Saturday, November 5, 2011

Sister Complex : Chapter 9 Part 3

You Are Lost
(Merrick Evangelista POV)


Pauwi na ako nang may makita akong isang bata sa playground na umiiyak. “Papa…” Smiley Ang lakas ng ulan ngayong araw na ‘to at basang-basa na yung bata. Konsensya ko ‘to kapag hindi ko tinulungan kaya…

Smiley “Are you okay?” Biglang siyang tumigil umiyak. “Are you lost?” Saka siya tumingala. Pagtingin ko sa kanya, nagulat ako.


“Umalis ka nga dito!” Ang sungit naman. Siya na nga yung tinutulungan. Smiley


“Teka, nawawala ka ba? Basang-basa ka na.”


Pagkasabi ko nun, tinignan lang niya ako ng masama. Nakakatakot, sobra. “Anyway, nagmamagandang-loob lang naman ako.” Tapos nilabas ko yung jacket ko sa bag at sinuot ko yun. “Heto, magpayong ka na lang.” At ang bait ko noh! Yung gamit kong payong binigay ko na lang sa kanya.


Tapos dahan-dahan akong lumayo sa kanya, pero binagalan ko lang kasi baka tawagin niya ako ulit. “Hoy!” Sungit talaga ha. Pero at least timawag nga niya ako. “Payong mo! Bakit mo iniiwan dito!” Smiley


Nilingon ko siya. Astig ha! Ang tigas niya. Feeling ba niya masamang tao ako? “Okay!” Smiley




Lumapit ako sa kanya at pinakita ko ang ID ko. “Oh yan! Merrick Evangelista ang pangalan ko. Student din po ako, at lalong hindi ako masamang tao.” Tapos kinuha ko yung payong at iniabot sa kanya. “Kapag hindi ka pa umalis dito, baka abutan ka na talaga ng masasamang tao.”


Tapos medyo nagbago yung reaction ng face niya. Ang cute niya, kaso ang sungit lang talaga eh.


“Alam mo ba… kung saan yung Santa Victoria Street?” Smiley


Smiley “Santa Victoria? Wala namang ganung street dito sa village na ‘to ha.”


“Wala?” Napatayo siya. “Hindi ba Aranilla Village ‘to?”


Bigla akong natawa kaso sumimangot siya kaya pinigil ko na lang. “Arcilla Village ‘to, lumagpas ka na. Pero kung magta-tricycle ka sa may labasan, ihahatid ka nila sa Aranilla.”


“Labasan?” Smiley Don’t tell me, hindi niya rin maalala kung saan yung gate.



“Tuturo ko sa’yo, sundan mo ko.” Kaso kung nakakamatay lang ang tingin ng babaeng ito, kanina pa ako namatay. Tinignan nanaman niya kasi ako ng masama. Smiley “Okay ganito, mauuna akong maglakad. Sundan mo na lang ako. Kapag lumapit ako sa’yo kahit isang talampakan lang, paluin mo ako niyang payong.” Wala lang siyang reaction, so I assume na susundan niya ako. 


Hindi ako masamang tao, okay! Anyway, naglakad na nga ako papuntang labasan at sumunod siya. Pagdating namin sa terminal ng tricycle, saka lang siya napangiti. “Ngingiti-ngiti ka ngayon. Sakay ka na dyan.” Smiley


Bago siya sumakay, nagtanong muna siya sa mga tinder kung safe bang sakyan yung mga tricycle. Um-oo sila, syempre! Feeling nitong babaeng ito siguro, lahat ng tao hindi mapagkakatiwalaan.


“Kuya driver, sa Aranilla Village po.” Tapos sumakay na siya agad ng tricycle nang hindi man lang nagte-thank you.


“Hoy! Merrick!” Teka? Tinawag ba niya ako? Smiley “Heto payong mo oh.” Tapos iniabot niya sa’kin yung payong at nginitian niya ako. “Salamat ha!”


Smiley Napangiti ako. “Cecily…” Sinabi ko ang pangalan niya, at nagulat siya.


“Wah? Paano mo nalaman ang pangalan ko! Stalker ka ba?” Smiley


“Heto nanaman tayo eh, do I really look like a bad guy to you?” Wala siyang nasabi, so hindi niya din talaga ako naaalala.




“Wait! Do you remember this?” Tapos kinuha ko yung water bottle sa bag ko at pinakitaan ko siya ng talent ko. Well, hindi pa rin niya naaalala. “Remember? Gwynne’s birthday party?” Smiley Tapos ngumiti ako sa kanya. Please remember.


