung Swiss cheese at ipinalaman ko sa tinapay. Tapos nilabas ko yung chocolate syrup at dinagdag ko sa sandwich ko.





"Kadiri ka, alam mo yun? May cheese na tapos nilagyan mo pa ng chocolate. Ano kayang lasa nun!"





"Ay hindi mo pa sinusubukan ang cheese at chocolate? Try mo! Masarap!" Masarap naman talaga! Kaso parang nandidiri pa rin siya. Ang arte! Kaya ang ginawa ko, isinalpak ko sa bibig niya yung sandwich. "Subukan mong iluwa yan, hindi ako magluluto ng lunch."





"Amp...putek...ka..." Nagsasalita siya habang pinipilit niyang nguyain yung pinakain ko sa kanya. Tapos napapikit siya para tuluyang lunukin yung pagkain.





"Oh diba, masarap!!!"





Parang mali yata na ginawa ko yun dahil sa sama ng itsura niya. "I hate chocolate!!!" Sinigawan niya ako at bilang ganti, binuhusan niya ng juice ang baso ko na may laman na kape. "Now try that! Kapag hindi mo inubos yan, patutulugin kita sa labas mamaya!"





"Grabe ka talaga!!!" But since it's my fault, ininom ko yung kapeng may halong orange juice. "Hmmmmmm... ang sarap! Try mo din Eli!" Sinabi ko lang yun para hindi halatang masagwa yung lasa at para hindi niya ma-feel na nakaganti siya.





"Huuppp... Huuuuppppp... Hoourph..." Ang nakakatawang tunog na ginawa ni Eli sabay takip sa bibig niya. Parang medyo nasusuka siya dahil nagawa kong ubusin yung orange-coffee-juice. "Ang baboy mo!" Tapos umalis na siya. Ahahahaha! I won! 1 point para sa akin!





After kong hugasan ang kinainan namin, pumunta na rin ako sa living room para panoorin yung pinapanood niya. "Ang aga pa... *yawn* Ano naman yang palabas na yan?" Magse-seven pa lang kasi.





Hindi niya sinagot yung tanong ko. Nanonood siya ng isang Korean variety show at siya lang ang tumatawa. "Naiintindihan mo kahit walang English subs?" Okay, so sino ang kausap ko? Sarili ko? Hindi pa rin niya ako pinansin eh.





Anyway, bakit ko ba tinatanong eh may lahing Korean nga siya. Syempre naiintindihan nga niya. Nanahimik na lang ako at hindi ko namalayang nakatulog pala ako ulit.







٩(●_•)۶




Unti-unti akong nagising. Nag-unat ako dahil nakatulog pala ako sa sofa. Pero hindi pa ako dumidilat, napangiti ako nang maramdaman kong may kumot na nakapatong saakin. Kinumutan ba talaga ako ni Eli... aww... ang sweet!





Pero pagdilat ko, may nakadikit namang sticky note sa noo ko. Binasa ko at ang sabi:


"Natulog ako ulit. Kinumutan kita kanina ha! 
Pagising ko nang eleven mamaya, dapat may lunch na.
Seafood ang gusto ko!"



Potek yan! Mata-touch na sana ako dahil kinumutan niya ako, tapos biglang ganito! Naku po! Ang lalaking yun! Nakakaubos ng pasensya!





Pagtingin ko sa orasan, magna-nine pa lang. Naligo muna ako at nag-ayos, at pagkatapos, dumirecho na ako sa kitchen para magluto na ng lunch. Ano kaya kung lagyan ko talaga 'to ng lason, trip lang para sa mabuti kong pamangkin. Hmppp!





(WAINE MENDEZ POV)





"Ano kayang reaction ni Idol?" Excited na masyado si Argel.





"Siguro natutulog na ulit yun. Gigising lang yun ng maaga para manood tapos matutulog ulit eh." Nasa harap na kami ng bahay ngayon ni Eli. "Hello Rinoa!" Kinawayan ko yung security camera ng bahay.





"Welcome Waine and Argel. Please come in." Tapos biglang bumukas yung gate ng bahay. Hanggang ngayon talaga naaastigan ako sa security system ng bahay ni Idol eh. Lalo na sa face-recognition-woot!