“Ahhhhh!!! Bartender!!!” Smiley Nung sinigaw niya yun, sakto namang nagpaandar na ng motor yung tricycle driver at umalis. Pero bago pa man sila nakalayo, sumigaw pa siya. “Thank you Mr. Bartender!!!” At kumakaway siya hanggang sa tuluyan na silang makalayo. Smiley


I smiled and I said to myself, “Till I see you again, Silly.” Smiley



(Asher Carillo POV)


 Pagkauwi ko ng bahay, nagulat si Tito Al nang malamang hindi ko kasama si Silly. “Nagpunta ako kina Gwynne eh. Sabi naman ni Silly, siya na daw mag-isa ang uuwi.”


Smiley Patay! Medyo nagtagal ako sa bahay nila Gwynne, pero expected ko naman na kanina pa nakauwi si Silly. Patay ulit! Ang lakas ng ulan, wala pa siyang payong.


“Nasaan na ba ang batang yun?” Nagpapanic na si Tito Al. Kasalanan ko ‘to eh.


“Aalis po ako Tito. Baka makita ko siya sa daan o baka hindi pa nakakaalis ng school.” Lalabas na sana ako para kunin ulit yung motor ko pero dumating na si Silly nang nakatricycle. Smiley



Pagpasok namin sa loob, napansin kong basang-basa na ng ulan si Silly. “Ano ka bang bata ka? Saan ka ba galing? Basang-basa ka na!” sabi ni Tito.


“Naglalakad ako pauwi nang abutan ako ng ulan.” Hindi siya tumitigin saamin nung ine-explain niya yung nangyari. Pagkatapos nun, pina-akayat na siya agad ng kwarto niya para makapagpatuyo. Agad namang nag-init si Tito Al ng tubig dahil baka daw magkasakit si Silly.


Smiley After 5 minutes, nagpalit na ng damit si Silly at pagbaba niya, nagdinner na kami. Tahimik lang siya hanggang sa matapos kaming kumain at saka siya bumalik ulit sa kwarto niya.




Sumunod naman ako agad sa kanya. Kumatok ako pero hindi siya sumagot so I tried opening the door at dahil hindi naman naka-lock, pumasok ako. Nakita kong nakatalukbong nanaman siya sa kama niya kaya nilapitan ko. Smiley


“Silly…” Hinawi ko yung kumot at hinawakan ang noo niya just to check kung nagbago ba temperature niya. Nakahinga ako ng malalim. “Buti naman wala kang sakit.”


“Ano ba…” Smiley Hinila niya yung kumot para magtalukbong ulit pero hinila ko ‘to pabalik.


“Basa pa yang buhok mo tapos mahihiga ka na diyan!” Pinilit ko siyang umupo at kinuha ko yung suklay niya sa drawer niya at yung towel na nakapatong lang sa upuan. “Tamad ka talagang masuklay.”




Kukunin niya sana yung suklay pero hindi ko binigay sa kanya. “Ako na Silly!” Smiley



At sinuklay ko ang buhok niya at pinunasan ito ng towel. Medyo tahimik kami ngayon kaya hindi ako sanay. “Bakit wala ka nanaman sa mood?” Hindi siya sumagot. Ang ayoko talaga yung hindi ako pinanpansin ng babaeng ito eh. “Sige wag mo akong pansinin Silly, tatabihan kitang matulog ngayon.” Smiley


Tinignan niya ako nang masama. “Pervert!” Smiley


Ouch! Ako pa ang nasabihan ng bastos! Kung sa bagay, hindi naman na talaga kami mga bata. “Joke lang, ito naman…” Tapos huminga ako ng malalim para sabihin sa kanya ang madalas kong mapansin.




“Bakit nitong nakaraan, madalas mainit ulo mo? Madalas hindi mo na ako kinakausap, tapos hindi mo na din ako masyadong pinapansin pag nasa school tayo. Galit ka ba sa’kin Silly?” Smiley


Yumuko siya at pagharap niya ulit, “Sira!” Sabay batok sa ulo ko. “Syempre, binibigyan kita ng time mo.”


“Time for what?” Tinanong ko siya. Hindi ko naman kailangan nun ha. Yung time niya ang hinihingi ko. Smiley



“For Gwynne. May girlfriend ka na Ash, hindi naman habang-buhay kong isingit ang sarili ko sa’yo.” Tapos tinulak niya ako paalis ng higaan ko. “Sige na magpapahinga na ako. Wag ka na munang mangulit ngayon. Smiley





End of Chapter 9 Part 3





2 comments:

  1. Like ko si Merrick!!! Mwhehehehehehe~ ang coolet niya lang!!! at ganun ba talaga kabata ang itsura ni Silly? XD lagi nalang napagkakamalang bata! XD

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^