"Thanks Rinoa!" Ang sabi ni Argel. Tapos pumasok na kami sa loob ng bahay nila.





Pero parang may something suspicious na gumagalaw sa loob ng bahay ni Eli. May babaeng sumilip tapos biglang mawawala tapos sumisilip ulit. Ano yun? Multo? Hindi ko na lang pinansin, baka imagination ko lang.





Tapos binuksan ni Argel yung pinto. Pero napatigil kaming dalawa nang may babaeng nakatayo na may hawak na kitchen knife ang sumalubong saamin. "Sino kayo?" May bahid ng dugo ang suot niyang apron at hawak niyang kutsilyo. Para siyang nanginginig nung sinabi niya yun.





"Teka pare, tama ba 'tong pinasukan natin?"





"Ha? Oo?" Bahay nga ito ni Idol. Pero... "Sino ka?" Tanong ko dun sa babae.



"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Napapikit siya at itinutok saamin yung kutsilyo.





"Uy!" Buti na lang at sanay kami sa away kaya nakuha agad ni Argel yung kutsilyo. Langya! Balak ba kaming patayin ng babaeng 'to! At teka! Nasaan ba si Idol?





"Ahhhhhh!!! Magnanakaw!" Nagsisisigaw yung babae at isang hindi inaasahang bagay ang ginawa niya. "Yaaaahhhhhhh!" Sinipa niya lang naman ang private part ni Argel at napaluhod ang kaibigan ko sa sakit. Aray ko! Basag yun!





"Teka! Sino ka....ba...?" Huli na ang lahat nang sipain din ako ng babaeng yun sa reproductive system ko. "Arggghhhhhhhhhh..." Ni-disabled niya rin ako!





Tatakbo sana siya pero hinawakan ni Argel ang paa nung babae. "Ikaw!!!"





"Bitawan mo ako! Ahhhhhhhhhhhhhh!!!" Tumayo ako agad at kinalimutan ko sandali yung sakit para hawakan ng mahigpit yung babae. Nagpupumiglas siya at walang tigil sa pagsigaw kaya pinagtulungan namin ni Argel na ihiga siya sa sofa at tinakpan ang bibig niya.





"Ang sakit nun ha!!!" Sinabi ni Argel habang tinatakpan ang bibig nung babae, habang ako naman ang pumipigil sa katawan niya. Hindi ko siya papayagang makatayo ulit! "Wag ka nang pumalag!"





Medyo masagwa yung itsura naming tatlo. Para kasing may balak kaming masama ni Argel sa babaeng ito sa pwesto namin. Parang alam niyo na, parang gang-rape kuno? Pero wala sa intensyon namin yun ha! "Nasaan si Idol! Anong ginawa mo sa kanya!"





"Hooooyyyyyyyyyyyy!!!"





Napalingon kami sa boses na narinig namin. "Idol!!!"





"Anong ginagawa niyo sa kanya?" Tumakbo papalapit saamin si Idol at tinulak kaming dalawa ni Argel. "Mga hinayupak kayo! Bitawan niyo nga siya!!!" Saka niya tinulungang tumayo yung babae at nagpunta naman ito sa likod niya.





"Ha?" Bakit? Sino ba ang babaeng iyon?







(ಠ_ಠ)



(ELEAZER PASCUAL POV)





Mga kumag na 'to! Akala ko gumagawa na ng krimen sa bahay ko! Ikaw ba naman maabutan mo ang dalawang lalaking pinagtutulungan ang isang babae na ihiga sa sofa, ano bang iisipin mo. Akala ko hina-harass na nila si Sam.





"Auntie ka niya?" Tanong ni Argel na parang hindi pa rin naniniwala, kahit ilang beses nang ipinaliwanag ni Sam.





"Oo nga. Kapatid ko yung bagong asawa ng mommy niya."  Pero halatang nagkakahiyaan silang tatlo. Ang manyak naman kasi ng dating nina Argel at Waine kanina!





"Are you sure hindi kayo magkalive-in?"





"Hindi noh!" Sabay namin sinagot ni Sam. Natahimik na kaming apat, tapos tinignan ko sina Waine at Argel. Parang namumula yung dalawa!





"Ummm. Sorry Sam."





"Sorry ha..." Sabi ni Argel. "Pero ikaw naman kasi, bakit kailangan mo pa kaming sipain sa ano... sa ano namin."





"Sa ano niyo?" Tinanong ko.





Tapos napatakip ng mukha si Sam. Mas namula siya. "Sorry din... dahil sa trauma yun."





Pagkasabi niya nun, parang na-gets ko na kung ano yung nangyari. "Teka... sinipa mo sila, Sam? Sa ano... doon?"





Tumango sila pareho at hagalpak ako kakatawa. "Astig!!! Sinipa niya rin ako dun eh... Nabasag niya rin yung sa inyo?" Natigil lang ako nang mapagisip-isip kong nakakahiya din pala yung nangyari saakin noon.





"Nasipa ka rin niya Idol?" Sabay nilang natanong na nagtataka.





"Oo... bwiset nga eh... Nakarecover na yung akin. Hobby nga yata ng babaeng ito ang manipa ng pagkalalaki."





"Hindi noh!" Napatayo si Sam sa kinauupuan niya. Tapos bigla kong naalala ang mga sugat niya. Baka nagdugo ulit.





"Ah! Yung mga sugat mo nga pala! Dinaganan ka ng mga manyak, I mean mga mokong na 'to. Hindi ba dumugo ulit?"





"Hindi... hindi naman sumakit." Tapos maya-maya napatingin silang tatlo saakin. Yung weird na tingin na may kasamang weird na ngiti. Nakakakilabot! "Uy! Nagki-care ang pamangkin ko!" Tapos pinagtawanan nila akong tatlo.





Ako nagki-care! Bangasan ko kaya silang tatlo! "Dream on! Tinatanong ko lang kasi kung wala ka namang nararamdaman, eh di magluto ka na ng lunch! Dito kakain ang tropa ko! Dali! Punta ka na sa kusina! Sarapan mo magluto ha!"





Padabog namang sumunod si Sam at bumalik na sa kitchen. Kaya pala duguan siya kanina dahil daw natapon yung hot sauce sa apron niya.





Anyway, naiwan kami ng barkada ko sa living room pero napansin kong sinundan ng tingin nina Waine at Argel si Sam. "Langyang mga pagmumukha yan. Ano na namang iniisip niyo?"





Nilapitan nila ako pareho at inakbayan ako. "Ang ganda niya Idol, sigurado ka bang hindi mo siya girlfriend?"





"Lul! Yun magiging girlfriend ko! Din na uy!" 





"Pero Idol, bata pa naman si Sam. Kung walang boyfriend yun, at kung hindi mo siya type..." Tapos nagtinginan at nag-ngitian sila ni Waine. Parang mga asong ulol!





"Teka nga! Crush niyo ba yun?"





"Ehhhhh... Parang" Nagtawanan silang dalawa. Potakte! Type nga nila si Sam. "Ang ganda kaya niya..."





"Hindi pwede!" Tumayo ako sa harap nila.





"Bakit naman ang protective mo masyado? Single naman kami, single naman siya. May the best man win na lang, diba Argel?"





"Oo pare!" Nag-apir sila at nagtawanan. Ano bang klaseng taste meron ang mga 'to.





"Hindi! Wag ang Auntie Sam ko!" Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at in-admit kong Auntie Sam ko siya. Pero nakaisip ako ng dahilan, "Ibinilin saakin ni mommy yung babaeng yun! At tsaka mga pagmumukha niyo! Wag niyo nang subukan dahil kung hindi, makakatikim kayo ng mga bangas saakin! Gets?"





"Psss... heto naman!"





"Oo na Idol!"





"Mabuti nang clear tayo! Auntie Sam ko yun! Maghanap kayo ng ibang babae!" Ano kung kaibigan ko sila. Kilala ko ang mga ito, mga chickboy. At tsaka like what I said, hindi dahil sa I care for her... ummm... dahil nga sa malalagot ako kay mommy dahil ipinagkatiwala niya saakin si Sam.






 <(' .' )>



End of Chapter 4








1 comment:

  1. wehh??

    ipinagkatiwala? yun lang ba tlaga ang dahilan?

    o may iba pa? :D

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^